AMARRA's POVHabang sumusubo ng pagkain ay hindi ko mapigilan ang sarili ko napagmasdan si Kallen. Kagaya pa rin siya ng dati. Hindi pihikan at lahat ng niluluto ko ay kaya niyang sikmurain. Sa totoo lang, hindi ko naman natutunan kung paano ang magluto ng masasarap na pagkain. Though I'm a foodie, mas gusto kong kainin ang niluto ng iba kesa i-improve ang pagluluto ko.Masyado akong abala noon na i-improve ang sarili ko. Noong malaman ko na ampon lang ako, palagi ko ng pinagbubuti ang pag-aaral ko. Hinahati ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay at paggawa ng mga assignments ko. Noong tumatakas kami ni Kallen mula sa kamay ng manyakis na negosyante, mas pinahalagahan ko ang buhay ko. Hindi bale ng hindi ako marunong magluto ng masasarap at iba't-ibang pagkain, ang mahalaga ay humihinga ako. Noong kuhanin na si Kallen ng kanyang lolo, mag-isa na lang akong nakikibaka sa lansangan noon. Dahil talaga namang angat kesa sa iba ang ganda ko, ang daming mga human traffickers ang gustong kumi
AMARRA'S POVPagkatapos kong magligpit at ayusin ang pinagkainan namin ni Kallen ay kaagad kong tinawagan si Mang Rudy. Nakalimutan ko pa lang itanong sa asawa ko kung papayag ba siyang kunin ko si Mang Rudy bilang personal driver. Paglabas ko sa malaking bahay ni Kallen ay nakita ko kaagad ang nakaparadang taxi ng matandang lalaki."Good morning po Ma'aam Amarra," magalang na pagbati ng matanda. Paglabas na paglabas ko sa gate ay lumabas na kaagad sa kanyang sasakyan si Mang Rudy at ipinagbukas ako ng pintuan ng sasakyan."Good morning," nakangiting bati ko naman sa kanya noong nakaupo na ako sa loob."Saan po tayo Ma'am?""Sa Capital's International High School,"Doon ako nag-aral ng High School. Ganoon din ang mga anak ng dati kong mga magulang. Salamat sa matataas kong grades, hindi pumayag ang mga guro ko sa paaralan na i-transfer ako. Madalas akong ilaban noon sa mga competition at palgi akong nag-uuwi ng mga parangal. Kaya kahit na anong gawin na kalokohan noon ni Krystal, wala
AMARRA's POV Bakit ko nga ba nakalimutan? Na ang buong pangalan ng matalik kong kaibigan noon ay Carmelita Blair Escoda. Shes's a sweet and very kind person. Noon pa man ay napakaganda na niya at siya ang palaging nangunguna sa listahan ng campus school belle. At hindi ko naman itinatanggi ang tungkol sa bagay na iyon dahil totoo namang maganda talaga ang kaibigan kong ito. Hindi ko lang talaga maihalintulad ang babaeng nasa harapan ko, sa babaeng nakasama ko ng apat na taon noon. "W-who are you?" tanong niyang hindi maitago ang takot na nararamdam. Napaatras pa siya at hindi ako matitigan ng maayos. Ang kamay ko na nakaangat para sana tulungan siya ay bigla kong binawi. Oo nga pala. Bakit ba palagi kong nakakalimutan na mukha nga pala akong mamaw. Napailing ako at saka naupo na lang sa sementadong upuan. "Sorry kung natakot ka sa akin," hinging paumanhin ko sa mahinang tinig. Tiningnan ko siya at noong siya naman ang tumingin sa akin ay kaaagad akong nag-iwas ng paningin dahil
AMARRA's POVNagyuko ng kanyang ulo si Blair. Hindi ko rin naman siya pinilit na magsalita. Makalipas ang ilang minutong katahimikan, narinig ko siyang huminga ng malalim."Mula noong mawala ka, wala ng ibang kumakausap sa akin. Palagi kong pinupuntahan si Krystal noon para kamustahin ka pero iniirapan niya lang ako. Palagi niyang sinasabi na lumayas ka daw. Nakipagtanan ka daw. Minsan naman sinasabi niya na patay ka na daw. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinampal ko siya ng maraming beses. Muntik na akong ma-expelled. But I asked my parents to interfere. Iyon ang unang pagkakataon na nakiusap ako sa kanila," Huminto sa kanyang pagsasalita si Blair. Dama ko ang sakit at sama ng loob sa tinig niya. "Noong mag-aral ako ng kolehiyo, nakilala ko si Benjie. Nagkapalagayan kami ng loob hanggang sa maging magkasintahan. Education ang kinuha niyang kurso habang Financial Management naman ang kinuha ko. Noong matanggap siya dito, nag-apply naman ako bilang senior high school teacher. Nag
AMARRA's POVMatapos naming mag-usap ni Blair ay naghiwalay din kaming dalawa dala-dala ang pangako na makikipagkita kami sa isa't-isa. Magagaan ang mga hakbang na lumabas ako sa campus. Nakangiting kumaway ako kay Manong Guard na ngumiti din sa akin noong dumaan ako sa harapan niya. Magalang ito na nagpaalam na para bang kagalang-galang talaga ako at hindi nakakahilakbot ang pag-iitsura. Gusto ko na ngang isipin na may third eye si Manong Guard at nakikita niya talaga ang tunay kong kagandahan. Because honestly, hindi ko talaga makita ang takot sa may edad niyang mukha. "Thank you for visiting, Ma'am," nakangiting wika nito bago ako tuluyang lumampas sa harapan niya."This school is so lucky to have a very accommodating and friendly guard like you. I have a good time," nakangiting wika ko rin sa kanya. Ang lawak nang pagkakangiti ni Manong Guard dahil sa sinabi ko. Hindi na ako nagtagal, sa halip ay naglakad na ako papunta sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang taxi ni Manon
AMARRA's POVKalahating oras din ang ibinyahe namin bago kami makarating sa lugar nila Tatay Rudy. Tahimik lang sa naturang lugar kahit na dikit-dikit ang mga bahay. May kanya-kanyang ginagawa ang bawat taong madaanan namin. Noong makarating kami sa tapat ng isang kinakalawang na gate, napapalibutan iyon ng mga tao. Nagsisigawan ang mga tao sa loob."Mga pabigat naman kayo! Wala na nga kayong maitulong, nakikisiksik pa kayo dito sa bahay namin! Kung pinapaupahan namin iyang kwarto na ginagamit niyo, eh di sana may dumarating pang pera sa amin!" Gigil na bulalas ng isang babae na sa palagay ko ay teenager pa lang base na rin sa dating ng boses niya.Napakunot-noo ako.Ganito na ba kabastos ang mga kabataan ngayon?"H-hindi kami pabigat ng asawa ko! Halos lahat ng kinikita niya ay nasa inyo na. Ano pang gusto niyong mangyari para lang masabi niyo na hindi kami pabigat?" Naghihinagpis na tanong ng babaeng may edad na ang tinig. Mukhang pagod na pagod na ito at parang kanina pa umiiyak.
AMARRA's POV"Actually, kagabi lang din ako dumating sa bahay na ito kaya naman hindi ko rin kabisado lahat," wika ko sa mag-asawa noong dalhin ko sila sa loob ng bahay namin ni Kallen. Makapal ang mukha ko para angkinin ang bahay dahil sa kanya na rin naman nanggaling na this is our home. Kung hindi ko ito itututing na bahay gayong mag-asawa na kami, kailan ko pa 'yun gagawin?"Tingnan po natin isa-isa ang kwarto, okay?" Nagkatininginan ang mag-asawa at pagkatapos magkasabay pa silang sumagot ng; "Okay po Ma'am Amarra," "Well, kailangan niyo pong sanayin ang mga sarili niyo na tawagin akong Arra, 'yun kase ang palayaw ko. At mas sanay akong tinatawag sa pangalang Arra ng mga taong kasama ko sa bahay,"Magkasabay ulit na sumagot nang 'oo' ang dalawa.Binuksan namin ang lahat ng kwarto na mayroon sa bahay. We visited the kitchen, the clean and spacious living room, the dining room, the laundry room, the guest rooms, Kallen's home office, the gym, the basement and then the garage.
THIRD PERSON's POVSinundan ni Kallen ng tingin ang asawa niyang hindi na talaga siya kinausap. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging epekto ng sinabi niya. He's just saying it casually. And it hurt her feelings to the point na hindi na lang ito kumibo at hindi rin siya kinausap. Sinundan niya ito sa kwarto pero wala doon si Amarra noong pumasok siya. Nang tingnan niya ang pintuan nang veranda, nakabukas iyon kaya naman humakbang siya papunta doon. May kausap ito sa telepono.Huminto sa paglalakad si Kallen. At sa halip na lumapit sa asawa, tumalikod na lang siya at saka nagtungo sa banyo. Maliligo na muna siya bago humingi ng pasensiya. *****Humarap si Amarra sa kanilang kwarto habang nakasandal ang likuran niya sa pasamano ng veranda. May gusto pa siyang gawin kaya naman hindi muna siya nahiga sa kama. Kaya ang ginawa niya ay tinawagan si Mina at kinausap ito patungkol sa kaibigan nitong handler na si Carmelita. Makalipas ang sampung minuto ay nagpaalam na si Amarra. Kumu