Share

004: Unang Gabi

Third Person's Point of View

Gabing-gabi na nang dumating ang sasakyan na susundo kay Serenity. Naka-itim ang lahat ng mga bintana, at kahit ilang beses niya itong tingnan, wala siyang makita sa loob. Tumikhim ang driver, isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na salamin, at walang sinabi ni isang salita mula sa oras na sumakay si Serenity.

Sa loob ng sasakyan, pakiramdam niya ay parang sinasakal siya ng kaba. Alam niyang delikado ang papasukin niya, pero iniisip niya si Miguel. Kailangan niyang gawin ito.

Pagdating nila sa isang malaking mansion, tahimik itong sinalubong ng mga staff na naka-itim ang suot.

“Miss Serenity?” isang babae ang nagtanong nang dahan-dahan, mukhang nasa 40s na at seryoso ang mukha.

Tumango si Serenity, ngunit hindi niya ito pinansin masyado dahil abala siya sa pagmamasid sa paligid. Lahat ay malinis at tahimik, parang walang tao kahit gaano kalaki ang lugar.

“Sumunod po kayo sa akin,” sabi ng babae, habang sinamahan siya papasok sa isang kwarto. Naghihintay sa loob ang isang maliit na mesa na may kandila sa gitna. Sa kabila ng lahat, pakiramdam ni Serenity ay para siyang nasa pelikula—isang thriller kung saan ang bida ay wala nang takas.

“Makakapasok ka sa kwartong iyon,” sabay turo ng babae sa pinto sa dulo ng pasilyo. “Hindi mo pa siya makikita riyan, Naroon siya sa kabilang silid. May dalawang kondisyon siya: una, hindi mo maaaring tanungin ang tungkol sa kanyang pagkakakilanlan. Pangalawa, hindi mo maaaring subukang tanggalin ang maskara niya, o ipilit malaman kung sino siya.”

Natigilan si Serenity. “Ano ang mangyayari kung subukan ko?” tanong niya, nahihirapang pigilan ang kaba sa boses.

“Hindi mo gugustuhing malaman,” malamig na sagot ng babae. “Magsisimula na ang lahat pagkatapos mong pumasok. At tandaan, isang gabi lang ito, Miss Serenity. Walang labis, walang kulang. Depende kung ikaw ang magugustuhan niya."

Tumayo si Serenity sa harap ng pinto, pakiramdam niya ay parang nasa harap siya ng isang lihim na pinto sa isang madilim na mundo. Sinubukan niyang palakasin ang loob niya, alam niyang kailangan niyang ituloy ito.

Pagbukas ng pinto, nakita niya ang isang silid na may malambot na ilaw mula sa mga chandelier. Sa gitna ng kwarto, nakaupo ang isang matipunong lalaki, na may suot na itim na maskara na natatakpan ang halos buong mukha niya.

Ang kanyang kasuotan ay pormal, ngunit may kakaibang misteryo sa kanyang postura. Hindi siya nagsalita, at parang hindi rin gumalaw nang pumasok si Serenity. Para bang pinagmamasdan siya sa ilalim ng maskara.

“Umupo ka,” mahina at malalim ang kanyang boses, na parang puno ng lihim at mabigat na alaala.

Umupo si Serenity, iniisip kung ano ang mga susunod na mangyayari. Hindi niya masigurado kung ang kaba niya ay dahil sa takot o sa misteryo ng taong ito. Sino nga ba ang lalaking nasa harapan niya? Nasa isip niya kung isa itong Montello bakit hindi niya kilala? At bakit kailangan niyang itago ang kanyang pagkatao sa likod ng maskara?

Habang iniisip niya ito, naramdaman ni Serenity ang lamig ng silid at ang kakaibang tensyon sa pagitan nila. Alam niyang delikado, ngunit ang misteryo ng taong ito ay parang humihila sa kanya papalapit, kahit hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa ilalim ng maskara.

.

“Tumayo ka at gawin ang trabaho mo” utos ni Mr. Montello, ang boses niya ay mababa at puno ng tunog ng pag-uutos. Walang imik si Serenity habang sumusunod sa utos, ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa takot. Ang kilabot na nararamdaman niya ay parang umaabot sa kanyang mga buto. Nang tumayo siya, hindi niya mapigilan ang pag-aalala sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Nang hindi na makatiis sa kahihiyan ng katahimikan, binuhay ni Mr. Montello ang malalakas na speakers sa silid. Nagpatugtog ng mabigat at seksi na musika, ang tunog ay tumunog sa paligid ng silid na tila nagdulot ng dagdag na kaba kay Serenity. Ang musika ay nagbigay ng isang hindi komportableng pakiramdam sa kanyang dibdib, halos nagpaparamdam ng pagkakasala sa kanyang pag-aalinlangan.

“Ako ang magtatakda ng tono ng gabing ito,” sabi ni Mr. Montello, ang boses niya ay matatag at nagbigay ng pakiramdam na siya ang may kontrol sa lahat ng nangyayari. “Sumayaw ka sa harapan ko.”

Hindi alam ni Serenity kung ano ang gagawin. Ang musika, ang mga mata ni Mr. Montello sa ilalim ng maskara, at ang tahimik na pag-uutos ng lalaki ay tila umaabot sa kanyang kaibuturan. Nagpumiglas siya sa kanyang mga iniisip, ngunit ang kanyang katawan ay hindi makasunod sa mga utos na iyon.

Habang nagsimulang sumayaw si Serenity, ang kanyang mga galaw ay hindi gaanong kaaya-aya. Ang kanyang katawan ay nanginginig, at bawat hakbang ay tila puno ng pagdududa. Sa bawat pag-ikot at bawat hakbang, dahan-dahan niyang inaalis ang kanyang mga kasuotan, ang kanyang mga mata ay laging nakatuon sa nakatagong mukha ni Mr. Montello. Ang kanyang desisyon na ito ay tila humahadlang sa kanyang kakayahang mag-isip ng malinaw.

Si Mr. Montello, mula sa kanyang silya, ay patuloy na nagmamasid kay Serenity. Ang kanyang mga mata, bagaman hindi nakikita, ay tila sumisiyasat sa bawat paggalaw ni Serenity. Ang musika ay lumalakas, at ang kanyang mga utos ay nagiging mas tiyak. Ang bawat tunog ng musika ay tila nagpapalakas ng tensyon sa kanilang pagitan.

Habang ang oras ay umuusad, ang pagkakaiba sa pagitan ng pag-aalinlangan at pangangailangan ni Serenity ay lumalabas sa kanyang mga galaw. Ang kanyang mga kamay ay napakabigat na alisin ang bawat piraso ng kanyang kasuotan, at ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalala. Ngunit wala siyang magawa kundi sumunod, nagmamasid sa bawat paggalaw ng lalaki sa ilalim ng maskara.

Ang gabi ay tila tumagal ng magpakailanman. Si Serenity, kahit na puno ng takot at kawalang-katiyakan, ay patuloy na nagsasayaw, umaasang ang oras ay mabilis na lilipas. Si Mr. Montello ay tila nagiging mas nakaka-engganyo, ang kanyang mga mata sa likod ng maskara ay tila punung-puno ng mga lihim.

"Okay! I am sleepy! Maupo ka dyan hanggang makatulog ako. Kung sa loob ng isang oras at hindi ako nagising maari ka ng lumabas at bumalik bukas." inaantok na bilin ng binata sa harapan niya.

Hindi makapagsalita sa gulat si Serenity, maging ang kaniyang kasuotan ay hindi niya magawang ibalik sa kaniyang katawan dahil sa pagtataka.

"Napagod siyang panuorin ako?" tanong niya sa kaniyang sarili. "Oh? Baka hindi niya nagustuhan ang katawan ko. Kung ganito pala kadaling kumita ng pera edi papayag na akong gawin ito. Makikita niya lang ang katawan ko ngunit hindi niya mahahawakan." sabi niya sa kaniyang sariling habang nagbibihis.

Tulad ng sinabi ng lalaki ay agad siyang umalis makalipas ang isang oras. Hinatid naman siya nang sasakyang sumundo sa kaniya.

Mahimbing na nakatulog si Ricky Dave Montello ang nag-iisang tagapagmana ng Montello Group of Companies. Siya ang lalaking may kakaibang lihim.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status