Home / Romance / The Billionaire's Triplet Babies / Chapter 1: Gave Birth Then Died

Share

The Billionaire's Triplet Babies
The Billionaire's Triplet Babies
Author: Nexus White

Chapter 1: Gave Birth Then Died

NASA KAHABAAN NG highway si Cathy sakay ng kaniyang kotse nang maramdaman niyang may mainit na likidong umaagos sa kaniyang hita pababa. Sandali niya iyong tiningnan at napamura siya nang mapagtantong pumutok na ang panubigan niya.

Dali-daling iniliko ni Cathy ang kaniyang kotse upang maghanap ng hospital sapagkat nagsisimula nang sumakit ang kaniyang tiyan. Sakit na halos magpasigaw na sa kaniya.

Pinagpapawisan na rin siya ng sandaling iyon at halos hindi na niya makaya ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y binibiyak ang tiyan niya ng sandaling iyon at gustuhin man niyang ihinto ang kotse pero mas iniisip niya ang kapakanan ng mga nasa sinapupunan niya.

Nanatili pa rin siyang kalmado at nang makarating sa hospital, inihinto ni Cathy ang kotse sa harap at pababang lumabas ng sasakyan habang sapo-sapo ang kaniyang malaking tiyan.

Nang makita siya ng guwardya, dali-dali itong tumawag ng tulong sa loob at inalalayan siya hanggang sa makaupo siya sa wheelchair na dala ng dalawang nurse.

“Nasaan po ang asawa niyo?” tanong ng isang nurse na tumutulak kay Cathy patungo sa delivery room.

Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cathy bago sinagot ang nurse. “Wala akong asawa,” sagot niya at nagpakawala ng sunod-sunod na sigaw sa kaniyang lalamunan.

Hindi na namalayan ni Cathy ang nangyari, natagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng delivery room habang sunod-sunod ang kaniyang pag-ire.

“Push pa! Nakikita ko na ang ulo ng bata!” imporma ng doktora kay Cathy na agad naman niyang ginawa.

Halos maubusan na ng lakas si Cathy ng sandaling iyon. Tagaktak na siya ng pawis at hinang-hina na ang buong katawan niya. Pero para sa mga anak niya, magiging malakas siya, at hindi alintana sa kaniya ang hirap na pinagdadaanan niya. Unti-unti na rin ang paglabo ng mga mata niya ng oras na iyon pero nanatili pa rin siya sa pag-ire upang mailabas na ang anak niya.

Habang walang habas na umiire, ay siya namang sunod-sunod na pagkalampag ng pinto ng delivery room.

Nag-ipon nang maraming lakas si Cathy bago umire nang madiin dahilan para lumabas ang anak niya mula sa kaniyang sinapupunan. Nang sandaling iyon, halos mawalan na ng malay si Cathy pero nang marinig niya ang pag-iyak ng anak niya, bigla siyang nabuhayan.

Nang ipatong ng doktora ang anak ni Cathy sa dibdib niya, agad niya iyong niyakap at hinalikan sa noo habang sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.

“Ibigay mo sa akin ang bata, Cathy!” anang isang tinig.

Nag-angat ng mukha si Cathy sa nagsalita at bahagya siyang nagulat nang makilala kung sino ito.

“Laura, anong ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong ni Cathy sa babae.

“Ibigay mo sa akin ang bata, Cathy! Anak din ni Phoenix ang batang iyan kaya ibigay mo na siya sa akin!”

“Hindi ko ibibigay ang anak ko sa isang katulad mo! Akin lang ang anak ko, at kailanma’y hindi ko hahayaan na hawakan ng lalaking iyon ang anak ko!” bulalas ni Cathy.

“Ikakasal na si Phoenix at Miriam, Cathy. Kailangang si Miriam ang makilala niyang ina at hindi ikaw.”

“Hindi ako papayag, Laura! Akin lang ang anak ko at walang ibang puwedeng gumalaw sa kaniya. At hindi ko hahayaan na kilalanin niya si Miriam bilang ina niya dahil ako ang totoo niyang ina at hindi ang babaeng iyon!” sigaw ni Cathy dahil sa galit na nararamdaman niya.

“Nakikipagmatigasan ka pa talaga, ha, Cathy? Sa tingin mo may pake pa sa iyo si Pheonix? Nagkakamali ka. Dahil magmula nang abandunahin mo siya, wala na siyang pakialam sa iyo. Si Miriam na ang mahal niya at siya lang ang puwedeng maging ina ng anak ni Phoenix at hindi ikaw!”

Matapos noon, bigla na lang hinaklit ni Laura ang sanggol sa bisig ni Cathy. Nang subukang kunin ni Cathy ang anak niya sa babae, bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang mga armadong lalaki at tinutukan silang lahat ng baril maliban kay Laura at sa anak niya.

“Ibalik mo sa akin ang anak ko, Laura!” pagmamakaawa ni Cathy.

Bumaba siya sa kinalalagyan niya pero dahil mahina pa ang katawan niya, natumba siya at hindi na niya nagawang makatayo pa. Gumapang si Cathy palapit kay Laura. At sa bawat paggalaw niya ay ang sunod-sunod namang pagragasa ng dugo mula sa kaniyang pagkababae.

“Nagmamakaawa ako, Laura. Ibalik mo sa akin ang anak ko…”

Humahagulhol na si Cathy ng sandaling iyon. Gustuhin man niyang makuha ang anak niya mula kay Laura subalit hindi niya kaya dahil pakiwari niya'y naputulan siya ng mga binti ng oras na iyon.

“Simula ngayon, si Miriam na ang ina ng batang ito,” huling lintaya ni Laura bago tuluyang lumabas ng delivery room dala ang anak niya.

Doon ay parang napako si Cathy sa kaniyang kinalalagyan. Hindi na siya makagalaw habang sunod-sunod ang pagragasa ng luha sa kaniyang mga mata.

Mayamaya pa ay bigla na lang nandilim ang kapaligiran niya. Sinubukan niyang labanan iyon pero pakiramdam niya ay gusto nang sumuko ng katawan niya. Hindi na niya nahabol ang anak niya sapagkat tuluyan nang bumagsak ang katawan niya sa malamig na sahig.

Sinubukan pang i-revive ng doktora si Cathy pero huli na ang lahat. Tuluyan nang nalagutan ng hininga si Cathy.

“Time of death, 11:15 A.M,” saad ng doktor bago lumisan ng kuwarto.

Pero napahinto na lang ito bigla nang sumigaw ang isa sa dalawang nurse na kasama niya.

“Doc, may kailangan kang makita.”

“What’s that?”

“May dalawa pang bata sa sinapupunan niya,” tugon ng nurse na nagpamulagat sa doktora.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Noemi A. Tenegra
very nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status