Share

0030:Formal Gala

Serenity's Point of View

Habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles sa opisina, pumasok si Ricky Dave, may bitbit na isang piraso ng papel at isang ngiti na tila may balak. Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya, naghihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Serenity," sabi niya habang inilalapag ang papel sa ibabaw ng mesa. "I want you to accompany me to an important event this weekend. It’s a big networking opportunity, and I need my best employee by my side."

Tumingin ako sa papel. Isang formal gala ang nakasulat doon, isang event na alam kong dinadaluhan ng mga prominenteng tao sa industriya. Ang unang reaksyon ko ay isang matinding kaba. Alam ko kung gaano kahalaga ang event na ito, pero alam ko rin kung sino ang mga taong maaaring nandoon. Mga taong bahagi ng nakaraan ko na matagal ko nang iniwasan.

"Sir, alam niyo naman po siguro na wala akong hilig sa mga ganitong event," sagot ko habang sinusubukan kong itago ang tensyon sa boses ko. "Marami naman pong ibang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status