“ALING TERESA, BAKA gusto mo pong bumili ng mga lutong ulam. Masasarap po ang mga ito…” masayang alok ni Yana sa matandang kapitbahay nila.“Naku, nakapagtanghalian na kami, eh, Yana. Pero hayaan mo, bukas na bukas ay bibili ako sa ‘yo.”“Maraming salamat po, Aling Teresa.”Tumango ang matanda bago ito nagpatianod habang si Yana ay patuloy na nagtatawag ng mga mamimili para sa itinayo nila ng papa niya na karinderya. Dahil sa malaking halaga na ibinayad sa kaniya ng lalaki noong nagdaang araw, napagpasyahan ni Yana na gawin iyong negosyo at patubuin iyon sa pamamagitan nang pagtayo ng karinderya—katulad ng gusto ng mama niya noon. Pero dahil salat sila sa pera, naging pangarap lang iyon ng mama niya kaya ngayon ay tinupad iyon ni Yana.Maraming tindang mga ulam si Yana. Mabuti na lang at natuto siyang magluto kaya naitayo niya ang negosyong ito. Noong nabubuhay ang mama niya, palagi siya nitong tinuturuang magluto kaya naman natuto si Yana na nagamit niya ngayon para sa kaniyang negos
NASA KAHABAAN NG highway si Cathy sakay ng kaniyang kotse nang maramdaman niyang may mainit na likidong umaagos sa kaniyang hita pababa. Sandali niya iyong tiningnan at napamura siya nang mapagtantong pumutok na ang panubigan niya.Dali-daling iniliko ni Cathy ang kaniyang kotse upang maghanap ng hospital sapagkat nagsisimula nang sumakit ang kaniyang tiyan. Sakit na halos magpasigaw na sa kaniya.Pinagpapawisan na rin siya ng sandaling iyon at halos hindi na niya makaya ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y binibiyak ang tiyan niya ng sandaling iyon at gustuhin man niyang ihinto ang kotse pero mas iniisip niya ang kapakanan ng mga nasa sinapupunan niya.Nanatili pa rin siyang kalmado at nang makarating sa hospital, inihinto ni Cathy ang kotse sa harap at pababang lumabas ng sasakyan habang sapo-sapo ang kaniyang malaking tiyan.Nang makita siya ng guwardya, dali-dali itong tumawag ng tulong sa loob at inalalayan siya hanggang sa makaupo siya sa wheelchair na dala ng dalaw
FIVE YEARS LATER…Nakaupo si Parker sa metal chair habang abala sa paglalaro ng mga dinosaur sa lamesa. Kasalukuyan siyang nasa pool area ng bahay at kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nito pero ang pisngi naman nito ay namumula. Sa loob lang ng araw na ito, hindi na mabilang ng inosenteng bata kung ilang beses dumapo ang kamay ng tiyahin niya sa kaniyang mukha.“Bakit hindi ka pa kumakain?!” tanong nang kakarating lang na si Laura sa galit na tono.Hindi sumagot si Parker, imbes, nagpatuloy lang ito sa paglalaro habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Na kahit hindi maganda ang mga pinagdadaanan niya sa mga kamay ni Laura, nakukuha niya pa ring ngumiti at maski ang mga mata niya ay nangniningning dahil sa kasiyahan.“Kinakausap kita, Parker, bakit hindi ka sumasagot?!” hiyaw ni Laura at walang ano-ano'y dinampot ang mga dinosaur ni Parker at ibinato iyon sa pool.Bumaba si Parker sa upuan at tiningnan ang mga nakalutang niyang laruan sa tubig. Bumaling siya sa kan
Kinagabihan, umakyat si Laura sa kuwarto ni Parker pero nakita niyang nakahiga ito sa kama habang nakataklob ang kumot sa buong katawan nito. “Wake up, parating na ang daddy mo!” hiyaw niya bago hinila ang kumot.Pagkaalis ng kumot, nakita ni Laura na yakap-yakap ni Parker ang sarili. Nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nanginginig ang katawan nito.Lumapit si Laura kay Parker at sinalat ang noo nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdamang mainit iyon. Inalog niya ang katawan ng bata dahilan para magising ito.“Hindi ka pa magbibihis?!” iritadong tanong niya rito.Dahan-dahang umupo si Parker sa kinahihigaan. “I'm sick, Tita Laura. I don't wanna go.”“Ano?! Hindi puwede! Magbihis ka na, ngayon din!” galit niyang utos dito bago ito hinila pababa sa kama. “Stop, Tita Laura. I'm hurt…” At nagsimula nang mamayagpag ang luha nito pababa.“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Basta magbihis ka na dahil dadating na ang daddy mo! Nagkakaintindihan ba tayo?” At pinalinsikan ni La
PARANG BINIBIYAK ANG ulo ni Dr. Catherine nang magising siya mula sa malalim na pagkakatulog. Bumungad sa harap niya si Mr. Harold, na director ng Montgomery Medical Center kung saan din siya nagtatrabaho bilang surgeon.“Is there a problem, Mr. Harold?” naguguluhang tanong ni Catherine.“I need you right now, Dr. Catherine. We have a patient. No, we have a special patient that needs special treatment. At nakikita ko na kaya mo iyon.”Napatayo si Catherine sa kaniyang kinauupuan. Papungay-pungay pa ang mga mata niya ng sandaling iyon dahil kakagaling lang niya sa malalim na pagkakatulog.“Sino siya?” tanong niya kapagkuwan.“Parating na sila, follow me.”Tumango si Catherine. Kinuha niya muna ang kaniyang lab gown na nakasabit sa upuan at kumuha rin siya ng face mask bago sinundan si Mr. Harold.Walang ideya si Catherine kung bakit siya ang pinuntahan ni Mr. Harold gayong marami namang doktor dito sa Montgomery Medical Center. Pero hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito. Special pa
“ANG KAPAL NG mukha mo para tanggihan ang tagapagmana ng hospital na ito!” hiyaw ni Laura habang patuloy niyang hinihila ang buhok ni Catherine.“Tama na po, nasasaktan niyo na po siya!” pigil ni Drax sa babae. Pero kahit anong gawing pagpigil ni Drax kay Laura ay hindi niya magawang matanggal ang mga kamay nito sa buhok ni Catherine. Sunod-sunod na rin ang pagdaing ni Catherine ng sandaling iyon habang si Johanna naman ay nakaalalay kay Catherine.Nag-ipon nang maraming lakas si Catherine bago walang pagdadalawang-isip na itinulak si Laura dahilan para mapasalampak ito sa sahig. At nang akmang susugod na siya, bigla siyang pinigilan ni Johanna.“How dare you push me?!” gulat na bulalas ni Laura bago dahan-dahang tumayo sa kinasasalampakan nito.“Sa ating dalawa, ikaw ang mas makapal ang mukha. Hindi kita kilala at wala akong panahon na kilalanin ka. Wala akong pakialam kung sinong santo ka pa!” bulyaw ni Catherine sa babae habang inaayos ang buhok niyang nagulo na dahil sa pagsabuno
“I DON'T KNOW what you're talking about!” turan ni Catherine bago tuluyang umalis subalit hindi pa man siya nakakailang hakbang nang biglang pigilan siya ni Phoenix sa pamamagitan nang paghawak nito ng braso niya.Puwersahan siya nitong iniharap at walang pag-aalinlangang hinaklit ang suot niyang face mask. Dahil sa ginawa ni Phoenix, bumalandra rito ang mukhang itinatago ni Catherine. She can't do anything now, but to accept her fate.“I knew it. From the moment I saw you, I felt something. Your smell… iyong amoy mo ang pruweba na ikaw nga si Cathy. I wasn't wrong. Behind this mask, there's a woman hiding her identity, but she can't hide her identity anymore,” wika nito habang pinagmamasdan si Cathy mula ulo hanggang paa. “I thought you're dead, how come you're alive now?” tanong pa ni Phoenix.“Nagulat ka ba, Phoenix? Na ang patay mong ex-wife ay bumangon sa hukay?” Tumawa si Cathy. “Oo, buhay na buhay ako, Phoenix.”“Bakit bumalik ka pa?!” malamig na tanong ni Phoenix kay Cathy hab
NAKAUPO SI CATHY sa dulong pasilyo habang nakayuko ang ulo at magkasalikop ang mga kamay. Malalim ang iniisip niya. Matapos ang pag-uusap nila ni Phoenix, hindi na nawala sa utak niya ang mga sinabi nito. Hindi puwedeng gawin iyon ni Phoenix sa kaniya dahil anak niya si Parker—siya ang ina nito at siya mismo ang nagluwal dito. Hindi siya nito puwedeng tanggalan ng kaparatan dahil kahit anong mangyari—umikot man ang mundo—anak niya pa rin si Parker. “Kanina pa kitang hinahanap, Dr. Cathy. What are you doing here?” Nang mag-angat ng ulo si Cathy, bumungad sa kaniya si Dr. Sigmud. Umupo ito sa tabi niya at matamang tiningnan ang mga mata niya. Bumuntong-hininga si Cathy bago ibinalik sa pagkakayuko ang ulo. “I want to be alone, Dr. Sigmud. Please, leave me alone,” pagtataboy ni Cathy sa lalaki. “Can you not call me Dr. Sigmud? Tayo-tayo lang naman ang nandito, Dr. Cathy.” “Then don't call me Dr. Cathy, too, Sigmud.” “I'm just concerned about you, Cathy. Ganiyan ka na simula