Share

Chapter 95: Sa Kamay ng Sindikato

HINDI NA PINALIPAS ni Yana ang araw dahil pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin sa doktor na gawin na ang operasyon sa mama niya, agad siyang nagtungo sa bahay ni Carmen.

“Desidido ka na ba talaga riyan, Yana?” paninigurado ni Carmen kay Yana.

Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumango si Yana. “Desidido na po ako, Momshie Carmen. Kailangan ko po talaga ngayon nang malaking halaga ng pera para sa operasyon ni mama.”

“Talagang gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo, ‘no? Bilib na bilib talaga ako sa ‘yo, Yana. Balita ko rin, ikaw ang nagpyansa sa kapatid mong batugan, tama ba? Matanda na, pero pabigat pa rin sa pamilya. Alam mo, dapat pinalayas na ng mga magulang mo ang kapatid mong ‘yon. Hindi ba’t dapat may asawa na siya at nakabukod na?”

Lumunok si Yana. “Hindi po magagawang palayasin nina mama at papa si Kuya Fernando, Momshie Carmen. Kahit na… kahit na sabihing pabigat siya sa bah—”

“Paanong hindi lalaki ang ulo, e kinukunsinte niyo pala?” Humalakhak si Carmen.

“Hindi naman po
Nexus White

Hi, please don't forget to comment. Thanks! At nga pala, mababago po ang blurb ng Book 2. Baka lang po malito kayo sa mga susunod na kabanata dahil hindi na sila connected sa blurb, babaguhin ko po iyon, don't worry. Again, salamat po!

| 3
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Manar Makasasa
paano kya cla mktakas?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status