AMARRA's POVMatapos naming mag-usap ni Blair ay naghiwalay din kaming dalawa dala-dala ang pangako na makikipagkita kami sa isa't-isa. Magagaan ang mga hakbang na lumabas ako sa campus. Nakangiting kumaway ako kay Manong Guard na ngumiti din sa akin noong dumaan ako sa harapan niya. Magalang ito na nagpaalam na para bang kagalang-galang talaga ako at hindi nakakahilakbot ang pag-iitsura. Gusto ko na ngang isipin na may third eye si Manong Guard at nakikita niya talaga ang tunay kong kagandahan. Because honestly, hindi ko talaga makita ang takot sa may edad niyang mukha. "Thank you for visiting, Ma'am," nakangiting wika nito bago ako tuluyang lumampas sa harapan niya."This school is so lucky to have a very accommodating and friendly guard like you. I have a good time," nakangiting wika ko rin sa kanya. Ang lawak nang pagkakangiti ni Manong Guard dahil sa sinabi ko. Hindi na ako nagtagal, sa halip ay naglakad na ako papunta sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang taxi ni Manon
AMARRA's POVKalahating oras din ang ibinyahe namin bago kami makarating sa lugar nila Tatay Rudy. Tahimik lang sa naturang lugar kahit na dikit-dikit ang mga bahay. May kanya-kanyang ginagawa ang bawat taong madaanan namin. Noong makarating kami sa tapat ng isang kinakalawang na gate, napapalibutan iyon ng mga tao. Nagsisigawan ang mga tao sa loob."Mga pabigat naman kayo! Wala na nga kayong maitulong, nakikisiksik pa kayo dito sa bahay namin! Kung pinapaupahan namin iyang kwarto na ginagamit niyo, eh di sana may dumarating pang pera sa amin!" Gigil na bulalas ng isang babae na sa palagay ko ay teenager pa lang base na rin sa dating ng boses niya.Napakunot-noo ako.Ganito na ba kabastos ang mga kabataan ngayon?"H-hindi kami pabigat ng asawa ko! Halos lahat ng kinikita niya ay nasa inyo na. Ano pang gusto niyong mangyari para lang masabi niyo na hindi kami pabigat?" Naghihinagpis na tanong ng babaeng may edad na ang tinig. Mukhang pagod na pagod na ito at parang kanina pa umiiyak.
AMARRA's POV"Actually, kagabi lang din ako dumating sa bahay na ito kaya naman hindi ko rin kabisado lahat," wika ko sa mag-asawa noong dalhin ko sila sa loob ng bahay namin ni Kallen. Makapal ang mukha ko para angkinin ang bahay dahil sa kanya na rin naman nanggaling na this is our home. Kung hindi ko ito itututing na bahay gayong mag-asawa na kami, kailan ko pa 'yun gagawin?"Tingnan po natin isa-isa ang kwarto, okay?" Nagkatininginan ang mag-asawa at pagkatapos magkasabay pa silang sumagot ng; "Okay po Ma'am Amarra," "Well, kailangan niyo pong sanayin ang mga sarili niyo na tawagin akong Arra, 'yun kase ang palayaw ko. At mas sanay akong tinatawag sa pangalang Arra ng mga taong kasama ko sa bahay,"Magkasabay ulit na sumagot nang 'oo' ang dalawa.Binuksan namin ang lahat ng kwarto na mayroon sa bahay. We visited the kitchen, the clean and spacious living room, the dining room, the laundry room, the guest rooms, Kallen's home office, the gym, the basement and then the garage.
THIRD PERSON's POVSinundan ni Kallen ng tingin ang asawa niyang hindi na talaga siya kinausap. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging epekto ng sinabi niya. He's just saying it casually. And it hurt her feelings to the point na hindi na lang ito kumibo at hindi rin siya kinausap. Sinundan niya ito sa kwarto pero wala doon si Amarra noong pumasok siya. Nang tingnan niya ang pintuan nang veranda, nakabukas iyon kaya naman humakbang siya papunta doon. May kausap ito sa telepono.Huminto sa paglalakad si Kallen. At sa halip na lumapit sa asawa, tumalikod na lang siya at saka nagtungo sa banyo. Maliligo na muna siya bago humingi ng pasensiya. *****Humarap si Amarra sa kanilang kwarto habang nakasandal ang likuran niya sa pasamano ng veranda. May gusto pa siyang gawin kaya naman hindi muna siya nahiga sa kama. Kaya ang ginawa niya ay tinawagan si Mina at kinausap ito patungkol sa kaibigan nitong handler na si Carmelita. Makalipas ang sampung minuto ay nagpaalam na si Amarra. Kumu
AMARRA's POVMarahan akong nagmulat ng mga mata. Wala pang limang oras ang tulog ko salamat sa 'practice' na ginawa namin ni Kallen kagabi. Although we practiced kissing, wala na kaming ibang ginawa na higit pa doon.Hindi pa ako handa at alam kong ganoon din si Kallen. Napangiti ako ng bahagya. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang hapdi sa mga labi kong nasobrahan yata sa practice. Ang buong akala ko ay wala namang espesyal sa paghalik, na OA lang ang mga napapanuod ko sa mga palabas. But then after what happened last night well...Haist. Huminga ako ng malalim.'Kumalma ka Amarra!'Ako na mismo ang sumita sa sarili ko dahil baka kung saan na naman makarating ang imahinasyon ko. Ang aga-aga kung anu-ano ang pumapasok sa utak. Haist. Hindi ko akalain na magiging ganito ako after marrying Kallen.Hindi ko akalain na may pagkamanyak pala ako? Hindi pa nga tuluyang sumisikat ang araw pero kung anu-ano na kaagad ang
AMARRA's POVNapahinto ako sa paglalakad noong makarating ako sa may garahe. Ang sabi ni Kallen ay pumili ako ng sasakyan.Pero ano itong kulay puting celebrity van na pinupunasan ni Mang Rudy?''Good morning Ma'am Amarra," mabilis akong binati ni Mang Rudy noong makita niya ako. Nangingislap ang kanyang mga mata habang pinupunasan niya ang customized van na ngayon ko lang nakita. Pumasyal na ako dito sa garahe kahapon, pero wala naman akong nakita na celebrity van. "Kailan po ito dumating Mang Rudy?" Tanong ko na hindi mapigil ang pagtataka. Pinasadahan ko ng tingin ang celebrity van na nasa harapan ko. Hindi bababa sa dalawang milyon ang presyo noon. 'Hmmm, I really catched a big fat fish,' hindi ko rin naman akalain na ganito pala ka-generous ang napangasawa ko. "Kaninang madaling araw lang po Ma'am. Nagbilin si Sir Kallen kagabi na customized van daw ang gagamitin natin kapag aalis na kayo. Nagtaka pa nga po ako kase wala naman akong nakita na ganitong van kagabi. Pagpunta ko d
AMARRA's POVMag-aalas otso na nang umaga noong lumabas ako sa ALC. Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko na nakita doon ang dalawang babae na nakita ko kanina. Tinawagan ko sa telepono si Mang Rudy at wala pang limang minuto ay nakaparada na siya sa may tapat ko."Mang Rudy, natatandaan niyo pa ba ang Salon na pinuntahan natin noong unang beses akong sumakay sa inyo?" Mula sa rear view mirror ay tiningnan ako ng may edad na lalaki. "Opo Ma'am. Medyo matagal nga lang po tayong magbibyahe dahil malapit na sa airport 'yun," "Okay lang. Wala naman na akong lakad," Wala akong kilalang make up artist o stylist. Base sa nakita kong ginawa sa akin noon ng baklang si Marimar, may talent siya. Kung willing itong mapasama sa team ko, willing din ako na papag-aralin siya para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman. Noong makalayo na si Mang Rudy sa lugar na pinanggalingan namin ay nagbukas ako ng phone at nagbasa ng mga trending topics sa Pilipinas. Hinanap ko ang pangalan ni Direk Atash
AMARRA's POVNanlaki ang mga mata ko. Habang pinakikinggan ko ang magkakapitbahay na nag-uusap kanina, wala lang iyon sa akin. Feeling ko normal na ang ganoong bagay sa mga ganitong klase ng lugar. Pagti-tsismisan nila ang kung sino man na gusto nilang pagtsismisan. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang nangyayari sa taong 'to."Ano?! Magpapanggap ka na naman na nawalan ka ng malay? Bumangon ka diyan na p***ng ina mo ka! Kailangan ko ng pera ngayon kaya ilabas mo na ang pera mo!" Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang patuloy na sinisipa sa likuran si Marimar.Para bang hindi man lang nito nakikita ang dugo na masaganang umaaagos mula sa ulo ni Marimar. "P*ta 'tong baklang 'to. Wala na ngang trabaho wala pa—,"Bago pa tuluyang sumayad ulit ang paa nito sa likuran ng walang malay na si Marimar ay sinipa ko na kaagad siya sa sikmura. Dahil sa nangyari sa akin noon, marunong akong makipagbugbugan. Itong matangkad pero payat na boyfriend ni Marimar ay walang-wala sa mga