Sa FUNCTION HALL—na matatagpuan sa loob ng ProMed Solutions, nagsama-sama ang mga empleyado at malalaking tao na bahagi ng naturang kumpanya upang ganapin ang Welcome Party para sa bagong itatalagang CEO ng kumpanya.Napuno na ng bulong-bulungan ang function hall at hindi na rin sila makapaghintay na dumating ang bagong itatalagang CEO ng ProMed Solutions. Nakakahumali ang function hall ng oras na iyon dahil sa napakagandang disenyo nito na nagpapadagdag sa atraksyon ng mga tao. Isama pa ang mga mamahaling chandelier na nasa itaas na siyang nagbibigay liwanag sa buong hall.Sa gitna ng silid, nakatayo roon ang isang podium na kanina pang hinihintay ang pagdating ng bagong CEO. Mayamaya pa, pagsapit ng alas-otso ng gabi, bumukas ang malaking pinto ng function hall at ibinungad noon si Phoenix habang kasama nito ang mommy at daddy nito.Napuno agad nang palakpakan ang buong hall. Napangiti na lang nang malapad si Phoenix nang sandaling iyon dahil tuwang nararamdaman niya. Hindi niya na
“HAVE YOU HEARD the news?” bungad agad ni Sigmud kay Cathy na kakapasok lang sa Montgomery Medical Center.Tumango si Cathy kapagkuwan ay nagpatuloy sa paglalakad. “Kagabi pa,” walang buhay na tugon ni Cathy kay Sigmud. Kagabi niya pang narinig ang balitang iyon—at wala siyang pakialam. Tuloy-tuloy lang si Cathy sa paglalakad habang si Sigmud ay nakasunod pa rin sa kaniya. Nang makarating si Cathy sa kaniyang opisina, ipinatong niya ang bag niya sa lamesa at umupo sa swivel chair.“Hindi ka ba natatakot, Cathy?” may pag-aalalang tanong ni Sigmud nang makaupo ito sa harap niya.Kumunot ang noo ni Cathy. “Saan naman ako matatakot, Sigmud?”“Kay Miriam. Gising na siya, hindi ka man lang ba nababahala?”Mahinang tumawa si Cathy bago kinuha sa loob ng bag niya ang kaniyang make-up. “Saan ako mababahala, Sigmud? You know, wala naman akong pakialam kung gumising na siya. It's good for her that she's finally awake from a deep coma,” walang emosyong turan ni Cathy bago nagsimulang ayusin ang
“MATAGAL NA AKONG nagtitimpi sa iyo! But this time, hindi ko na ito papalampasin. I will kill you, and make your life a living hell!” Itinulak ni Cathy si Miriam pagdakay kinuha ang ballpen na nasa kaniyang lamesa at itinutok iyon kay Miriam. “Sa tingin mo ba matatakot mo ako sa pagbabanta mo? Go on, do it. Kill me now para malaman ng mga tao kung gaano ka kademonyo. Diyan ka naman magaling, ‘di ba?! Binabantaan mo ako pero hindi mo naman ginagawa. Look at you now, you seemed so desperate. Ganiyan ba talaga kapag ayaw maagawan ng asawa? Well, hindi ako katulad mo, Miriam. Hindi ako katulad mo na malandi at pumapatol sa pinagsawaan ko na!” nanggagalaiting bulalas ni Cathy habang matalim ang tingin kay Miriam.Pareho nang hindi maayos ang mga mukha nila ng oras na iyon dahil makailang beses nilang sinampal ang isa't-isa. Isama pa ang mga buhok nila na animo'y nadaanan na ng buhawi dahil sa sobrang gulo.Hindi nagpatinag si Miriam, kinuha naman nito ang gunting sa lamesa at nang undayan
“DR. CATHERINE IS stable now. Mabuti na lang at kaunting dugo lang ang nawala sa kaniya. Good choice na hindi mo hinugot iyong gunting sa kaniyang tiyan, if you happen to pull that out, there's a big possibility that Dr. Catherine’s condition will be critical. For now, she will be taken to the recovery room for me to monitor her closely. Once she wakes up, I'll let you know immediately,” imporma ni Dr. Garry—ang family doctor ng pamilya Montgomery.Nakahinga nang maluwag si Phoenix nang marinig iyon.“Thank you so much, Dr. Garry. Please, inform me right away once she wakes up.”Tumango si Dr. Garry at bumalik na sa operating room kung nasaan si Cathy. Makalipas ang ilang minuto, inilabas na si Cathy sa loob ng operating room. Wala pa rin itong malay ng sandaling iyon. Nakatanaw lang si Phoenix sa papalayong si Cathy habang tulak-tulak ito ng ilang nurse patungo sa recovery room.“Bakit sinaksak ng asawa mo si Cathy?” malamig na tanong ni Sigmud na kasalukuyang nakaupo sa upuan.Nagba
Warning: SPG Alert! NANG MAKARATING SI Phoenix sa emergency room—natanaw na agad niya sa malayo ang asawa niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Phoenix bago ito nilapitan. “How are you?” may pag-aalala niyang tanong dito bago umupo sa tabi nito. Kasalukuyang nakaupo si Miriam at malayo ang tingin nito. Hindi naman ganoon kalalim ang natamong sugat ni Miriam kaya hindi na ito dinala sa operating room. Hindi katulad ni Cathy na halos bumaon ang kalahati ng gunting sa tiyan nito. “Ako ang asawa mo pero bakit sa loob ng ilang oras, bakit ngayon mo lang ako nagawang kumustahin?” nagtatampong anas ni Miriam kapagkuwan ay bahagyang lumayo sa asawa. Umiling si Phoenix. “I'm sorry, okay? Alam kong may pagkukulang ako. Kaya nga nandito na ako para punaan ang pagkukulang ko sa iyo. Besides, I'm doing this for you.” “For me? Did I ask you to help me?” naluluhang tanong ni Miriam kay Phoenix. Dismayadong umiling si Phoenix kapagkuwan ay hinalikan ang balikat ng asawa. “
MAKALIPAS ANG ILANG oras matapos ipasok si Cathy sa recovery room, inilipat na rin ito sa isang pribadong kuwarto nang maging stable na ang mga vital sign nito.“At sinong may sabing ipasok niyo ang babaeng iyan sa private room? She should be in the ward, not here!” galit na asik ni Beatrice sa mga nurse na kakalabas lang sa silid kung saan nila inilipat si Cathy.Sakto namang kakarating lang ni Phoenix habang kasama si Miriam. Inimporma niya ang mga nurse na umalis na. Nang mawala ang mga ito, saka nagsalita si Phoenix.“Ako ang nagsabi, mommy,” pag-amin ni Phoenix sa ina. Nanlaki agad ang mga mata ni Beatrice at masamang tingin ang ipinukol sa anak. “Bakit ba iniintindi mo ang babaeng iyon? Hindi ka na ba nahiya sa asawa mo? Nasa tabi mo pa man din siya pero si Cathy na lang ang iniisip mo!”“It's okay, mommy. Naintindihan ko naman si Phoenix, besides, huli na ito. I already talked to him. From now on, hindi na siya puwedeng lumapit kay Cathy. Pinagbawalan ko na siya, mommy,” nakan
“...I MAY BE a bad mother to my son, but believe me, God, I love him. Everything I did was for him. I love my son, and seeing him in such situations makes me question my parenthood. I just want the best for him. Forgive me for my sins, God, and help me overcome my problems…”At tinapos ni Beatrice ang pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan nang pag-sign of the cross. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at tumayo sa kinaluluhuran.Ilang segundo niya pang pinagmasdan ang altar bago lumabas sa chapel na matatagpuan din sa Hacienda Montgomery. Mga nasa dalawapung hakbang lang ang layo noon mula sa mansyon. Saktong pagkalabas ni Beatrice sa chapel ay biglang bumulaga si Laura sa kaniya habang may ngisi sa mga labi.“May chapel pala rito,” anito sa nang-aasar na tono.“Ilang araw ka na rito pero ngayon mo lang nalaman? How pretentious!” mataray na tugon ni Beatrice bago nagpatuloy sa paglalakad habang si Laura naman ay sumunod dito.“Gosh, Tita Beatrice. Kakagaling mo lang sa chapel tapos
“WHERE THE HELL is my son?!” bungad agad ni Phoenix kay Molly—ang kaniyang sekretarya—nang makapasok ito sa opisina niya.Umiling si Molly. “I'm sorry, Sir. Phoenix, but I haven't noticed your son,” tugon nito bago inilapag sa lamesa niya ang sushi na pinabili niya rito para sana kay Parker na bigla na lang naglaho na parang bula.“Find her, Molly.”“On it, sir.,” At lumabas na si Molly sa kaniyang opisina.Sunod-sunod na napailing at nagpakawala nang marahas na hangin sa bibig si Phoenix bago hinilot ang magkabilang sentido. Nagbanyo lang siya at sandaling iniwan si Parker pero paglabas niya, bigla na lang ito nawala. Mayamaya pa ay bigla na lang nag-ingay ang intercom sa lamesa ni Phoenix. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.“Your son is safe, Sir. Phoenix. Nandito po siya sa ground floor—sa may atrium po. He's with a man named Ambrose.” It was Molly on the line.Nagpasalamat si Phoenix sa sekretarya bago ibinababa ang tawag. Dala ang sushi, lumabas si Phoenix sa kaniyang opisin