Don't forget to comment. Thank y'all, readers!
MADALING-ARAW NA NANG makauwi si Yana pero maaga pa lang ay nagising na siya hindi dahil may hinahabol siyang bagay o oras—iyon ay dahil hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga tinuran ni Carmen sa kaniya. Bakit napakadaling sabihin nito na kapag nabuntis sila ay puwede namang ipalaglag ang bata? Paano nito naaatim na gawin ang bagay na iyon? Wala ba itong konsensya para isipin na masama iyon? Ipapalaglag ang batang walang kamuwang-muwang? Ipapalaglag ang bata na hindi pa nagagawang masilayan ang mundong ibabaw? Napakasama! Marami pang katanungan si Yana subalit mas pinili na lang niyang manahimik at magsawalang-kibo dahil baka hindi lang sampal ang abutin niya kay Carmen. Baka alisin na siya nito sa trabaho niya kaya hanggat maaari ay kinokontrol ni Yana ang kaniyang sarili na magsalita o komprontahin ito. Ngayong araw, mag-isa lamang si Yana sa kanilang bahay. Pinuntahan ng mama niya ang asawa nito sa ospital na kasalukuyang nagbabantay kay Inigo—ang bunsong kapatid ni Yana. Tatlo
HINDI MAWALA-WALA SA isip ni Yana ang ginawang karahasan sa kaniya ng lalaking bumili sa kaniya noong nakaraang gabi. Nakatatak pa rin sa utak ni Yana ang nangyari kaya ilang araw siyang nakakulong sa kuwarto niya at hindi nagtrabaho dahil sa takot na baka maulit muli iyon.Pero dahil may prayoridad siya, kahit natatakot, nagpatuloy pa rin siya sa pagtatrabaho bilang pókpok. Naging maayos naman ang pagpapatuloy niya hanggang sa lumipas ang isang buwan—unti-unti nang nagbago ang buhay nila.Nakalabas na si Inigo sa ospital at maski ang Kuya Fernando niya ay nakalabas na rin dahil nagpyansa siya sa kagustuhan ng mama niya na makalabas ito ng kulungan. Pinagtigil na rin ni Yana ang papa niya sa pagtatrabaho nito bilang construction worker habang ang mama naman niya ay hindi na nakakaligtaang uminom ng mga gamot nito dahil kumpleto na iyon. Sa katunayan, bumili na rin siya para sa susunod na buwan.Masaya si Yana dahil unti-unti na silang nakakaahon sa hirap. Malaking tulong talaga sa kan
HINDI NA PINALIPAS ni Yana ang araw dahil pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin sa doktor na gawin na ang operasyon sa mama niya, agad siyang nagtungo sa bahay ni Carmen. “Desidido ka na ba talaga riyan, Yana?” paninigurado ni Carmen kay Yana. Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumango si Yana. “Desidido na po ako, Momshie Carmen. Kailangan ko po talaga ngayon nang malaking halaga ng pera para sa operasyon ni mama.” “Talagang gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo, ‘no? Bilib na bilib talaga ako sa ‘yo, Yana. Balita ko rin, ikaw ang nagpyansa sa kapatid mong batugan, tama ba? Matanda na, pero pabigat pa rin sa pamilya. Alam mo, dapat pinalayas na ng mga magulang mo ang kapatid mong ‘yon. Hindi ba’t dapat may asawa na siya at nakabukod na?” Lumunok si Yana. “Hindi po magagawang palayasin nina mama at papa si Kuya Fernando, Momshie Carmen. Kahit na… kahit na sabihing pabigat siya sa bah—” “Paanong hindi lalaki ang ulo, e kinukunsinte niyo pala?” Humalakhak si Carmen. “Hindi naman po
ILANG ARAW NA ang nakalipas nang ikulong si Yana sa loob ng isang madilim na silid kasama si Kristin at iba pang mga babae. Sa loob ng mga araw na nagdaan, wala silang ibang ginawa kundi ang umiyak at magmakaawa. Subalit tila mga manhid ang mga lalaking nagbabantay sa kanila—hindi man lang nakaramdam nang pagkahabag ang mga ito.Gustuhin mang magpakapositibo ni Yana ngunit unti-unti na siyang sumusuko—iniisip niya na ganito na talaga ang magiging buhay niya at dito na siya masasadlak habang-buhay. Wala na siyang ibang magawa. Pakiramdam niya ay dito na matatapos ang buhay niya. Isama pa ang segu-segundong pagpasok sa utak ng pamilya niya lalo na ang mama niya. Kumusta na kaya ito ngayon? Maayos ba ang operasyon nito? Kung naging matagumpay ang operasyon, saan naman kukuha ang papa niya nang pambayad sa ospital? Sa kaniya nakasalalay ang lahat… ngunit anong magagawa ngayon ni Yana kung nandito siya ngayon sa loob ng isang madilim na silid?Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawal
“KASALAN MO KUNG bakit namatay si mama!” bulyaw ni Fernando sa kaniyang kapatid.Mabilis na napa-awang si Yana nang marinig iyon mismo sa kaniyang nakakatandang kapatid. Hindi niya inaasahan na masasabi nito ang ganoong bagay sa kaniya. Nagtatalo silang dalawa at hindi niya sukat akalain na magagawa nitong isisi sa kaniya ang pagkawala ng mama nila.“Kuya naman, naririnig mo ba ang sarili mo? Bakit mo sa ‘kin isinisisi ang pagkawala ni mama? Kung alam mo lang ang nangyari, Kuya Fernando. Kung alam mo lang ang dinanas ko, baka maintindihan mo a—”“Kahit kailan ay hindi kita naintindihan, Yana! Akala mo ba'y hindi ko malalalaman ang kasinungalingan mo kina mama at papa? Nagsinungaling ka tungkol sa trabaho mo kahit ang totoo ay pokpok ka! Marumi kang babae, Yana! Paano mo nagawang ibenta ang sarili mo? Baka nga may sakit ka na, hawaan mo pa ka—”Hindi na pinatapos ni Yana ang nakakatanda niyang kapatid. Sinampal niya ito habang maluha-luha ang kaniyang mga mata.“Oo na! Sige na, sa tin
DAHIL SA TAKOT ni Yana na madamay ang kaniyang pamilya, mas pinili na lang niyang manahimik kaysa isiwalat ang katotohanan. Mahal ni Yana ang pamilya niya, at mahal din niya si Kristin, subalit sa kanila, mas matimbang pa rin ang pamilya niya. Masakit man ang ginawa niyang pananahimik, ngunit iyon lang ang naisip ni Yana upang mas makasama pa nang matagal ang pamilya niya. Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula nang makatakas si Yana sa mga sindikato. Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang mawala ang mama niya at magpahanggang ngayon ay patuloy niya pa ring sinisisi ang sarili. Tama ang Kuya Fernando niya, siya nga ang may kasalanan kung bakit namatay ang mama nila at habang-buhay iyong dadalhin ni Yana. Gayunpaman, sa dinami-rami ng mga nangyari, nagpatuloy pa rin si Yana sa buhay. Bumalik siya sa pagpópókpok para mabuhay ang kaniyang pamilya. Tanging si Inigo at ang papa na lang niya ang kasama niya dahil lumayas na ang Kuya Fernando niya sa bahay nila. Siguro ay tama lang ang
WARNING: SPG ALERT! MALALIM NA ANG halikan nilang dalawa ng lalaki at hindi na ito nagawang maitulak pa ni Yana dahil sa kakaibang sensasyong idinudulot sa kaniya ng lalaki. Lasang-lasa niya ang dila nito—lasang alak na nagdadagdag init sa buong katauhan ni Yana. Pakiramdam niya ay naglalagablab na ang buong katawan niya dahil sa init na ibinibigay ng lalaki sa kaniya. Pareho na silang wala sa kanilang mga sarili. At ang tanging nagawa lang ni Yana ng sandaling iyon ay humalinghing habang patuloy pa rin sila sa paglasap sa kanilang mga sarili. At habang patuloy na naghahalikan, malikot ang mga kamay ng lalaki—kung saan-saan ito humahawak sa katawan ni Yana. Pero ang nagpapasarap kay Yana ay ang paglamas ng lalaki sa kaniyang mga bundok. “Ughmmm…” wala na sa sariling ungol ni Yana lalo pa't naramdaman niya ang pagpasok ng kamay ng lalaki sa suot niyang skirt kung saan nito pinaglaruan ang hiwa niya gamit ang mga daliri nito. Pareho na silang kinapos sa hangin kaya humiwalay na sila
ISANG MAHABANG UNGOL ang namutawi sa lalamunan ni Yana nang unti-unti nang ipasok ng lalaki ang kárgada nito sa kaniyang káselan. Habang pumapasok iyon ay walang humpay sa panginginig ang mga binti ni Yana sapagkat pakiwari niya'y tubo ang pumupuno sa káselan niya. “Ughmmm…” impit na ungol ni Yana nang wala pa ring habas ang lalaki sa pagpasok ng kahabaan nito sa kalooban niya. At makalipas ang ilang segundo, huminto ang lalaki. Nakangiti nitong pinagmasdan ang magandang mukha ni Yana na naging dahilan para madagdagan ang init na nararamdaman ng pagkatao niya. Mas lalong tumigas ang pagkalalaki niya kaya sa huling pagkakataon, nagpatuloy siya sa pagpasok bago sinapo ang magkabilang baywang ni Yana. “Are you ready?” kalmadong tanong ng lalaki. Kagat-labing nag-angat ng tingin si Yana sa lalaki. “Dahan-dahan lang,” pakiusap niya. “Don’t worry, I'll be gentle…” masuyong saad ng lalaki bago nito sinunggaban nang mapusok na halik ang mga naka-awang na labi ni Yana. Masuyo silang nagh