Share

Chapter 20: A Commotion

AMARRA's POV

Kalahating oras din ang ibinyahe namin bago kami makarating sa lugar nila Tatay Rudy. Tahimik lang sa naturang lugar kahit na dikit-dikit ang mga bahay. May kanya-kanyang ginagawa ang bawat taong madaanan namin. Noong makarating kami sa tapat ng isang kinakalawang na gate, napapalibutan iyon ng mga tao.

Nagsisigawan ang mga tao sa loob.

"Mga pabigat naman kayo! Wala na nga kayong maitulong, nakikisiksik pa kayo dito sa bahay namin! Kung pinapaupahan namin iyang kwarto na ginagamit niyo, eh di sana may dumarating pang pera sa amin!" Gigil na bulalas ng isang babae na sa palagay ko ay teenager pa lang base na rin sa dating ng boses niya.

Napakunot-noo ako.

Ganito na ba kabastos ang mga kabataan ngayon?

"H-hindi kami pabigat ng asawa ko! Halos lahat ng kinikita niya ay nasa inyo na. Ano pang gusto niyong mangyari para lang masabi niyo na hindi kami pabigat?" Naghihinagpis na tanong ng babaeng may edad na ang tinig. Mukhang pagod na pagod na ito at parang kanina pa umiiyak.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Jerelyn Dumalig Gandeza
ang pangit Ng kwento walang ending.
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
thal nmn Ganda sana
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
tgal nman Po u
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status