Home / Other / The Alpha's Heat / To the Rescue

Share

To the Rescue

Author: Yoongdy
last update Last Updated: 2022-11-05 14:43:19

SAPPHIRE

Mahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.

At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.

Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.

Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.

Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya?

Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.

“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.

Nasa banyo kaya itong lalaking ‘to?

Hm? Makatok nga ang silid niya.

Ito ang sabi ko sa sarili ko pero nang palapit na ako sa pinto ng kwarto ni Night ay agad kong naamoy ang hindi inaasahan na pheromones niya.

Why is he emitting so much pheromones? Hindi pa nga nag-iisang buwan nang matapos ang huli niyang estrus, tapos eto na naman ulit?

“N-Night? Ayos ka lang?” tanong ko.

Nag-alangan akong kumatok, at baka totoong may estrus siya. Pero… paano kung hindi? Paano kung may nainom o nakain siya na nagsanhi ng paglabas ng pheromones niya?

Hindi ko napansin ang pheromones niya kanina. Malamang ay dahil ito sa niluluto ko, natakpan nito ang amoy ng pheromones ni Night. 

“Uhm, bubuksan ko ang pinto, ha.” Humingi na muna ako ng pahintulot sa kanya.

Wala akong narinig na sagot, puro nagtitimping igik lang ang narinig ko na mas nagpalala pa ng pag-aalala ko. 

Delikado na ito. Nihindi man lang sumang-ayon sa takdaan ng pangangandi namin ang estrus niya… kung estrus nga ito. Nihindi man lang nag-activate ang system ng pinto ng silid niya.

Naku, buti na lang talaga at pinaalis ko ang mga mortal kanina.

“Night, papasok na ako, ha.” I tried to sound as polite as possible. At nang mabuksan ko na ang silid niya ay sumingaw ang napakatapang na pheromones ni Night.

Halos hindi ko maibuka ang mga mata ko sa lakas nito. Nakakairita sa mata.

“Night!” Umuubo kong tawag sa kanya.

Nasa tabi siya ng kama niya. Nakaluhod at nakayuko. Balot ng pheromones ang buo niyang kwarto. Tila ba wala nang purong hangin na naiwan sa paligid nito. Halata rin ang hirap ng paghinga ni Night base pa lang sa mabilis na pagtaas-baba ng likod niya. 

“Anak ng— ano ba ang kinain mo at ang lakas ng pheromones mo, Night?” 

“J-J-Just leave me alone!” bulyaw niya na hindi man lang ako tinitingnan.

“Ba’t ka galit. Tinutulungan lang naman kita, ah.”

“Hindi ko… k-kailangan ang t-tulong mo! Lu-Lumayo ka… lumayo ka sa’kin. Leave!”

Malakas na sinuntok ni Night ang kama niya. Siguro kung hindi lang ito gawa sa malambot na foam ay baka nasira na niya ito.

Nais ko man na hayaan na lang siya ay hindi pwede. Nakatira kami sa iisang bubong, ayaw kong madamay sa kung anuman ang ginawa niya para mangyari sa kanya ito. At saka lagot ako sa mga magulang niya kung nagkataon.

Bakit ka naglalabas ng pheromones?”

Haa~ Sa lakas ng pheromones ni Night ay nagsisimula na ring manghina ang tuhod ko.

“H-Hindi mo kailangan na malaman!”

Sa pagkakataon na ito ay tumayo na si Night. Malabo na ang mga mata ko, idagdag pa ang tangkad niya sa akin, kaya naman hindi ko nakita ang mukha niya. Pero napansin ko ang mapula niyang leeg. 

Malamang ay napakasakit na ng katawan niya ngayon. Mahirap pa naman magpigil ng lib*g kapag may estrus.

“N-Nasaan ang suppressant mo? May estrus ka pa rin ba? Hoy, Night. Night!”

Tumigil na siya sa pagsagot sa akin. Walang imik niya akong tinulak palabas ng silid niya at bago pa man ako makapagsalita ulit ay nasa labas na ako ng silid ni Night. Sunod ko na lang naaninag ang nagsasara niyang pinto.

Napaupo ako sa tapat ng silid ni Night. Nakapagtataka. Kailan pa ako naapektuhan ng pheromones niya? Hindi lang sa pisikal na lakas ako nakakalamang kay Night, pati na rin sa lakas ng pheromones.

Anong ang nangyayari sa kasama ko? Dapat ba akong mangamba?

Mas mabuti siguro kung sabihin ko ito sa alpha sa susunod na buwan. Babalik kasi kami ng bundok para bumisita sa pamilya namin at ibigay ang mga nakalap naming kaalaman.

- - -

Simula kagabi ay hindi ko na naman nakausap si Night. Halos hindi ko na nga siya mahagilap sa bahay namin. Kaya naman ay hinayaan ko na siya kung iyon ang gusto niya.

Pumasok pa rin siya sa eskwelahan at kagaya ng nakaugalian ay nasa kanya pa rin ang atensyon ng mga kababaihan. Mas dumami pa nga ang dumadayo sa silid namin nitong mga nakaraang araw. Pati na rin ngayon.

Hindi kaya ay may kinalaman dito ang pagkawala ng kontrol ni Night sa estrus niya? Hindi kaya sa sobrang hina ng katawan niya ay hindi na niya kayang makisama sa mga tao?

Ah, basta. Mamaya ko na iisipin ang tungkol d’yan. Kailangan kong makausap ng masinsinan si Night pag-uwi niya.

Pero bago muna ito mangyari ay napagpasyahan ko na manghuli muna ng makakaing hayop. May nabanggit si Joseph sa akin na kagubatan sa dulo ng syudad. Nasa norte nga lang ito, pero hindi hamak na mas malapit ito sa gusali namin kaysa sa kagubatan namin. Isa pa isang sakayan lang ito mula sa eskwelahan kaya pwede ko na itong puntahan ngayon mismo. Wala rin naman kasing nagagawi na jeep sa kagubatan namin.

May harang sa pagitan ng gubat at ng kalsada. Dahil masyadong agaw pansin kung bigla na lang akong umakyat dito ay pinili ko na lang magpalit anyo.

May nakita akong aso na lumusot sa maliit na butas sa dulo ng harang. Nasa likod naman ng isang gusali ang butas kaya hindi ako kita kung dito ako magpapalit ng anyo.

Kung kasya ang matandang aso, siguro naman ay kasya rin ang anyong lobo ko rito.

Kulay abo ang balahibo ko sa tuwing nasa anyong lobo ako. Mas malaki ako kumpara sa mga asong kalye. At sa palagay ko, base sa nakikita ko sa mga alagang aso sa syudad na ito, ay maaari nga akong pagkamalan na asong bahay sa ganda ng balahibo at linis ko.

Ganun naman kasi talaga, hindi naman kasi kami nagpapakita sa mga mortal. Kaya madalas ay pinagkakamalan kaming husky o iba pang uri ng aso na inaalagaan nila sa bahay. May mga kaso nga raw ng mga taong lobo na naiuuwi ng mga tao sa bahay nila. Pero sa pagkakaalam ko ay wala pa namang nangyaring ganyan sa tribo namin. Ginagawa lang itong panakot nila Nanay at Tatay sa akin noong bata pa ako. 

“Haa~ Sa wakas! Sariwang hangin!” Pag-alulong ko sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Higit isang buwan din bago ako muling nakapagpalit sa anyong lobo kong ito. Pakiramdam ko ay nasa sariling pamayanan lang ako, lalo na at may nakapalibot na puno sa paligid. Namimiss ko rin ang amoy ng mga tuyong dahon at balat ng puno.

“Oo nga pala. Hindi ko pa nakikita ang anyong lobo ni Night.”

Nauna kasi ang kasi ang pagkasira ng pagkakaibigan namin sa pinlano namin na pamamasyal noong bata pa kami. Kaya hindi ko na nakita pa ang anyong lobo niya. Ganun din naman siya sa akin. 

Dumaan ang halos isang oras pero wala pa rin akong nakikitang hayop na pwede kong hulihin. Walang baboy ramo o usa sa paligid. Puro palaka at hindi nakakalason na ahas lang ang nasa gubat na ito. Maliban pa rito ay may mas maliit pang mga insekto.

Malapit nang mag-alas otso. Mas mabuti pa kung uuwi na lang ako at magluto ng ulam. Sayang lang ang oras ko rito– ah, kahit papaano pala ay naging malaya naman akong tumakbo sa lobo kong anyo. Siguro sapat na iyon para bawiin ang sinabi kong aksaya sa oras ang pagdayo ko rito.

Bumalik ako sa tagong lugar kung saan ako pumasok kanina. Kinuha ko ang mga damit ko na nakalagay sa hagdan ng emergency exit ng gusali.

Mas madali nang magpalit ng damit kasi wala ng tao sa paligid. Hindi na ako sumakay ng taxi pabalik ng gusali namin. Medyo malaki rin kasi ang binayaran ko kanina papunta pa lang sa gubat mula sa eskwelahan.

At nang nasa babaan na ako ng jeep ay bigla akong nakaramdam ng init sa katawan. Wala naman talagang problema kung mainit… kaso… kaso hindi lang basta-bastang init ang nararamdaman ko ngayon.

“Estrus? May estrus pa ako?”

Inamoy ko ang sarili ko at baka nagsimula nang umalingasaw sa katawan ko ang pheromones ko. Hindi nga ako nagkakamali nang may napansin akong lalaking patungo sa akin. Nakangiti siya noong una pero bigla na lang pumungay ang mga mata niya, saka bahagya siyang namula.

Naku, hindi. Nagsisimula nang maapektuhan ang mga mortal sa paligid ko.

Agad akong lumihis sa daan. Pumunta ako sa eskenita na patungo naman sa kabilang kalye. Mas konti ang mga taong dumadaan dito dahil may tinatayong bagong gusali.

Kung minamalas nga naman talaga ako, oh. Wala pa akong dalang extrang suppressant. 

“Si Night kasi.” Mukhang naapektuhan ako ng pheromones niya. Hindi kasi agad nawala ang amoy nito sa buong bahay. Nanatili ito hanggang kaninang umaga.

Who could have thought that Night’s pheromones have the ability to do this to me? I'm supposed to be stronger than him!

Nakakainis! Kailangan kong maghanap ng lugar na pagtataguan. Mukhang kailangan ko munang hintayin na mawala ang mga taong nasa paligid. Ito lang ang paraan para makaalis ako rito ng ligtas at hindi nakakapahamak ng iba.

Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang naglalakad. Kusa na ring nagsasara ang mga mata kong tila inaantok sanhi ng unti-unting pagiging sensitibo ng katawan ko. Nang sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang maliit na barong-barong na gawa sa plastik na tela na kung tawagin nila ay trapal.

“Hay, salamat.” Pwede na ako rito. Ilang oras na lang din at mag-aalas dose na.

Siguro naman ay wala ng tao sa daan sa mga oras na iyan.

Mukhang pahingahan ito ng mga trabahador ng gusali. Wala itong kahoy na pinto, tanging trapal lang din ang nagsisilbing pantakip ng munting kubo. May dalawang kama at lamesa rito at iilan pang gamit na naiwan ata nila.

“A-Ah! Tang*na naman ‘to, oh. Nadamay pa ako sa estrus ni Night.”

Sinabi ko na kasi sa kanya na iwan na nakabukas ang mga bintana. 

Umupo ako sa kama para tahimik na hintayin ang pagtakbo ng oras. Mukha namang tahimik din talaga at wala ng tao sa daan na ito sa ganitong oras… O ‘yan ang inaakala ko. Dahil hindi pa man nag-lilimang minuto ay may narinig na akong boses ng mga tao sa hindi kalayuan.

Hindi pa huli ang lahat para tumakbo, pero bigla na lang nanghina ang mga binti ko nung patayo na ako.

“Bw*st,” bulong ko sa sarili ko.

Sinubukan kong tumayo, pero nung nakakaangat na ako ng bahagya ay lumabas naman bigla ang tenga at buntot ko.

Napasinghap ako nang makita ang buntot ko sa gilid at mabilis na tiningnan ang mga kamay ko at baka nag-anyong taong lobo ulit ako. Mabuti na nga lang ay hindi ito nangyari.

Pero may tenga at buntot pa rin ako!

“Teka, pre. May naaamoy ka ba?”

“Oo, nga. Ang bango.”

“Whoo! Naramdaman niyo ‘yun? Ang init.”

“Pre! Dito. Dito, oh!”

Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko lang masabi kung dahil ba sa kaba o ang estrus ko ang may dulot nito. Tanaw ko sa ibaba ng pinto-pintuan ng trapal ang papalapit nilang mga anino.

Diyos ko! Huli na ako! Hindi na ako pwedeng tumakbo. Hindi na rin ako makatayo sa sobrang hina ng katawan ko.

Ano bang nangyayari? Bakit parang nawala na sa tamang takda ang estrus namin? Dulot ba ‘to ng bagong kapaligiran? Eh, napakahuli naman ata para dito. Higit isang buwan na kami rito.

“Oo, nga pre!” 

Ah! Naku. Naku! Anong gagawin ko?

Napapikit na lang ako sa sobrang takot at kaba. Pipigilan ko na lang ang sarili ko. Imposible, pero susubukan ko. Bahala na kung makita nila ang itsura ko, ang mahalaga ay hindi ko sila masaktan.

“Ha! Huli ka!” 

Tila ba nawala na sa isip nila na intindihin ang tenga at buntot ko gawa ng epekto ng pheromones ko sa kanila.

Mga manyak. Sabay-sabay silang lahat na naging manyak. Nakalabas ang dila, mapupula ang mukha, at nanlilisik ang mga mata nila. May isa pa nga na handa nang maghubad sa harap ko.

Sa sobrang lakas ng estrus ay nagsimula na ring manlabo ang paningin ko.

“H-Huwag kayong lumapi— AAAH!”

Sinubukan ko silang pigilan. Pero nagulat ako nang sunod-sunod silang natumba sa harap ko. Napatili ako sa sobrang takot, baka nasaktan ko sila.

“Haa, ano pa ang hinihintay mo d’yan?”

Natigilan ako nang marinig ang boses ng lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin. Nanlalabo pa rin ang paningin ko, ngunit nang humakbang siya palapit sa akin ay bahagya ko nang naaninag ang mukha ng lalaki.

“N-Night?”

“Ha! May iba pa ba na pwedeng magligtas sa’yo?” angal niya, “Ang dami mong sinabi sa akin, tapos ikaw lang pala itong pabaya. Muntik ka na nilang mabisto. Mabuti na lang at may dala akong pampatulog. Ipagdasal na lang natin na hindi nila maalala ang mukha mo.”

Ugh. Alam kong mabuting bagay na nandito siya pero nakakainis lang na kailangan niyang ipamukha sa akin na nagkamali ako. 

“P-Pakitikom ‘yang bibig mo. Sumasakit lalo ang ulo ko.” Nahinto ako sa pagsasalita dahil biglang sumikip ang dibdib ko. “K-Kung... ha~ Kung tulungan mo na lang kaya akong t-tumayo," ani ko sa sandaling nawala ito.

“What else can I do? Kamay mo,” suplado niyang utos.

Ha! Sumasakit lalo ang ulo ko kay Night— ah… hindi ko na nabigay sa kanya ang kamay ko dahil sunod ko na lang naramdaman ang sarili kong bumabagsak sa malamig na semento.

Related chapters

  • The Alpha's Heat   Night's Estrus

    SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n

    Last Updated : 2022-12-27
  • The Alpha's Heat   Prologue

    SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse

    Last Updated : 2022-10-02
  • The Alpha's Heat   Childhood Best Friends

    SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha

    Last Updated : 2022-10-02
  • The Alpha's Heat   Buddy

    SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag

    Last Updated : 2022-10-02
  • The Alpha's Heat   Daily Life with Night

    SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku

    Last Updated : 2022-10-13
  • The Alpha's Heat   Night's Mission Strategy

    SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa

    Last Updated : 2022-10-23
  • The Alpha's Heat   Sapphire's Estrus

    SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang

    Last Updated : 2022-10-29
  • The Alpha's Heat   Night's Guests

    SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha

    Last Updated : 2022-11-01

Latest chapter

  • The Alpha's Heat   Night's Estrus

    SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n

  • The Alpha's Heat   To the Rescue

    SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong

  • The Alpha's Heat   Night's Guests

    SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha

  • The Alpha's Heat   Sapphire's Estrus

    SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang

  • The Alpha's Heat   Night's Mission Strategy

    SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa

  • The Alpha's Heat   Daily Life with Night

    SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku

  • The Alpha's Heat   Buddy

    SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag

  • The Alpha's Heat   Childhood Best Friends

    SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha

  • The Alpha's Heat   Prologue

    SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status