ILANG LINGGO NA ang nakalipas nang maging maayos ang lahat. Gumaan na ang puso ni Cathy ngayon dahil bumalik na sa normal ang buhay nila. Kung hindi pa mawawala ang mga taong nagpapalala pa lalo sa sitwasyon, hindi pa matitigil ang matinding gulo at galit sa isa't-isa.Sa loob ng ilang linggong lumipas, walang nangyaring kakaiba sa buhay nila. Si Miriam ay tuluyan nang nawala at hindi na nagparamdam pa kaya naibalik na ang kapayapaan sa pamilya nila. Ito na lang naman ang hadlang sa kanila at mabuti na lang ay mas pinili nitong lumayo. Tahimik na at wala nang mahihiling pa si Cathy.Si Sigmud naman, wala na siyang balita sa lalaking iyon. Maigi na rin iyon na nagpakalayo ito para mapagtanto nito ang pagkakamaling nagawa nito. Isa lang ang mahihiling ni Cathy para rito—iyon ay sana'y mahanap ni Sigmud ang tunay na pag-ibig na hinahanap nito. Hindi man sa kaniya, pero sa ibang babae na magmamahal dito nang walang hangganan. “Dr. Catherine, maraming-maraming salamat po at naging maayos
“NAKUHA MO NA ba ang puso ni Molly?” nangingising tanong ni Phoenix kay Ambrose habang kausap niya ito sa kabilang linya.“Her heart is as hard as stone, Phoenix. Hanggang kailan ba ako magpapapansin sa kaniya makuha ko lang ang loob niya?”“Bro, if you really love Molly, then you should wait. Baka naman kinikilatis ka pa niya bago ka niya pagkatiwalaan. Don't worry, bro, I'm pretty sure makukuha mo rin si Molly. I have to go, bro. Nandito na ako sa ospital.”“Of course, bro. Bakit ko naman sasayanging ang mga araw kong pagpapapansin sa kaniya? Even if it takes years for her to accept me into her life, I don't care. Okay, bro, I’ll see you soon…”Pinatay ni Phoenix ang kaniyang cellphone bago ipinarada ang sasakyan sa harap ng Montgomery Medical Center. Bumaba siya habang hawak ang isang bouquet ng tulips. Cathy loves this flower, for sure she'll like it.Nang makapasok siya sa ospital, binati pa siya ng mga taong nakakasalubong niya. Nakangiting tumango si Phoenix sa mga ito subalit
CATHY HAD A miscarriage, which led to her developing PTSD (Post-Traumatic Stress Disorder). However, with the help of therapy, she recovered. Though it’s unforgettable, Cathy always manages to calm herself down whenever she thinks about losing their potential child.“Pangako po, gagawin namin ang lahat nang makakaya namin maging espesyal lang ang birthday party ng triplets,” nakangiting sambit ni Abby, ang event planner na kinuha nila upang mag-organize ng 6th birthday party ng mga anak nila.Nakipagkamay si Abby sa kanila bago umalis ang team nito.“Are you excited, Cathy?” nakangiting tanong ni Phoenix habang nakaakbay kay Cathy.Kasalukuyan silang naglalakad palabas ng mansyon para puntahan sa garden ang triplets na abala sa paglalaro. At malayo pa lang, natanaw na nilang dalawa ang mga ito na nagtatakbuhan. “They're turning six in a few months, I don't think ma-e-excite ako.”“Bakit naman?” nakangusong tanong ni Phoenix.“Taon-taon, madadagdagan ang edad nila hanggang sa tumunton
“GRANDMA, COME WITH us na po para hindi ka na po mag-cry,” nakangusong sabi ni Cora habang hawak-hawak ang kamay ng lola nito.“No, apo. Family bonding niyo iyon kaya ayokong sumama,” umiiyak na sagot ni Beatrice sa kaniyang apo.“But grandma, iiyak ka po kapag umalis kami. We want you to be with us, pero ayaw mo naman po,” sambit naman ni Chase.“Apo, naiiyak ako kasi malalayo kayo sa akin ng ilang linggo. Hindi ako naiiyak kasi hindi ako makakasama sa inyo. Mami-miss kasi kayo ni grandma.”“Then come with us,” wika naman ni Parker.Ngumiti si Beatrice at tumigil sa pag-iyak. “Maging masaya kayo sa America, ha? Huwag kayong makulit dahil baka mawala kayo. Ayokong tatawagan ako ng mommy at daddy niyo na nawawala kayo. If that happens, baka mamatay na talaga ako!”“Come with us na lang po, grandma, para hindi ka na po maging sad,” nakanguso pa ring saad ni Cora.Kakatapos lang ng 6th birthday party ng triplets kahapon kaya napagdesisyunan agad ni Phoenix na pumunta agad sila sa Disneyl
18 YEARS LATER… “Ano ba, Phoenix? Baka mahulog ako! Ibaba mo na ako!” pakiusap ni Cathy sa asawa niya habang buhat-buhat siya nito na parang isang sako ng bigas. Pero imbes na makinig, nag-squat pa ang lokong si Phoenix. Napahiyaw na si Cathy ng sandaling iyon habang walang humpay sa pagsuway sa asawa niyang daig pa ang bata kung umakto. “10… 11… 12…” pagbibilang ni Phoenix. “Ibaba mo na ako, Phoenix. Kapag ako nahulog, sa sala ka matutulog!” pagbabanta niya sa asawa pero hindi man lang ito nag-atubiling makinig sa kaniya. Kahit hinihingal ay hindi pa rin huminto si Phoenix. Patuloy lang ito sa pag-squat at hindi alintana ang asawa nitong kanina pang sinisuway siya. “18… 19… 20! Fúck!” At doon ay tuluyan nang ibinaba ni Phoenix si Cathy. Isang kurot sa tagiliran ang ibinigay ni Cathy sa asawa bago bumalik sa niluluto niya. “Awww, honey. Why? Did I do something wrong?” “Wow, talagang tinanong mo pa ako niyan, ‘no? Kung hindi mo ako basta-basta na lang binuhat, hindi ako aakto
Book 2: A Night with the Próstitute Blurb: Dahil sa kahirapan, napilitan si Yana De Jesus na pasukin ang mundo ng prostitusyon—isang mundong kailanma'y hindi niya pinangarap pasukin. Ngunit dahil sa matinding pangangailangan, kumapit na siya sa patalim. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mas lalong lumala ang sitwasyon nang subukan niyang pasukin ang isa pang trabaho para makatulong sa pagpapa-opera ng kaniyang ina. Lingid sa kaniyang kaalaman, sindikato pala ang napasukan nila ng kaniyang kaibigan. Dahil dito, napagpasyahan nilang tumakas bago pa sila ibenta. Sa kanilang pagtakas, hinabol sila ng mga tauhan ng sindikato, ngunit nagawang makatakas ni Yana. Sa gitna ng pagtakbo, isang sasakyan ang huminto sa harap niya, at lumabas ang isang guwapong lalaki. Humingi ng tulong si Yana, at nang akmang aalis na sila, biglang binaril ang lalaki. Dahil sa takot at trauma, dali-dali siyang tumakas. Makalipas ang ilang buwan, nanatiling tahimik si Yana tungkol sa mga nangyari. Patul
“ANO NA, AGNES?! Aba’y dalawang buwan ko na kayong sinisingil para sa upa niyo. Ilang beses na akong bumalik dito pero palagi niyo akong binibigo! Palaging wala? Diyos ko naman! Tumira kayo sa bahay ko at responsibilidad niyong magbayad. Kung ganiyan lang din naman pala, mas maiging lumayas na lang kayo!” galit na saad ni Isabel—ang may-ari ng bahay kung saan kasalukuyang nakatira ang pamilya ni Yana. “Pasensya ka na, Agnes, at gipit na gipit lang kami ngayon. Sunod-sunod ang problemag kinahaharap naman kaya sana naman ay maunawaan mo kami at maunawaan mo na hindi pa kami makakapagbayad ngayon. Nakikiusap ako, Agnes. Gagawa kami ng paraan makahanap lang pangbayad sa iyo. B-Bigyan mo pa kami ng isang buwan…” pakiusap ng mama ni Yana habang sapo nito ang dibdib dahil iniingatan nito ang emosyon nito lalo na ang puso nito dahil may sakit ito. Bumakas agad ang iritasyon sa mukha ni Isabel bago pumameywang. “Na naman?! Ganiyan din ang sinabi mo sa akin noong nakaraang buwan. Tapos ngayong
“SAAN GALING ITO, Yana?” hindi makapaniwalang tanong ng mama niya nang iabot niya rito ang bente mil. Ngumiti si Yana. “‘Ma, huwag niyo na pong isipin kung saan galing iyan. Dapat nga po'y maging masaya na kayo dahil may pambayad na tayo ng upa natin kay Aling Isabel. Hindi na po natin kailangan mabahala at hindi na rin po tayo mapapalayas dito. Huwag po kayong mag-alala, aabutan ko pa po kayo sa mga susunod na araw. May panggastos na rin po tayo kay bunso.” Ilang araw ng nasa ospital ang bunsong kapatid ni Yana dahil may sakit itong dengue. May natanggap naman silang tulong sa kanilang mayor subalit hindi pa rin iyon sapat kaya ngayon ay nagsusumikap si Yana para may panggastos sila. “Anak, bakit ayaw mong sabihin sa akin ang trabahong pinasok mo? At isa pa, noong isang araw mo lang tinanggap ang raket na inalok sa ‘yo ni Kristin kaya paano ka kumita ng ganitong kalaking halaga sa loob lamang ng dalawang a—” “Hindi na po iyon mahalaga, ma—” “Mahalagang malaman ko kung saan ka nag