Share

0032: Boss/Amo

Serenity's Point of View

Habang sinusukat ko ang huling damit, ramdam ko ang bigat ng mga mata nina Vivian at Miguel na nanunuod sa akin. Masaya silang nakatitig sa akin, lalo na si Vivian na para bang nanonood ng live fashion show. Ngunit sa kabila ng kanilang saya, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

Hindi ito dahil sa kanila, kundi dahil sa amoy ng mga kemikal mula sa make-up, hairspray, at mga tela. Alam kong hindi maganda ito para kay Miguel. Kahit na nasa kwarto naman kami at naka-aircon, naiisip ko pa rin ang epekto ng mga kemikal na ito sa kanya. Nandito kami sa bagong apartment na tinitirhan namin ni Vivian, sa bakanteng kwarto na pansamantalang ginawang dressing room ng glam team.

"Girlfriend ka po ba ni Sir Ricky Dave?" tanong ng baklita na kasalukuyang inaayos ang tela ng damit na sinusukat ko. Napatingin ako sa salamin, nakita ko ang interes sa mga mata niya, isang bagay na alam kong hindi ko matatakasan. Nasanay na ako sa mga ganitong tanong, pero hindi ibig sabihin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status