Home / Romance / The Billionaire's Ugly Bride / Chapter 2: First, Be Ugly

Share

Chapter 2: First, Be Ugly

Napuno ng bulong-bulungan ang buong Siudad ng Des Rossa. Sino nga bang baliw ang maniniwala sa ganoong uri ng balita? Pero makalipas lang ang isang linggo. Nag-post naman sa mismong official website nila ang marketing department nang naturang kompanya. Para bang ipinapahayag lang ng post na iyon na hindi gawa-gawa lang ang mga balitang nakalagay sa tabloid.

Kaya naman noong mapagtanto ng lahat na totoo ang mga bali-balita, hindi magkamayaw ang bawat pamilya sa buong Siudad na dalhin ang pinakamaganda at pinakamatalino nilang anak na babae sa tinitingala at pinaka-tanyag na kompanya hindi lang sa buong bansa kung hindi maging sa ibang panig ng mundo.

Dahil ang balita?

Naghahanap lang naman ng mapapangasawa ang pinakabatang CEO ng Sinclair Corporation na walang iba kung hindi si Kallen Sinclair. 

Maghahanap ka na rin lang ng mapapangasawa, bakit hindi na lang ako? 

Sabagay, hindi mo naman alam na buhay pa ako.

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" 

Lumingon ako kay Mina na panay pa rin ang sunod sa akin habang papasok ako sa loob ng airport. 

Dahil ayaw niya akong i-book ng flight kagabi, ako na lang ang gumawa noon. Kaya naman walang ibang nagawa si Mina kung hindi ang kausapin ang mga higher-ups at sabihin sa mga ito na nanghihingi ako ng isang buwang bakasyon.

Wala naman akong importanteng appointment para sa buwan na ito kaya hindi rin ako nagdalawang-isip sa pag-alis na ginawa ko.

"You have to go now, papasok na rin ako sa loob mamaya Min," huminto ako sa paglalakad at saka seryosong tumingin kay Mina.

Napa-facepalm na lang siya. 

Kitang-kita ko ang stress at frustration na nakalarawan sa kanyang magandang mukha.

"Tell me honestly Amarra, is he your ex? Hindi ka ba maka-move sa kanya kaya kahit ilang lalaki na ang iharap namin sa iyo ay wala kang matipuhan? Siya ba ang dahilan?" 

I pursed my lips. 

"Come to think of it, mag-i-eighteen ka na noong mapunta tayo sa bahay ampunan, is he your lover?" Seryosong tanong pa ni Mina.

Sunod-sunod ako na umiling.

He's not my lover. 

Anak siya ng taong kumupkop sa akin noon. Kuya pa nga ang tawag ko sa kanya dati. I can't even say that we are close, pero may pinagsamahan kami habang nasa bahay ng mga Mondragon noon na hindi ko kailanman maiaalis sa isipan ko.

"Hindi naman pala, eh bakit madaling-madali ka? Bakit hindi mo na lang kaya ako hintayin? Uuwi rin kami nila mama at papa sa Pilipinas. Sumabay ka na lang s---," 

"Min, baka kasal na siya noon," putol ko sa mga sasabihin pa sana ni Mina.

Dahil hindi ako mahilig tumambay sa social media, hindi ko alam na trending na pala hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang panig ng mundo ang announcement ng Sinclair Company na naghahanap ang bilyonaryong may-ari at CEO nito ng mapapangasawa!

Dahil sa sinabi ko ay hindi na lang kumibo si Mina. Naiiling na iniabot nito ang isang maliit na bag at bugkos ng susi.

"What is this?" nagtatakang tanong ko.

"My apartment keys. Lahat ng kinita ko sa pagma-manage sa'yo last year ay ibinili ko ng apartment na 'yan. Hindi kalakihan pero disenteng tirahan. You can stay there habang nasa Manila ka. Mag-behave ka doon. At huwag kang gagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo. Kapag nainip ka at gusto mong makisawsaw sa showbiz industry ng Pilipinas, find this person," 

Isang calling card naman ang iniabot sa akin ni Mina. 

"Isa rin siyang handler at mapagkakatiwalaan. She's one of my friends," 

Ngumiti ako ng malawak at saka dinambahan ng yakap si Mina.

"Haha! Sinasabi ko na, hindi mo ako matitiis eh! I love you Min!" Pinupog ko siya ng halik sa pisngi hanggang sa nagkumawala na siya sa akin.

"Tsk. Kadiri. Sige na, umalis ka na bago ka pa maiwanan ng eroplano mo," pagtataboy niya sa akin.

Magagaan ang mga hakbang na nagtungo ako sa departure area. Kumakaway pa ako kay Mina kahit na malayo na ako sa kanya. Maingat kong inilagay sa shoulder bag ang susi na ibinigay ni Mina sa akin.

*****

Paglabas na paglabas ko sa Philippine Airport ay kaagad akong pumara ng taxi. Alas kwatro pa lang ng hapon kaya naman magbabaka-sakali ako na nasa kompanya pa niya ang taong sinadya ko pa dito sa Pilipinas.

"Saan po tayo Ma'am?" Nakangiting tanong ni Manong driver.

"Sinclair Corporation please," 

Mula sa kanyang rear view mirror ay sinilip muna ako ng may edad na driver. Para bang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit po?" Curious na tanong ko. 

Labing isang taon man akong nawala sa bansang ito, hindi ko nakakalimutan ang wikang nakagisnan ko na. Pati ang tamang pakikitungo sa kapwa ay nakatanim sa buong pagkatao ko.

"Baka hindi ka pumasa Ma'am," diskumpyadong sabi ng driver.

"Hindi pumasa saan?" Nagtatakang tanong ko. Napagkamalan ba ako ni Manong na isa sa mga regular na pasahero niya?

"Lahat ng mga pumupunta sa kumpanyang iyon para mag-apply na asawa ay hindi po pumasa Ma'am," magalang na sabi ng driver sa tonong tila ba ayaw makasakit ng damdamin.

Natigilan naman ako dahil sa narinig. So sa dami ng mga nag-a-apply bilang asawa ni Kallen Sinclair, alam na ni Manong kung ano ang plano ko? Na pupunta ako doon sa kadahilanang mag-a-apply din ako bilang asawang pakakasalan niya?

Tama ba?

"Ahm, pwede pong paki-explain pa? Hindi ko kase ma-gets," 

Tiningnan akong muli ni Manong driver sa salamin na nasa ulunan niya. Huminga siya ng malalim saka naiiling na ipinarada sa tabi ang kanyang sasakyan.

"Ma'am, bakit naman po gusto niyong maging asawa ang may-ari ng Sinclair company?" 

Bakit?

Napatitig ako sa matanda. Wala naman akong makitang kakaiba sa tinging ipinupukol niya kaya naisip ko na baka concern lang talaga siya. 

"Ang dami na pong nagpunta doon at halos lahat ng lumalabas sa kompanya ay puro mga luhaan. Mula noong unang araw na naglabas sila ng announcement hanggang ngayon, wala pa pong nakakapasa bilang Mrs. Sinclair," paglalahad pa ng matanda.

Na-curious tuloy akong lalo.

"Bakit alam na alam niyo po Manong?"

Napakamot ang may edad na driver sa kanyang batok.

"Eh kase naman Ma'am sa dami ko ng naisakay mula airport papunta doon hindi na mabilang sa mga daliri ng paa at kamay ko ang naggagandahang mga aplikante. Lahat sila Ma'am ang gaganda po. May ibang mas maganda sa'yo at may iba naman na hindi kagandahan. Pero lahat sila hindi pumasang Mrs. Sinclair,"

Napakagat labi ako. 

Mukha namang hindi ako ginu-good time ni Manong driver dahil mukhang concern pa nga siya. 

"So ano sa palagay mo ang hinahanap ni Mr. Sinclair, Manong?" Curious na tanong ko.

"Eh ikaw Ma'am, sa palagay mo bakit po ikaw dapat ang maging Mrs. Sinclair?" Magalang at diretsahang pagbabalik tanong ni Manong driver.

"Para tumanaw ng utang na loob," seryosong sagot ko. 

Totoo naman iyon.

Kesa naman pagpakasal ako kung kani-kanino, bakit hindi na lang sa taong pinagkakautangan ko ng loob? It's just a marriage for convenience. 

Kaya lang ang ipinagtataka ko, anong criteria niya para sa mapapangasawa? Bakit wala siyang mapili?

"Hmm...bakit kaya hindi ka magpanggap na pangit, Ma'am?" 

Huh?

Maang na napatitig ako kay Manong driver. Anong sinasabi niya?

"Eh kase Ma'am lahat na lang po ng mga nag-apply na magaganda hindi naman pumapasa eh. Kung magpapanggap kang pangit, baka sakaling magkaroon ka ng pag-asa. Wala pa pong pangit na sumusubok mag-apply bilang asawa po ni Mr. Sinclair," may lalim na sabi pa ng may edad na driver.

Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng kilay.

"Siguro kaya ang daming hindi makapasa bilang Mrs. Sinclair ay dahil sinasabotahe niyo ano?" Nagdududang tanong ko.

Ang gaan-gaan pa naman ng pakiramdam ko sa kanya tapos ipapahamak lang ako.

"N-naku Ma'am hindi po! Ikaw nga lang po ang nakipag-usap sa akin. Saka ikaw lang po ang mukhang mabait eh. K-kaya po hindi ko mapigilan ang sarili ko na magbigay ng opinyon. I-ikaw po Ma'am. Ikaw naman po ang masusunod," kandautal na bulalas ng ay edad na driver. Halatang natakot ito sa ginawa kong panghuhusga sa kanya.

But honestly, hindi nga siya mukhang nanggogoyo lang. 

Tsk.

Parang sumasakit tuloy ang ulo ko.

"Dalhin mo ako sa isang Salon, Manong. Huwag ka ng bumiyahe. Babayaran ko na lang ang buong araw mo," 

"S-salon po?"

Sunod-sunod na tango ang ginawa ko.

"E-eh Ma'am, a-ang g-ganda-ganda mo na po. Kapag nagpaganda ka lalo baka wala ka na po talagang pag-asa. Paano ka pa makakabayad sa utang na loob mo niyan?" Nauutal na tanong pa rin ni Manong.

Para bang takot na takot talaga siyang mapabilang din ako sa mga babaeng na-eliminate as candidate for Mrs. Sinclair.

"Manong, relax. Hindi lang pagpapaganda ang kayang gawin ng Salon. Trust me," 

"O-okay po,"

Mabilis na pinaandar ni Manong driver ang kanyang taxi. Sa pinakamalapit na salon niya ako dinala. 

Hindi iyon high class na salon pero hindi rin naman cheap tingnan. 

Kaagad akong pumasok sa loob.

"Hi Ma'am, magpapa-rebond po?" Nakangiting tanong ng baklang sumalubong sa akin.

Siguro dahil sa alunan kong buhok kaya inalok niya ako ng rebond.

"No. May mga wig ba kayo dito? Or hair intentions? Nagma-microblading ba kayo ng kilay?" Kaagad kong tanong. 

"Meron po Ma'am," magalang na sagot ng magandang bakla na siyang nag-a-assist sa akin.

"I only have thirty minutes. Kailangan mo akong papangitin sa loob ng thirty minutes," seryosong sabi ko saka naupo sa swivel chair.

"A-ano po?" 

"You have to make me ugly within thirty minutes. Kung hindi mo mapapakapal ang kilay ko within 30 minutes using the microblading, just come up with another idea. Basta kailangan na makapal ang kilay ko, tapos gawin mong sabog-sabog ang buhok ko. Lagyan mo rin ng maraming dried pimple marks ang mukha ko," 

Pangit pala ha?

Sure. Let's try that first. 

Kapag hindi rin epektibo iyon, gagamitin ko lahat ng perang meron ako para magmukhang diyosa ng mga diyosa. Kapag ayaw niya sa pangit at ayaw niya rin sa diyosa, hindi kaya ibang gender ang hanap niya?

Matagal na panahon na ang nakalipas. Paano kung iba na nga kesa sa normal ang sexual orientation ng lalaking 'yun?

Hmp! Hindi ko alam kung ano ba ang trip sa buhay ng lalaki na 'yun dahil sa dinami-dami ng gustong mag-apply bilang asawa niya ay wala man lang siyang napili kahit isa. Wala man lang ba talagang nakapasa sa first evaluation? Ligwak talaga kaagad-agad?!

At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit parang biglang-bigla eh nabuhay ang pagiging competitive ko. To the point na dumayo pa ako sa Salon na ito.

Huwag lang talagang lalaki din ang type ng Kallen na 'yun naku! 

"M-ma'am sigurado ka po? Baka naman po idemanda mo ang Salon namin kapag ginagawa ko po ang ipinapagawa mo?"

Tinitigan ko sa kanyang mga mata ang baklang hindi malaman kung saan ipapatong ang kamay. Mukhang natakot talaga siya sa sinabi ko.

"May pupuntahan akong audition. Iyon ang character na gusto kong makuha. So could you help me, please?" Nakikiusap na sabi ko. Nag-puppy eyes pa ako para mas effective. Syempre hindi ko sasabihin na na-impluwensiyahan ako ni Manong driver. Sino ba naman kaseng normal na tao ang magpapapangit nang itsura at pagkatapos ay mag-aalok ng kasal?

Ako lang yata ang gagawa ng kaabnormalan na iyon.

Kaagad na umaliwalas ang mukha ni bakla nang marinig ang paliwanag ko. 

"Ahm, kahit na ang hirap pong papangitin niyang mala-diyosa mong mukha Ma'am, but with the touch of my hands ay sisiguruhin kong ikaw ang magiging pinakapangit na nilalang sa balat ng lupa!" Excited na bulalas ni bakla.

Para itong naturukan nang pampabuhay ng dugo.

Napangiti tuloy ako sa sinabi niya.

"Then make me as ugly as can be, please," sabi ko na may ningning sa mga mata.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
awww kakaiba din pangit ba tlga ang gusto ni Kallen mapangasawa?.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status