Share

Chapter 4

Kasalukuyan akong nasa loob ng isang cafe, at kasama ko si Tristan Montenegro. Yes, the famous and multi-billionaire Tristan Montenegro. I'm not aware na siya 'yung lalaking iyon since I'm not interested in people like him, and I never had time to watch TV or chill. Tahimik kong hinihigop ang kape na inorder ko when we get here while he stared at me like I commit a crime or something.

Or something.

Pagkatapos ko ibalita sa kanya na buntis ako kahapon, kinuha niya ang number ko. Then, he summoned me by sending a car to ensure I wouldn't run. Sweet na sana kung jowa ko siya pero since hindi kami mag-jowa, quiet nalang ako.

Tumigil ako sa paghigop ng kape ko bago ako lumunok. Matutunaw ako sa titig niya, eh.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko. Wala akong time makipag-titigan sa kanya. I am a very busy person, and I know he is, too.

"We need to find a solution for that baby."

Sumandal ako sa upuan at sagot, "If you are worried na baka masira ang reputasyon mo dahil sa batang 'to, then I assure you, Tristan. Hindi kita guguluhin at hindi kita hihingian ng pera para sa bata. I can handle the baby, and I don't need your help." Pagsisinungaling ko.

Ayokong isipin niya na balak ko gamitin ang bata para mahuthutan siya ng pera, atsaka kasalanan ko din 'to. Kung hindi ako sumama sa kanya ng gabing 'yon, marahil wala akong problema na tulad nito.

Well, hindi naman pwede na sisihin ko iyong bata na nasa sinapupunan ko. Wala naman siyang kinalaman sa katangahan ng nanay niya, so ako lang ang dapat sisihin dito. Ako mismo ang nagtulak sa sarili ko nang gabing iyon.

"No," sagot ni Tristan matapos ang maikling katahimikan. "I'm a prominent person, and I don't think your pregnancy can be hidden for too long behind those people who want to see me down."

"Hindi ko na problema 'yon."

"Sadly, problema natin ito pareho. You have my child in your belly at sa tingin mo walang makakaalam na ako ang ama ng batang 'yan? May tenga ang lupa at may pakpak ang balita. Kaya kahit itago natin 'yan, lalabas at lalabas din ang katotohanan."

"So, anong gusto mong gawin ko?"

Malalim siyang bumuntong hininga na tila hindi niya rin alam ang gagawin. Pati ako ay nahihirapan mag-isip ng solution dahil hindi ko naman inaasahan na mabubuntis ako. If I knew that a one-night stand would lead to this, I would never offer myself to him.

Shunga ka ba, Scarlett? Lasing ka kaya ng gabing 'yun! Pagpapa-alala ko sa sarili ko.

"Magpakasal tayo."

Halos mabuga ko ang kape na iniinom ko dahil sa sinabi niya. Busy ako sa pag-iisip ng pwedeng solution sa problema ko tapos bigla niya isisingit 'yun?

"Balak mo ba akong patayin?" Inis na sabi ko habang pinupunasan ang pantalon ko na natapunan ng kape.

"Why would I?"

I rolled my eyes and said, "I was drinking my coffee when, suddenly, you suggested we need to get married. Are you stupid or what?"

"Who are you calling stupid, Scarlett?"

"Ako," sarkastiko kong sagot. "Malamang ikaw, Tristan."

"Whatever. Let's get married."

"Teka, sandali lang. Why do you want us to get married? I'm not pressuring you to take the responsibility as my baby's father, so I think that's unnecessary."

"It is necessary, Scarlett."

"And why is that?"

"I have a reputation to maintain at hindi ako magta-take ng risk. We can get married via contract until you give birth to my child, and maybe we can discuss everything."

"Contract? Atsaka anong ibig mong sabihin? Wait! Gusto mong iwan ko sayo 'yung bata?" Sagot ko na may halong confusion.

"I can raise the child on my own. I can give him a better life and everything he deserves as my son. If you left him to me, I will grant you a wish."

Natawa ako sa sinabi niya at sabi, "Ano ka, genie in a bottle? Kaso walang bottle. Atsaka ayoko maging masamang ina, Tristan. So, my answer is no."

"Ten million pesos. My parents will be shocked about this, but I can explain this to them. For now, we need to find the best way to solve this. Also, I found out you're struggling to pay your debts?" He stated dahilan para magtagpo ang mga kilay ko. "Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"

"I have my ways."

Umayos siya ng upo at dagdag pa. "Sampung milyong piso. Sapat na iyon para mapagamot ang iyong inanat mabayaran lahat ng utang mo. You can start a new life, start a business, and be a completely different person than you used to be. I bet 'yan ang matagal mo ng pangarap after kayo iwan ng tatay mo."

Aba, sumosobra na siya, ah? Pati ba naman iyon alam niya?

Hindi ko alam kung dapat ko ba tanggapin ang alok niya. Napahawak ako sa aking tiyan kung nasaan ang buhay na nabubuo sa loob ko, at napa-isip. May punto si Tristan. Hindi ko mapapangako na mabibigay ko ang lahat sa anak ko, at hindi ko mapapangako na kaya ko siyang mapag-aral.

Sampung milyon. Malaking halaga na iyon para makapagsimula ako ng bagong buhay, at mapagamot si mama. Hindi ko na kailangan mag makaawa sa tatay ko para lang sa pera. Pero ayoko maging masamang ina.

Hindi, Scarlett. Hindi ka masamang ina, okay? Nais mo lang kung ano ang ikabubuti ng bata, at si Tristan ang may kakayahan ibigay iyon.

"What's your decision?"

"Fine. Let's get married and divorce after I give birth to this child. After that, let's pretend we didn't meet."

"Very well," may kinuha siya mula sa loob ng briefcase niya at iniabot iyon sa'kin kasama ng pen. "Sign this, Scarlett."

Kinuha ko ang pen na nasa lamesa at walang alinlangan na pinirmahan ang papeles.

"You made a great choice for our baby, Scar." Sambit niya matapos kunin ang dokumento na pinirmahan ko.

"Kailan ang kasal?"

"Bukas."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Wait, what?"

"Bukas na ang kasal. Kaya naman ihanda mo na ang sarili mo, Scarlett."

"Para saan?"

"Get yourself ready to be part of my life and become Mrs. Scarlett Montenegro."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status