"Ang dami naman nito at para saan ba itong mga mamahaling damit na ito?" Tanong ko kay Tristan habang isa-isang tinitingnan ang laman ng paperbags na dala niya.
"Para sa 'yo iyan."Gulat akong napatingin sa kanya, "Sa akin?""Oo. Kailangan ko pa bang ulitin?" Sagot niya.Napangiwi ako dahil sa sagot niya bago ibinaling ang aking paningin sa pulang bestida na may napakagandang disenyo. "Bakit mo naman ako bibilhan ng ganito kamahal na damit? Atsaka, ayos pa naman ang mga damit ko kaya hindi ko ito matatanggap.""You must accept it, Scarlett.""Why?""Because we're going to meet my parents later and you need to look nice to their eyes."Mabilis akong napalunok at lumingon sa kanya dahil hindi ko matandaan na parte ng contract namin ang i-meet ang parents niya. "Sandali, wala sa usapan natin yan.""Didn't I warn you before, Scarlett? My parents will hear about our wedding anytime soon and I wasn't expecting this to be so early, so I want you to look comfortable."Napakamot nalang ako ng ulo dahil wala sa plano ko ang ma-meet and greet ang parents niya. Kung alam ko lang na dapat kong makilala ang parents niya, sana hindi na ako pumayag sa nais niya. Pero kung hindi dahil sa pera, hindi rin naman ako papayag."Magkakaroon ba ng problema kung hindi ako katulad niyo?" Tanong ko habang hinahalungkat yung ibang paperbags na nasa ibabaw ng kama."What do you mean by that?""Well, I'm not like you. I have no money and no lavish mansion to live on. I'm not rich and I'm not like you, so.""Just focus on your duty, Scarlett. We made a deal for the child and my parents has been so eager to have a grandchild, so I think they will not criticize you for what you are. Now, have you pick a dress to wear later?""Oo. Itong blue dress with sleeves and simple but elegant design. Since bumili ka ng stiletto at jewelry, wala na akong kailangan pa."Hindi na siya nagsalita pa kaya naman itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga damit na ito. Baka sakaling magbago ang isip ko, kaya naman kailangan ko ng second option in case na hindi mag work yung dress na pinili ko.Pero agad na napukaw ang aking atensyon ng tumunog ang phone ko. Mabilis kong kinuha ang bag na dala ko, kung saan pangalan ni Joana ang nag flash sa screen ng phone ko. Nag-aalinlangan akong sagutin ang tawag, lalo pa't wala siyang kaalam-alam sa ginawa ko."Why don't you answer the call? It seems very important."Binalik ko ang phone sa bag at ngumiti sa kanya, "It's nothing.""Are you sure? 'cause I can feel from your voice that your having second thoughts answering the call. It is your mom?"Umiling ako at umiwas ng tingin dahil ayoko na pati emosyon ko mabasa ng lalaking ito. Hindi ko pa siya lubusang kilala, kaya naman hindi ko pa siya pwedeng pagkatiwalaan. "No. Just a friend of mine.""Joana?""Wait, paano mo nalaman ang pangalan ng best friend ko?" Tugon ko matapos gulat na mapalingon sa kanya.Ngunit nagkibit-balikat lamang siya at sagot, "I don't know. Maybe I have my own way to dig some of your information to know who you are, especially since you're carrying my heir.""Ano pa ang nalaman mo bukod diyan?""That's all I know.""Okay." Iyon nalang ang sinabi ko at nagkunwari na busy kahit hindi naman dapat pagkabusyhan ang ganitong bagay.Kinakabahan ako. Hindi dahil sa baka hindi ako magustuhan ng parents niya, kung hindi dahil first time makikilala ang magulang ng sikat at mayaman na si Tristan Montenegro. Parang isang fairytale, pero hindi nga lang ako kasing swerte ni Cinderella at ng iba pang Disney princesses.Kaya lang naman ako napunta sa sitwasyon na ito dahil sa batang dinadala ko at sa nais kong kumita ng pera para sa nanay kong may sakit. Tinalikuran ng tatay ko yung responsibilidad niya sa 'min, at tuwing nakakaaway ko si Monique, yung napakabait kong kapatid sa ama, pinaparusahan niya ako.Actually, hindi ko kailangan 'yung pera ng tatay ko. Pero hindi ko kayang tugunan ang mga pangangailangan ni nanay sa hospital, at sa pang araw-araw naming gastusin. Isa lamang akong hamak na anak sa labas, at hindi nagkaroon ng chance abutin ang mga pangarap ko. Never pumabor ang tadhana sa akin, kaya naman sanay na ako."Bago ko makalimutan, Scarlett. Susunduin ka ng driver ka mamayang 6pm, kaya naman dapat handa ka na bago siya dumating."Tumango ako at sagot, "Noted.""Huwag kang mala-late.""Paano kung may traffic?" Tanong ko. Syempre maganda ng advance thinker. Hindi natin alam kung traffic ngayon or hindi."I guess that will be a good reason to be late.""Maganda ng nagkakaintindihan tayo. Mamaya sisihin mo pa ako kung bakit ako late tapos hindi ka maniwala na traffic.""I get it, okay? Just text me.""Wala akong number mo."He exhaled deeply like he's losing patient and wanted to strangle me. "Then I will text you.""Wala pala akong load kaya baka hindi kita mareplyan.""Seriously, Scarlett? Pati ba naman iyan? Ginagago mo ba ako?""Ikaw? Gagaguhin ko?" Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi, ah!""Fine. I will call you nalang.""Then it's settled.""Whatever. I need to leave. Marami pa akong aasikasuhin, kaya maiwan na muna kita.""Sure! Sanay naman na akong iniiwan, so take your time.""Oh, God! Why did I do to end up in this kind of situation?!" He rush out of the room while mumbling something and I know he's pissed. Natawa nalang ako dahil ang cute niya pala kapag nagagalit—hindi siya cute, Scarlett! Nahihibang ka na ba?Napaupo ako sa ibabaw ng kama at hinipo ang tiyan ko kung nasaan ang baby. Bahagya akong napangiti, "Sino kaya magiging kamukha mo sa amin ng tatay mo? Anak, sana huwag kang magalit sa akin kapag nalaman mo 'yung dahilan kung bakit mas pinili kong iwan ka kay Tristan. Magkakaroon ka ng magandang buhay sa kanya, at bilang ina 'yun lamang ang nais ko para sa'yo."Napatigil ako sa aking ginagawa ng tumunog muli ang aking phone. Kinuha ko ito mula sa loob ng aking bag, at sinagot. "Joana, bakit ka napatawag?"[Scarlett, ang iyong ina!]Kumabog ang aking dibdib ng marinig iyon at tanong, "Bakit anong nangyari kay mama?"[Mahabang kwento pero kailangan mong pumunta sa hospital ngayon mismo! Natagpuan kong walang malay ang iyong ina, at balita ko hindi ka din umuwi kagabi!]Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan at sabi, "Ano?!"[Hihintayin kita.]"Sige. Salamat, Joana." Dali-dali kong kinuha ang aking bag at mabilis na lumabas ng silid atsaka nagtungo sa elevator. Pinindot ko first floor button at habang umaandar ang elevator hindi ko mapigilan ang kabog ng aking dibdib.Tumakbo ako palabas ng elevator ng marating nito ang first floor, ngunit bumanga ako sa kung sino dahilan para bumagsak ako sa sahig."Scarlett? Bakit ka humahangos?" Tanong ni Tristan.Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumayo na tila walang nangyari. "Tristan! I need your help!""Sure. Bakit? What happened?""My mother... She was found unconscious to our home. Please, can you drive me to the hospital?" I beg."I will, Scarlett. Let's go."[Hi, this is Ezekiel. I am busy at the moment. Call me back later.] Sa ika-limang pagkakataon hindi niya sinagot ang tawag ko. Mahigit one week na siguro ng huli kaming mag-usap, at nagkaroon pa kami ng hindi pagkakaintindihan. Now, I know why he's trying to cut me off from his life, but it's not enough to treat me like this.Malalim akong napabuntong hininga dahil sa nangyayari. Anniversary namin ngayon and I felt like hindi siya aware. But ayoko mag-isip ng kung ano-ano, especially since today isn't just a typical day, I decided to propose and surprise my beloved. Alam ko. Kabaliwan ang naiisip kong gawin. I also know na hindi ko dapat gawin ang bagay na ito since we're two years in a relationship, so two years is not enough to marry a man you're not sure about. But in my case? I am sure. Kinuha ko ang duplicate key na nasa kaliwang bulsa ko, at binuksan ang pinto. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at inihanda na ang bento cake na ginawa ko kaninang 6 am just for this occasion. Gumi
NILAGOK ko ang isang bote ng beer habang nakikinig sa sermon ng tatay ko. [Ano na naman ba ang nagawa ng kapatid mo at nagawa mo siyang saktan, Scarlett? Akala ko ba'y magka-ayos na kayo ni Monique?] Tanong ng aking ama.Napangiwi na lang ako sa sinabi ng tatay ko. "Never kami magkaka-ayos, Dad. Alam mo ba kung ano ang ginawa ng magaling mong anak sa akin? Syempre, wala kang idea since wala ka namang pakialam sa 'kin."[Scarlett. Hangga't kaya ko, iniintindi kita. This is too much. Monique didn't do anything terrible, but you keep pushing her away.]Kung alam mo lang kung ano ang ginawa ng favorite mong anak sa 'kin. Besides, ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko sa tatay ko lalo na't never niya akong pinagmalaki sa mga tao.Always niya nga pinaparamdam sa akin na hindi ako belong sa family niya. Hindi anak ang turing niya sa 'kin sa public. He sees me as a stranger who's asking for his freaking help when Mom ran out of medicines to take. [Scarlett. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?] Na
ONE MONTH LATER"Ewan ko ba naman kasi sa'yo, Scarlett. Bakit sinasaktan mo 'yung sarili mo para sa lalaking never ka naman minahal," sermon ni Joana sa akin matapos niya akong samahan sa malapit na hospital para magpatingin sa doctor. Ilang linggo na kasi masama ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. All I know is I need time to heal, that's all. But hindi ko naman ine-expect na magkakasakit ako, or tatablan ako ng sakit. "Oo na, Joana. Sorry na, okay?" Tugon ko. "Naku! Kung hindi lang kita kaibigan for sure kanina pa kita hinambalos, Scarlett.""Kaya sa'yo ako, eh!" Paglambing ko sa kanya dahil ito lang ang way para hindi na magalit sa akin ang nag-iisa kong best friend. Napairap siya at sagot, "Ewan ko sayo!" "Huwag ka ng magalit, Joana. Ililibre kita ng Jollibee mamaya! Treat ko!" Mabuti nalang at may naitabi akong pera kahit papaano since hindi ko naman expected na mangyayari ito sa akin. "No need, okay? Ang mahalaga gumaling ka. Atsaka alam ko nam
Kasalukuyan akong nasa loob ng isang cafe, at kasama ko si Tristan Montenegro. Yes, the famous and multi-billionaire Tristan Montenegro. I'm not aware na siya 'yung lalaking iyon since I'm not interested in people like him, and I never had time to watch TV or chill. Tahimik kong hinihigop ang kape na inorder ko when we get here while he stared at me like I commit a crime or something. Or something. Pagkatapos ko ibalita sa kanya na buntis ako kahapon, kinuha niya ang number ko. Then, he summoned me by sending a car to ensure I wouldn't run. Sweet na sana kung jowa ko siya pero since hindi kami mag-jowa, quiet nalang ako. Tumigil ako sa paghigop ng kape ko bago ako lumunok. Matutunaw ako sa titig niya, eh. "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko. Wala akong time makipag-titigan sa kanya. I am a very busy person, and I know he is, too. "We need to find a solution for that baby."Sumandal ako sa upuan at sagot, "If you are worried na baka masira ang reputasyon mo dahil sa batang
This is it, pancit. Pwede pa kaya akong mag back out? I mean, hindi pa naman siguro huli ang lahat, 'diba? Can I still turn my back and run away and send his money back? Parang kaya kong bayaran 'yung ten million, ah? Five thousand nga hirap pa akong kitain, tapos sampung milyon pa kaya? Baliw na ata ako. Need ko na ata ipasok sa mental ang sarili ko dahil mababaliw na ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Tapos hindi pa alam ni Joana na ikakasal ako, at worst, hindi rin alam ni mama na buntis ako at ikakasal ngayong araw. Ano ba itong pinasok mo, Scarlett?Malalim akong napabuntong hininga dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko, at hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na pakasalan ang lalaking 'yon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Parang gusto ng tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko. "Miss Reyes, naghihintay na si Mr. Montenegro sa loob." Pagpapaalala ng driver sa 'kin na nasa labas ng kotse dahil isang oras na ata akong nakaupo dito sa loob. Kinakabahan k