Third Person’s Point of View
Hindi mapakali ang ina ni Serenity nang gabing iyon, kaya kinaumagahan, kahit pagod, ay pinuntahan niya ang bahay ng anak. Hindi kasi ito sumasagot ng kahit anong tawag. “Diyos ko po! Anong nangyari dito? Bakit napaka-aga ay ang gulo ng buong bahay? Princess?!” tawag niya nang makapasok sa loob ng bahay, nagmamadaling hinahanap ang anak. Ngunit walang sagot mula kay Serenity, kaya inikot niya ang buong bahay. “Napakalat naman! Richard!!” tawag niya rin sa asawa ng kaniyang anak. “Bakit kaya mukhang wala dito ang dalawa? Anong nangyari?!” sigaw niya nang makita si Serenity na nakahandusay sa sahig ng kusina. Agad siyang tumawag ng tauhan nila upang buhatin si Serenity. Pinilit niyang gisingin ang anak habang hinihintay ang tulong, ngunit walang senyales ng buhay maliban sa mahinang tibok ng pulso nito. Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ng kaniyang ina lalo na sa batang nasa sinapupunan nito. Dinala si Serenity sa emergency room. Ang asawa naman nito ay pinahanap agad ng kaniyang ama. “Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi magtatagal magsasakitan silang dalawa,” nag-aalalang wika ng ina ni Serenity sa labas ng emergency room. “Paano ka naman nakakasiguro na sasaktan ng anak ko ang anak mo?” singhal ng ina ni Richard. “Mabuting tao ang anak ko. Hindi mananakit ng basta-basta!” “Abay! Sinasabi mo bang may ginawa ang anak ko kung bakit siya nasaktan?! Ang kapal—” “Tama na iyan! Pare-pareho tayong walang alam sa nangyari kaya manahimik!” awat ng matandang lalaki, ang ama ng ina ni Serenity, na kaniyang lolo. “Umuwi ka na lang at hanapin ang anak mo. Ipasundo mo na rin si Ricky Dave sa mga tauhan. Hindi na kamo siya masusundo dahil may nangyari.” Utos ng ama ni Richard sa asawa nito. Lahat ng tao sa labas ng emergency room ay alalang-alala kay Serenity. Ang mga in-laws nito ay present din. Lumabas ang doktor mula sa loob ng emergency room. Nagmamadaling lumapit ang ina ni Serenity. “Kamusta, doc? Anong lagay ng anak ko ngayon?” tanong niya habang kinikiskis ang kaniyang palad dahil sa kaba. “Nasa maayos naman po siyang kalagayan. Any moment pwede na siyang magising. Na-over fatigue lang siya dahilan para mahimatay siya. Ligtas din sa kapahamakan ang batang nasa sinapupunan niya. Wag na po kayong mag-alala, misis. Excuse me.” Lahat sila ay nakatingin sa ina ni Serenity, naghihintay ng sagot dahil pareho silang gulat na buntis si Serenity. “Kahapon ko lang nalaman, ang alam ko susurpresahin niya ang kaniyang asawa. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari,” depensa ng ina nito. “Kumpare, pwede bang kami muna ang haharap sa anak namin? Baka kasi may nangyari sa kanilang dalawa,” pakiusap ng ama ni Serenity. “Pero pamilya na din kami ni Seren!” pangangatwiran ng ama ni Richard. “Pasensya na, sa nakikita ko mukhang hindi magkukwento ang anak ko kung nandyan kayo. Mas maganda kakausapin ko ang aking anak, tapos kayo naman hanapin niyo ang inyong anak,” pagmamatigas ng ama ni Serenity. Gusto man magmatigas ni Mr. Montello, nirespeto na lang niya ang gusto mangyari ng kabilang panig. Agad na pumasok ang mag-asawang Pernez kasama ang kanilang ama. “Anak! Kamusta ka? Anong nangyari?” agad namang niyakap ni Luiza ang kaniyang anak na si Serenity. Umiyak lang si Serenity sa bisig ng kaniyang ina. Nang kumalma ito makalipas ng ilang sandali ay tinanong ito kung anong nangyari. “He filled for divorce,” tanging nasabi ng dalaga sa harap ng kaniyang magulang at ng kaniyang lola na dahilan kung bakit sila naikasal. “Pasok!” sigaw ni Luiza nang may kumatok. “Anong balita?” “Nasa Batangas po si Sir Richard with Ms. Angel Reyes. Nagtanan po sila,” sagot ng isang tauhan. “Sino si Angel?” “His ex,” sagot naman ni Serenity. “Ibig sabihin, hiwalay na kayo ni Richard? Hindi mo napanatili ang inyong kasal!” may mataas na tonong boses na sabi ng kaniyang lolo na si Luiz. “Dad, hindi kasalanan ni Serenity kung nagloko si Richard! Bakit sa kaniya kayo nagagalit?” depensa ni Luiza sa kaniyang anak. “Kung naging mabuting asawa iyang anak mo, siguradong hindi maghahanap ang lalaki ng ibang babae. Kung hindi niyo maayos ang relasyon niyo, sisiguraduhin kong wala kang makukuha mula sa akin, Serenity! Ayusin mo iyan! Gamitin mo ang bata para bumalik iyang asawa mo! Ayokong mauwi sa wala lahat ng pinaghirapan ko!” may pagduro at halatang galit si Mr. Luiz sa kaniyang tinuran. Hindi naman makapagsalita ang ama ni Serenity na si Adrian dahil maging ito ay takot sa kaniyang biyenan. Walang nagawa si Serenity kundi ang umiyak. Alam niyang maging ang kaniyang ina ay walang magagawa para pigilan ang sinabi ng kaniyang lolo. Walang ibang tumatakbo sa isip ni Serenity kundi buhayin ang anak niya dahil hindi ito kabilang sa kasalanan ng ama niya sa kaniya. “Susubukan kong kausapin si Richard para balikan ka,” tanging nasabi ng kaniyang ama. “Ano ka ba, Adrian? Tanga ka ba talaga? Niloko na ang anak mo pero ikaw pa din ang makikiusap? Nasaan ang utak mo?” singhal ni Luiza sa kaniyang asawa. “Anong gusto mong gawin? Saan pupulutin si Serenity at ang kaniyang anak? Hindi naman natin matutulungan kung hindi pumayag ang iyong papa! Alam mo iyan! Wala tayong sariling pera para palakihin ang batang nasa sinapupunan niya!” “No! Hindi ka magmamakaawa sa kahit sino!” bulong ni Luiza sa kaniyang anak na si Serenity na patuloy pa rin sa pag-iyak habang kaniyang inaalo ito. Inaalala ang araw kung paano siya dinurog ni Richard. FLASHBACK Pagkaraan ng kanilang kasal, mabilis na nagbalik sa normal ang buhay ni Ricky Dave. Siya'y abala sa pamamahala ng The Montello Group of Companies, habang si Serenity naman ay nanatili sa bahay, nag-aalaga ng kanilang tahanan at umaasa sa araw na magiging magkaibigan sila ng kanyang asawa. Minsan, isang umaga, habang nag-aalmusal sila, hindi mapigilang magtanong ni Serenity tungkol sa kanyang mga plano para sa araw na iyon. “Richard Dane, may plano ka ba mamaya?” tanong niya, umaasa na makakasama niya ito kahit sandali lang. Sumulyap si Richard dane sa kanya habang s********p ang kanyang kape. "Maraming meetings sa opisina. Baka gabihin na ako ng uwi." Napatango na lamang si Serenity, sinusubukang itago ang lungkot. Alam niyang abala si Richard Dane ngunit umaasa siyang bibigyan siya ng kahit konting oras. “Okay lang. Sana mag-ingat ka,” sagot ni Serenity nang may pilit na ngiti. Nagpatuloy siya sa pagkain, pilit na iniintindi ang sitwasyon. Lumipas ang mga araw at linggo na puno ng parehong rutinaryo: si Richard Dane ay laging abala sa trabaho, samantalang si Serenity ay nagmumuni-muni sa kanilang tahanan. Hindi maiwasang magduda si Serenity kung may pag-asa pang maging masaya ang kanilang pagsasama. Isang gabi, nang makauwi si Richard Dane, nakatulog na si Serenity habang naghihintay sa kanya sa sofa. Maingat siyang lumapit at tinanggal ang kumot na nakabalot sa kanyang asawa. Napansin niya ang mga luha sa gilid ng mga mata nito. Nang umaga, nang magising si Serenity, nakita niyang nakaayos na ang almusal sa mesa. May kasamang bulaklak at isang maliit na sulat mula kay Ricky Dave. “Pasensya ka na sa lahat ng pag-aalala. May kailangan lang akong ayusin sa trabaho. Umaasa akong mas magkaintindihan tayo sa mga susunod na araw. – Richard Dane" Nagdulot ito ng kaunting ligaya kay Serenity. Bagaman malamig at puno ng distansya ang kanilang relasyon, naniniwala siyang may puwang pa rin para sa kanilang dalawa. Ngunit isang araw, habang nag-aayos ng mga gamit sa kanilang kwarto, may napansin si Serenity na isang dokumento sa bag ni Richard Dane. Nang buklatin niya ito, hindi niya napigilang magulat at maguluhan sa kanyang nabasa: divorce papers. Nang gabing iyon, hindi napigilan ni Serenity ang sarili. Nilapitan niya si Richard Dane na kakauwi lang galing opisina. “Richard Dane, ano ang ibig sabihin ng mga papeles na ito?” tanong niya, hindi na kayang itago ang takot at pangamba. Huminga ng malalim si Richard Dane. “Serenity, may gusto akong sabihin sa’yo. Nagkabalikan na kami ng ex-girlfriend ko. Mahal ko siya, hindi kita niloko, pero hindi ko rin kayang iwanan siya.” Para bang gumuho ang mundo ni Serenity. Ang lahat ng kanyang pinangarap at inaasahan ay parang bula na nawala. Ngunit sa kabila ng sakit, pinilit niyang maging matatag. “Kung ganun, bakit mo pa ako pinakasalan? Bakit mo ako pinaasa?” nangingilid ang luha ni Serenity habang nagtanong. “Dahil sa pamilya natin, sa negosyo. Pero hindi ko kayang lokohin ka pa. Mas mabuti nang maghiwalay tayo habang maaga o magpatuloy tayo pero hindi ko iiwan kung sino ang mahal ko.,” sagot ni Richard Dane hindi makatingin ng diretso kay Serenity. Naramdaman ni Serenity ang bigat ng mga salita nito. Alam niyang wala na siyang magagawa upang mabago pa ang isip ng kanyang asawa. Ang tanging nagawa na lang niya ay umiyak nang tahimik sa kanyang kwarto, habang iniisip kung paano niya haharapin ang bagong kabanata ng kanyang buhay. END OF FLASHBACK Sa kabilang banda naman ay nagpapakasaya si Ricky dahil sa atensyon na binibigay sa kaniya sa kompanya. Pinakilala siyang director ng Montello Group of Companies. Alam din niya kung nasaan ang kaniyang magaling na kapatid ngunit wala siyang pakialam dito. Pagsapit ng gabi ay agad na tumawag si Ricky sa manager ng isang company na nagbebenta ng babae para tulungan siyang makatulog tuwing gabi. “Ang bilin ko, kung matapos na at nakatulog ako, agad na umalis at wag na lumikha ng kahit anong gulo. Nauunawaan niyo ba? Kasi kung hindi, hindi ako magbabayad at ang susunod na ipapadala niyo ay libre na,” pagbabanta nito. Nagkasundo sila sa gagawin kaya masaya na lang naghintay si Ricky sa loob ng kaniyang condo. Habang ang isa ay malalim ang iniisip, ang isa naman ay masayang ninanamnam ang kaniyang unang gabi sa bansa.Third Person's Point of View “Miss Glenda, naghahanap ng bagong babae si Mr. Montello. Hindi niya nagustuhan ang pinadala ninyo kagabi,” sabi ni Ms. Karren, ang personal na sekretarya ni Mr. Montello, na nagmamadali. Sa kabila ng kanyang edad, mabilis siyang mapagod sa paglalakad, lalo na kung dala ng takot kay Mr. Montello. “Ano? Halos lahat ng babae namin, hindi niya gusto. Napaka-picky naman niya—sino ang ipapadala ko ngayon?” tanong ni Ms. Glenda, naiirita. Paulit-ulit na ang ganitong eksena sa loob ng isang taon. Kahit na nagkakaproblema sila, hindi nila kayang bitawan si Mr. Montello dahil malaking pera ang pumapasok sa kanilang agency. “Kung magpapatuloy ito, tiyak na i-pull back niya ang 500k na insurance niya sa agency,” babala ni Karren, halatang natataranta. Sa kanyang pagkabahala, nasabi niya ang pagbabanta ng kanyang amo. “Sige, gagawan ko ng paraan,” sagot ni Ms. Glenda, nagmamadali. Kahit naiinis, hindi niya maipakita ang kanyang frustration sa sekretarya. Lahat ng
Third Person's Point of View Gabing-gabi na nang dumating ang sasakyan na susundo kay Serenity. Naka-itim ang lahat ng mga bintana, at kahit ilang beses niya itong tingnan, wala siyang makita sa loob. Tumikhim ang driver, isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na salamin, at walang sinabi ni isang salita mula sa oras na sumakay si Serenity.Sa loob ng sasakyan, pakiramdam niya ay parang sinasakal siya ng kaba. Alam niyang delikado ang papasukin niya, pero iniisip niya si Miguel. Kailangan niyang gawin ito. Pagdating nila sa isang malaking mansion, tahimik itong sinalubong ng mga staff na naka-itim ang suot.“Miss Serenity?” isang babae ang nagtanong nang dahan-dahan, mukhang nasa 40s na at seryoso ang mukha.Tumango si Serenity, ngunit hindi niya ito pinansin masyado dahil abala siya sa pagmamasid sa paligid. Lahat ay malinis at tahimik, parang walang tao kahit gaano kalaki ang lugar.“Sumunod po kayo sa akin,” sabi ng babae, habang sinamahan siya papasok sa isang kwarto. Naghih
R-18 Read at your own Risk Serenity’s Point of ViewMaaga akong nakauwi, medyo alanganin pa nga akong umuwi.Pagdating sa bahay ay agad kong inayos ang sarili ko, papasok na sana ako sa CR nang lumabas sa kwarto si Vivian at halatang nagmamadali siya. “Ikaw lang pala iyan, akala ko kung sino na ang nakapasok sa bahay. Sige na, maligo ka na. Ayos lang ‘yan, lahat naman ng mga babae hindi talaga tumatagal sa kaniya.” Ramdam ko na kino-comfort niya ako. Kumunot naman ang noo ko.“Masyadong mataas ang standard ng lalaking iyon, mukha kasing sobrang gwapo niya.” Dagdag pa nito.“Huh? Anong ibig mong sabihin?” alanganin kong sagot sa kaniya.“Hindi ba pinauwi ka kasi hindi ka nagustuhan ni Mr. pogi?” patanong niyang sabi sa akin halatang hinihingi ang kompirmasyon ko.“Hindi ah!” pagtanggi ko saka tumuloy sa CR at nagbuhos. Nagmadali akong mag-half bath ng madali akong makatulog. Hindi naman ako napagod sa ginawa ko sa halip ay napagod ako dahil nilalabanan kong kaba sa halos apat na oras.
Serenity's Point of ViewAng malamig na hangin sa kwarto ay tila nagpapalala ng aking nerbiyos habang hinihintay ko ang utos. Ang boses ng kliyente ko, matigas at puno ng awtoridad, ay parang nakatakip na pader sa pagitan namin.“Lay down and touch yourself,” utos niya.“Po?” tanong ko, kahit alam kong malinaw na ang utos. Ang pag-aatubili ay matindi sa aking dibdib, pero kailangan kong sumunod. Sinimulan kong gumapang papunta sa gitna ng kama, ang kamay ko ay nanginginig habang unti-unti kong inaalis ang butones ng aking longsleeve. Ang pakiramdam ng malamig na hangin sa balat ko habang tinatanggal ko ang aking mga damit ay nagbibigay sa akin ng kakaibang panghihina.Hindi ko kayang tingnan siya, kaya nakayuko ako habang binubuksan ko ang strap ng aking spaghetti sando. Ang pagtingin niya sa akin, puno ng pagtutok, ay tila isang presyon na nagpapalakas sa aking takot. "Undress faster and look at me. Seduce me now!” boses niya ay masungit at dumating sa punto ng galit.Napaigtad ako,
Serenity's Point of View “Anong nangyari?” tanong sa akin ni Vivian.Tumaas naman ang kilay ko dahil sa naging tanong niya sa akin. “Look, girl, halos dalawang taon na tayong magkasama sa iisang bubong. Sa tingin mo ba, hindi kita kilala?” Sumubo muna ako bago sumagot.“Hindi ko siya napatulog. Baka hindi na ibigay sa akin ni Ms. Glenda ang sahod ko. Nakalaan pa naman iyon sa pampa-opera ni Miguel,” sagot ko sa kaniya habang patuloy lang sa pagkain. Tiningnan ko si Miguel na nakatayo sa crib niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin ni Vivian habang kumakain.“Huh? Anong nangyari nga?” curious na tanong ni Vivian.Hindi ko alam kung kailangan ko bang ikwento sa kaniya ang nangyari. Medyo nahihiya kasi ako sa naging asal ko. Alam kong mali ko iyon dahil naging impulsive ako sa naging aksyon ko. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.“May nangyari sa amin,” bulong ko na para bang naririnig ako ng anak ko.“Then?” nakataas ang kilay na tanong ni Vivian. Halatang hinihintay niy
Serenity's Point of ViewNaglakad ako papunta sa mesa, pinipigilan ang sarili kong huwag ngumiti nang malaki. Paano ba naman, sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganitong set-up? Ang daming ilaw na parang mga bituin na nagkalat sa paligid, may mga bulaklak na nakapaligid sa mesa, at naroon ang dalawang plato na nakatakip, na para bang sinasabi sa akin na espesyal ang gabing ito. "Wow, bumabawi talaga siya," bulong ko sa sarili ko. Akala ko, dahil sa nangyari kagabi, gusto niyang itama ang mga bagay-bagay.Habang nagpapalipas ng sandali, biglang tumunog ang musika, isang malambing at romantikong awitin na lalong nagpasidhi sa ambiance ng gabi. Napalingon ako at doon ko napansin ang isang babae—matangkad, payat, at napakaganda. Parang bumagal ang oras nang makita ko siya. Sa bawat hakbang niya, tila ba may kakaibang alindog na humahatak sa lahat ng atensyon sa kaniya.Ang lalaki na kasama ko kanina, ang siyang umaalalay sa babae habang lumalapit ito sa mesa. Wala akong nagawa kundi umu
Serenity's Point of View Pagod na ako sa lahat ng nangyari, ngunit ang isip ko ay gulong-gulo pa rin sa eksenang nasaksihan ko kanina. Pagbalik ko sa upuan ko, hindi ko mapigilang sundan ng tingin ang gwapong lalaking umalis. May kung anong pwersa sa loob ko ang nagtutulak na sundan siya, na alamin kung sino siya, ngunit nilabanan ko iyon. Sino ba naman siya sa akin? Wala akong karapatan, wala akong dahilan.Sa gilid ng mata ko, nakita kong papalapit ang butler na kanina'y kasama ng gwapong lalaki. Balak yata niya itong sundan, ngunit biglang iniharap ng lalaki ang palad niya, na tila isang tahimik na utos na huminto. Sumunod naman ang butler, tumigil ito sa paglakad at nanatiling nakatayo, tila walang imik at naghihintay ng susunod na ipag-uutos.Hindi ko maiwasang mag-isip: Sino kaya ang lalaking iyon? Anong kaugnayan niya sa kliyente ko? Maraming tanong ang nagsulputan sa isipan ko, ngunit wala akong sapat na impormasyon para sagutin ang mga ito.“Sumunod na po kayo, ihahatid ko n
Serenity’s Point of ViewTumigil ang sasakyan sa harap ng isang napakagarang mansyon, at agad kong naramdaman ang kakaibang kaba na sumiklab sa aking dibdib. Sa labas, nakatayo si Ricky Dave Montello, tinitingnan ang kanyang wristwatch na parang naghihintay ng isang mahalagang sandali. Nang bumaba ang butler at bumulong kay Ricky Dave, nakita kong agad siyang tumingin sa direksyon ko, mabilis na naglakad papalapit sa sasakyan.Nang buksan niya ang pintuan, ramdam ko agad ang bigat ng kanyang presensya. Tila ba kaya niyang kontrolin ang lahat ng nasa paligid niya, at sa sandaling iyon, ako ang sentro ng kanyang atensyon."Serenity," malamig niyang sabi, at tila tumigil ang oras. "Kailangan mong umakto ng tama. Sa loob ng bahay na ito, ikaw ang girlfriend ko, o fiancée. Bahala ka na kung ano ang mas madaling gawin. Pero dapat, umakto ka nang maayos."Napakabilis ng tibok ng puso ko. Ano ba ang pinasok ko? Alam kong walang ibang pagpipilian kundi sundin siya, kahit na hindi ko alam kung
Serenity's Point of View Maaga pa lang, nagising na ako. Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng umaga—laging puno ng responsibilidad, laging may nakabinbing gawain. Pero sa bawat paggising ko, laging may kasamang pasasalamat. Pasalamat dahil hindi inaatake ng sakit ang anak ko, pasalamat na may isang araw pa akong pwedeng ibigay ang buong oras ko sa kanya. Dalawang oras ang kailangan ko para masiguradong naalagaan ko siya bago ko siya iwanan para sa trabaho. Habang nag-aasikaso ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-alala. Nakasanayan ko na ito—ang pagiisip ng lahat ng posibleng mangyari, lalo na’t alam kong hindi laging maaasahan ang kalusugan ng anak ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magpakatibay para sa kanya. Naputol ang aking pag-iisip nang bigla kong marinig ang sunod-sunod na doorbell. Napaigtad ako, ang daming tumatakbo sa isip ko. "Ako na!" sabi ni Vivian, na kagigising lang. Tumango na lang ako, pilit na nagpapasalamat na may kasama ako sa bahay
**Serenity's Point of View** Habang nakaupo kami ni Vivian, hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko sa narinig. “Ang sweet noh? Nalaman niya kasing birthday ko ngayon kaya ililibre niya daw ako,” sabi ni Vivian, may konting kilig sa boses niya. Medyo nagulat ako. "Ow! Happy birthday! Sorry, sobrang daming trabaho, nakalimutan kong birthday mo pala," sabi ko sa kanya, sabay hinging paumanhin. Hindi na ako nagkunwari pa na naalala ko; mas okay na ang maging tapat sa kaibigan kaysa magkunwari. Naputol ang usapan namin ni Vivian nang biglang magtanong si Ricky Dave, "Sinasabi mo bang masama akong boss?" Tiningnan ko siya, at gustong-gusto ko sanang barahin siya at sabihing, "Bakit? Hindi ba?" Pero naisip ko na huwag na lang, lalo na't special day ito ng kaibigan ko. "Nakapag-restday at beauty rest naman na ako kahapon kaya libre na lang niya ngayon. Wag na kayong magtitigan dyan! Sa akin na muna ang atensyon niyong dalawa," hatak ni Vivian sa akin paupo sa tabi niya. Sumunod ako kahi
Serenity’s Point of View Pagkatapos ng mahabang gabi na iyon, halos magkulang ang tulog ko sa lahat ng nangyari. Si Ricky Dave, sa kabila ng lahat ng hirap at tensyon ng event, ay nagbigay sa akin ng tatlong araw na pahinga. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin, lalo na't alam niyang kailangan ko rin ng oras para makapagpahinga at makasama ang anak ko. Ginamit ko ang oras na iyon para mag-spend ng time kasama ang anak ko. Sa bawat minuto na magkasama kami, naramdaman ko ang lumalalim na ugnayan namin bilang mag-ina. Alam kong sa mga panahong ito, kailangan niya ang bawat suporta at pagmamahal na maibibigay ko. Bago kami lumabas upang pumunta sa mall, dumaan muna kami sa ospital. Alam ko na kailangan kong alamin ang kalagayan ng anak ko, lalo na't may sakit siya sa puso. Habang papalapit kami sa pinto ng ospital, hindi ko maiwasang maramdaman ang mabigat na kaba sa aking dibdib. Nang pumasok kami sa loob, ang amoy ng ospital ay parang nagpapalala ng aking takot. Gusto kong maging
Serenity's Point of View Serenity’s Point of View Habang tahimik akong naglalakad sa hardin ng event venue, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Isang saglit na katahimikan lang ang hinihingi ko matapos ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Pero sa kabila ng pag-iwas ko, alam kong hindi basta-basta matatapos ang gabing ito nang walang gulo. Nang bigla akong marinig ang malalim na boses sa likod ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Serenity," malamig at matalim ang boses ni Richard. "Kailangan nating mag-usap." Napakabigat ng hakbang ko habang humaharap ako sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng sakit na dinulot niya sa akin noon. Pero sa kabila ng lahat, wala na akong ibang magawa kundi harapin siya. "Anong kailangan mo, Richard?" tanong ko, sinusubukang panatilihing kalmado ang aking tinig. Tinitigan niya ako nang matagal, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. "Alam ko kung ano ang ginagawa mo, Serenity. Ginagantihan mo ako dahil sa nangyari
Serenity's Point of View Tambak na naman ako ng trabaho. Mula kaninang umaga, halos walang patid ang paglipat-lipat ng mga dokumento sa harap ko. Si Ricky Dave, tulad ng nakasanayan, ay walang kapatawaran sa pagbibigay ng mga tasks. Wala pa nga akong oras na mag-stretch o kahit lumingon man lang sa oras. "Makakahabol pa ba ako sa lunch break?" bulong ko sa sarili ko, habang patuloy ang pagtipa ko sa keyboard. Halos lahat ng tao sa opisina ay nag-lunch break na, pero naririnig ko pa rin ang tunog ng bawat keystroke ko sa buong kwarto. Walang pasabi, biglang may bumagsak na paper bag sa mga papel na hawak ko. Napatigil ako at napalingon nang bahagya. Inis na inis na akong nagtaas ng ulo, handa nang sumigaw sa kung sino mang mapang-asar na may gawa niyon. "Ano ba nang-aasar ka-...ba?" galit na tanong ko, pero natigilan din ako agad. Si Ricky Dave pala. Walang emosyon sa mukha niya, parang normal lang ang lahat. "You can take your lunch break there! Enjoy," malamig niyang sabi, sabay
Serenity's Point of View Nakangising umalis sa harapan namin si Richard kasama ang babaeng nakadikit sa kaniyang parang higad. Lahat ng taong madadaanan namin ay kilala si Ricky Dave. Pumunta kami sa designated table namin at tanging ngiti ang isinasagot ko sa mga taong ngumingiti din sa akin. Nang umakyat si Ricky Dave sa entablado para sa kanyang speech, ang buong venue ay tila nawala sa oras. Ang mga ilaw ay tumutok sa kanya, ang mga camera ay nag-click, at ang mga bisita ay naghintay sa bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko maitatanggi ang kabang nararamdaman ko, lalo na't sa bawat sandali ay naaalala ko ang mga sinabi ni Richard kanina. "Magandang gabi sa inyong lahat," nagsimula si Ricky Dave, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa at paggalang. Ang mga tao sa paligid ay tumahimik, naghintay sa susunod na bahagi ng kanyang pagsasalita. "Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa gabing ito. Ang event na ito ay napakahalaga sa akin, hindi lamang dah
Serenity's Point of View Nararamdaman ko na ang tensyon mula nang pumasok ako sa opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may mabigat na presensyang dumating. Nasa gitna ako ng pag-organisa ng ilang papeles nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako sa aking ginagawa, hindi pa man ako tumitingin, alam kong si Richard iyon. Hindi ko pa rin maiwasang sumikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya, isang paalala ng lahat ng sakit at pagkakamali ng nakaraan.“Serenity,” malamig ang boses ni Richard nang tawagin niya ang pangalan ko. Nilingon ko siya, pilit na nagpapanatili ng kalmado. Kita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ako nagpapakita ng takot.“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko, sinusubukan kong itago ang pagkabalisa. Kahit alam kong magkakaroon kami ng ganitong pagkakataon, hindi ko pa rin alam kung handa na ba akong harapin siya.Ngumisi si Richard, pero may halong pandidiri ang kanyang mga mata. “So, ito na pala ang buhay mo
Serenity's Point of View Sumapit ang alas-singko ng gabi, at dumating na ang butler ni Ricky Dave upang sunduin ako. "Dadaan po muna tayo sa condo niya bago dumiretso sa hotel kung saan gaganapin ang event," sabi ng butler nang magalang habang binubuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Tumango ako bilang tugon, pilit na hinahanap ang aking composure sa kabila ng kabang bumabalot sa akin. Nang makapasok na ako sa loob ng kotse, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko ngayong gabi. Naka-red long gown ako, na fitted sa hulma ng katawan ko. Ang gown ay backless, na nag-iwan ng piraso ng balat na nakalantad sa paraang parehong empowering at vulnerable. Napatingin ako sa aking reflection sa salamin ng sasakyan. Alam kong maganda ako, na bawat detalye ng aking itsura ay pinag-isipan ni Ricky Dave. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, parang may bahagi ng sarili ko na hindi pa rin mapakali. Habang umaandar ang kotse, pilit kong binabalik-
Serenity's Point of View "Lilinawin ko lang sa'yo, Ricky, na hindi mo tunay na anak si Miguel. At wala naman tayong malinaw na relasyon, di ba? Para angkinin mo siya ng ganun-ganun lang. Hindi sapat yang 'I cared, I cared' mo," singhal ko sa kanya, pilit na pinipigilan ang galit na bumabalot sa akin. Kahit pa siya ang boss ko, wala ako sa trabaho ngayon kaya magsasalita ako nang hindi alintana ang posisyon niya. Tila hindi siya nagulat sa sinabi ko. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tumitig sa akin nang diretso, seryoso ang mga mata. "Anong gusto mong gawin ko, Serenity? Do I need to court you?" Natigilan ako sa sinabi niya. Bahagyang umurong ang dila ko, at parang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong na iyon. Hindi ako makapagsalita agad. Parang tumigil ang oras sa mga sinabi ni Ricky Dave. "Do I need to court you?" Nakapako ang mga mata ko sa kanya, hindi alam kung paano isasaayos ang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim, pilit na b