Home / Other / The Alpha's Heat / Night's Mission Strategy

Share

Night's Mission Strategy

Author: Yoongdy
last update Huling Na-update: 2022-10-23 15:36:48

SAPPHIRE

Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. 

Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin.

* * *

Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi.

Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sapphire. Hindi lang agresibo ang mga babaeng taong lobo sa kasagsagan ng pangangandi nila, madamdamin at emosyonal din ang mga ito.

Sa kabilang banda ay inaantok na naglalakad si Night sa madilim na eskinita ng red light district. Sa ilang linggo na pananatili sa siyudad ng mga tao ay nasanay na ang binatang taong lobo sa mga pasikot-sikot sa lugar na ito. 

“Ang ganda naman kasi ng timing ng estrus ni Sapphire,” sabi ng binata sa sarili. 

Tyempo kasi na katapusan ng linggo ang simula ng pangangandi ng dalaga. Nais sana ni Night na magpahinga sa pangangalap ng impormasyon. Subalit hindi siya maaaring manatili sa tahanan nila. Lubhang delikado ito para sa kanilang dalawa, dahil baka maapektuhan ng pheromones nila ang isa’t isa. Isa ang pheromones sa kinukunsidera sa pagpili ng kapares nila sa misyon, at dahil sinasabi na mas malakas si Sapphire kaysa kay Night ay mas pinili ng binata na umiwas sa dalaga sa pangamba na lumitaw ang kahinaan niya sa harap nito. 

Higit sa lahat ay iniiwasan niyang matuklasan ng dalaga ang kanyang pinakatatagong sikreto.

Kaya pinili ni Night na tumungo na lang sa bar na madalas niyang pinamamalagian. Naroroon kasi ang isa sa mga kasamahan nilang taong lobo.

“Parati talagang masigla ang lugar na ito sa tuwing nagagawi ako rito,” mutawi ng binata nang sumalubong sa kanya ang g dagsa ng tao sa kalye nito sa kabila ng paglalim ng gabi.

Napaisip din siya kung alam ba ni Sapphire ang terminong red light district, o kahit man lang narinig na ang tungkol sa lugar na ito.

Ikatlong beses na ni Night sa masukal ngunit masiglang lugar na ito. Hindi kagaya ng gubat ng kanilang kabundukan ay puno ng matatayog na gusalit at umiindak na ilaw ang distrito na ito. Idagdag pa ang halos walang pahinga na mga taong namamasyal at nagtatrabaho rito.

Dire-diretso ang binata sa isang eskinita. Pinili niya itong daanan para makaiwas sa dagsa ng mga tao sa pangunahing daan. Kabisado na niya ang mga pasikot-sikot patungo sa bar na pinag-tatambayan at pinagkukunan ng impormasyon at kaalaman.

Malayo pa lang ay tanaw na niya ang maliwanag na ginintuang ilaw ng bar. Sunod-sunod ang lumalabas-pasok na tao rito. 

Nagbuntong-hininga si Night, hindi dahil sa kaba kung hindi dahil natitiyak siya na isa na naman itong mahabang gabi na puno ng pakikipagsalamuha sa mga babaeng tao.

Noong una ay wala pang dinadaing si Night sa mga ito. Hindi rin naman kasi napapagod agad ang mga taong lobo, kaya walang kaso sa binata ang lima hanggang sampung oras pa na pakikipag-usap sa kanila. Ang hindi niya lang nais ay ang mga expectations nito sa kanya. Dahil kinausap niya ang mga ito, pinatawa, at tinanong ng paulit-ulit, umaasa ang mga dalagang tao na may mangyayari sa kanila na higit pa sa simpleng pag-uusap. Kaya naman ay madalas siyang nauubliga na gawin ang inaasahan ng mga ito. Hanggang sa natutunan ni Night na mas magiging madali kung ibibigay niya agad ang hinihingi ng mga dalagang tao mula sa kanya.

“Oh, Ginoong Night! Magandang gabi.” Bati sa kanya ng bartender na isa ring taong lobo.

“Kumusta ang iyong gabi, Roberto?”

“Uh, eto. Gumagawa pa rin ng iba’t ibang inumin para sa mga tao. Halika, dito sir. Gagawa ako ng paborito mong espresso martini.” Aya nito sa kauri.

May ilang kabataang taong lobo kasi na sa distritong ito ng siyudad itinalaga. Sa dami ng pwedeng pasyalan ay binabalik-balikan pa rin ni Night ang bar na ito. Kahit papaano ay alam niya na may isang kauri niya na nandito sa silid na puno ng mga mortal.

“Sure, thank you.”

Napangisi si Roberto. Hanga ito sa abilidad ng kanilang batang alpha. Ipinagmamalaki niya si Night, kaya na kasi nito na makipag-usap sa paraan kung paano ang mga tao ay karaniwang nakikipag-usap sa isa't isa. Sa tindig at dila pa lang nito ay kitang-kita na ang batang alpha ay sanay na sa lipunan ng mga tao. 

“Ito p— Uh… h-here, sir.” Pormal nitong pagpresenta sa isang baso ng espresso martini.

“Salamat, Roberto.” Itinaas ni Night ang manipis na baso ng martini bago lumagok ng isang beses at nagsalita ulit ng, “Hindi mo kailangan na magpanggap sa harapan ko. Maaari mo akong tratuhin sa paraan na nais mo.”

“Ah. Sa ganitong paraan po kita nais na tratuhin, sir. Kailangan kong ipakita sa future pin— leader ng ating tribo na kaya kong gawin ng wasto ang aking misyon… Maliban po roon ay kustomer po kita ngayong gabi.”

Ngumiti na lang si Night habang tumatango. Wala na siyang magagawa kung iyan ang nais na gawin nito. Lalo na at alam niya sa kanyang sarili na hindi pa sapat ang kanyang kapangyarihan at lakas para maging tagapagmana ng kanyang ama. Dahilan para maging dayuhan pa rin sa binata ang salitang pinuno, at maging ang espesyal na pagtrato sa kanya ng kanyang mga ka-tribo.

Bumalik na sa pag-aasikaso ng iba pang kustomer si Roberto. Hindi pa rin niya pwedeng basta-basta na lang iwan ang trabaho na pinagpaguran niyang makuha para lang sa misyon niya sa distritong ito.

Nang maiwan mag-isa si Night ay nakakuha agad ng tsansa ang mga kababaihan sa hindi kalayuan. May binabalak na silang lapitan ang binata pagpasok na pagpasok pa lang nito sa bar ilang minuto lang ang nakalipas. Sa gwapo, puti at maskuladong hubog pa lang ng katawan ni Night ay madalas ay ang mga babae ang lumalapit sa kanya kaya naman wala na siyang ibang ginagawa pa kung hindi ang umupo at maghintay sa counter ng bar.

“Hello,” nauna nang bumati ang babaeng may maalon na buhok sa kanya. “I’ve noticed you’re by yourself. Are you maybe waiting for someone?”

Matalas ang pang-amoy ni Night, kaya naamoy niya ang alak mula sa bibig ng dalaga kahit na halos isang metro pa ang layo nito mula sa kanya. Nagpapahiwatig lamang ito na malapit nang malasing ang mortal na dalaga.

“Wala akong makukuhang matinong impormasyon sa lasing na mortal,” ani ni Night sa likod ng kanyang isipan.

Kaya naman ay diretso siyang sumagot ng, “I am. She’ll be here in a few seconds.”

Tinitigan ni Night ang suot niyang relo para maiwasan ang inaantok na mata ng estranghera. At sa pag-angat naman ni Night ng kanyang ulo ay saktong may dumaan na isa pang babae.

Matuwid ang likod nito habang naglalakad, nakapuyos ang buhok niyang mahaba, at may saktong dami ng kolorete sa mukha.

“Perfect,” sabi ng binata. Lalo na at walang bahid ng amoy ng chico ang dalaga.

“She’s here. It’s nice talking to you, miss.” Magalang niyang bati bago umalis sa kanyang inuupuan at iwan ang mortal na pasuray-suray na sa kalasingan.

Agad din naman na hinabol ni Night ang babaeng nakita niya. Pumwesto siya sa upuang alam niya ay madadaanan nito. Hindi rin naman siya nagkamali dahil hindi man lang lumipas ang isang segundo ay napansin na siya ng dalaga.

“Hey. Are you alone?”

“Actually, I am waiting for you.” Pilyong ngumiti ang binata sabay senyas sa dalaga na umupo sa tabi niya.

Walang pag-aalinlangan na umupo ang dalaga. Mahinhin niyang hinawi ang disenyong hibla ng buhok sa kanyang mukha at sinabit ito sa kanyang tenga. At gamit ang mahinang boses ay binulong ng dalaga sa sarili na, “Gotta ditch my date for Mr. Handsome.”

Lingid sa kaalaman nito ay malinaw sa pandinig ni Night ang sinabi niya. Sa sandali rin na ito ay na titiyak na ni Night na ang babae na ang magiging biktima niya sa gabing ito. Lumipas ang halos isang oras na usapan nila tungkol sa isa’t isa ay nagsimula nang mangalap ng kaalaman si Night.

“So, you’re a college student as well. From which university?”

“University of Coleman. It’s far from here,” tugon ng dalaga bago umusog palapit kay Night at puno ng kumpyansa sa sarili na sinabi sa binata na, “I study Political Science there.” 

Bingo! Tama ang desisyon ni Night na piliin ang dalagang ito ngayong gabi.

“Great,” wika ni Night. “I like smart girls. Tell me anything you know about human laws.”

Kakaiba man sa pandinig ng dalaga ang katanungan na ito ni Night ay pinili niyang balewalain ito. Tila ba nabingi na ang babaeng mortal lalo na at nagmula sa gwapong lalaki ang paghanga na natanggap niya. Hindi rin naman siya nahiya at agad na bumulalas ng mga nalalaman niyang mga batas sa karapatang pantao para pabilibin pa ang binata.

“... twenty eighth is basically about a fair and free world. Because the law says that there must be proper order so we can all enjoy rights and freedoms in our own country and all over the world. Twenty ninth, is about the responsibility we have for other people’s human rights. You know, we must not only protect ours but others as well…” Biglang nahinto sa pagsasalita ang babae at napatitig kay Night gamit ang mapungay niyang mga mata. At gamit ang kanyang daliri ay hinimas niya ang dibdib ni Night bago dumulas sa braso nito hanggang sa kamay ng binata. Dinampot niya ang mabigat nitong mga kamay at pinatong sa sariling hita. “You can protect my rights as well,” pagpapaalam niya gamit ang naiipit niyang boses.

Napangiti si Night sa kapangahasan nito. Inakala niya na makakapag-pahinga siya, at iba sa karamihang kababaihan ang dalaga. Ngunit kagaya ng nakasanayan ay may kapalit ang simpleng pag-uusap at palitan ng kaalaman nilang dalawa.

“Sure, as long as you tell me the last one.”

Hinimas ni Night ang pisngi ng dalaga sanhi para mapapikit ito at dahan-dahan na kumurba ang labi.

“Hmm… The last one would be no one can take away one’s human rights. But I will let you take mine.” Pang-aakit ulit ng mortal sa binatang lobo, bago dinilaan ang hinliliit nito.

Sapat na para kay Night ang nakalap niyang kaalaman. Napagpasyahan niya na tapusin na agad ang pag-uusap nilang dalawa sa sandaling nalaman na niyang ang ikalabintatlong bata. Mas mabuting wakasan na niya ito at baka kung saan pa mapunta ito.

Ngumisi ng pagkagwapo-gwapo si Night, at gamit ang mababa niyang boses ay sinabi niya na, “You're naughty, Ms. Attorney.”

Pagkatapos ng matinik na linyahan na ito ay binawi niya ang kanyang kamay sa dalaga bago ito pinadulas sa likod ng ulo nito. 

“It’ll be my pleasure to take what's yours.”

Idinapat ni Night ang labi niya sa dalaga. 

Mainit ang loob ng bibig ng babaeng mortal. Hindi na nakapagtataka dahil sa bawat tatlong batas ay panay ang paglagok niya ng alak. Ngunit ang mas nangibabaw para kay Night ay ang masama nitong pamamaraan ng paghalik. 

“She's a bad kisser but at least she's smart.”

“Hmm… ah!” Ungol ng dalaga nang bumitaw siya sa halikan nilang dalawa. “Do you come here often?” tanong niya habang mabagal na dinilaan ang labi.

Matamis, mainit, at nakakabitin. Ito ang nasa isipan ng dalaga sa naging halikan nila ni Night. Ayaw niyang matapos ito agad. Kung mayroon man siyang nais na gawin pagkatapos nito, iyon ay ang maghanap ng silid kung saan maaari niyang ma-solo ang binata.

“Hm? No. I only came here tonight. Got bored so I came here.”

Lumapad ulit ang ngiti ng dalaga, at saka hinawi ang buhok niyang nakaharang sa kanyang dibdib. “You're bored? I can entertain you.”

Eto na. Eto na ang simula ng mas mainit at mas mapangahas na gabi ni Night. Ngunit wala siyang panahon para rito. Katatapos lang ng kanyang pangangandi at lubhang napaka-delikado kung makikipagtalik siya sa isang mortal. Sapat na ang halik at ilang himas sa katawan ng dalaga para sa kanya.

Isa pa, kahit kailan ay hindi naman umabot sa punto ng p********k si Night sa mga mortal. Lingid sa kaalaman ng marami ay ito ang dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang hinahabol ng mga kaklaseng babae. Tila ba nag-uunahan ang mga ito na matikman ang mainit at matigas na katawan ni Night.

Dito na nagsimulang humiling si Night na sana ay tumunog na ang alarm na hinanda niya kanina bago pumasok ng bar. Sa ilang beses niyang pagbisita rito, alam na ni Night na hindi siya titigilan ng kung sinuman na kausap niyang babaeng mortal. At ang mas malala pa ay maaari siyang yayain nito sa hotel. Kagaya na lang ng ginagawa ng babaeng ito ngayon.

“Really? Can you show me how?” tanong ni Night para lang masabayan ang mortal.

Sabik na tumawa ang babae. Maingat niyang inilapat ang kamay sa ibabaw ng nakaumbok na parte ng katawan ni Night. Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa binata. Ganoon din naman si Night na hindi pa rin natatapos sa pagbibilang ng maaaring naiiwan na sandali, minuto, segundo bago mag-ring ang alarm niya.

“Ooh…” mutawi ng babae nang idiin ang kamay sa alaga ni Night. “I can feel how biiig your frien—”

Hindi na natapos pa ng dalaga ang litanya niya nang marinig ang matinis at malakas na pag-ring ng cellphone ni Night, na sinabayan pa ng mala-lindol na pag-vibrate nito.

“Oh. I got a call,” sabi ni Night tapos ay inangat ang kanyang cellphone. Kunwari ay nilapat niya sa tenga ang cellphone niya, at saka siya nagkunwari rin na may binabasa.

“I'm sorry, Denise. Something came up.”

Saglit niyang hinalikan sa pisngi ang dalaga bago mabilis na tumayo at lumabas ng bar. Sa bilis ng pangyayari ay hindi man lang nakasagod ang babaeng mortal. Wala na siyang ibang nagawa pa kung hindi ang panoorin ang paglabas ni Night sa bar.

“Phew! Ang ganda ng timing.” Nagagalak na sabi ni Night sa kanyang sarili.

Universal Declaration of Human Rights.

Hindi lubos na inakala ng binata na may ganoong bagay pala ang mga tao. At hindi lang pala umiikot sa siyudad na ito ang mundo nila. May ibang bansa rin sa labas ng siyudad at bansa na kinabibilangan nito.

Mukhang hindi magiging madali ang proyekto ng ama ng batang alpha.

Halos mag-uumaga na. Hindi niya akalain mahaba rin pala ang naging usapan nila ng abogada. Gayunpaman ay wala siyang pinagsisihan dahil may bago na naman siyang natutunan.

“I got the intel that I need. I guess it's time to rest.”

Tumungo sa direksyon ng pinakamalapit na hotel si Night. Tapos na siya sa trabaho niya, ngunit nagsisimula pa lang ang pangangandi ng kanyang kasama.

Kaugnay na kabanata

  • The Alpha's Heat   Sapphire's Estrus

    SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang

    Huling Na-update : 2022-10-29
  • The Alpha's Heat   Night's Guests

    SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha

    Huling Na-update : 2022-11-01
  • The Alpha's Heat   To the Rescue

    SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong

    Huling Na-update : 2022-11-05
  • The Alpha's Heat   Night's Estrus

    SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n

    Huling Na-update : 2022-12-27
  • The Alpha's Heat   Prologue

    SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse

    Huling Na-update : 2022-10-02
  • The Alpha's Heat   Childhood Best Friends

    SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha

    Huling Na-update : 2022-10-02
  • The Alpha's Heat   Buddy

    SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag

    Huling Na-update : 2022-10-02
  • The Alpha's Heat   Daily Life with Night

    SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku

    Huling Na-update : 2022-10-13

Pinakabagong kabanata

  • The Alpha's Heat   Night's Mission Strategy

    SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa

  • The Alpha's Heat   Daily Life with Night

    SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku

  • The Alpha's Heat   Buddy

    SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag

  • The Alpha's Heat   Childhood Best Friends

    SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha

  • The Alpha's Heat   Prologue

    SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status