Sorry po ulit sa sobrang bagal na pag-update. Sa kaalaman po ng lahat, I'm a college student po and nahahati po talaga 'yong oras ko. And also, minsan po ay may mental block ako kaya hirap din po ako sa pagsusulat. I hope naintindihan niyo po. But don't worry, I'll try my best to finish the Book 2 this year para next year, Book 3 na tayo, which will be Chase's story. Thank you po and abangan pa ang mga kapana-panabik na mga tagpo rito sa kuwento nina Yana at Parker.
SA HINDI MAIPALIWANAG na dahilan, biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Yana habang seryoso pa ring nakatingin sa Tiya Salome niya. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya ng oras na iyon. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. “Tiya Salome, wala po akong boyfriend. Hi-Hindi ko po alam kung ano ang tinutukoy niyo. Hindi pa rin po ako handa para pumasok sa isang relas—” Hindi na nagawa pang magpatuloy ni Yana nang biglang sumingit ang tiyahin niya. “Yana, huwag mo nga akong lokohin. Pumunta no’ng isang araw ang boyfriend mo sa bahay. Malinaw ang sinabi niya na boyfriend mo siya. At bakit hindi mo alam, Yana? May amnesia ka ba?” Sunod-sunod na umiling si Salome habang nakatitig sa mga mata ni Yana. Mariing lumunok si Yana bago bahagyang umipod upang bigyan ng daan ang tiyahin niya. “Malinaw po na niloloko lang kayo nang lalaking pumunta sa inyo. Wala po talaga akong boyfriend, Tiya Salome…” Umiling si Salome. Sandali pa nitong tiningnan ang naguguluhang muk
NAMUMUGTO NA ANG mga mata ni Yana habang nakahalukipkip sa gilid ng kaniyang papag. Simula kahapon ay wala pa rin siyang humpay sa pag-iyak dahil sa kaniyang nalaman. Hindi niya inaasahan na darating sa tanang buhay niya ang isang bagay na kung tutuusin ay hindi pa siya handa. Ayon sa doktora na sumuri sa kaniya kahapon, buntis siya, tatlong linggo na. Gustuhing isipin ni Yana na isang bangungot lang ang lahat ngunit kahit anong gawin niya, hinding-hindi siya nagigising sa bangungot na iyon—na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may nabubuo ng sanggol sa sinapupunan niya. Marami na siyang problema sa buhay, dumagdag pa itong pagbubuntis niya. Pero bukod diyan, isang malaking katanungan din hindi lang kay Yana bagkus ay pati na rin sa papa niya kung sino nga ba ang nakabuntis sa kaniya. Wala siyang ideya kung sino—lalo pa't maraming lalaki ang gumalaw sa kaniya ilang linggo na ang nakalipas kaya wala siyang alam kung sino ba ang naging rason upang mabuo ang supli
NAKIPAGKASUNDO SI YANA kay Parker na siya lang ang tanging isama nito sa bahay nila sa kadahilanang siya lang naman ang rason kaya siya nito gustong makasama dahil inako na agad nito ang nasa sinapupunan niya kahit hindi pa siya sigurado na si Parker nga talaga ang ama nang dinadala niya. Noong una'y ayaw pa ni Parker dahil desidido talaga itong isama si Inigo at papa niya sa bahay nila dahil ayaw raw siya nitong maging malungkot. Pero hindi pumayag si Yana. Nahihiya siya sa pamilya ni Parker kaya mas pinili na lang niyang manatili si Inigo at papa niya sa bahay nila. Nangako naman siya na palagi siyang bibisita sa kanila. Tutol ang papa niya noong una pero pumayag na rin ito nang mangako si Parker dito na aalagaan siya nito sa bahay nila. Kaya ngayon, lulan na si Yana sa kotse ni Parker. Nasa passenger seat siya, sa tabi mismo ni Parker na seryosong nagmamaneho ng sasakyan nito. Bahagyang naiilang si Yana kaya hindi siya makatingin nang diretso sa lalaki. Nakamasid lang siya sa laba
NASA KAHABAAN NG highway si Cathy sakay ng kaniyang kotse nang maramdaman niyang may mainit na likidong umaagos sa kaniyang hita pababa. Sandali niya iyong tiningnan at napamura siya nang mapagtantong pumutok na ang panubigan niya.Dali-daling iniliko ni Cathy ang kaniyang kotse upang maghanap ng hospital sapagkat nagsisimula nang sumakit ang kaniyang tiyan. Sakit na halos magpasigaw na sa kaniya.Pinagpapawisan na rin siya ng sandaling iyon at halos hindi na niya makaya ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y binibiyak ang tiyan niya ng sandaling iyon at gustuhin man niyang ihinto ang kotse pero mas iniisip niya ang kapakanan ng mga nasa sinapupunan niya.Nanatili pa rin siyang kalmado at nang makarating sa hospital, inihinto ni Cathy ang kotse sa harap at pababang lumabas ng sasakyan habang sapo-sapo ang kaniyang malaking tiyan.Nang makita siya ng guwardya, dali-dali itong tumawag ng tulong sa loob at inalalayan siya hanggang sa makaupo siya sa wheelchair na dala ng dalaw
FIVE YEARS LATER…Nakaupo si Parker sa metal chair habang abala sa paglalaro ng mga dinosaur sa lamesa. Kasalukuyan siyang nasa pool area ng bahay at kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nito pero ang pisngi naman nito ay namumula. Sa loob lang ng araw na ito, hindi na mabilang ng inosenteng bata kung ilang beses dumapo ang kamay ng tiyahin niya sa kaniyang mukha.“Bakit hindi ka pa kumakain?!” tanong nang kakarating lang na si Laura sa galit na tono.Hindi sumagot si Parker, imbes, nagpatuloy lang ito sa paglalaro habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Na kahit hindi maganda ang mga pinagdadaanan niya sa mga kamay ni Laura, nakukuha niya pa ring ngumiti at maski ang mga mata niya ay nangniningning dahil sa kasiyahan.“Kinakausap kita, Parker, bakit hindi ka sumasagot?!” hiyaw ni Laura at walang ano-ano'y dinampot ang mga dinosaur ni Parker at ibinato iyon sa pool.Bumaba si Parker sa upuan at tiningnan ang mga nakalutang niyang laruan sa tubig. Bumaling siya sa kan
Kinagabihan, umakyat si Laura sa kuwarto ni Parker pero nakita niyang nakahiga ito sa kama habang nakataklob ang kumot sa buong katawan nito. “Wake up, parating na ang daddy mo!” hiyaw niya bago hinila ang kumot.Pagkaalis ng kumot, nakita ni Laura na yakap-yakap ni Parker ang sarili. Nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nanginginig ang katawan nito.Lumapit si Laura kay Parker at sinalat ang noo nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdamang mainit iyon. Inalog niya ang katawan ng bata dahilan para magising ito.“Hindi ka pa magbibihis?!” iritadong tanong niya rito.Dahan-dahang umupo si Parker sa kinahihigaan. “I'm sick, Tita Laura. I don't wanna go.”“Ano?! Hindi puwede! Magbihis ka na, ngayon din!” galit niyang utos dito bago ito hinila pababa sa kama. “Stop, Tita Laura. I'm hurt…” At nagsimula nang mamayagpag ang luha nito pababa.“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Basta magbihis ka na dahil dadating na ang daddy mo! Nagkakaintindihan ba tayo?” At pinalinsikan ni La
PARANG BINIBIYAK ANG ulo ni Dr. Catherine nang magising siya mula sa malalim na pagkakatulog. Bumungad sa harap niya si Mr. Harold, na director ng Montgomery Medical Center kung saan din siya nagtatrabaho bilang surgeon.“Is there a problem, Mr. Harold?” naguguluhang tanong ni Catherine.“I need you right now, Dr. Catherine. We have a patient. No, we have a special patient that needs special treatment. At nakikita ko na kaya mo iyon.”Napatayo si Catherine sa kaniyang kinauupuan. Papungay-pungay pa ang mga mata niya ng sandaling iyon dahil kakagaling lang niya sa malalim na pagkakatulog.“Sino siya?” tanong niya kapagkuwan.“Parating na sila, follow me.”Tumango si Catherine. Kinuha niya muna ang kaniyang lab gown na nakasabit sa upuan at kumuha rin siya ng face mask bago sinundan si Mr. Harold.Walang ideya si Catherine kung bakit siya ang pinuntahan ni Mr. Harold gayong marami namang doktor dito sa Montgomery Medical Center. Pero hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito. Special pa
“ANG KAPAL NG mukha mo para tanggihan ang tagapagmana ng hospital na ito!” hiyaw ni Laura habang patuloy niyang hinihila ang buhok ni Catherine.“Tama na po, nasasaktan niyo na po siya!” pigil ni Drax sa babae. Pero kahit anong gawing pagpigil ni Drax kay Laura ay hindi niya magawang matanggal ang mga kamay nito sa buhok ni Catherine. Sunod-sunod na rin ang pagdaing ni Catherine ng sandaling iyon habang si Johanna naman ay nakaalalay kay Catherine.Nag-ipon nang maraming lakas si Catherine bago walang pagdadalawang-isip na itinulak si Laura dahilan para mapasalampak ito sa sahig. At nang akmang susugod na siya, bigla siyang pinigilan ni Johanna.“How dare you push me?!” gulat na bulalas ni Laura bago dahan-dahang tumayo sa kinasasalampakan nito.“Sa ating dalawa, ikaw ang mas makapal ang mukha. Hindi kita kilala at wala akong panahon na kilalanin ka. Wala akong pakialam kung sinong santo ka pa!” bulyaw ni Catherine sa babae habang inaayos ang buhok niyang nagulo na dahil sa pagsabuno