Share

Chapter 96: Pagtakas

ILANG ARAW NA ang nakalipas nang ikulong si Yana sa loob ng isang madilim na silid kasama si Kristin at iba pang mga babae. Sa loob ng mga araw na nagdaan, wala silang ibang ginawa kundi ang umiyak at magmakaawa. Subalit tila mga manhid ang mga lalaking nagbabantay sa kanila—hindi man lang nakaramdam nang pagkahabag ang mga ito.

Gustuhin mang magpakapositibo ni Yana ngunit unti-unti na siyang sumusuko—iniisip niya na ganito na talaga ang magiging buhay niya at dito na siya masasadlak habang-buhay. Wala na siyang ibang magawa. Pakiramdam niya ay dito na matatapos ang buhay niya. Isama pa ang segu-segundong pagpasok sa utak ng pamilya niya lalo na ang mama niya. Kumusta na kaya ito ngayon? Maayos ba ang operasyon nito? Kung naging matagumpay ang operasyon, saan naman kukuha ang papa niya nang pambayad sa ospital? Sa kaniya nakasalalay ang lahat… ngunit anong magagawa ngayon ni Yana kung nandito siya ngayon sa loob ng isang madilim na silid?

Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Casis Trogo
thanks author....sguro si parker un...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status