[Hi, this is Ezekiel. I am busy at the moment. Call me back later.]
Sa ika-limang pagkakataon hindi niya sinagot ang tawag ko. Mahigit one week na siguro ng huli kaming mag-usap, at nagkaroon pa kami ng hindi pagkakaintindihan. Now, I know why he's trying to cut me off from his life, but it's not enough to treat me like this.Malalim akong napabuntong hininga dahil sa nangyayari. Anniversary namin ngayon and I felt like hindi siya aware. But ayoko mag-isip ng kung ano-ano, especially since today isn't just a typical day, I decided to propose and surprise my beloved.Alam ko. Kabaliwan ang naiisip kong gawin. I also know na hindi ko dapat gawin ang bagay na ito since we're two years in a relationship, so two years is not enough to marry a man you're not sure about. But in my case? I am sure. Kinuha ko ang duplicate key na nasa kaliwang bulsa ko, at binuksan ang pinto.Inilapag ko ang bag ko sa sofa at inihanda na ang bento cake na ginawa ko kaninang 6 am just for this occasion. Gumising talaga ako ng maaga to make this cake with a note engraved in the cake: "Happy anniversary, my love!""It's a good thing alam ko kung paano ko siya mapapasaya, kahit na nakalimutan ni Ezekiel na ngayon ang anniversary namin." Naglakad ako palapit sa kwarto niya at nanatili lamang ang aking tingin sa cake dahil baka mamatay yung kandila."Happy anniversary, Kiel. Gising na, babe."Binuksan ko ang pinto ng may ngiti sa aking labi, ngunit agad itong naglaho matapos tumama ang aking mga mata sa kama ni Kiel. Kung saan mahigpit niyang yakap ang kapatid ko sa ama na si Monique. Nagkalat ang mga damit nila sa sahig, na siyang bakas ng kanilang kataksilan.Napahawak ako sa pinto nang mawalan ako ng balanse, at parang nandilim ang paningin ko. Walang alinlangan kong sinugod si Monique, at pagkatapos hinila ko siya pababa ng kama gamit ang buhok niya."Ahhhhhhhhhh!" malakas niyang tili dahilan para mapabalikwas ng bangon si Ezekiel."Monique! Scarlett!" sigaw niya.Inihagis ko si Monique sa sahig gamit ang buo kong lakas, atsaka hinampas sa mukha niya ang cake na hawak ko. "Malandi ka!""Get off of me! Ezekiel, tulungan mo ako!" she shouted."Malandi ka! Higad! Pati boyfriend ko aagawin mo?! Malandi ka! Kating-kati ka na ba at pati nobyo ko nagawa mong landiin?!" Sambit ko."Scarlett, tumigil ka na! Let her go! Enough of this!" Pilit akong hinihila palayo ni Ezekiel, but I stand my ground and push him away."Walang hiya ka! Ang landi mo!" Paulit-ulit ko siyang sinampal dahil sa labis na galit. I don't care if our dad will find this out. She deserves it!"I said, enough!" Ezekiel pushed me away from my sister violently. He immediately covered her naked body with a blanket before glaring at me like what I did was stupid. "I told you to stop, Scar."I scoffed, "Seriously, Kiel? After what I saw? I deserve an explanation! Did she seduce you to sleep with her?""No!" He answered."Then what?!""Monique didn't seduce me, Scarlett.""Paano mo ipapaliwanag sa 'kin ang nakita ko? You were hugging her tightly, Kiel! Yung mga damit niyo nagkalat sa sahig, at magkayakap kayo sa kama. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?""Enough.""No! I deserve an explanation, Kiel!""Fine!" He raised his voice and added, "Gusto mo ng explanation? Then I will give it to you. We need to break up."Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya dahil I didn't expect him to say that. "Ano? I want an explanation, Kiel. Hindi explanation 'yan.""I want to break up with you, Scarlett. This is not supposed to happen, and I don't know why I even let us come this far. Monique and I are engaged—ikakasal na kami," sagot ni Ezekiel."What? Ginagago mo ba ako, Kiel?""Totoo ang sinasabi niya, Scarlett. Ikakasal na kami, and you were stupid enough to believe he loved you. Tumingin ka nga sa salamin. You are nothing compared to me. Anak ka lang sa labas ni daddy, kaya hindi mo deserve ang maging masaya.""So, you're behind this?" Tanong ko.Ngumisi si Monique and cross her arms, "Yes, sis. I'm just disappointed because you realize it too late. You didn't even realize that Ezekiel was playing with you, and we're making fun of you because you're so stupid.""Totoo ba ang sinasabi niya, Kiel?""Scarlett.""Totoo ba?!"He exhaled deeply and answered, "Yes. Totoo ang mga sinasabi niya. Hindi kita mahal. You and I are different, Scarlett.""So, two years mo na ako ginagawang tanga. Ganoon ba, Kiel?!"Tumango siya, "Oo.""Bakit?" Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko at dagdag ko pa, "Bakit mo ako nagawang saktan ng ganito sa kabila ng pagmamahal ko sayo, Kiel? Minahal kita ng buong puso.""Pero hindi kita mahal, Scarlett. This is just a freaking game. You're good in everything, yes, I admit that. Pero si Monique ang mahal ko at never kitang mamahalin. This deal is for fun and nothing else."Malakas ko siyang sinampal, "Ngayon alam ko na kung bakit gusto mong itago yung relasyon natin for two years, Kiel. Ako pala yung kabit at wala akong kaalam-alam na pinaglalaruan niyo na ako. Wala kayong puso! Paano niyo nagawa ito sa akin? Ano ba ang nagawa kong mali sa inyo?!"Monique laughed at me and raised an eyebrow, "Cut the crap, Scarlett. Gather your things and leave his condo unit at once. Kung hindi isusumbong kita kay daddy.""Wala akong pakialam kahit isumbong mo pa ako sa tatay natin! Magsama kayong dalawa ni Ezekiel! Lunukin mo siya ng buong-buo!" Kinuha ko ang singsing na nasa bulsa ko at binato kay Ezekiel bago mabilis na tinahak ang daan palabas ng kwarto niya. Dinampot ko yung bag ko na nasa sofa at mabilis akong naglakad palabas ng apartment niya."Scarlett, wait!"Marahas akong lumingon at sagot, "Bakit? May nakalimutan ka pa bang sabihin, Kiel?"Naglakad siya palapit sa akin at may iniabot na maliit na paper bag. "Ano ito?" Tanong ko."Happy anniversary, and don't you ever come back here again, Scarlett."NILAGOK ko ang isang bote ng beer habang nakikinig sa sermon ng tatay ko. [Ano na naman ba ang nagawa ng kapatid mo at nagawa mo siyang saktan, Scarlett? Akala ko ba'y magka-ayos na kayo ni Monique?] Tanong ng aking ama.Napangiwi na lang ako sa sinabi ng tatay ko. "Never kami magkaka-ayos, Dad. Alam mo ba kung ano ang ginawa ng magaling mong anak sa akin? Syempre, wala kang idea since wala ka namang pakialam sa 'kin."[Scarlett. Hangga't kaya ko, iniintindi kita. This is too much. Monique didn't do anything terrible, but you keep pushing her away.]Kung alam mo lang kung ano ang ginawa ng favorite mong anak sa 'kin. Besides, ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko sa tatay ko lalo na't never niya akong pinagmalaki sa mga tao.Always niya nga pinaparamdam sa akin na hindi ako belong sa family niya. Hindi anak ang turing niya sa 'kin sa public. He sees me as a stranger who's asking for his freaking help when Mom ran out of medicines to take. [Scarlett. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?] Na
ONE MONTH LATER"Ewan ko ba naman kasi sa'yo, Scarlett. Bakit sinasaktan mo 'yung sarili mo para sa lalaking never ka naman minahal," sermon ni Joana sa akin matapos niya akong samahan sa malapit na hospital para magpatingin sa doctor. Ilang linggo na kasi masama ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. All I know is I need time to heal, that's all. But hindi ko naman ine-expect na magkakasakit ako, or tatablan ako ng sakit. "Oo na, Joana. Sorry na, okay?" Tugon ko. "Naku! Kung hindi lang kita kaibigan for sure kanina pa kita hinambalos, Scarlett.""Kaya sa'yo ako, eh!" Paglambing ko sa kanya dahil ito lang ang way para hindi na magalit sa akin ang nag-iisa kong best friend. Napairap siya at sagot, "Ewan ko sayo!" "Huwag ka ng magalit, Joana. Ililibre kita ng Jollibee mamaya! Treat ko!" Mabuti nalang at may naitabi akong pera kahit papaano since hindi ko naman expected na mangyayari ito sa akin. "No need, okay? Ang mahalaga gumaling ka. Atsaka alam ko nam
Kasalukuyan akong nasa loob ng isang cafe, at kasama ko si Tristan Montenegro. Yes, the famous and multi-billionaire Tristan Montenegro. I'm not aware na siya 'yung lalaking iyon since I'm not interested in people like him, and I never had time to watch TV or chill. Tahimik kong hinihigop ang kape na inorder ko when we get here while he stared at me like I commit a crime or something. Or something. Pagkatapos ko ibalita sa kanya na buntis ako kahapon, kinuha niya ang number ko. Then, he summoned me by sending a car to ensure I wouldn't run. Sweet na sana kung jowa ko siya pero since hindi kami mag-jowa, quiet nalang ako. Tumigil ako sa paghigop ng kape ko bago ako lumunok. Matutunaw ako sa titig niya, eh. "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko. Wala akong time makipag-titigan sa kanya. I am a very busy person, and I know he is, too. "We need to find a solution for that baby."Sumandal ako sa upuan at sagot, "If you are worried na baka masira ang reputasyon mo dahil sa batang
This is it, pancit. Pwede pa kaya akong mag back out? I mean, hindi pa naman siguro huli ang lahat, 'diba? Can I still turn my back and run away and send his money back? Parang kaya kong bayaran 'yung ten million, ah? Five thousand nga hirap pa akong kitain, tapos sampung milyon pa kaya? Baliw na ata ako. Need ko na ata ipasok sa mental ang sarili ko dahil mababaliw na ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Tapos hindi pa alam ni Joana na ikakasal ako, at worst, hindi rin alam ni mama na buntis ako at ikakasal ngayong araw. Ano ba itong pinasok mo, Scarlett?Malalim akong napabuntong hininga dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko, at hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na pakasalan ang lalaking 'yon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Parang gusto ng tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko. "Miss Reyes, naghihintay na si Mr. Montenegro sa loob." Pagpapaalala ng driver sa 'kin na nasa labas ng kotse dahil isang oras na ata akong nakaupo dito sa loob. Kinakabahan k
"Ang dami naman nito at para saan ba itong mga mamahaling damit na ito?" Tanong ko kay Tristan habang isa-isang tinitingnan ang laman ng paperbags na dala niya. "Para sa 'yo iyan." Gulat akong napatingin sa kanya, "Sa akin?" "Oo. Kailangan ko pa bang ulitin?" Sagot niya.Napangiwi ako dahil sa sagot niya bago ibinaling ang aking paningin sa pulang bestida na may napakagandang disenyo. "Bakit mo naman ako bibilhan ng ganito kamahal na damit? Atsaka, ayos pa naman ang mga damit ko kaya hindi ko ito matatanggap.""You must accept it, Scarlett.""Why?" "Because we're going to meet my parents later and you need to look nice to their eyes."Mabilis akong napalunok at lumingon sa kanya dahil hindi ko matandaan na parte ng contract namin ang i-meet ang parents niya. "Sandali, wala sa usapan natin yan.""Didn't I warn you before, Scarlett? My parents will hear about our wedding anytime soon and I wasn't expecting this to be so early, so I want you to look comfortable."Napakamot nalang ako