Share

Chapter 15: Troublemakers

MAHIGPIT ANG HAWAK ni Laura sa kopitang nasa kamay niya. May laman iyong wine na halos paubos na rin.

“I can't believe that woman, mommy! You think magagawa natin ang plano natin kung ganiyan si Beatrice?!” iritadong usal ni Laura sa kaniyang ina na nakaupo sa harap niya.

Kasalukuyan silang nasa pool area na matatagpuan sa labas ng mansyon. Nasa labas silang mag-ina samantalang ang mga bisita ay nasa loob ng mansyon.

Dahil sa pagdating ni Parker sa Hacienda Montgomery, nagkaroon ng selebrasyon. Gabi na subalit maliwanag pa rin ang kapaligiran dahil sa mga ilaw na nakapuwesto kung saan-saan.

Pero tila hindi sang-ayon kay Laura ang naturang party sapagkat imbes na maging masaya, mas lalo siyang nagngalit nang makita sa kinalalagyan niya kung gaano kasaya ang matandang hukluban habang nakikipag-usap ito sa mga kamag-anak nito. Hindi pa yata sapat iyong ginawa niya kay Pipita. Kulang pa iyong ginawa niya rito bilang ganti niya sa amo nitong akala mo naman kung sino kung tratuhin sila ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status