Ito na po ang simula ng Book 2. Huwag po sana kayong malito dahil kuwento po ito nina Yana at Parker. Please, sana po ay mag-comment kayo ng feedback or thought niyo sa kabanatang ito. Huwag niyo rin pong kalimutan na i-vote at i-rate ang kuwentong ito. Maraming salamat at nawa'y magustuhan niyo ang Book 2.
“SAAN GALING ITO, Yana?” hindi makapaniwalang tanong ng mama niya nang iabot niya rito ang bente mil. Ngumiti si Yana. “‘Ma, huwag niyo na pong isipin kung saan galing iyan. Dapat nga po'y maging masaya na kayo dahil may pambayad na tayo ng upa natin kay Aling Isabel. Hindi na po natin kailangan mabahala at hindi na rin po tayo mapapalayas dito. Huwag po kayong mag-alala, aabutan ko pa po kayo sa mga susunod na araw. May panggastos na rin po tayo kay bunso.” Ilang araw ng nasa ospital ang bunsong kapatid ni Yana dahil may sakit itong dengue. May natanggap naman silang tulong sa kanilang mayor subalit hindi pa rin iyon sapat kaya ngayon ay nagsusumikap si Yana para may panggastos sila. “Anak, bakit ayaw mong sabihin sa akin ang trabahong pinasok mo? At isa pa, noong isang araw mo lang tinanggap ang raket na inalok sa ‘yo ni Kristin kaya paano ka kumita ng ganitong kalaking halaga sa loob lamang ng dalawang a—” “Hindi na po iyon mahalaga, ma—” “Mahalagang malaman ko kung saan ka nag
MADALING-ARAW NA NANG makauwi si Yana pero maaga pa lang ay nagising na siya hindi dahil may hinahabol siyang bagay o oras—iyon ay dahil hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga tinuran ni Carmen sa kaniya. Bakit napakadaling sabihin nito na kapag nabuntis sila ay puwede namang ipalaglag ang bata? Paano nito naaatim na gawin ang bagay na iyon? Wala ba itong konsensya para isipin na masama iyon? Ipapalaglag ang batang walang kamuwang-muwang? Ipapalaglag ang bata na hindi pa nagagawang masilayan ang mundong ibabaw? Napakasama! Marami pang katanungan si Yana subalit mas pinili na lang niyang manahimik at magsawalang-kibo dahil baka hindi lang sampal ang abutin niya kay Carmen. Baka alisin na siya nito sa trabaho niya kaya hanggat maaari ay kinokontrol ni Yana ang kaniyang sarili na magsalita o komprontahin ito. Ngayong araw, mag-isa lamang si Yana sa kanilang bahay. Pinuntahan ng mama niya ang asawa nito sa ospital na kasalukuyang nagbabantay kay Inigo—ang bunsong kapatid ni Yana. Tatlo
HINDI MAWALA-WALA SA isip ni Yana ang ginawang karahasan sa kaniya ng lalaking bumili sa kaniya noong nakaraang gabi. Nakatatak pa rin sa utak ni Yana ang nangyari kaya ilang araw siyang nakakulong sa kuwarto niya at hindi nagtrabaho dahil sa takot na baka maulit muli iyon.Pero dahil may prayoridad siya, kahit natatakot, nagpatuloy pa rin siya sa pagtatrabaho bilang pókpok. Naging maayos naman ang pagpapatuloy niya hanggang sa lumipas ang isang buwan—unti-unti nang nagbago ang buhay nila.Nakalabas na si Inigo sa ospital at maski ang Kuya Fernando niya ay nakalabas na rin dahil nagpyansa siya sa kagustuhan ng mama niya na makalabas ito ng kulungan. Pinagtigil na rin ni Yana ang papa niya sa pagtatrabaho nito bilang construction worker habang ang mama naman niya ay hindi na nakakaligtaang uminom ng mga gamot nito dahil kumpleto na iyon. Sa katunayan, bumili na rin siya para sa susunod na buwan.Masaya si Yana dahil unti-unti na silang nakakaahon sa hirap. Malaking tulong talaga sa kan
HINDI NA PINALIPAS ni Yana ang araw dahil pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin sa doktor na gawin na ang operasyon sa mama niya, agad siyang nagtungo sa bahay ni Carmen. “Desidido ka na ba talaga riyan, Yana?” paninigurado ni Carmen kay Yana. Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumango si Yana. “Desidido na po ako, Momshie Carmen. Kailangan ko po talaga ngayon nang malaking halaga ng pera para sa operasyon ni mama.” “Talagang gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo, ‘no? Bilib na bilib talaga ako sa ‘yo, Yana. Balita ko rin, ikaw ang nagpyansa sa kapatid mong batugan, tama ba? Matanda na, pero pabigat pa rin sa pamilya. Alam mo, dapat pinalayas na ng mga magulang mo ang kapatid mong ‘yon. Hindi ba’t dapat may asawa na siya at nakabukod na?” Lumunok si Yana. “Hindi po magagawang palayasin nina mama at papa si Kuya Fernando, Momshie Carmen. Kahit na… kahit na sabihing pabigat siya sa bah—” “Paanong hindi lalaki ang ulo, e kinukunsinte niyo pala?” Humalakhak si Carmen. “Hindi naman po
ILANG ARAW NA ang nakalipas nang ikulong si Yana sa loob ng isang madilim na silid kasama si Kristin at iba pang mga babae. Sa loob ng mga araw na nagdaan, wala silang ibang ginawa kundi ang umiyak at magmakaawa. Subalit tila mga manhid ang mga lalaking nagbabantay sa kanila—hindi man lang nakaramdam nang pagkahabag ang mga ito.Gustuhin mang magpakapositibo ni Yana ngunit unti-unti na siyang sumusuko—iniisip niya na ganito na talaga ang magiging buhay niya at dito na siya masasadlak habang-buhay. Wala na siyang ibang magawa. Pakiramdam niya ay dito na matatapos ang buhay niya. Isama pa ang segu-segundong pagpasok sa utak ng pamilya niya lalo na ang mama niya. Kumusta na kaya ito ngayon? Maayos ba ang operasyon nito? Kung naging matagumpay ang operasyon, saan naman kukuha ang papa niya nang pambayad sa ospital? Sa kaniya nakasalalay ang lahat… ngunit anong magagawa ngayon ni Yana kung nandito siya ngayon sa loob ng isang madilim na silid?Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawal
“KASALAN MO KUNG bakit namatay si mama!” bulyaw ni Fernando sa kaniyang kapatid.Mabilis na napa-awang si Yana nang marinig iyon mismo sa kaniyang nakakatandang kapatid. Hindi niya inaasahan na masasabi nito ang ganoong bagay sa kaniya. Nagtatalo silang dalawa at hindi niya sukat akalain na magagawa nitong isisi sa kaniya ang pagkawala ng mama nila.“Kuya naman, naririnig mo ba ang sarili mo? Bakit mo sa ‘kin isinisisi ang pagkawala ni mama? Kung alam mo lang ang nangyari, Kuya Fernando. Kung alam mo lang ang dinanas ko, baka maintindihan mo a—”“Kahit kailan ay hindi kita naintindihan, Yana! Akala mo ba'y hindi ko malalalaman ang kasinungalingan mo kina mama at papa? Nagsinungaling ka tungkol sa trabaho mo kahit ang totoo ay pokpok ka! Marumi kang babae, Yana! Paano mo nagawang ibenta ang sarili mo? Baka nga may sakit ka na, hawaan mo pa ka—”Hindi na pinatapos ni Yana ang nakakatanda niyang kapatid. Sinampal niya ito habang maluha-luha ang kaniyang mga mata.“Oo na! Sige na, sa tin
DAHIL SA TAKOT ni Yana na madamay ang kaniyang pamilya, mas pinili na lang niyang manahimik kaysa isiwalat ang katotohanan. Mahal ni Yana ang pamilya niya, at mahal din niya si Kristin, subalit sa kanila, mas matimbang pa rin ang pamilya niya. Masakit man ang ginawa niyang pananahimik, ngunit iyon lang ang naisip ni Yana upang mas makasama pa nang matagal ang pamilya niya. Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula nang makatakas si Yana sa mga sindikato. Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang mawala ang mama niya at magpahanggang ngayon ay patuloy niya pa ring sinisisi ang sarili. Tama ang Kuya Fernando niya, siya nga ang may kasalanan kung bakit namatay ang mama nila at habang-buhay iyong dadalhin ni Yana. Gayunpaman, sa dinami-rami ng mga nangyari, nagpatuloy pa rin si Yana sa buhay. Bumalik siya sa pagpópókpok para mabuhay ang kaniyang pamilya. Tanging si Inigo at ang papa na lang niya ang kasama niya dahil lumayas na ang Kuya Fernando niya sa bahay nila. Siguro ay tama lang ang
WARNING: SPG ALERT! MALALIM NA ANG halikan nilang dalawa ng lalaki at hindi na ito nagawang maitulak pa ni Yana dahil sa kakaibang sensasyong idinudulot sa kaniya ng lalaki. Lasang-lasa niya ang dila nito—lasang alak na nagdadagdag init sa buong katauhan ni Yana. Pakiramdam niya ay naglalagablab na ang buong katawan niya dahil sa init na ibinibigay ng lalaki sa kaniya. Pareho na silang wala sa kanilang mga sarili. At ang tanging nagawa lang ni Yana ng sandaling iyon ay humalinghing habang patuloy pa rin sila sa paglasap sa kanilang mga sarili. At habang patuloy na naghahalikan, malikot ang mga kamay ng lalaki—kung saan-saan ito humahawak sa katawan ni Yana. Pero ang nagpapasarap kay Yana ay ang paglamas ng lalaki sa kaniyang mga bundok. “Ughmmm…” wala na sa sariling ungol ni Yana lalo pa't naramdaman niya ang pagpasok ng kamay ng lalaki sa suot niyang skirt kung saan nito pinaglaruan ang hiwa niya gamit ang mga daliri nito. Pareho na silang kinapos sa hangin kaya humiwalay na sila