Share

Chapter 2.1: Poor Child

FIVE YEARS LATER…

Nakaupo si Parker sa metal chair habang abala sa paglalaro ng mga dinosaur sa lamesa. Kasalukuyan siyang nasa pool area ng bahay at kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nito pero ang pisngi naman nito ay namumula. Sa loob lang ng araw na ito, hindi na mabilang ng inosenteng bata kung ilang beses dumapo ang kamay ng tiyahin niya sa kaniyang mukha.

“Bakit hindi ka pa kumakain?!” tanong nang kakarating lang na si Laura sa galit na tono.

Hindi sumagot si Parker, imbes, nagpatuloy lang ito sa paglalaro habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Na kahit hindi maganda ang mga pinagdadaanan niya sa mga kamay ni Laura, nakukuha niya pa ring ngumiti at maski ang mga mata niya ay nangniningning dahil sa kasiyahan.

“Kinakausap kita, Parker, bakit hindi ka sumasagot?!” hiyaw ni Laura at walang ano-ano'y dinampot ang mga dinosaur ni Parker at ibinato iyon sa pool.

Bumaba si Parker sa upuan at tiningnan ang mga nakalutang niyang laruan sa tubig. Bumaling siya sa kaniyang tiyahin habang unti-unting namamasa ang mga mata.

“Why did you throw it, Tita Laura?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Parker.

Napaismid si Laura nang marinig ang salitang ‘tita’ sa bibig ng limang taong gulang na bata. Ayaw na ayaw niyang tatawagin siya nitong tita dahil pakiramdam niya ay matanda na siya. Ilang beses niya bang pagsasabihan ito na huwag siya nitong tatawaging tita? Naririndi na siya!

“Why?” Ngumisi si Laura at lumuhod sa harap ni Parker. “Because you're naughty! Huwag na huwag mo akong tatawaging tita dahil hindi naman kita kadugo!”

“But you're my mom's sister, right?” tanong nito at tuluyan nang bumagsak ang ilang butil ng luha sa mga mata nito. “I want my toys back, Tita Laura. Please… please take them.” At yumakap si Parker kay Laura.

Napasinghap si Laura sa ginawa ni Parker pero bago pa man ito makahawak sa kaniya ay mabilis niya itong naitulak na ikinatumba ng kawawang bata.

“Huwag mo nga akong yakapin!” bulyaw ni Laura bago tumayo. “Kung gusto mong maglaro, ikaw ang kumuha sa pool!” aniya pa bago tumalikod.

Pero dahil desidido talaga ang bata na makuha ang mga laruan niya sa pool, kahit na nasaktan, tumayo pa rin siya at hinabol ang tiyahin niya.

“Please, Tita Laura. Take my dinosaurs. Please, take them…” pagmamakaawa niya habang hinihila ang dulong damit ni Laura.

Sa iritasyon ni Laura, pagalit siyang humarap kay Parker. “Gusto mong kunin ko iyon?” nakangiti niyang tanong pero sa likod noon ay isang madilim na plano.

“Yes, Tita Laura, please…” At nag-puppy eye pa si Parker.

Mabilis na nakuha ni Laura ang loob ni Parker kaya kahit labag sa loob niya, hinawakan niya ang kamay nito at dinala ito sa gilid ng pool. Lumuhod si Laura sa harap ni Parker at mariing hinawakan ang magkabilang balikat nito.

“Kung gusto mo talaga, then ikaw ang kumuha!”

At walang pagdadalawang-isip na itinulak ni Laura sa six feet nilang swimming pool si Parker. Humalakhak si Laura nang lumubog si Parker. At nang lumutang ito, nagmakaawa ito sa kaniya dahil hindi ito makalangoy at halatang nahihirapan ito.

“Help me, Tita Laura. Help me, please… I can't swim, help me, Tita Laura… help me…” patuloy sa pagmamakaawa ni Parker habang umiiyak.

Pero hindi makikitaan ng kahit gatiting na awa ang mga mata ni Laura ng sandaling iyon. Tuwang-tuwang pa siya habang nakikita kung paano nalulunod ang bata.

Mayamaya pa ay dumating ang kasambahay nila at nagulat ito nang makitang nalulunod si Parker. Tumalon ito at iniligtas ang bata.

Napaismid na naman si Laura ng sandaling iyon kaya inirapan niya ang matanda bago lumabas ng swimming pool area. Lumabas siya na hindi man lang nakakaramdam ng awa sa inosenteng bata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status