Share

0028: Limitasyon

Serenity's Point of View

Hapon na nang bumalik si Ricky Dave sa opisina, tahimik ngunit may halatang pag-aalala sa kanyang mukha. Nakaupo ako sa aking desk, inaayos ang mga dokumento mula sa aming huling meeting, nang maramdaman ko ang presensya niya sa pintuan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang bahagya, ngunit alam kong may ibang bagay na gustong pag-usapan si Ricky bukod sa trabaho.

"Serenity," panimula niya, lumapit siya at umupo sa upuang nasa tapat ng desk ko. "May kailangan tayong pag-usapan."

Tiningnan ko siya nang diretso sa mata, handa para sa kung anuman ang susunod niyang sasabihin. "Ano po iyon, Sir?"

Huminga siya nang malalim, tila pinipilit timbangin ang mga salita niya. "Tungkol ito kay Miguel... Alam kong matagal na kitang kilala at nagtitiwala ako sa iyo sa lahat ng aspeto ng trabaho. Pero pakiramdam ko, parang may distansya ka sa akin pagdating sa anak mo."

Hindi ko naiwasang mag-alinlangan, pero kailangan kong maging malinaw. "Sir, alam ko pong nagmamalasakit ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status