Share

0034: Red Carpet

Nang dumating kami sa venue, nakita ko na agad ang red carpet na naglalatag ng daan patungo sa loob ng hotel. Ang daming tao sa paligid—mga kilalang negosyante, media, at mga curious na onlookers. Alam kong ang bawat hakbang ay sinusundan ng mga mata at lente ng camera. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Ricky Dave sa kamay ko, na tila nagpapahiwatig na nararamdaman niya ang kaba ko.

"Seren! Everything is fine basta nasa tabi mo ako. Kailangan ko ng pumasok dahil ako ang malaking panauhin nila," muling sambit ni Ricky Dave, pilit akong pinapakalma. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kabado—may parte ng akin na gustong bumaba ng sasakyan, ngunit may bahagi rin na gusto sanang iwasan ang spotlight.

Habang papalapit na kami sa entrance, napansin ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid:

"Ow! May bagong girlfriend si Dave?"

"Shocks! Bagay na bagay sila. Siguradong galing sa mayamang pamilya iyan! Sobrang ganda ng kutis."

At narinig ko pa ang ilan sa kanila na halo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status