**Serenity's Point of View**Nagising ako nang maramdaman kong walang tao sa tabi ko. Agad akong nataranta. Wala si Ricky sa kabilang side ng kama, at pati si Miguel, na kanina lang ay katabi ko, ay wala na rin. Hindi ko na ininda ang itsura ko—mukha ko’y magulo, buhok ko’y gusot—nagmadali akong lumabas ng kwarto, ang puso ko’y kumakabog sa kaba."Na-" Napahinto ako sa kalagitnaan ng aking pagsasalita.Sa kusina, nakita kong nakaupo si Miguel sa isang high chair na hindi ko maalala kung saan galing. Ang anak ko, nakangiti habang tumatawa pa paminsan-minsan, lalo na kapag nagpo-poker face si Ricky Dave habang abala sa pagluluto. Mabilisang haharap si Ricky kay Miguel, tila naglalaro sila ng isang tahimik na laro, at tuwing gagawin niya iyon, tatawa si Miguel nang malakas, na para bang ang saya-saya niya.Nakahinga ako ng maluwag. Nasa maayos na kalagayan ang anak ko. Wala nang makakapantay sa kapayapaang naramdaman ko nang makita silang ganoon—parang isang pamilya. Nakita ko rin si Ric
Serenity's Point of View Pagkauwi ni Vivian, agad kong napansin ang saya sa kanyang mukha. Nagmamadali siyang pumunta sa ref, binuksan ito, at kumuha ng malamig na tubig. Parang nauuhaw na nauuhaw siya, at hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya.“Grabe ang init sa labas,” sabi niya habang umiinom, at bigla siyang napatingin sa paligid. “Kamusta kayo dito? Si Dave?”“Umuwi na siya,” sagot ko, medyo nagtataka sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kakaiba sa tono ng boses niya. "Kamusta? Nag-enjoy ka naman ba sa gala mo?" tanong ko, sinusubukan kong basahin ang kanyang ekspresyon.Isang malalim na hinga ang kanyang binitiwan bago siya sumagot, "Dinate lang ako ng dati kong ka-date sa sinehan." Tumawa siya, tila may kinikimkim na kwento. "Gusto pa nga dumaan kami sa Sogo kaso sabi ko may red tide ako. Hahahahaha!"Natawa rin ako sa kanyang kwento. “Oh? Mabuti naniwala?” tanong ko, kahit na sa loob ko ay alam ko na medyo maloko itong si Vivian. S
Serenity's Point of ViewHapon na nang bumalik si Ricky Dave sa opisina, tahimik ngunit may halatang pag-aalala sa kanyang mukha. Nakaupo ako sa aking desk, inaayos ang mga dokumento mula sa aming huling meeting, nang maramdaman ko ang presensya niya sa pintuan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang bahagya, ngunit alam kong may ibang bagay na gustong pag-usapan si Ricky bukod sa trabaho."Serenity," panimula niya, lumapit siya at umupo sa upuang nasa tapat ng desk ko. "May kailangan tayong pag-usapan."Tiningnan ko siya nang diretso sa mata, handa para sa kung anuman ang susunod niyang sasabihin. "Ano po iyon, Sir?"Huminga siya nang malalim, tila pinipilit timbangin ang mga salita niya. "Tungkol ito kay Miguel... Alam kong matagal na kitang kilala at nagtitiwala ako sa iyo sa lahat ng aspeto ng trabaho. Pero pakiramdam ko, parang may distansya ka sa akin pagdating sa anak mo."Hindi ko naiwasang mag-alinlangan, pero kailangan kong maging malinaw. "Sir, alam ko pong nagmamalasakit ka
Serenity's Point of View Dalawang linggo na ang lumipas mula noong huli naming pag-uusap ni Ricky Dave. Sinunod naman niya ang gusto kong limitasyon, ngunit ramdam kong may nagbago sa pagitan namin. Sa oras ng trabaho, tila naging mas mahigpit siya sa akin. Bawat araw ay tila sinusukat niya ang kakayahan ko, tinatambakan ako ng mga gawain na tila sinasadya niyang gawin upang subukin ako. Pagdating naman sa gabi, ang dating pagiging malapit namin ay tila nawawala. Kung dati'y puno ng init at pagnanasa ang bawat sandaling magkasama kami, ngayon ay parang may pader na naghihiwalay sa amin. Ni hindi niya ako hinahawakan o binibigyan ng kahit anong pahiwatig ng nais niyang yakapin ako.Ngayong gabi, nakahiga kami sa kama, parehong tahimik. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon na hindi man lang nagagawa ang lamig na nararamdaman ko mula sa kanya. Nakatingin lang ako sa kisame, naglalaro sa isip ang mga bagay na nagbago. Minsan, hindi ko maiwasang isipin kung tama ba an
Serenity's Point of View Habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles sa opisina, pumasok si Ricky Dave, may bitbit na isang piraso ng papel at isang ngiti na tila may balak. Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya, naghihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin."Serenity," sabi niya habang inilalapag ang papel sa ibabaw ng mesa. "I want you to accompany me to an important event this weekend. It’s a big networking opportunity, and I need my best employee by my side."Tumingin ako sa papel. Isang formal gala ang nakasulat doon, isang event na alam kong dinadaluhan ng mga prominenteng tao sa industriya. Ang unang reaksyon ko ay isang matinding kaba. Alam ko kung gaano kahalaga ang event na ito, pero alam ko rin kung sino ang mga taong maaaring nandoon. Mga taong bahagi ng nakaraan ko na matagal ko nang iniwasan."Sir, alam niyo naman po siguro na wala akong hilig sa mga ganitong event," sagot ko habang sinusubukan kong itago ang tensyon sa boses ko. "Marami naman pong ibang
Serenity's Point of View Maaga pa lang, nagising na ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng umaga—laging puno ng responsibilidad, laging may nakabinbing gawain. Pero sa bawat paggising ko, laging may kasamang pasasalamat. Pasalamat dahil hindi inaatake ng sakit ang anak ko, pasalamat na may isang araw pa akong pwedeng ibigay ang buong oras ko sa kanya. Dalawang oras ang kailangan ko para masiguradong naalagaan ko siya bago ko siya iwanan para sa trabaho.Habang nag-aasikaso ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-alala. Nakasanayan ko na ito—ang pagiisip ng lahat ng posibleng mangyari, lalo na’t alam kong hindi laging maaasahan ang kalusugan ng anak ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magpakatibay para sa kanya.Naputol ang aking pag-iisip nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na doorbell. Napaigtad ako, ang daming tumatakbo sa isip ko. "Ako na!" sabi ni Vivian, na kagigising lang. Tumango na lang ako, pilit na nagpapasalamat na may kasama ako sa bahay na
Serenity's Point of View Habang sinusukat ko ang huling damit, ramdam ko ang bigat ng mga mata nina Vivian at Miguel na nanunuod sa akin. Masaya silang nakatitig sa akin, lalo na si Vivian na para bang nanonood ng live fashion show. Ngunit sa kabila ng kanilang saya, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Hindi ito dahil sa kanila, kundi dahil sa amoy ng mga kemikal mula sa make-up, hairspray, at mga tela. Alam kong hindi maganda ito para kay Miguel. Kahit na nasa kwarto naman kami at naka-aircon, naiisip ko pa rin ang epekto ng mga kemikal na ito sa kanya. Nandito kami sa bagong apartment na tinitirhan namin ni Vivian, sa bakanteng kwarto na pansamantalang ginawang dressing room ng glam team."Girlfriend ka po ba ni Sir Ricky Dave?" tanong ng baklita na kasalukuyang inaayos ang tela ng damit na sinusukat ko. Napatingin ako sa salamin, nakita ko ang interes sa mga mata niya, isang bagay na alam kong hindi ko matatakasan. Nasanay na ako sa mga ganitong tanong, pero hindi ibig sabihin
Serenity's Point of View Sumapit ang alas-singko ng gabi, at dumating na ang butler ni Ricky Dave upang sunduin ako."Dadaan po muna tayo sa condo niya bago dumiretso sa hotel kung saan gaganapin ang event," sabi ng butler nang magalang habang binubuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Tumango ako bilang tugon, pilit na hinahanap ang aking composure sa kabila ng kabang bumabalot sa akin.Nang makapasok na ako sa loob ng kotse, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko ngayong gabi. Naka-red long gown ako, na fitted sa hulma ng katawan ko. Ang gown ay backless, na nag-iwan ng piraso ng balat na nakalantad sa paraang parehong empowering at vulnerable. Napatingin ako sa aking reflection sa salamin ng sasakyan. Alam kong maganda ako, na bawat detalye ng aking itsura ay pinag-isipan ni Ricky Dave. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, parang may bahagi ng sarili ko na hindi pa rin mapakali.Habang umaandar ang kotse, pilit kong binabalik-bali
Serenity's Point of View Maaga pa lang, nagising na ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng umaga—laging puno ng responsibilidad, laging may nakabinbing gawain. Pero sa bawat paggising ko, laging may kasamang pasasalamat. Pasalamat dahil hindi inaatake ng sakit ang anak ko, pasalamat na may isang araw pa akong pwedeng ibigay ang buong oras ko sa kanya. Dalawang oras ang kailangan ko para masiguradong naalagaan ko siya bago ko siya iwanan para sa trabaho. Habang nag-aasikaso ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-alala. Nakasanayan ko na ito—ang pagiisip ng lahat ng posibleng mangyari, lalo na’t alam kong hindi laging maaasahan ang kalusugan ng anak ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magpakatibay para sa kanya. Naputol ang aking pag-iisip nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na doorbell. Napaigtad ako, ang daming tumatakbo sa isip ko. "Ako na!" sabi ni Vivian, na kagigising lang. Tumango na lang ako, pilit na nagpapasalamat na may kasama ako sa bahay
**Serenity's Point of View** Habang nakaupo kami ni Vivian, hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko sa narinig. “Ang sweet noh? Nalaman niya kasing birthday ko ngayon kaya ililibre niya daw ako,” sabi ni Vivian, may konting kilig sa boses niya. Medyo nagulat ako. "Ow! Happy birthday! Sorry, sobrang daming trabaho, nakalimutan kong birthday mo pala," sabi ko sa kanya, sabay hinging paumanhin. Hindi na ako nagkunwari pa na naalala ko; mas okay na ang maging tapat sa kaibigan kaysa magkunwari. Naputol ang usapan namin ni Vivian nang biglang magtanong si Ricky Dave, "Sinasabi mo bang masama akong boss?" Tiningnan ko siya, at gustong-gusto ko sanang barahin siya at sabihing, "Bakit? Hindi ba?" Pero naisip ko na huwag na lang, lalo na't special day ito ng kaibigan ko. "Nakapag-restday at beauty rest naman na ako kahapon kaya libre na lang niya ngayon. Wag na kayong magtitigan dyan! Sa akin na muna ang atensyon niyong dalawa," hatak ni Vivian sa akin paupo sa tabi niya. Sumunod ako kahi
Serenity’s Point of View Pagkatapos ng mahabang gabi na iyon, halos magkulang ang tulog ko sa lahat ng nangyari. Si Ricky Dave, sa kabila ng lahat ng hirap at tensyon ng event, ay nagbigay sa akin ng tatlong araw na pahinga. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin, lalo na't alam niyang kailangan ko rin ng oras para makapagpahinga at makasama ang anak ko. Ginamit ko ang oras na iyon para mag-spend ng time kasama ang anak ko. Sa bawat minuto na magkasama kami, naramdaman ko ang lumalalim na ugnayan namin bilang mag-ina. Alam kong sa mga panahong ito, kailangan niya ang bawat suporta at pagmamahal na maibibigay ko. Bago kami lumabas upang pumunta sa mall, dumaan muna kami sa ospital. Alam ko na kailangan kong alamin ang kalagayan ng anak ko, lalo na't may sakit siya sa puso. Habang papalapit kami sa pinto ng ospital, hindi ko maiwasang maramdaman ang mabigat na kaba sa aking dibdib. Nang pumasok kami sa loob, ang amoy ng ospital ay parang nagpapalala ng aking takot. Gusto kong maging
Serenity's Point of View Serenity’s Point of View Habang tahimik akong naglalakad sa hardin ng event venue, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Isang saglit na katahimikan lang ang hinihingi ko matapos ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Pero sa kabila ng pag-iwas ko, alam kong hindi basta-basta matatapos ang gabing ito nang walang gulo. Nang bigla akong marinig ang malalim na boses sa likod ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Serenity," malamig at matalim ang boses ni Richard. "Kailangan nating mag-usap." Napakabigat ng hakbang ko habang humaharap ako sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng sakit na dinulot niya sa akin noon. Pero sa kabila ng lahat, wala na akong ibang magawa kundi harapin siya. "Anong kailangan mo, Richard?" tanong ko, sinusubukang panatilihing kalmado ang aking tinig. Tinitigan niya ako nang matagal, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. "Alam ko kung ano ang ginagawa mo, Serenity. Ginagantihan mo ako dahil sa nangyari
Serenity's Point of View Tambak na naman ako ng trabaho. Mula kaninang umaga, halos walang patid ang paglipat-lipat ng mga dokumento sa harap ko. Si Ricky Dave, tulad ng nakasanayan, ay walang kapatawaran sa pagbibigay ng mga tasks. Wala pa nga akong oras na mag-stretch o kahit lumingon man lang sa oras. "Makakahabol pa ba ako sa lunch break?" bulong ko sa sarili ko, habang patuloy ang pagtipa ko sa keyboard. Halos lahat ng tao sa opisina ay nag-lunch break na, pero naririnig ko pa rin ang tunog ng bawat keystroke ko sa buong kwarto. Walang pasabi, biglang may bumagsak na paper bag sa mga papel na hawak ko. Napatigil ako at napalingon nang bahagya. Inis na inis na akong nagtaas ng ulo, handa nang sumigaw sa kung sino mang mapang-asar na may gawa niyon. "Ano ba nang-aasar ka-...ba?" galit na tanong ko, pero natigilan din ako agad. Si Ricky Dave pala. Walang emosyon sa mukha niya, parang normal lang ang lahat. "You can take your lunch break there! Enjoy," malamig niyang sabi, sabay
Serenity's Point of View Nakangising umalis sa harapan namin si Richard kasama ang babaeng nakadikit sa kaniyang parang higad. Lahat ng taong madadaanan namin ay kilala si Ricky Dave. Pumunta kami sa designated table namin at tanging ngiti ang isinasagot ko sa mga taong ngumingiti din sa akin. Nang umakyat si Ricky Dave sa entablado para sa kanyang speech, ang buong venue ay tila nawala sa oras. Ang mga ilaw ay tumutok sa kanya, ang mga camera ay nag-click, at ang mga bisita ay naghintay sa bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko maitatanggi ang kabang nararamdaman ko, lalo na't sa bawat sandali ay naaalala ko ang mga sinabi ni Richard kanina. "Magandang gabi sa inyong lahat," nagsimula si Ricky Dave, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa at paggalang. Ang mga tao sa paligid ay tumahimik, naghintay sa susunod na bahagi ng kanyang pagsasalita. "Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa gabing ito. Ang event na ito ay napakahalaga sa akin, hindi lamang dah
Serenity's Point of View Nararamdaman ko na ang tensyon mula nang pumasok ako sa opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may mabigat na presensyang dumating. Nasa gitna ako ng pag-organisa ng ilang papeles nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako sa aking ginagawa, hindi pa man ako tumitingin, alam kong si Richard iyon. Hindi ko pa rin maiwasang sumikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya, isang paalala ng lahat ng sakit at pagkakamali ng nakaraan.“Serenity,” malamig ang boses ni Richard nang tawagin niya ang pangalan ko. Nilingon ko siya, pilit na nagpapanatili ng kalmado. Kita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ako nagpapakita ng takot.“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko, sinusubukan kong itago ang pagkabalisa. Kahit alam kong magkakaroon kami ng ganitong pagkakataon, hindi ko pa rin alam kung handa na ba akong harapin siya.Ngumisi si Richard, pero may halong pandidiri ang kanyang mga mata. “So, ito na pala ang buhay mo
Serenity's Point of View Sumapit ang alas-singko ng gabi, at dumating na ang butler ni Ricky Dave upang sunduin ako. "Dadaan po muna tayo sa condo niya bago dumiretso sa hotel kung saan gaganapin ang event," sabi ng butler nang magalang habang binubuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Tumango ako bilang tugon, pilit na hinahanap ang aking composure sa kabila ng kabang bumabalot sa akin. Nang makapasok na ako sa loob ng kotse, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko ngayong gabi. Naka-red long gown ako, na fitted sa hulma ng katawan ko. Ang gown ay backless, na nag-iwan ng piraso ng balat na nakalantad sa paraang parehong empowering at vulnerable. Napatingin ako sa aking reflection sa salamin ng sasakyan. Alam kong maganda ako, na bawat detalye ng aking itsura ay pinag-isipan ni Ricky Dave. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, parang may bahagi ng sarili ko na hindi pa rin mapakali. Habang umaandar ang kotse, pilit kong binabalik-
Serenity's Point of View "Lilinawin ko lang sa'yo, Ricky, na hindi mo tunay na anak si Miguel. At wala naman tayong malinaw na relasyon, di ba? Para angkinin mo siya ng ganun-ganun lang. Hindi sapat yang 'I cared, I cared' mo," singhal ko sa kanya, pilit na pinipigilan ang galit na bumabalot sa akin. Kahit pa siya ang boss ko, wala ako sa trabaho ngayon kaya magsasalita ako nang hindi alintana ang posisyon niya. Tila hindi siya nagulat sa sinabi ko. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tumitig sa akin nang diretso, seryoso ang mga mata. "Anong gusto mong gawin ko, Serenity? Do I need to court you?" Natigilan ako sa sinabi niya. Bahagyang umurong ang dila ko, at parang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong na iyon. Hindi ako makapagsalita agad. Parang tumigil ang oras sa mga sinabi ni Ricky Dave. "Do I need to court you?" Nakapako ang mga mata ko sa kanya, hindi alam kung paano isasaayos ang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim, pilit na b