Serenity's Point of ViewHapon na nang bumalik si Ricky Dave sa opisina, tahimik ngunit may halatang pag-aalala sa kanyang mukha. Nakaupo ako sa aking desk, inaayos ang mga dokumento mula sa aming huling meeting, nang maramdaman ko ang presensya niya sa pintuan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang bahagya, ngunit alam kong may ibang bagay na gustong pag-usapan si Ricky bukod sa trabaho."Serenity," panimula niya, lumapit siya at umupo sa upuang nasa tapat ng desk ko. "May kailangan tayong pag-usapan."Tiningnan ko siya nang diretso sa mata, handa para sa kung anuman ang susunod niyang sasabihin. "Ano po iyon, Sir?"Huminga siya nang malalim, tila pinipilit timbangin ang mga salita niya. "Tungkol ito kay Miguel... Alam kong matagal na kitang kilala at nagtitiwala ako sa iyo sa lahat ng aspeto ng trabaho. Pero pakiramdam ko, parang may distansya ka sa akin pagdating sa anak mo."Hindi ko naiwasang mag-alinlangan, pero kailangan kong maging malinaw. "Sir, alam ko pong nagmamalasakit ka
Serenity's Point of View Dalawang linggo na ang lumipas mula noong huli naming pag-uusap ni Ricky Dave. Sinunod naman niya ang gusto kong limitasyon, ngunit ramdam kong may nagbago sa pagitan namin. Sa oras ng trabaho, tila naging mas mahigpit siya sa akin. Bawat araw ay tila sinusukat niya ang kakayahan ko, tinatambakan ako ng mga gawain na tila sinasadya niyang gawin upang subukin ako. Pagdating naman sa gabi, ang dating pagiging malapit namin ay tila nawawala. Kung dati'y puno ng init at pagnanasa ang bawat sandaling magkasama kami, ngayon ay parang may pader na naghihiwalay sa amin. Ni hindi niya ako hinahawakan o binibigyan ng kahit anong pahiwatig ng nais niyang yakapin ako.Ngayong gabi, nakahiga kami sa kama, parehong tahimik. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon na hindi man lang nagagawa ang lamig na nararamdaman ko mula sa kanya. Nakatingin lang ako sa kisame, naglalaro sa isip ang mga bagay na nagbago. Minsan, hindi ko maiwasang isipin kung tama ba an
Serenity's Point of View Habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles sa opisina, pumasok si Ricky Dave, may bitbit na isang piraso ng papel at isang ngiti na tila may balak. Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya, naghihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin."Serenity," sabi niya habang inilalapag ang papel sa ibabaw ng mesa. "I want you to accompany me to an important event this weekend. It’s a big networking opportunity, and I need my best employee by my side."Tumingin ako sa papel. Isang formal gala ang nakasulat doon, isang event na alam kong dinadaluhan ng mga prominenteng tao sa industriya. Ang unang reaksyon ko ay isang matinding kaba. Alam ko kung gaano kahalaga ang event na ito, pero alam ko rin kung sino ang mga taong maaaring nandoon. Mga taong bahagi ng nakaraan ko na matagal ko nang iniwasan."Sir, alam niyo naman po siguro na wala akong hilig sa mga ganitong event," sagot ko habang sinusubukan kong itago ang tensyon sa boses ko. "Marami naman pong ibang
Serenity's Point of View Maaga pa lang, nagising na ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng umaga—laging puno ng responsibilidad, laging may nakabinbing gawain. Pero sa bawat paggising ko, laging may kasamang pasasalamat. Pasalamat dahil hindi inaatake ng sakit ang anak ko, pasalamat na may isang araw pa akong pwedeng ibigay ang buong oras ko sa kanya. Dalawang oras ang kailangan ko para masiguradong naalagaan ko siya bago ko siya iwanan para sa trabaho.Habang nag-aasikaso ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-alala. Nakasanayan ko na ito—ang pagiisip ng lahat ng posibleng mangyari, lalo na’t alam kong hindi laging maaasahan ang kalusugan ng anak ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magpakatibay para sa kanya.Naputol ang aking pag-iisip nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na doorbell. Napaigtad ako, ang daming tumatakbo sa isip ko. "Ako na!" sabi ni Vivian, na kagigising lang. Tumango na lang ako, pilit na nagpapasalamat na may kasama ako sa bahay na
Serenity's Point of View Habang sinusukat ko ang huling damit, ramdam ko ang bigat ng mga mata nina Vivian at Miguel na nanunuod sa akin. Masaya silang nakatitig sa akin, lalo na si Vivian na para bang nanonood ng live fashion show. Ngunit sa kabila ng kanilang saya, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Hindi ito dahil sa kanila, kundi dahil sa amoy ng mga kemikal mula sa make-up, hairspray, at mga tela. Alam kong hindi maganda ito para kay Miguel. Kahit na nasa kwarto naman kami at naka-aircon, naiisip ko pa rin ang epekto ng mga kemikal na ito sa kanya. Nandito kami sa bagong apartment na tinitirhan namin ni Vivian, sa bakanteng kwarto na pansamantalang ginawang dressing room ng glam team."Girlfriend ka po ba ni Sir Ricky Dave?" tanong ng baklita na kasalukuyang inaayos ang tela ng damit na sinusukat ko. Napatingin ako sa salamin, nakita ko ang interes sa mga mata niya, isang bagay na alam kong hindi ko matatakasan. Nasanay na ako sa mga ganitong tanong, pero hindi ibig sabihin
Serenity's Point of View Sumapit ang alas-singko ng gabi, at dumating na ang butler ni Ricky Dave upang sunduin ako."Dadaan po muna tayo sa condo niya bago dumiretso sa hotel kung saan gaganapin ang event," sabi ng butler nang magalang habang binubuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Tumango ako bilang tugon, pilit na hinahanap ang aking composure sa kabila ng kabang bumabalot sa akin.Nang makapasok na ako sa loob ng kotse, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko ngayong gabi. Naka-red long gown ako, na fitted sa hulma ng katawan ko. Ang gown ay backless, na nag-iwan ng piraso ng balat na nakalantad sa paraang parehong empowering at vulnerable. Napatingin ako sa aking reflection sa salamin ng sasakyan. Alam kong maganda ako, na bawat detalye ng aking itsura ay pinag-isipan ni Ricky Dave. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, parang may bahagi ng sarili ko na hindi pa rin mapakali.Habang umaandar ang kotse, pilit kong binabalik-bali
Nang dumating kami sa venue, nakita ko na agad ang red carpet na naglalatag ng daan patungo sa loob ng hotel. Ang daming tao sa paligid—mga kilalang negosyante, media, at mga curious na onlookers. Alam kong ang bawat hakbang ay sinusundan ng mga mata at lente ng camera. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Ricky Dave sa kamay ko, na tila nagpapahiwatig na nararamdaman niya ang kaba ko."Seren! Everything is fine basta nasa tabi mo ako. Kailangan ko ng pumasok dahil ako ang malaking panauhin nila," muling sambit ni Ricky Dave, pilit akong pinapakalma. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kabado—may parte ng akin na gustong bumaba ng sasakyan, ngunit may bahagi rin na gusto sanang iwasan ang spotlight.Habang papalapit na kami sa entrance, napansin ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid:"Ow! May bagong girlfriend si Dave?""Shocks! Bagay na bagay sila. Siguradong galing sa mayamang pamilya iyan! Sobrang ganda ng kutis."At narinig ko pa ang ilan sa kanila na halo
Serenity's Point of View Nakangising umalis sa harapan namin si Richard kasama ang babaeng nakadikit sa kaniyang parang higad. Lahat ng taong madadaanan namin ay kilala si Ricky Dave. Pumunta kami sa designated table namin at tanging ngiti ang isinasagot ko sa mga taong ngumingiti din sa akin. Nang umakyat si Ricky Dave sa entablado para sa kanyang speech, ang buong venue ay tila nawala sa oras. Ang mga ilaw ay tumutok sa kanya, ang mga camera ay nag-click, at ang mga bisita ay naghintay sa bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko maitatanggi ang kabang nararamdaman ko, lalo na't sa bawat sandali ay naaalala ko ang mga sinabi ni Richard kanina."Magandang gabi sa inyong lahat," nagsimula si Ricky Dave, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa at paggalang. Ang mga tao sa paligid ay tumahimik, naghintay sa susunod na bahagi ng kanyang pagsasalita. "Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa gabing ito. Ang event na ito ay napakahalaga sa akin, hindi lamang dahil i