Share

0015: Ang Lihim

Gulat ang namutawi sa akin nang makita kong papalapit si Ricky Dave sa aming bahay. Huli na para makatakbo pabalik sa loob—hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang tanging nasa isip ko ay paano ko siya maiiwasan, pero huli na ang lahat. Nang magtama ang aming mga mata, ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko.

"Sa tingin mo?!" sagot niya, may bahid ng yabang sa kanyang tono. Napataas pa ang kilay niya na parang alam na niya ang lahat ng iniisip ko. Hindi ko malaman kung paano ko siya sasagutin—masyado akong nataranta sa presensya niya.

Bago pa ako makahanap ng tamang sagot, lumabas si Vivian mula sa loob ng bahay. Agad itong napatitig kay Ricky, halatang humahanga. "Ow! Ang pogi mo pala talaga sa personal," sabi niya na parang wala akong nararamdaman na tensyon. Tiningnan ko siya ng masama, pero tila hindi niya iyon napansin o kaya'y hindi niya pinansin.

"Ano po bang ginagawa niyo dito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status