“HINDI PA RIN ako makapaniwala sa desisyon mo, Cathy! Hindi porke makapangyarihan ang pamilya nina Phoenix, hindi mo na kakasuhan ang asawa niyang muntikan nang wakasan ang buhay mo…” puno pa rin ng iritasyong saad ni Carlos habang nakaupo sa sofa at nakatanaw sa kapatid na kasalukuyang kumakain ng umagahan.Natawa na lamang si Cathy ng sandaling iyon dahil halos tatlong araw na siyang sinesermonan ng Kuya Carlos niya. Ilang beses na rin siyang nagpaliwanag dito kaya hindi na rin niya alam ang isasagot niya ngayon kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagkain kaysa tumugon dito.“Kung buhay lang sina mama at papa, baka sila ang magsampa ng kaso kay Miriam. Self-defense lang ang ginawa mo, Cathy, kaya may laban ka. Sugat lang ang natamo ni Miriam samantalang ikaw ay kailangan pang ipasok sa operating room. Hindi ka ba nag-aalala sa sarili mo, Cathy? Malaking threat si Miriam sa buhay mo. Paano na sina Chase at Cora?” Nang sandaling iyon ay wala nang nagawa si Cathy kundi ang bumalin
NANG MALAMAN NI Miriam na nagtungo si Parker sa Montgomery Medical Center kasama ang butler ni Phoenix, agad niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan patungo roon.Nang makarating, bumaba siya ng kaniyang sasakyan at halos liparin na agad niya ang entrance ng ospital. Pagkapasok ni Miriam, agad hinanap ng mga mata niya si Lando at mula sa lobby, nakita niya ito habang prenteng nakaupo sa couch habang may kausap sa cellphone.Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Miriam kapagkuwan ay nilapitan ang lalaki.“Hey, nasaan si Parker? And who the hell allowed you to bring him here without my permission?!” galit na bungad ni Miriam kay Lando.“Ma'am Miriam, ikaw po pala iyan,” nakangiting usal ni Lando bago tumayo. “Nasa room po siya ni Ma'am Cathy. Actually, may permiso po ako ni Master Phoenix. Ako po ang pinasama niya kay Young Master Parker,” dagdag pa nito.Pakiramdam ni Miriam ay nagbaga ang ulo niya nang marinig ang pangalan ni Cathy. Imbes na sagutin pa si Lando, dali-daling n
“GOOD TO KNOW that,” tugon ni Phoenix sa kausap niya sa kabilang linya bago pinatay ang kaniyang telepono.Pabalik na sana siya sa loob ng kaniyang opisina nang biglang bumukas ang pinto at ibinungad noon ang butler niya na si Lando.“Hindi na ako kumatok, Master Phoenix. Nga pala, may pinapabigay po pala si Ma'am Miriam,” anito bago ipinatong ang isang paper bag sa lamesa niya. “Lunch niyo raw po,” dagdag pa nito.Dinako ni Phoenix ang lamesa niya at ipinatong doon ang hawak na cellphone bago matalim na tumingin kay Lando.“I think you want to say something to me, spill it now!” At pabagsak na umupo si Phoenix sa kaniyang swivel chair.Napakunot-noo si Lando. “Ano pong tinutukoy niyo, Master Phoenix?”“Idi-deny mo pa?” Marahang tumawa si Phoenix. “Akala ko ba mapagkakatiwalaan kita? Then why are you doing this to me?” “I'm sorry, but I couldn't understand you, Master—”“Parker saw Cathy hugging you a few days ago. Basically, you were both hugging each other. Why, Lando? I've been wa
HINDI MAPAKALI SI Cathy habang pabalik-balik sa kaniyang silid kahit may iniindang kaunting kirot sa kaniyang tiyan. Kakatapos niya lang makipag-usap kay Lando at nababahala na agad siya hindi lang sa kaligtasan ni Chase bagkus ay pati na rin sa kaligtasan ng kaniyang unica hija na si Cora. Kakalabas niya lang ng ospital upang sana'y makapagpahinga pero heto siya, hindi mapakali nang malaman kay Lando na naghihinala na si Phoenix. Hindi puwedeng malaman ni Phoenix na may mga anak pa ito sa kaniya. Kapag nalaman nito ang tungkol doon, mataas ang posibilidad na kunin nito ang mga anak niya sa kaniya na hindi hahayaang mangyari Cathy. But knowing Phoenix, he can do anything now. Kahit noon pa man, kaya na nitong gawin ang lahat, but this time, kahit anong gustuhin nito, magagawa na agad nito nang hindi nahihirapan. Natatakot si Cathy at hindi na niya alam ang gagawin niya ngayon. “Mommy, why aren't you resting?” kuryos na tanong ni Chase sa kaniya nang makapasok ito sa silid niya.
“DADDY, CAN I come with you?” nakangusong tanong ni Parker sa daddy niya na pababa sa hagdan.“Ano namang gagawin mo roon, baby? Busy ako, hindi kita matitingnan. Baka mawala ka pa roon,” tugon ni Phoenix nang tuluyang makababa ng hagdan.Kinarga niya si Parker at pinugpog ito ng halik sa leeg at mukha nito.“I called Ninong Ambrose, daddy. Sinabi ko po sa kaniya na pumunta siya sa company para mag-play kami.”“He agreed?” Kunot-noo ni Phoenix.Nakangiting tumango si Parker. “Yes, daddy.”Wala nang nagawa si Phoenix kundi ang pumayag sa hiling ng anak dahil kasama naman pala nito ang siraulo nitong ninong. Ibinaba niya si Parker at sinabihan si Manang Helena na ayusan na si Parker habang siya'y naghihintay sa labas. Nakasandal si Phoenix sa kaniyang sasakyan habang malayo ang tingin. Hindi pa rin mawala sa utak niya ang nalaman kahapon. Hindi niya inaasahan na may ganoong side pala si Lando. Akala niya ay simpleng tao ito pero nagkamali siya. Well, lahat naman yata ng tao ay may dark
“HOW DID YOU do it?” nagtatakang tanong ni Cathy kay Lando nang malaman niya na nawala na ang paghihinala ni Phoenix dito.“Alam kong may plano si Master Phoenix kaya nang pumunta ako sa bar kagabi, hinugot ko iyong sim card dito sa cellphone ko kung saan naka-save ang number mo. I deleted everything. I made sure na wala siyang makikita. Kaya hinayaan ko lang iyong lalaking pinasunod niya sa akin na kunin ang cellphone ko sa counter. I think our problem is finally solved.”Cathy sighed in relief. “Thank God. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka, Lando. Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Magdamag akong gising kakaisip sa iyo. Thank you, Lando. You just not saved our secret, you also saved my son's life. I owe you a lot. Please, magsabi ka sa akin.”“May isa lang, Ma'am Cathy.”“What is that?”“Gusto ko po sana na ito na ang huli nating pag-uusap. Malaki po ang tiwala sa akin ni Master Phoenix at naglihim na ako sa kaniya, ayoko na pong masundan iyon. Baka this time, mahuli na
“NAKATULALA KA NA naman diyan, Cathy. Lumilipad na naman ba ang isip mo?” tumatawang untag ni Johanna kay Cathy na malayo ang tingin.Umiling si Cathy kapagkuwan ay bumaling sa kaibigan. “Paano mo masasabi na tapos na talaga ang ugnayan niyo sa isa't-isa? Masasabi mo ba iyon kapag annulled na kayong dalawa? Or matatapos lang iyon kung mag-uusap kayo nang masinsinan? How, Johanna?”Nakakunot-noong umupo si Johanna sa harap niya. Kasalukuyan pala silang nasa cafeteria.“Closure,” agad na saad ni Johanna. “Closure is the key, Cathy. Feel ko nga rin wala kayong closure, eh. Well, pareho niyong kailangan iyan lalo na si Sir. Phoenix, naku, may asawa na, lapit pa rin nang lapit sa ex-wife. Pero malakas talaga ang kutob ko, Cathy.”“Kutob?” nagtatakang tanong ni Cathy sa kaibigan.“Oo. Malakas ang kutob ko na kaya lapit nang lapit si Sir. Phoenix sa iyo iyon ay dahil mahal ka pa niya. Pareho lang kami nina Drax ng kutob. Well, pati si Sigmud.”“Imposible, Johanna.”Ngumuso si Johanna. “Bakit
“NAGKAKAMALI KA NANG iniisip, Miriam!” Ngumisi si Miriam at naglakad palapit sa kaniya. “lnaaahas mo ba ang asawa ko, Cathy? You have to guts to call me malandi when, in fact, ikaw ngayon ang lumalandi. Are you trying to steal my husband away from me, huh? Tapos magsasama kayong dalawa kasama si Parker? What the heck, Cathy? Napakalandi mong babae ka!”“Hindi ako malandi, Miriam!” mabilis na tanggi ni Cathy sa babae. “Gusto kong makipagkita kay Phoenix dahil—”“Dahil gusto mo siyang agawin sa akin!” hiyaw ni Miriam at walang ano-ano'y sinugod siya. Pero umatras si Cathy kaya huminto si Miriam at nanlilisik siyang tiningnan. “You're thinking wrong, Miriam! Wala akong planong agawin sa iyo ang asawa mo. Hindi kaya ng kunsensya ko ang gumawa ng ganoong klaseng bagay. Sa ating dalawa, tanging ikaw lang ang may kakayahang gumawa noon!”“Really? Sa tingin mo maniniwala pa ako sa kasinungalingan mong babae ka? Ilang beses akong naniwala sa iyo, ilang beses kong pinaniwala ang sarili ko na