HINDI NA PINALIPAS ni Yana ang araw dahil pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin sa doktor na gawin na ang operasyon sa mama niya, agad siyang nagtungo sa bahay ni Carmen. “Desidido ka na ba talaga riyan, Yana?” paninigurado ni Carmen kay Yana. Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumango si Yana. “Desidido na po ako, Momshie Carmen. Kailangan ko po talaga ngayon nang malaking halaga ng pera para sa operasyon ni mama.” “Talagang gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo, ‘no? Bilib na bilib talaga ako sa ‘yo, Yana. Balita ko rin, ikaw ang nagpyansa sa kapatid mong batugan, tama ba? Matanda na, pero pabigat pa rin sa pamilya. Alam mo, dapat pinalayas na ng mga magulang mo ang kapatid mong ‘yon. Hindi ba’t dapat may asawa na siya at nakabukod na?” Lumunok si Yana. “Hindi po magagawang palayasin nina mama at papa si Kuya Fernando, Momshie Carmen. Kahit na… kahit na sabihing pabigat siya sa bah—” “Paanong hindi lalaki ang ulo, e kinukunsinte niyo pala?” Humalakhak si Carmen. “Hindi naman po
ILANG ARAW NA ang nakalipas nang ikulong si Yana sa loob ng isang madilim na silid kasama si Kristin at iba pang mga babae. Sa loob ng mga araw na nagdaan, wala silang ibang ginawa kundi ang umiyak at magmakaawa. Subalit tila mga manhid ang mga lalaking nagbabantay sa kanila—hindi man lang nakaramdam nang pagkahabag ang mga ito.Gustuhin mang magpakapositibo ni Yana ngunit unti-unti na siyang sumusuko—iniisip niya na ganito na talaga ang magiging buhay niya at dito na siya masasadlak habang-buhay. Wala na siyang ibang magawa. Pakiramdam niya ay dito na matatapos ang buhay niya. Isama pa ang segu-segundong pagpasok sa utak ng pamilya niya lalo na ang mama niya. Kumusta na kaya ito ngayon? Maayos ba ang operasyon nito? Kung naging matagumpay ang operasyon, saan naman kukuha ang papa niya nang pambayad sa ospital? Sa kaniya nakasalalay ang lahat… ngunit anong magagawa ngayon ni Yana kung nandito siya ngayon sa loob ng isang madilim na silid?Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawal
“KASALAN MO KUNG bakit namatay si mama!” bulyaw ni Fernando sa kaniyang kapatid.Mabilis na napa-awang si Yana nang marinig iyon mismo sa kaniyang nakakatandang kapatid. Hindi niya inaasahan na masasabi nito ang ganoong bagay sa kaniya. Nagtatalo silang dalawa at hindi niya sukat akalain na magagawa nitong isisi sa kaniya ang pagkawala ng mama nila.“Kuya naman, naririnig mo ba ang sarili mo? Bakit mo sa ‘kin isinisisi ang pagkawala ni mama? Kung alam mo lang ang nangyari, Kuya Fernando. Kung alam mo lang ang dinanas ko, baka maintindihan mo a—”“Kahit kailan ay hindi kita naintindihan, Yana! Akala mo ba'y hindi ko malalalaman ang kasinungalingan mo kina mama at papa? Nagsinungaling ka tungkol sa trabaho mo kahit ang totoo ay pokpok ka! Marumi kang babae, Yana! Paano mo nagawang ibenta ang sarili mo? Baka nga may sakit ka na, hawaan mo pa ka—”Hindi na pinatapos ni Yana ang nakakatanda niyang kapatid. Sinampal niya ito habang maluha-luha ang kaniyang mga mata.“Oo na! Sige na, sa tin
NASA KAHABAAN NG highway si Cathy sakay ng kaniyang kotse nang maramdaman niyang may mainit na likidong umaagos sa kaniyang hita pababa. Sandali niya iyong tiningnan at napamura siya nang mapagtantong pumutok na ang panubigan niya.Dali-daling iniliko ni Cathy ang kaniyang kotse upang maghanap ng hospital sapagkat nagsisimula nang sumakit ang kaniyang tiyan. Sakit na halos magpasigaw na sa kaniya.Pinagpapawisan na rin siya ng sandaling iyon at halos hindi na niya makaya ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y binibiyak ang tiyan niya ng sandaling iyon at gustuhin man niyang ihinto ang kotse pero mas iniisip niya ang kapakanan ng mga nasa sinapupunan niya.Nanatili pa rin siyang kalmado at nang makarating sa hospital, inihinto ni Cathy ang kotse sa harap at pababang lumabas ng sasakyan habang sapo-sapo ang kaniyang malaking tiyan.Nang makita siya ng guwardya, dali-dali itong tumawag ng tulong sa loob at inalalayan siya hanggang sa makaupo siya sa wheelchair na dala ng dalaw
FIVE YEARS LATER…Nakaupo si Parker sa metal chair habang abala sa paglalaro ng mga dinosaur sa lamesa. Kasalukuyan siyang nasa pool area ng bahay at kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nito pero ang pisngi naman nito ay namumula. Sa loob lang ng araw na ito, hindi na mabilang ng inosenteng bata kung ilang beses dumapo ang kamay ng tiyahin niya sa kaniyang mukha.“Bakit hindi ka pa kumakain?!” tanong nang kakarating lang na si Laura sa galit na tono.Hindi sumagot si Parker, imbes, nagpatuloy lang ito sa paglalaro habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Na kahit hindi maganda ang mga pinagdadaanan niya sa mga kamay ni Laura, nakukuha niya pa ring ngumiti at maski ang mga mata niya ay nangniningning dahil sa kasiyahan.“Kinakausap kita, Parker, bakit hindi ka sumasagot?!” hiyaw ni Laura at walang ano-ano'y dinampot ang mga dinosaur ni Parker at ibinato iyon sa pool.Bumaba si Parker sa upuan at tiningnan ang mga nakalutang niyang laruan sa tubig. Bumaling siya sa kan
Kinagabihan, umakyat si Laura sa kuwarto ni Parker pero nakita niyang nakahiga ito sa kama habang nakataklob ang kumot sa buong katawan nito. “Wake up, parating na ang daddy mo!” hiyaw niya bago hinila ang kumot.Pagkaalis ng kumot, nakita ni Laura na yakap-yakap ni Parker ang sarili. Nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nanginginig ang katawan nito.Lumapit si Laura kay Parker at sinalat ang noo nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdamang mainit iyon. Inalog niya ang katawan ng bata dahilan para magising ito.“Hindi ka pa magbibihis?!” iritadong tanong niya rito.Dahan-dahang umupo si Parker sa kinahihigaan. “I'm sick, Tita Laura. I don't wanna go.”“Ano?! Hindi puwede! Magbihis ka na, ngayon din!” galit niyang utos dito bago ito hinila pababa sa kama. “Stop, Tita Laura. I'm hurt…” At nagsimula nang mamayagpag ang luha nito pababa.“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Basta magbihis ka na dahil dadating na ang daddy mo! Nagkakaintindihan ba tayo?” At pinalinsikan ni La
PARANG BINIBIYAK ANG ulo ni Dr. Catherine nang magising siya mula sa malalim na pagkakatulog. Bumungad sa harap niya si Mr. Harold, na director ng Montgomery Medical Center kung saan din siya nagtatrabaho bilang surgeon.“Is there a problem, Mr. Harold?” naguguluhang tanong ni Catherine.“I need you right now, Dr. Catherine. We have a patient. No, we have a special patient that needs special treatment. At nakikita ko na kaya mo iyon.”Napatayo si Catherine sa kaniyang kinauupuan. Papungay-pungay pa ang mga mata niya ng sandaling iyon dahil kakagaling lang niya sa malalim na pagkakatulog.“Sino siya?” tanong niya kapagkuwan.“Parating na sila, follow me.”Tumango si Catherine. Kinuha niya muna ang kaniyang lab gown na nakasabit sa upuan at kumuha rin siya ng face mask bago sinundan si Mr. Harold.Walang ideya si Catherine kung bakit siya ang pinuntahan ni Mr. Harold gayong marami namang doktor dito sa Montgomery Medical Center. Pero hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito. Special pa
“ANG KAPAL NG mukha mo para tanggihan ang tagapagmana ng hospital na ito!” hiyaw ni Laura habang patuloy niyang hinihila ang buhok ni Catherine.“Tama na po, nasasaktan niyo na po siya!” pigil ni Drax sa babae. Pero kahit anong gawing pagpigil ni Drax kay Laura ay hindi niya magawang matanggal ang mga kamay nito sa buhok ni Catherine. Sunod-sunod na rin ang pagdaing ni Catherine ng sandaling iyon habang si Johanna naman ay nakaalalay kay Catherine.Nag-ipon nang maraming lakas si Catherine bago walang pagdadalawang-isip na itinulak si Laura dahilan para mapasalampak ito sa sahig. At nang akmang susugod na siya, bigla siyang pinigilan ni Johanna.“How dare you push me?!” gulat na bulalas ni Laura bago dahan-dahang tumayo sa kinasasalampakan nito.“Sa ating dalawa, ikaw ang mas makapal ang mukha. Hindi kita kilala at wala akong panahon na kilalanin ka. Wala akong pakialam kung sinong santo ka pa!” bulyaw ni Catherine sa babae habang inaayos ang buhok niyang nagulo na dahil sa pagsabuno