Share

0022: Ricky Dave's Gesture

Serenity's Point of View

Pagkatapos ng mahabang araw sa opisina, masaya kong natapos lahat ng papeles na iniwan ni Ricky Dave. Sa totoo lang, mas gumaan ang pakiramdam ko ngayong hindi siya pumasok. Walang utos, walang pressure—parang mas mabilis kong nagawa ang trabaho.

Paglabas ko ng opisina, napansin kong mas maliwanag ang paligid. Pati si Maya, ang dati kong kakilala at tumulong sa akin noong unang araw ko sa trabaho, ay napansin din ang kasiyahan sa mukha ko.

"Serenity!" Tawag niya habang nag-aayos ng kanyang bag. "Night out tayo mamaya? Sunday naman bukas, walang trabaho."

Sandali akong natahimik. Hindi ako sanay sa mga ganitong imbitasyon. Mula pa noong bata ako, hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko na lumabas. Palaging bahay, eskwela, at negosyo lang ang takbo ng buhay ko. At nang mag-asawa ako, lalo pang naging limitado ang mundo ko—bahay lang ang naging sentro ng buhay ko. Pero ngayon, ibang-iba na ang sitwasyon. Siguro, oras na rin para gawin ko ang mga bagay na hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status