Share

0012: Tiwala

Vivian's Point of View

“Girl, ano pagod na pagod? Halos buong araw kang tulog,” puna ko kay Serenity pagkalabas niya ng kwarto. Hindi niya ako pinansin at diretsong pinuntahan si Miguel, ang kanyang anak, na naglalaro sa crib.

"Hindi ba nagliligalig si Miguel?" tanong niya habang nilalaro ang bata. Tumango ako at ngumiti.

“Hindi naman,” sagot ko habang kumakain. “Sobrang behave niya alagaan. Akala mo hindi siya 1-year-old. Tuwing nagugutom siya, iiyak lang sandali, tapos matutulog. Kung may ginagawa naman ako at nagising siya, naglalaro lang siya o kaya nananatiling nakahiga. Hindi nga halatang anak mo siya e, hindi kasing kulit mo," biro ko habang nagpapatuloy sa pagkain.

Napangiti lang si Serenity, pero hindi ko maiwasang magtanong tungkol sa nangyari kagabi. “Nga pala, anong koneksyon mo kay Ricky Dave? Hindi ba may kliyente ka kagabi? Bakit tauhan niya ang sumundo sa iyo dito?”

"What you see is what you get!" simpleng sagot niya habang sinusubuan si Miguel ng cerelac. Sanay kaming
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status