Share

Chapter 21: She's Back

“HAVE YOU HEARD the news?” bungad agad ni Sigmud kay Cathy na kakapasok lang sa Montgomery Medical Center.

Tumango si Cathy kapagkuwan ay nagpatuloy sa paglalakad. “Kagabi pa,” walang buhay na tugon ni Cathy kay Sigmud.

Kagabi niya pang narinig ang balitang iyon—at wala siyang pakialam. Tuloy-tuloy lang si Cathy sa paglalakad habang si Sigmud ay nakasunod pa rin sa kaniya. Nang makarating si Cathy sa kaniyang opisina, ipinatong niya ang bag niya sa lamesa at umupo sa swivel chair.

“Hindi ka ba natatakot, Cathy?” may pag-aalalang tanong ni Sigmud nang makaupo ito sa harap niya.

Kumunot ang noo ni Cathy. “Saan naman ako matatakot, Sigmud?”

“Kay Miriam. Gising na siya, hindi ka man lang ba nababahala?”

Mahinang tumawa si Cathy bago kinuha sa loob ng bag niya ang kaniyang make-up. “Saan ako mababahala, Sigmud? You know, wala naman akong pakialam kung gumising na siya. It's good for her that she's finally awake from a deep coma,” walang emosyong turan ni Cathy bago nagsimulang ayusin ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status