AMARRA's POVPagkatapos noon, sa tuwing may mga pangyayari o kung may mga bagay man akong nai-encounter na hindi ko kayang solusyunan, palagi na lang sumusulpot ang supladong si Kallen sa tabi ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong iwinawaksi ang mga ala-ala sa aking isipan. Mas mabilis ang naging byahe ko ngayong pag-uwi since I rented a private jet. The new me can afford this kind or luxury. Hindi ko iyon ipinagmamayabang o kung anuman. Nagkataon lang na sobrang nangangati na ako at gusto ko ng makauwi kaagad ng China para puntahan ang bunsong kapatid ko.Pagbaba ko sa airport ay may magarang sports car nang nakaabang sa akin."F-first Miss!" kaagad na umatras ang butler ng aming pamilya sa akmang paglapit sa akin noong makita niya sa malapitan ang aking itsura. "Ahh..." napangiti na lang ito at hindi malaman kung ano ang susunod na sasabihin. But even though he is smiling, the twitching of his mouth did not scape my eyes. Nagyuko ito ng ulo at hindi na ako tiningnan pa. Sanay na
AMARRA's POV"So? What happened?" Napalingon ako kay Mina na mukhang hindi pa nakakapagsuklay ng buhok ay sumugod na kaagad sa bahay namin. "Hindi halatang nagmamadali kang makasagap ng tsismis ha," naiiling na saad ko sa kanya. Naupo lang si Mina sa tapat ko. Dumampot siya ng isang pancake at dali-dali iyong isinubo. "Kung hindi ka nakuhanan ng picture kagabi ng ilang fans mo sa airport, hindi ko malalaman na nasa China ka na pala ulit. Ano namang trip mo at bakit ganoon ang mukha mo? May kinuha ka bang movie na hindi ko man lang nalalaman?" nakataas ang kilay na tanong ni Mina. Dinampot ng magaling na babae ang tasa nang iniinom kong kape saka ito sumipsip doon.Napasimangot ako dahil sa narinig. Hindi ko rin mapigilan ang mapabuntong-hininga."From now on, I have to live with that face," hindi ko maitago ang pagkadismaya sa tinig ko.Nagtatakang napatitig sa akin si Mina. "W-what?" kamuntik ng maibuga ni Mina ang iniinom niyang kape pagkarinig sa sinabi ko.Dahan-dahan ko nama
AMARRA's POVNakangiting pinagmasdan ko sina Mina, Violet at Hestia na siyang naghatid sa akin sa airport. Hindi ko maintindihan kung bakit para silang mga namatayan sa kanilang mga facial expressions."What's the problem with you three?" natatawa at naiiling na tanong ko. "Ni hindi man lang kami nakarating sa kasal mo," Violet pouted. Sumugod ito sa apartment ni Hestia kagabi at ang matabil na si Hestia, hindi na naman mapigilan ang tibok ng bibig.Kaagad-agad akong ipinagkanulo. Kaya naman kinailangan ko pang i-give up ang isa ko pang apartment para lang sa ikatatahimik ng bibig ni V na mula noong dumating sa aming bahay ay panay pangongonsensya na ang ginawa sa akin. Malamang ay nagmayabang na naman ang bunso naming kapatid na binigyan ko siya ng sportscar at apartment kaya kaagad na sumugod sa bahay si V at sinumbatan na ako nang sinumbatan bruha."Sa susunod na kasal, I'll make sure na makakapunta ang buong pamilya natin. Aayusin ko muna ang relasyon naming mag-asawa," "Kung hin
THIRD PERSON's POVDahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Kallen. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakatulog ng matagal at tuloy-tuloy. Tumingin siya sa wall clock para makita niya kung anong oras na ba sa mga sandaling iyon. Sa sobrang pagod niya kagabi dahil sa mahabang biyahe na ginawa niya at ng kanyang mga subordinates patungo sa Japan at pabalik ulit sa Pilipinas, hindi na niya nalamayan na nakatulog na pala siya habang pinapakinggan ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo.Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga oras na iyon na may-asawang tao na siya.He's not a family oriented person since bata pa lang siya noong mamatay ang kanyang ina. Ipinatapon naman siya ng kanyang lolo sa walang kwenta niyang ama sa takot na baka sundan siya ng mga taong pumatay sa ina niya. Inaasahan niya na sa kalagitnaan ng gabi ay magigising siya dahil ganoon ang kanyang body clock. Pinakamatagal na sa kanya ang tatlong oras na tulog. Kaya naman hindi siya makapaniwala habang nakati
AMARRA's POVHabang sumusubo ng pagkain ay hindi ko mapigilan ang sarili ko napagmasdan si Kallen. Kagaya pa rin siya ng dati. Hindi pihikan at lahat ng niluluto ko ay kaya niyang sikmurain. Sa totoo lang, hindi ko naman natutunan kung paano ang magluto ng masasarap na pagkain. Though I'm a foodie, mas gusto kong kainin ang niluto ng iba kesa i-improve ang pagluluto ko.Masyado akong abala noon na i-improve ang sarili ko. Noong malaman ko na ampon lang ako, palagi ko ng pinagbubuti ang pag-aaral ko. Hinahati ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay at paggawa ng mga assignments ko. Noong tumatakas kami ni Kallen mula sa kamay ng manyakis na negosyante, mas pinahalagahan ko ang buhay ko. Hindi bale ng hindi ako marunong magluto ng masasarap at iba't-ibang pagkain, ang mahalaga ay humihinga ako. Noong kuhanin na si Kallen ng kanyang lolo, mag-isa na lang akong nakikibaka sa lansangan noon. Dahil talaga namang angat kesa sa iba ang ganda ko, ang daming mga human traffickers ang gustong kumi
AMARRA'S POVPagkatapos kong magligpit at ayusin ang pinagkainan namin ni Kallen ay kaagad kong tinawagan si Mang Rudy. Nakalimutan ko pa lang itanong sa asawa ko kung papayag ba siyang kunin ko si Mang Rudy bilang personal driver. Paglabas ko sa malaking bahay ni Kallen ay nakita ko kaagad ang nakaparadang taxi ng matandang lalaki."Good morning po Ma'aam Amarra," magalang na pagbati ng matanda. Paglabas na paglabas ko sa gate ay lumabas na kaagad sa kanyang sasakyan si Mang Rudy at ipinagbukas ako ng pintuan ng sasakyan."Good morning," nakangiting bati ko naman sa kanya noong nakaupo na ako sa loob."Saan po tayo Ma'am?""Sa Capital's International High School,"Doon ako nag-aral ng High School. Ganoon din ang mga anak ng dati kong mga magulang. Salamat sa matataas kong grades, hindi pumayag ang mga guro ko sa paaralan na i-transfer ako. Madalas akong ilaban noon sa mga competition at palgi akong nag-uuwi ng mga parangal. Kaya kahit na anong gawin na kalokohan noon ni Krystal, wala
AMARRA's POV Bakit ko nga ba nakalimutan? Na ang buong pangalan ng matalik kong kaibigan noon ay Carmelita Blair Escoda. Shes's a sweet and very kind person. Noon pa man ay napakaganda na niya at siya ang palaging nangunguna sa listahan ng campus school belle. At hindi ko naman itinatanggi ang tungkol sa bagay na iyon dahil totoo namang maganda talaga ang kaibigan kong ito. Hindi ko lang talaga maihalintulad ang babaeng nasa harapan ko, sa babaeng nakasama ko ng apat na taon noon. "W-who are you?" tanong niyang hindi maitago ang takot na nararamdam. Napaatras pa siya at hindi ako matitigan ng maayos. Ang kamay ko na nakaangat para sana tulungan siya ay bigla kong binawi. Oo nga pala. Bakit ba palagi kong nakakalimutan na mukha nga pala akong mamaw. Napailing ako at saka naupo na lang sa sementadong upuan. "Sorry kung natakot ka sa akin," hinging paumanhin ko sa mahinang tinig. Tiningnan ko siya at noong siya naman ang tumingin sa akin ay kaaagad akong nag-iwas ng paningin dahil
AMARRA's POVNagyuko ng kanyang ulo si Blair. Hindi ko rin naman siya pinilit na magsalita. Makalipas ang ilang minutong katahimikan, narinig ko siyang huminga ng malalim."Mula noong mawala ka, wala ng ibang kumakausap sa akin. Palagi kong pinupuntahan si Krystal noon para kamustahin ka pero iniirapan niya lang ako. Palagi niyang sinasabi na lumayas ka daw. Nakipagtanan ka daw. Minsan naman sinasabi niya na patay ka na daw. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinampal ko siya ng maraming beses. Muntik na akong ma-expelled. But I asked my parents to interfere. Iyon ang unang pagkakataon na nakiusap ako sa kanila," Huminto sa kanyang pagsasalita si Blair. Dama ko ang sakit at sama ng loob sa tinig niya. "Noong mag-aral ako ng kolehiyo, nakilala ko si Benjie. Nagkapalagayan kami ng loob hanggang sa maging magkasintahan. Education ang kinuha niyang kurso habang Financial Management naman ang kinuha ko. Noong matanggap siya dito, nag-apply naman ako bilang senior high school teacher. Nag