AMARRA'S POVPagkatapos kong magligpit at ayusin ang pinagkainan namin ni Kallen ay kaagad kong tinawagan si Mang Rudy. Nakalimutan ko pa lang itanong sa asawa ko kung papayag ba siyang kunin ko si Mang Rudy bilang personal driver. Paglabas ko sa malaking bahay ni Kallen ay nakita ko kaagad ang nakaparadang taxi ng matandang lalaki."Good morning po Ma'aam Amarra," magalang na pagbati ng matanda. Paglabas na paglabas ko sa gate ay lumabas na kaagad sa kanyang sasakyan si Mang Rudy at ipinagbukas ako ng pintuan ng sasakyan."Good morning," nakangiting bati ko naman sa kanya noong nakaupo na ako sa loob."Saan po tayo Ma'am?""Sa Capital's International High School,"Doon ako nag-aral ng High School. Ganoon din ang mga anak ng dati kong mga magulang. Salamat sa matataas kong grades, hindi pumayag ang mga guro ko sa paaralan na i-transfer ako. Madalas akong ilaban noon sa mga competition at palgi akong nag-uuwi ng mga parangal. Kaya kahit na anong gawin na kalokohan noon ni Krystal, wala
AMARRA's POV Bakit ko nga ba nakalimutan? Na ang buong pangalan ng matalik kong kaibigan noon ay Carmelita Blair Escoda. Shes's a sweet and very kind person. Noon pa man ay napakaganda na niya at siya ang palaging nangunguna sa listahan ng campus school belle. At hindi ko naman itinatanggi ang tungkol sa bagay na iyon dahil totoo namang maganda talaga ang kaibigan kong ito. Hindi ko lang talaga maihalintulad ang babaeng nasa harapan ko, sa babaeng nakasama ko ng apat na taon noon. "W-who are you?" tanong niyang hindi maitago ang takot na nararamdam. Napaatras pa siya at hindi ako matitigan ng maayos. Ang kamay ko na nakaangat para sana tulungan siya ay bigla kong binawi. Oo nga pala. Bakit ba palagi kong nakakalimutan na mukha nga pala akong mamaw. Napailing ako at saka naupo na lang sa sementadong upuan. "Sorry kung natakot ka sa akin," hinging paumanhin ko sa mahinang tinig. Tiningnan ko siya at noong siya naman ang tumingin sa akin ay kaaagad akong nag-iwas ng paningin dahil
AMARRA's POVNagyuko ng kanyang ulo si Blair. Hindi ko rin naman siya pinilit na magsalita. Makalipas ang ilang minutong katahimikan, narinig ko siyang huminga ng malalim."Mula noong mawala ka, wala ng ibang kumakausap sa akin. Palagi kong pinupuntahan si Krystal noon para kamustahin ka pero iniirapan niya lang ako. Palagi niyang sinasabi na lumayas ka daw. Nakipagtanan ka daw. Minsan naman sinasabi niya na patay ka na daw. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinampal ko siya ng maraming beses. Muntik na akong ma-expelled. But I asked my parents to interfere. Iyon ang unang pagkakataon na nakiusap ako sa kanila," Huminto sa kanyang pagsasalita si Blair. Dama ko ang sakit at sama ng loob sa tinig niya. "Noong mag-aral ako ng kolehiyo, nakilala ko si Benjie. Nagkapalagayan kami ng loob hanggang sa maging magkasintahan. Education ang kinuha niyang kurso habang Financial Management naman ang kinuha ko. Noong matanggap siya dito, nag-apply naman ako bilang senior high school teacher. Nag
AMARRA's POVMatapos naming mag-usap ni Blair ay naghiwalay din kaming dalawa dala-dala ang pangako na makikipagkita kami sa isa't-isa. Magagaan ang mga hakbang na lumabas ako sa campus. Nakangiting kumaway ako kay Manong Guard na ngumiti din sa akin noong dumaan ako sa harapan niya. Magalang ito na nagpaalam na para bang kagalang-galang talaga ako at hindi nakakahilakbot ang pag-iitsura. Gusto ko na ngang isipin na may third eye si Manong Guard at nakikita niya talaga ang tunay kong kagandahan. Because honestly, hindi ko talaga makita ang takot sa may edad niyang mukha. "Thank you for visiting, Ma'am," nakangiting wika nito bago ako tuluyang lumampas sa harapan niya."This school is so lucky to have a very accommodating and friendly guard like you. I have a good time," nakangiting wika ko rin sa kanya. Ang lawak nang pagkakangiti ni Manong Guard dahil sa sinabi ko. Hindi na ako nagtagal, sa halip ay naglakad na ako papunta sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang taxi ni Manon
AMARRA's POVKalahating oras din ang ibinyahe namin bago kami makarating sa lugar nila Tatay Rudy. Tahimik lang sa naturang lugar kahit na dikit-dikit ang mga bahay. May kanya-kanyang ginagawa ang bawat taong madaanan namin. Noong makarating kami sa tapat ng isang kinakalawang na gate, napapalibutan iyon ng mga tao. Nagsisigawan ang mga tao sa loob."Mga pabigat naman kayo! Wala na nga kayong maitulong, nakikisiksik pa kayo dito sa bahay namin! Kung pinapaupahan namin iyang kwarto na ginagamit niyo, eh di sana may dumarating pang pera sa amin!" Gigil na bulalas ng isang babae na sa palagay ko ay teenager pa lang base na rin sa dating ng boses niya.Napakunot-noo ako.Ganito na ba kabastos ang mga kabataan ngayon?"H-hindi kami pabigat ng asawa ko! Halos lahat ng kinikita niya ay nasa inyo na. Ano pang gusto niyong mangyari para lang masabi niyo na hindi kami pabigat?" Naghihinagpis na tanong ng babaeng may edad na ang tinig. Mukhang pagod na pagod na ito at parang kanina pa umiiyak.
AMARRA's POV"Actually, kagabi lang din ako dumating sa bahay na ito kaya naman hindi ko rin kabisado lahat," wika ko sa mag-asawa noong dalhin ko sila sa loob ng bahay namin ni Kallen. Makapal ang mukha ko para angkinin ang bahay dahil sa kanya na rin naman nanggaling na this is our home. Kung hindi ko ito itututing na bahay gayong mag-asawa na kami, kailan ko pa 'yun gagawin?"Tingnan po natin isa-isa ang kwarto, okay?" Nagkatininginan ang mag-asawa at pagkatapos magkasabay pa silang sumagot ng; "Okay po Ma'am Amarra," "Well, kailangan niyo pong sanayin ang mga sarili niyo na tawagin akong Arra, 'yun kase ang palayaw ko. At mas sanay akong tinatawag sa pangalang Arra ng mga taong kasama ko sa bahay,"Magkasabay ulit na sumagot nang 'oo' ang dalawa.Binuksan namin ang lahat ng kwarto na mayroon sa bahay. We visited the kitchen, the clean and spacious living room, the dining room, the laundry room, the guest rooms, Kallen's home office, the gym, the basement and then the garage.
THIRD PERSON's POVSinundan ni Kallen ng tingin ang asawa niyang hindi na talaga siya kinausap. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging epekto ng sinabi niya. He's just saying it casually. And it hurt her feelings to the point na hindi na lang ito kumibo at hindi rin siya kinausap. Sinundan niya ito sa kwarto pero wala doon si Amarra noong pumasok siya. Nang tingnan niya ang pintuan nang veranda, nakabukas iyon kaya naman humakbang siya papunta doon. May kausap ito sa telepono.Huminto sa paglalakad si Kallen. At sa halip na lumapit sa asawa, tumalikod na lang siya at saka nagtungo sa banyo. Maliligo na muna siya bago humingi ng pasensiya. *****Humarap si Amarra sa kanilang kwarto habang nakasandal ang likuran niya sa pasamano ng veranda. May gusto pa siyang gawin kaya naman hindi muna siya nahiga sa kama. Kaya ang ginawa niya ay tinawagan si Mina at kinausap ito patungkol sa kaibigan nitong handler na si Carmelita. Makalipas ang sampung minuto ay nagpaalam na si Amarra. Kumu
AMARRA's POVMarahan akong nagmulat ng mga mata. Wala pang limang oras ang tulog ko salamat sa 'practice' na ginawa namin ni Kallen kagabi. Although we practiced kissing, wala na kaming ibang ginawa na higit pa doon.Hindi pa ako handa at alam kong ganoon din si Kallen. Napangiti ako ng bahagya. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang hapdi sa mga labi kong nasobrahan yata sa practice. Ang buong akala ko ay wala namang espesyal sa paghalik, na OA lang ang mga napapanuod ko sa mga palabas. But then after what happened last night well...Haist. Huminga ako ng malalim.'Kumalma ka Amarra!'Ako na mismo ang sumita sa sarili ko dahil baka kung saan na naman makarating ang imahinasyon ko. Ang aga-aga kung anu-ano ang pumapasok sa utak. Haist. Hindi ko akalain na magiging ganito ako after marrying Kallen.Hindi ko akalain na may pagkamanyak pala ako? Hindi pa nga tuluyang sumisikat ang araw pero kung anu-ano na kaagad ang
AMARRA's POVPagkatapos ang tawag ni Hestia ay ako naman ang gumawa ng internstionsl call. Ilang ring pa lang ay may kaagad ng sumagot mula sa kabilang linya."What's wrong this time my lady?" nakasimangot na tanong ni Mina. Nakabalot pa ito sa makapal na kumot habang nakahiga sa malambot nitong higaan."Remember Go Xin?"Unti-unting nagmulat ng mga mata ang inaantok pa na kaibigan ko."Amarra Wei, hindi ba't ilang beses na kitang sinabihan na lumayo-layo ka sa babaeng 'yan? She's a disaster! At saka hindi ba't nandiyan ka sa asawa mo? Bakit 'yung babaeng 'yun ang kaagad na lumabas sa bibig mo at hindi ang mga papuri mo para sa pinaka-'gwapong' asawa mo?" Ang diin pa ng pagkakasabi niya sa salitang gwapo.Iyon ay dahil sa tuwing mag-uusap kami, palagi ko siyang iniinggit kung gaano kagwapo ang napangasawa ko.Napangiti na lang ako."Wala akong sinabi na gusto kong makipag-kaibigan sa kanya, okay? I just want to ask kung naitabi mo pa ba lahat ng mga videos at information laban sa kan
AMARRA's POVPagkatapos naming sunduin si Nanay Nelia ay muling inayos ni Marimar ang mukha ko. Tinanggal niya ang naunang make up na inilagay niya saka nilagyan ng moisturizer ang mukha ko. Sinabihan ko kase siya na hindi ko kailangan ng make up dahil gagamitin ko ang maskara na ginawa ni Hestia sa akin."Remember this?" Proud na ipinakita ko kay Marimar ang hyper-realistic mask na si Hestia ang gumawa."I-iya-iyan po 'yung naunang make up na ginawa ko sa inyo Ma'am. Sabi niyo pa nga may audition kayo na pupuntahan," humahangang pinasadahan ni Marimar ng tingin ang maskara na pinaghirapang gawin ni Hestia."Yep. Ito nga iyon. But I lied when I told you na pupunta akong audition. Sorry about that. Iniisip ko kase na hindi mo 'yun gagawin kung hindi iyon ang alibi na ibinigay ko," sabi ko saka maingat na isinuot ang maskara. "I wore it that time to catch a husband. Luckily, my now husband fell for it. Now, every time I go with him, I must wear this dahil ang alam sa buong kompanya niya
AMARRA's POV"Mara Wei!" Suot ang lumang-lumang duster at buhat-buhat ang isang manika na parang totoong bata. Umakyat ako sa make shift stage. Tiningnan ng mga taong nasa ibaba ng stage ang larawan sa resume ko. Si Mina mismo ang nagbigay noon kay Tita Ika."You can start now, Miss Mara," Sandali akong lumingon sa babaeng nagsalita. Para sa isang batikang direktor, masasabi kong napakabata pa ni Direk Atasha. Feeling ko ay nasa mid thirties lang ang edad niya.Hindi nakaligtas sa paningin ko ang munting ngiti sa gilid ng labi ni Direk. Maging ang pagkinang ng kanyang mga mata ay hindi maitatanggi.Malakas ang kutob ko na natuwa siya dahil umakyat ako sa stage na in-character na. Inilagay ko sa bandang unahan ng stage ang manika. Binalikan ko sa alaala ang nskakadurog puso na eksena. Nasa labas ng kanilang bahay-kubo ang batang si Lala, nag-aagaw buhay. Dumating si Luna na pagod na pagod. Hindi lang siya pagod mentally, kung hindi pati na rin physically. Wala na siyang ibang mala
AMMARA's POVThe moment he leaned in for a kiss again, I could feel my heart racing with anticipation. As our lips met, I could sense the tenderness in his embrace. It was a stark contrast to our practice session last night, when his kisses felt a bit awkward. The way he kissed me now felt so flawless, as if he had finally found his rhythm. It was a blissful moment. We both gasping for air when the kiss ended."Can you tell me now why you're jealous?" tanong ko na tuluyan ng nawala ang antok. "It's nothing," he answered in a husky voice. Napatitig ako kay Kallen. I feel a bit hurt. Bakit ba siya nagseselos at sino ba ang pinagseselosan niya?"May ibang gusto ang taong gusto mo?" Paglalakas-loob kong tanong. Although sinabi niyang wala siyang ibang gustong makasama kung hindi ako, pero ano itong issue niya na nagseselos siya? Well, if it's his another affair, wala talaga akong karapatang malaman iyon. Tumingin siya sa akin pero nag-iwas na ako ng paningin. Nagpunta ako sa kaliwan
AMARRA's POVPagkatapos kumain ng hapunan ay kaagad akong nagtungo sa malawak na living room para i-practice ang script na ibinigay sa akin ni Tita Ika. I really like the story and the character that I will portray. Maikli lang ang napili niyang scene na gagawin ko para bukas sa audition.Ang napiling scene ni tita Ika ay 'yung part na umiiyak ang kontrabiding si Luna. Despite not having any intention of turning into a villain, circumstances forced her to become one. The whole world seemed to have turned against her, and she had no choice but to adopt a darker persona. She was raped and then got pregnant. Her young daughter was raped, too, due to her young age, the young girl's body could not take the abuse and died. Nobody helped Luna during those times. Instead of help , people cursed her and blamed her for everything that happened. I pursed my lips. Alam ko ang pakiramdam kung paano ang mapagkaisahan. That's why I'm so thankful that I have Kallen back then.Ilang beses kong prin
AMARRA's POVAba...At may patayan na ng tawag na nagaganap ngayon?! Hmp!Uma-attitude na ang lalaking 'to ah. Tsk. Kaagad akong umayos ng upo noong lumapit si Mang Rudy sa akin. Tinignan ko pa saglit ang sarili kong cellphone saka iyon inilagay sa loob ng bag ko."Ma'am Amarra, may malay na po si Marimar. Gusto niya daw sana kayong kausapin. Sabi ng nurse pwede naman na daw pong makipag-usap ang pasyente,""Okay Mang Rudy. Stand by lang po kayo. Kapag pumayag sa alok ko si Marimar, isasama natin siya sa bahay. Kapag gusto niya pa ring bumalik sa boyfriend niya, uuwi na po tayo,""Okay po Ma'am," I stand up gracefully putting my issues with Kallen at the back of my head. May araw din ang lalaking 'yun. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng pribadong silid ni Marimar noong dumating ako. Bahagya ko iyong itinulak papasok saka ako sumilip sa nilalang na nakaupo na sa kanyang hospital bed. Nakaangat ang higaan nito. Kaagad umaliwalas ang mukha ni Marimar noong makita ako."Ma'am!" "Ho
AMARRA's POVNanlaki ang mga mata ko. Habang pinakikinggan ko ang magkakapitbahay na nag-uusap kanina, wala lang iyon sa akin. Feeling ko normal na ang ganoong bagay sa mga ganitong klase ng lugar. Pagti-tsismisan nila ang kung sino man na gusto nilang pagtsismisan. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang nangyayari sa taong 'to."Ano?! Magpapanggap ka na naman na nawalan ka ng malay? Bumangon ka diyan na p***ng ina mo ka! Kailangan ko ng pera ngayon kaya ilabas mo na ang pera mo!" Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang patuloy na sinisipa sa likuran si Marimar.Para bang hindi man lang nito nakikita ang dugo na masaganang umaaagos mula sa ulo ni Marimar. "P*ta 'tong baklang 'to. Wala na ngang trabaho wala pa—,"Bago pa tuluyang sumayad ulit ang paa nito sa likuran ng walang malay na si Marimar ay sinipa ko na kaagad siya sa sikmura. Dahil sa nangyari sa akin noon, marunong akong makipagbugbugan. Itong matangkad pero payat na boyfriend ni Marimar ay walang-wala sa mga
AMARRA's POVMag-aalas otso na nang umaga noong lumabas ako sa ALC. Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko na nakita doon ang dalawang babae na nakita ko kanina. Tinawagan ko sa telepono si Mang Rudy at wala pang limang minuto ay nakaparada na siya sa may tapat ko."Mang Rudy, natatandaan niyo pa ba ang Salon na pinuntahan natin noong unang beses akong sumakay sa inyo?" Mula sa rear view mirror ay tiningnan ako ng may edad na lalaki. "Opo Ma'am. Medyo matagal nga lang po tayong magbibyahe dahil malapit na sa airport 'yun," "Okay lang. Wala naman na akong lakad," Wala akong kilalang make up artist o stylist. Base sa nakita kong ginawa sa akin noon ng baklang si Marimar, may talent siya. Kung willing itong mapasama sa team ko, willing din ako na papag-aralin siya para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman. Noong makalayo na si Mang Rudy sa lugar na pinanggalingan namin ay nagbukas ako ng phone at nagbasa ng mga trending topics sa Pilipinas. Hinanap ko ang pangalan ni Direk Atash
AMARRA's POVNapahinto ako sa paglalakad noong makarating ako sa may garahe. Ang sabi ni Kallen ay pumili ako ng sasakyan.Pero ano itong kulay puting celebrity van na pinupunasan ni Mang Rudy?''Good morning Ma'am Amarra," mabilis akong binati ni Mang Rudy noong makita niya ako. Nangingislap ang kanyang mga mata habang pinupunasan niya ang customized van na ngayon ko lang nakita. Pumasyal na ako dito sa garahe kahapon, pero wala naman akong nakita na celebrity van. "Kailan po ito dumating Mang Rudy?" Tanong ko na hindi mapigil ang pagtataka. Pinasadahan ko ng tingin ang celebrity van na nasa harapan ko. Hindi bababa sa dalawang milyon ang presyo noon. 'Hmmm, I really catched a big fat fish,' hindi ko rin naman akalain na ganito pala ka-generous ang napangasawa ko. "Kaninang madaling araw lang po Ma'am. Nagbilin si Sir Kallen kagabi na customized van daw ang gagamitin natin kapag aalis na kayo. Nagtaka pa nga po ako kase wala naman akong nakita na ganitong van kagabi. Pagpunta ko d