Share

Book 2: A Night with the Prostitute

Book 2: A Night with the Próstitute

Blurb:

Dahil sa kahirapan, napilitan si Yana De Jesus na pasukin ang mundo ng prostitusyon—isang mundong kailanma'y hindi niya pinangarap pasukin. Ngunit dahil sa matinding pangangailangan, kumapit na siya sa patalim.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mas lalong lumala ang sitwasyon nang subukan niyang pasukin ang isa pang trabaho para makatulong sa pagpapa-opera ng kaniyang ina. Lingid sa kaniyang kaalaman, sindikato pala ang napasukan nila ng kaniyang kaibigan. Dahil dito, napagpasyahan nilang tumakas bago pa sila ibenta.

Sa kanilang pagtakas, hinabol sila ng mga tauhan ng sindikato, ngunit nagawang makatakas ni Yana. Sa gitna ng pagtakbo, isang sasakyan ang huminto sa harap niya, at lumabas ang isang guwapong lalaki. Humingi ng tulong si Yana, at nang akmang aalis na sila, biglang binaril ang lalaki. Dahil sa takot at trauma, dali-dali siyang tumakas.

Makalipas ang ilang buwan, nanatiling tahimik si Yana tungkol sa mga nangyari. Patuloy pa rin siyang nagbebenta ng sarili, dala ng matinding pangangailangan, kahit pa ang mapait na karanasan ay patuloy na bumabagabag sa kaniya.

Isang gabi, isang lalaking hindi niya kilala ang bigla siyang hinila papunta sa kotse nito. Hinalikan siya at hinubaran. Sa init ng pangyayari, hindi na nagawa ni Yana na pigilan ang lalaki. Hinayaan niyang mangyari ang gabing iyon, na kalaunan ay nagmistulang isa na lang alaala.

Ilang linggo ang lumipas at natuklasan ni Yana na buntis siya. Ngayon, hindi niya alam kung sino ang ama ng kaniyang dinadala, dahil maraming lalaki ang umangkin sa kaniya.

Sa gitna ng kaniyang pangamba, isang guwapong lalaki na nagngangalang Parker Montgomery ang dumating sa buhay ni Yana. Sa kaniyang harapan, sinabi ni Parker na siya ang ama ng dinadala ni Yana.

Maniniwala kaya si Yana sa sinabi ni Parker? At paano niya haharapin ang katotohanang ang lalaking ito at ang tumulong sa kaniya noon ay iisa?

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Nexus White
Meron na po. ...
goodnovel comment avatar
Nexus White
Updated na po.
goodnovel comment avatar
Manar Makasasa
wala prin update?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status