Third Person's Point of View
Ang mainit na liwanag ng araw ay dumampi sa mukha ni Serenity habang siya'y naglalakad papasok sa simbahan. Ang araw ng kanyang kasal ay tila isang panaginip na nagkatotoo, kahit pa ito'y isang arranged marriage na pinilit ng kanyang mga lolo't lola. Habang naglalakad siya sa aisle, hindi niya maiwasang humanga sa kagandahan ng simbahan na puno ng mga bulaklak at mga kaibigan at kamag-anak na nakangiti at nag-aabang. Sa dulo ng aisle, nakatayo si Richard Dane Montello ang lalaking matagal na niyang hinahangaan. Ang kanyang puso ay tumibok ng mabilis, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa saya. Alam niyang hindi siya gusto ni Richard ngunit umaasa siyang sa paglipas ng panahon ay magbabago ang kanyang damdamin. Sa kanyang mga mata, si Richard Dane ang perpektong lalaki – matalino, mayaman, at kaakit-akit. Kaya't nang ipahayag ng kanilang mga lolo't lola ang kasal na ito, hindi siya nag-alinlangan na pumayag. "Serenity," bulong ni Ricky Dave nang siya'y makarating sa kanyang tabi. Ang kanyang tinig ay malamig at walang emosyon, ngunit hindi iyon pinansin ni Serenity. Sa halip, ngumiti siya at hinawakan ang kamay ng kanyang magiging asawa. Ang kanyang puso ay puno ng pag-asa na balang araw ay magbabago ang lahat. Sa harap ng altar, ang pari ay nagsimula nang basahin ang mga panalangin. Habang nagaganap ang seremonya, hindi maiwasang mapaluha si Serenity. Ang mga luha ng kaligayahan ay nagpatotoo sa kanyang pag-asa at pananabik sa bagong kabanata ng kanyang buhay. "Ikaw ba, Richard Dane Montello, ay buong puso't kaluluwang tatanggapin si Serenity bilang iyong asawa?" tanong ng pari. Tumango si Ricky Dave at sumagot ng "Oo," kahit na hindi niya ito tinitigan ng diretso sa mata. Napansin ito ni Serenity ngunit pinilit niyang ngumiti. Ang mahalaga, sila na ngayon ay mag-asawa. Sa isip niya, magtatagal ang kanilang pagsasama, lalo na kung magkakaroon sila ng anak. Matapos ang seremonya, nagdaos sila ng isang engrandeng pagtitipon. Ang mga bisita ay nag-uumapaw sa saya at pagbati para sa bagong kasal. Si Serenity ay nakatanggap ng maraming papuri at pagbati, ngunit ang kanyang mga mata ay laging nakatuon kay Richard Dane. Gusto niyang masiguro na masaya rin ito sa kanilang kasal. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti nang umaalis ang mga bisita. Naiwan sina Serenity at Richard Dane sa isang tahimik na sulok ng bulwagan. Tila hindi mapakali si Richard at sinubukan ni Serenity na basahin ang kanyang iniisip. "Mahal na asawa," simula ni Serenity, "alam kong hindi mo ako gusto, pero sana'y mabigyan mo ako ng pagkakataong ipakita sa'yo na kaya kitang mahalin ng buo." Tiningnan siya ni Richard Dane at sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng kaunting lungkot sa kanyang mga mata. "Serenity, hindi madali para sa akin ito. Pero susubukan kong gawin ang lahat para maging mabuting asawa." Niyakap siya ni Serenity nang mahigpit, na parang natagpuan na niya ang kanyang lugar sa mundo. Sa kanyang isipan, ang kanilang kasal ay simula ng isang magandang kwento. Ngunit hindi niya alam, ang tunay na hamon ng kanilang relasyon ay magsisimula pa lamang. Makalipas ang ilang buwan, Hindi mapakali si Serenity habang hinihintay ang resulta. Dumadagundong ang kaniyang dibdib dahil sa sobrang kaba na kaniyang nararamdaman. Lumabas ang doktor mula sa pintuan, isang oras na ang nakakalipas. Ngumiti ito sa kaniya habang papalapit. “Congratulations, Misis! You are 3 weeks pregnant!” masayang bati sa kaniya ni Dr. Castro. Napahawak na lang siya sa kaniyang labi dahil sa magandang balitang narinig niya. Bakas ang saya sa kaniyang mukha at maging kaniyang mata ay kumikinang sa kasiyahan. Matapos ang ilang habilin ng doktor, agad siyang dumiretso sa malapit na grocery para makapagluto siya ng cake. Ito kasi ang kaniyang naisip na paraan para sorpresahin ang kaniyang asawa. Naniniwala siyang ang bata sa kaniyang sinapupunan ang magpapatibay lalo ng kanilang pagsasama. Tatlong taon na simula ng maikasal silang dalawa. Isa itong matagumpay na arranged marriage na ipinlano ng kanilang mga magulang. Ang kaniyang asawa ay ang tagapagmana ng Montello Group of Companies, ang pinakamayamang kumpanya sa bansa. Naging masaya naman ang kanilang relasyon; hindi sila nagkakaroon ng pagtatalo o kahit anong hindi pagkakaunawaan. Mabait kasi ang asawa niyang si Richard Montello, masunurin ito at hindi mahilig makipagtalo. Matured enough to handle any situations, isa ito sa mga nagustuhan niya mula noong bata pa sila. “Hi, Love. Anong oras ka makakauwi?” masayang tinype ni Serenity sa kaniyang cellphone para ipadala sa kaniyang asawa na nasa trabaho. Ilang sandali din siyang naghintay ngunit walang reply mula rito kaya napagpasyahan niyang umuwi na lang. Sa isip niya, baka nasa importanteng meeting ito kaya hindi agad makareply. Nang makauwi siya, alas-dose na ng tanghali. Napagpasyahan niyang mag-asikaso ng tanghalian para sa kaniya. Healthy lunch ang bilin sa kaniya ng doktor. Kumakanta-kanta pa siya habang naghihiwa ng rekadong lulutuin niya. Walang mapagsidlan ang saya na kaniyang nararamdaman. Hindi na siya makapaghintay na umuwi ang kaniyang asawa upang masabi ang magandang balita. Minsan niyang sinulyapan ang kaniyang cellphone para tingnan kung may reply na ito bago siya sumubo, ngunit wala pa rin. Hindi na siya nag-isip ng dahilan sa utak niya dahil minadali na niyang makakain para masimulan ang pagbi-bake ng cake. Ihahanda na niya ito para anumang oras dumating ang kaniyang asawa, nakahanda na siya para sa magandang sorpresa. Habang naghahanda siya ng mga kakailanganin at gagamitin, tumunog ang kaniyang cellphone. Nagmamadali siyang tingnan ito, umaasang ang kaniyang asawa ang tumatawag ngunit nang tingnan niya ang pangalan, napahibi na lang siya dahil ito ay ang kaniyang ina. “Hi, Mommy!” masayang bati nang sagutin ang tawag. “Kamusta ka na, iha? Mukhang masaya ah. Kamusta ang check-up mo kanina? Ano daw ang resulta ng madalas mong pagkahilo at pagsakit ng lalamunan dahilan para madalas mong pagsusuka?” nag-aalalang tanong nito. “Normal lang naman, Mommy, sa isang buntis ang mahilo at magsuka. Morning sickness daw po ang tawag doon,” kagat-daliring wika ni Serenity. Hindi niya agad sinabi ang punto dahil kilala niya ang kaniyang Mommy. “Oo nga! Pero hindi ka naman—Omg! Don’t tell me ang isang gabing iyon ay nakabuo kayo?” Ramdam ni Serenity ang saya at gulat sa reaksyon ng kaniyang Ina. Patango-tango pa siya na parang nakikita siya nito. “Jusko! Salamat, Ama, at binigay mo ang matagal naming hinihiling! Sana pala sinamahan kita kanina,” nanghihinayang nitong wika. “Ayos lang po, Mommy. Alam ko naman pong abala kayo sa negosyo. Maayos po ako, susundin ko ang bilin ng doktor para maging malusog siya habang nasa loob ng tiyan ko,” masayang sagot niya sa kaniyang Ina. “Anyways, Mommy, can you please don’t tell Dad and anyone there in the house, lalo na kay Richard. Gusto ko silang sorpresahin eh.” “Oo naman, anak! Can’t wait to see you here! Alagaan mo sarili mo ha? May next meeting na ako. I love you always, princess!” paalam ng kaniyang Ina. Huminga ng malalim si Serenity, hindi dahil sa lungkot kundi sa sayang nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. “Ano kayang magandang theme? Red for celebration or pink for simple?” nakahawak sa baba na tanong ni Serenity sa kaniyang sarili. Nakasalang na sa oven ang cake at naghahanda na lang siya ng icing for decorations at fonts ng cake. Hindi pa siya nakakatapos sa ginagawa nang may kung sino ang nag-doorbell. Inalis ni Serenity ang kaniyang apron at lumabas ng kanilang malaking pinto. Nasa exclusive subdivision naman sila kaya wala silang guard sa gate. Wala din silang katulong sa bahay dahil sila lang naman mag-asawa ang nakatira. Full-time housewife naman siya kaya naaasikaso niya ang lahat ng kailangan nila. “Para po kay Ms. Princess Serenity Pernez?” tanong ng isang mail boy. “Yes, sir, ako po iyon. Ano daw po ito?” tanong niya habang inaabot ang puting sobre. “Hindi ko po alam, ma’am. Pakipirmahan na lang po dito bilang katibayan na na-receive niyo po.” Agad namang ginawa ni Serenity iyon. “Thank you po,” paalam ng mail boy. Nagpasalamat din si Serenity. Pumasok siya sa loob ng bahay ng masaya ang kaniyang kaisipan. Hindi niya masyadong iniisip kung anong laman ng sobre. Hindi pa siya nakakalapit sa kusina pero narinig na niya ang alarm ng oven, indikasyon na tapos na ito. Inilabas niya ito mula sa oven para palamigin habang inihahanda ang kailangan sa decorations nito na hindi natapos kanina. Ipinatong niya sa isang table sa koridor ang sobreng natanggap. Habang nagpapalamig at hinihintay na maging chilled ang cake sa chiller, sinimulan niyang linisin ang lababo. Hindi niya napansin na alas-singko na at tapos na ang working hours ng kaniyang asawa. Maari itong dumating anumang sandali kaya agad siyang nag-order ng hapunan nila. Wala na siyang oras para magluto pa. Ang mahalaga lang naman ay nakahanda na ang kaniyang magandang surpresa. Dumating ang order, handa na ang lahat; si Richard na lang ang hinihintay. Habang nakaupo, naalala niya ang sobre. Wala naman siyang inaasahan kaya nagtataka siyang buksan ito. Napaluhod siya sa sakit dahil sa nabasa. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Walang luha ang lumalabas sa mata niya, hindi siya sigurado kung totoo ba ang nabasa. Kahit medyo shock ay naglakas-loob siyang tawagan ang kaniyang asawa. “H-hindi! Busy lang siya!” bulong niya sa kaniyang sarili ng ilang tawag na ngunit hindi pa rin ito sumasagot. “Sagutin mo naman, Love, nag-aalala ako.” Text niya dito ngunit wala namang naging sagot. Sinubukan niya muling tumawag ngunit pareho lang ang nakukuha niya. “H-hindi! Mahal niya ako e. Hindi pwede ito, baka may importanteng meeting lang siya.” Nagsisimula nang mag-unahan ang kaniyang luha mula sa kaniyang mata. “Hindi! Hindi niya magagawa sa akin ito! H-hindi siya makikipag-divorce! Baka namali lang ‘yong nag-deliver.” Muli niyang binuksan ang sobre at tiningnan ang address at pangalan na naka-imprinta dito. Pinunasan niya ang kaniyang mata para makita nang malinaw ngunit hindi nagbago. Nakapangalan sa kaniya at ang address ay tama maging ang maiden name niya ay nakalagay.Third Person’s Point of ViewHindi mapakali ang ina ni Serenity nang gabing iyon, kaya kinaumagahan, kahit pagod, ay pinuntahan niya ang bahay ng anak. Hindi kasi ito sumasagot ng kahit anong tawag.“Diyos ko po! Anong nangyari dito? Bakit napaka-aga ay ang gulo ng buong bahay? Princess?!” tawag niya nang makapasok sa loob ng bahay, nagmamadaling hinahanap ang anak. Ngunit walang sagot mula kay Serenity, kaya inikot niya ang buong bahay. “Napakalat naman! Richard!!” tawag niya rin sa asawa ng kaniyang anak.“Bakit kaya mukhang wala dito ang dalawa? Anong nangyari?!” sigaw niya nang makita si Serenity na nakahandusay sa sahig ng kusina.Agad siyang tumawag ng tauhan nila upang buhatin si Serenity. Pinilit niyang gisingin ang anak habang hinihintay ang tulong, ngunit walang senyales ng buhay maliban sa mahinang tibok ng pulso nito. Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ng kaniyang ina lalo na sa batang nasa sinapupunan nito.Dinala si Serenity sa emergency room. Ang asawa naman nito ay pi
Third Person's Point of View “Miss Glenda, naghahanap ng bagong babae si Mr. Montello. Hindi niya nagustuhan ang pinadala ninyo kagabi,” sabi ni Ms. Karren, ang personal na sekretarya ni Mr. Montello, na nagmamadali. Sa kabila ng kanyang edad, mabilis siyang mapagod sa paglalakad, lalo na kung dala ng takot kay Mr. Montello. “Ano? Halos lahat ng babae namin, hindi niya gusto. Napaka-picky naman niya—sino ang ipapadala ko ngayon?” tanong ni Ms. Glenda, naiirita. Paulit-ulit na ang ganitong eksena sa loob ng isang taon. Kahit na nagkakaproblema sila, hindi nila kayang bitawan si Mr. Montello dahil malaking pera ang pumapasok sa kanilang agency. “Kung magpapatuloy ito, tiyak na i-pull back niya ang 500k na insurance niya sa agency,” babala ni Karren, halatang natataranta. Sa kanyang pagkabahala, nasabi niya ang pagbabanta ng kanyang amo. “Sige, gagawan ko ng paraan,” sagot ni Ms. Glenda, nagmamadali. Kahit naiinis, hindi niya maipakita ang kanyang frustration sa sekretarya. Lahat ng
Third Person's Point of View Gabing-gabi na nang dumating ang sasakyan na susundo kay Serenity. Naka-itim ang lahat ng mga bintana, at kahit ilang beses niya itong tingnan, wala siyang makita sa loob. Tumikhim ang driver, isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na salamin, at walang sinabi ni isang salita mula sa oras na sumakay si Serenity.Sa loob ng sasakyan, pakiramdam niya ay parang sinasakal siya ng kaba. Alam niyang delikado ang papasukin niya, pero iniisip niya si Miguel. Kailangan niyang gawin ito. Pagdating nila sa isang malaking mansion, tahimik itong sinalubong ng mga staff na naka-itim ang suot.“Miss Serenity?” isang babae ang nagtanong nang dahan-dahan, mukhang nasa 40s na at seryoso ang mukha.Tumango si Serenity, ngunit hindi niya ito pinansin masyado dahil abala siya sa pagmamasid sa paligid. Lahat ay malinis at tahimik, parang walang tao kahit gaano kalaki ang lugar.“Sumunod po kayo sa akin,” sabi ng babae, habang sinamahan siya papasok sa isang kwarto. Naghih
R-18 Read at your own Risk Serenity’s Point of ViewMaaga akong nakauwi, medyo alanganin pa nga akong umuwi.Pagdating sa bahay ay agad kong inayos ang sarili ko, papasok na sana ako sa CR nang lumabas sa kwarto si Vivian at halatang nagmamadali siya. “Ikaw lang pala iyan, akala ko kung sino na ang nakapasok sa bahay. Sige na, maligo ka na. Ayos lang ‘yan, lahat naman ng mga babae hindi talaga tumatagal sa kaniya.” Ramdam ko na kino-comfort niya ako. Kumunot naman ang noo ko.“Masyadong mataas ang standard ng lalaking iyon, mukha kasing sobrang gwapo niya.” Dagdag pa nito.“Huh? Anong ibig mong sabihin?” alanganin kong sagot sa kaniya.“Hindi ba pinauwi ka kasi hindi ka nagustuhan ni Mr. pogi?” patanong niyang sabi sa akin halatang hinihingi ang kompirmasyon ko.“Hindi ah!” pagtanggi ko saka tumuloy sa CR at nagbuhos. Nagmadali akong mag-half bath ng madali akong makatulog. Hindi naman ako napagod sa ginawa ko sa halip ay napagod ako dahil nilalabanan kong kaba sa halos apat na oras.
Serenity's Point of ViewAng malamig na hangin sa kwarto ay tila nagpapalala ng aking nerbiyos habang hinihintay ko ang utos. Ang boses ng kliyente ko, matigas at puno ng awtoridad, ay parang nakatakip na pader sa pagitan namin.“Lay down and touch yourself,” utos niya.“Po?” tanong ko, kahit alam kong malinaw na ang utos. Ang pag-aatubili ay matindi sa aking dibdib, pero kailangan kong sumunod. Sinimulan kong gumapang papunta sa gitna ng kama, ang kamay ko ay nanginginig habang unti-unti kong inaalis ang butones ng aking longsleeve. Ang pakiramdam ng malamig na hangin sa balat ko habang tinatanggal ko ang aking mga damit ay nagbibigay sa akin ng kakaibang panghihina.Hindi ko kayang tingnan siya, kaya nakayuko ako habang binubuksan ko ang strap ng aking spaghetti sando. Ang pagtingin niya sa akin, puno ng pagtutok, ay tila isang presyon na nagpapalakas sa aking takot. "Undress faster and look at me. Seduce me now!” boses niya ay masungit at dumating sa punto ng galit.Napaigtad ako,
Serenity's Point of View “Anong nangyari?” tanong sa akin ni Vivian.Tumaas naman ang kilay ko dahil sa naging tanong niya sa akin. “Look, girl, halos dalawang taon na tayong magkasama sa iisang bubong. Sa tingin mo ba, hindi kita kilala?” Sumubo muna ako bago sumagot.“Hindi ko siya napatulog. Baka hindi na ibigay sa akin ni Ms. Glenda ang sahod ko. Nakalaan pa naman iyon sa pampa-opera ni Miguel,” sagot ko sa kaniya habang patuloy lang sa pagkain. Tiningnan ko si Miguel na nakatayo sa crib niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin ni Vivian habang kumakain.“Huh? Anong nangyari nga?” curious na tanong ni Vivian.Hindi ko alam kung kailangan ko bang ikwento sa kaniya ang nangyari. Medyo nahihiya kasi ako sa naging asal ko. Alam kong mali ko iyon dahil naging impulsive ako sa naging aksyon ko. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.“May nangyari sa amin,” bulong ko na para bang naririnig ako ng anak ko.“Then?” nakataas ang kilay na tanong ni Vivian. Halatang hinihintay niy
Serenity's Point of ViewNaglakad ako papunta sa mesa, pinipigilan ang sarili kong huwag ngumiti nang malaki. Paano ba naman, sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganitong set-up? Ang daming ilaw na parang mga bituin na nagkalat sa paligid, may mga bulaklak na nakapaligid sa mesa, at naroon ang dalawang plato na nakatakip, na para bang sinasabi sa akin na espesyal ang gabing ito. "Wow, bumabawi talaga siya," bulong ko sa sarili ko. Akala ko, dahil sa nangyari kagabi, gusto niyang itama ang mga bagay-bagay.Habang nagpapalipas ng sandali, biglang tumunog ang musika, isang malambing at romantikong awitin na lalong nagpasidhi sa ambiance ng gabi. Napalingon ako at doon ko napansin ang isang babae—matangkad, payat, at napakaganda. Parang bumagal ang oras nang makita ko siya. Sa bawat hakbang niya, tila ba may kakaibang alindog na humahatak sa lahat ng atensyon sa kaniya.Ang lalaki na kasama ko kanina, ang siyang umaalalay sa babae habang lumalapit ito sa mesa. Wala akong nagawa kundi umu
Serenity's Point of View Pagod na ako sa lahat ng nangyari, ngunit ang isip ko ay gulong-gulo pa rin sa eksenang nasaksihan ko kanina. Pagbalik ko sa upuan ko, hindi ko mapigilang sundan ng tingin ang gwapong lalaking umalis. May kung anong pwersa sa loob ko ang nagtutulak na sundan siya, na alamin kung sino siya, ngunit nilabanan ko iyon. Sino ba naman siya sa akin? Wala akong karapatan, wala akong dahilan.Sa gilid ng mata ko, nakita kong papalapit ang butler na kanina'y kasama ng gwapong lalaki. Balak yata niya itong sundan, ngunit biglang iniharap ng lalaki ang palad niya, na tila isang tahimik na utos na huminto. Sumunod naman ang butler, tumigil ito sa paglakad at nanatiling nakatayo, tila walang imik at naghihintay ng susunod na ipag-uutos.Hindi ko maiwasang mag-isip: Sino kaya ang lalaking iyon? Anong kaugnayan niya sa kliyente ko? Maraming tanong ang nagsulputan sa isipan ko, ngunit wala akong sapat na impormasyon para sagutin ang mga ito.“Sumunod na po kayo, ihahatid ko n
Serenity's Point of View Maaga pa lang, nagising na ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng umaga—laging puno ng responsibilidad, laging may nakabinbing gawain. Pero sa bawat paggising ko, laging may kasamang pasasalamat. Pasalamat dahil hindi inaatake ng sakit ang anak ko, pasalamat na may isang araw pa akong pwedeng ibigay ang buong oras ko sa kanya. Dalawang oras ang kailangan ko para masiguradong naalagaan ko siya bago ko siya iwanan para sa trabaho. Habang nag-aasikaso ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-alala. Nakasanayan ko na ito—ang pagiisip ng lahat ng posibleng mangyari, lalo na’t alam kong hindi laging maaasahan ang kalusugan ng anak ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magpakatibay para sa kanya. Naputol ang aking pag-iisip nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na doorbell. Napaigtad ako, ang daming tumatakbo sa isip ko. "Ako na!" sabi ni Vivian, na kagigising lang. Tumango na lang ako, pilit na nagpapasalamat na may kasama ako sa bahay
**Serenity's Point of View** Habang nakaupo kami ni Vivian, hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko sa narinig. “Ang sweet noh? Nalaman niya kasing birthday ko ngayon kaya ililibre niya daw ako,” sabi ni Vivian, may konting kilig sa boses niya. Medyo nagulat ako. "Ow! Happy birthday! Sorry, sobrang daming trabaho, nakalimutan kong birthday mo pala," sabi ko sa kanya, sabay hinging paumanhin. Hindi na ako nagkunwari pa na naalala ko; mas okay na ang maging tapat sa kaibigan kaysa magkunwari. Naputol ang usapan namin ni Vivian nang biglang magtanong si Ricky Dave, "Sinasabi mo bang masama akong boss?" Tiningnan ko siya, at gustong-gusto ko sanang barahin siya at sabihing, "Bakit? Hindi ba?" Pero naisip ko na huwag na lang, lalo na't special day ito ng kaibigan ko. "Nakapag-restday at beauty rest naman na ako kahapon kaya libre na lang niya ngayon. Wag na kayong magtitigan dyan! Sa akin na muna ang atensyon niyong dalawa," hatak ni Vivian sa akin paupo sa tabi niya. Sumunod ako kahi
Serenity’s Point of View Pagkatapos ng mahabang gabi na iyon, halos magkulang ang tulog ko sa lahat ng nangyari. Si Ricky Dave, sa kabila ng lahat ng hirap at tensyon ng event, ay nagbigay sa akin ng tatlong araw na pahinga. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin, lalo na't alam niyang kailangan ko rin ng oras para makapagpahinga at makasama ang anak ko. Ginamit ko ang oras na iyon para mag-spend ng time kasama ang anak ko. Sa bawat minuto na magkasama kami, naramdaman ko ang lumalalim na ugnayan namin bilang mag-ina. Alam kong sa mga panahong ito, kailangan niya ang bawat suporta at pagmamahal na maibibigay ko. Bago kami lumabas upang pumunta sa mall, dumaan muna kami sa ospital. Alam ko na kailangan kong alamin ang kalagayan ng anak ko, lalo na't may sakit siya sa puso. Habang papalapit kami sa pinto ng ospital, hindi ko maiwasang maramdaman ang mabigat na kaba sa aking dibdib. Nang pumasok kami sa loob, ang amoy ng ospital ay parang nagpapalala ng aking takot. Gusto kong maging
Serenity's Point of View Serenity’s Point of View Habang tahimik akong naglalakad sa hardin ng event venue, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Isang saglit na katahimikan lang ang hinihingi ko matapos ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Pero sa kabila ng pag-iwas ko, alam kong hindi basta-basta matatapos ang gabing ito nang walang gulo. Nang bigla akong marinig ang malalim na boses sa likod ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Serenity," malamig at matalim ang boses ni Richard. "Kailangan nating mag-usap." Napakabigat ng hakbang ko habang humaharap ako sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng sakit na dinulot niya sa akin noon. Pero sa kabila ng lahat, wala na akong ibang magawa kundi harapin siya. "Anong kailangan mo, Richard?" tanong ko, sinusubukang panatilihing kalmado ang aking tinig. Tinitigan niya ako nang matagal, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. "Alam ko kung ano ang ginagawa mo, Serenity. Ginagantihan mo ako dahil sa nangyari
Serenity's Point of View Tambak na naman ako ng trabaho. Mula kaninang umaga, halos walang patid ang paglipat-lipat ng mga dokumento sa harap ko. Si Ricky Dave, tulad ng nakasanayan, ay walang kapatawaran sa pagbibigay ng mga tasks. Wala pa nga akong oras na mag-stretch o kahit lumingon man lang sa oras. "Makakahabol pa ba ako sa lunch break?" bulong ko sa sarili ko, habang patuloy ang pagtipa ko sa keyboard. Halos lahat ng tao sa opisina ay nag-lunch break na, pero naririnig ko pa rin ang tunog ng bawat keystroke ko sa buong kwarto. Walang pasabi, biglang may bumagsak na paper bag sa mga papel na hawak ko. Napatigil ako at napalingon nang bahagya. Inis na inis na akong nagtaas ng ulo, handa nang sumigaw sa kung sino mang mapang-asar na may gawa niyon. "Ano ba nang-aasar ka-...ba?" galit na tanong ko, pero natigilan din ako agad. Si Ricky Dave pala. Walang emosyon sa mukha niya, parang normal lang ang lahat. "You can take your lunch break there! Enjoy," malamig niyang sabi, sabay
Serenity's Point of View Nakangising umalis sa harapan namin si Richard kasama ang babaeng nakadikit sa kaniyang parang higad. Lahat ng taong madadaanan namin ay kilala si Ricky Dave. Pumunta kami sa designated table namin at tanging ngiti ang isinasagot ko sa mga taong ngumingiti din sa akin. Nang umakyat si Ricky Dave sa entablado para sa kanyang speech, ang buong venue ay tila nawala sa oras. Ang mga ilaw ay tumutok sa kanya, ang mga camera ay nag-click, at ang mga bisita ay naghintay sa bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko maitatanggi ang kabang nararamdaman ko, lalo na't sa bawat sandali ay naaalala ko ang mga sinabi ni Richard kanina. "Magandang gabi sa inyong lahat," nagsimula si Ricky Dave, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa at paggalang. Ang mga tao sa paligid ay tumahimik, naghintay sa susunod na bahagi ng kanyang pagsasalita. "Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa gabing ito. Ang event na ito ay napakahalaga sa akin, hindi lamang dah
Serenity's Point of View Nararamdaman ko na ang tensyon mula nang pumasok ako sa opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may mabigat na presensyang dumating. Nasa gitna ako ng pag-organisa ng ilang papeles nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako sa aking ginagawa, hindi pa man ako tumitingin, alam kong si Richard iyon. Hindi ko pa rin maiwasang sumikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya, isang paalala ng lahat ng sakit at pagkakamali ng nakaraan.“Serenity,” malamig ang boses ni Richard nang tawagin niya ang pangalan ko. Nilingon ko siya, pilit na nagpapanatili ng kalmado. Kita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ako nagpapakita ng takot.“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko, sinusubukan kong itago ang pagkabalisa. Kahit alam kong magkakaroon kami ng ganitong pagkakataon, hindi ko pa rin alam kung handa na ba akong harapin siya.Ngumisi si Richard, pero may halong pandidiri ang kanyang mga mata. “So, ito na pala ang buhay mo
Serenity's Point of View Sumapit ang alas-singko ng gabi, at dumating na ang butler ni Ricky Dave upang sunduin ako. "Dadaan po muna tayo sa condo niya bago dumiretso sa hotel kung saan gaganapin ang event," sabi ng butler nang magalang habang binubuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Tumango ako bilang tugon, pilit na hinahanap ang aking composure sa kabila ng kabang bumabalot sa akin. Nang makapasok na ako sa loob ng kotse, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko ngayong gabi. Naka-red long gown ako, na fitted sa hulma ng katawan ko. Ang gown ay backless, na nag-iwan ng piraso ng balat na nakalantad sa paraang parehong empowering at vulnerable. Napatingin ako sa aking reflection sa salamin ng sasakyan. Alam kong maganda ako, na bawat detalye ng aking itsura ay pinag-isipan ni Ricky Dave. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, parang may bahagi ng sarili ko na hindi pa rin mapakali. Habang umaandar ang kotse, pilit kong binabalik-
Serenity's Point of View "Lilinawin ko lang sa'yo, Ricky, na hindi mo tunay na anak si Miguel. At wala naman tayong malinaw na relasyon, di ba? Para angkinin mo siya ng ganun-ganun lang. Hindi sapat yang 'I cared, I cared' mo," singhal ko sa kanya, pilit na pinipigilan ang galit na bumabalot sa akin. Kahit pa siya ang boss ko, wala ako sa trabaho ngayon kaya magsasalita ako nang hindi alintana ang posisyon niya. Tila hindi siya nagulat sa sinabi ko. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tumitig sa akin nang diretso, seryoso ang mga mata. "Anong gusto mong gawin ko, Serenity? Do I need to court you?" Natigilan ako sa sinabi niya. Bahagyang umurong ang dila ko, at parang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong na iyon. Hindi ako makapagsalita agad. Parang tumigil ang oras sa mga sinabi ni Ricky Dave. "Do I need to court you?" Nakapako ang mga mata ko sa kanya, hindi alam kung paano isasaayos ang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim, pilit na b