Share

007: A Date?

Serenity's Point of View 

“Anong nangyari?” tanong sa akin ni Vivian.

Tumaas naman ang kilay ko dahil sa naging tanong niya sa akin. “Look, girl, halos dalawang taon na tayong magkasama sa iisang bubong. Sa tingin mo ba, hindi kita kilala?” Sumubo muna ako bago sumagot.

“Hindi ko siya napatulog. Baka hindi na ibigay sa akin ni Ms. Glenda ang sahod ko. Nakalaan pa naman iyon sa pampa-opera ni Miguel,” sagot ko sa kaniya habang patuloy lang sa pagkain. Tiningnan ko si Miguel na nakatayo sa crib niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin ni Vivian habang kumakain.

“Huh? Anong nangyari nga?” curious na tanong ni Vivian.

Hindi ko alam kung kailangan ko bang ikwento sa kaniya ang nangyari. Medyo nahihiya kasi ako sa naging asal ko. Alam kong mali ko iyon dahil naging impulsive ako sa naging aksyon ko. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

“May nangyari sa amin,” bulong ko na para bang naririnig ako ng anak ko.

“Then?” nakataas ang kilay na tanong ni Vivian. Halatang hinihintay niya ang sunod na kwento ko.

“Nalaman niyang hindi ako virgin.”

“Oh? Nagalit ba siya? Mukhang hindi naman siya ganoon. Wala naman sa standard niya na dapat virgin ang babae, ah,” naguguluhang tanong ni Vivian sa akin.

“Wala nga, pero nainsulto ako the way he said it. Tapos, dinagdagan pa niyang marami na daw sigurong kumama sa akin. Alam naman nating first time lang at nabuo agad si Miguel, di ba? Kaya lahat ng pinapagawa niya sa akin ay first time ko lang talagang ginawa. Tapos kung makapagsalita siya, parang p****k ako sa kanto na basta niya lang pinulot,” pagkukwento ko sa kaniya.

“Oh? Relax! Wala siya dito, hindi mo kailangan magalit.” Nakaharap pa sa akin ang dalawang palad ni Vivian na parang pinipigilan ako na magalit.

“Kinukwento ko lang,” baba ang balikat kong sagot.

Magsasalita pa lamang sana si Vivian nang mag-ring ang phone niya. Tiningnan niya ito at pinanlakihan ako ng mata.

“Speaking…” nakanguso niyang sabi bago tumayo at sumagot ng tawag. Hindi naman siya lumayo kaya naririnig ko kung ano ang sinasabi niya. Alam ko naman na si Ms. Glenda ang kinakausap niya.

“Okay. Naiintindihan ko po.” Huling sinabi ni Vivian bago bumalik sa hapag-kainan. Itinaas pa nito ang kanang paa niya sa bangko na siyang tinapik ko.

“Oh, pasensya na. Nakalimutan kong kumakain ka pala.” Sabi niya sa akin na may pagkasarkastiko. Manerismo niya kasi ang magtaas ng paa tuwing umuupo, isa naman sa pet peeve ko kaya sinasabi ko sa kaniya na iwasan niya ito tuwing kumakain o kung nasa harapan ako.

“So, ano nga ang sabi ni Ms. Glenda?” tanong ko sa kaniya.

“Pumasok ka daw mamaya. Sinend na daw sa iyo ang sahod mo kagabi. Inaasahan ka daw mamaya ng kliyente mo. Ikaw, huh, favorite ka na,” pag-uudyok ni Vivian sa akin.

“Wala akong gana pumasok mamaya. Hindi ako nakatulog kagabi,” sagot ko sa kaniya.

“Ay nako! Sayang naman. Dinoble daw ni Mr. Pogi ang sahod mo mamayang gabi. Kung matapos mo iyon, may sapat ka nang pera para matuloy ang operasyon ni Miguel.” Tiningnan ni Vivian ang anak ko kaya tiningnan ko rin ito.

Bigla akong napaisip. Tama naman siya, eh. “Oh, sige. Alagaan mo muna si Miguel, tapos maghugas ka na din at magluto. Matutulog muna ako para makapasok ako mamaya. Okay ba?” sabi ko kay Vivian saka tumayo sa upuan at lumapit sa anak ko para halikan. Hindi pa siya nakakapagsalita nang pumasok ako sa kwarto. “Babyeee! Bigyan na lang kita ng pera mamaya.” Nag-flying kiss pa ako sa kaniya bago masayang sinara ang pinto.

Dumating ang alas-sais ng gabi ng hindi man lang ako nakatulog. Nakatingin lang ako sa salamin at iniisip ang magarang buhay ko sa puder ng mga magulang ko. Alam kong hinahanap pa din ako hanggang ngayon ng mommy ko, ngunit wala naman siyang magagawa dahil ayaw akong makita ng buong angkan ko dahil hindi ko napanatili ang marriage namin ni Richard.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala na akong ibang choice. Kailangan kong gawin ang bagay na ito para sa buhay ng anak ko.

“So paano? Ikaw na muna ulit ang bahala kay Miguel. Hindi naman pala siya umiiyak tuwing ikaw ang nag-aalaga,” sabay kindat ko sa kaniya at hinalikan ang natutulog kong anak.

“Hoy ikaw! Bayaran mo ako, huh. 10k lang,” nagtaas-baba pa siya ng kilay na para bang kinukumbinsi ako.

“Oo, isesend ko sa iyo mamaya habang nasa biyahe ako. Huwag kang mag-online shopping gamit ang pangalan ko, huh?” paalala ko sa kaniya.

“Oo, hindi na po. Akala mo naman anak ng mayamang politikong nagtatago at bawal mahanap. Tsk. Oo na, sige na. Ako na ang bahala,” pagtataboy sa akin ni Vivian dahil medyo nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong biro lang naman ang mga sinabi niya, ngunit hindi ko maiwasang hindi kabahan at mapako sa kinatatayuan ko.

Dumating ako sa casa ng sakto sa oras, hindi pa ako nakakaupo ay dumating na ang sasakyang susundo sa akin. “Ms. Serenity, ito daw po ang suotin niyo,” abot sa akin ng driver na sumusundo sa akin.

Lumabas naman si Ms. Glenda, tumatango-tango siya na para bang sinasabi niyang sumunod ako sa pinag-uutos. Dahan-dahan kong kinuha ang paper bag at naglakad patungo sa CR upang magpalit.

Nang makalabas ako, inalalayan agad ako papasok sa loob ng kotse. Tahimik lang ang naging biyahe at masyado kong kinukondisyon ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung makikita ko siyang muli. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ko ito gagawin. Isa pa, sinabi ni Vivian na isang pribilehiyo na pabalikin akong muli at doblehin ang magiging sahod ko sa nagawa ko sa kaniya. Akala niya magiging masaya ako, ngunit mas natakot ako. Pero kailangan kong paglabanan dahil buhay ng anak ko ang nakasalalay dito.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa driver na sumama sa akin sa elevator paakyat ng rooftop.

Hindi naman siya sumagot kundi tinuro niya ang isang taong nakatayo sa medyo madilim na pwesto. Saka ko lang napansin na puno ng maliliit na ilaw ang paligid, may table na may candle at dalawang plato na may takip.

“This is so romantic. Is this a date?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status