SAPPHIRE
“Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!”
Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase.
“Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph.
“Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko.
Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko.
“Night, good morning.”
“Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?”
“Night, ba’t ka wala kahapon?”
“Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.”
Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo.
Ano ba naman ‘tong mga ‘to.
Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila.“E-Excuse me, Sapphire.”
“Padaan, Sapphire.”
Sapilitan na gumitgit sa masikip na espasyo sa pagitan ng upuan namin ni Night ang mga babae.
Hala, sige. Ipagtulakan niyo ako.
Sinamaan ko ng tingin ang sumunod na babae. Hindi na siya nakapagsalita pa at napilitan na lang na maghintay sa dulo ng kumpulan.“Ito Night luto ko para sa’yo,” sabi ng isa sa mga babae sabay abot ng baon niya.
Napataas ako ng kilay nang mahagilap ito ng mga mata ko.
Seryoso ba siya? Baon niya ‘yan. ‘Yan mismong kulay pink na baonan ang gamit-gamit niya nitong mga nakaraang araw.Inabot niya ito kay Night na nakangiti namang tinanggap ang alay niya.
“Napaka-plastik.”
Malamang ay masaya siya dahil hindi siya nakaluto ng agahan niya kanina. Hindi pa siya kumakain, tapos eto, pumasok lang siya at may instant pagkain na siyang natanggap.“Hindi mo talaga siya gusto, ano?” biglaan naman na tanong ni Joseph.
Nakaupo siya sa harapan ko kaya kagaya ko ay nadadamay rin siya sa dagsa ng fans ni Night.“Hindi,” maikli kong sagot.
“’Di ba galing kayong dalawa sa prehong senior high school noon? Kumusta siya? Ganyan din ba siya ka-habulin ng mga babae?”
Ah. Right. We made up that lie together as a fake background story.
“O-Oo. Pero hindi kami malapit… Uhm, same school pero hindi kami naging magkaklase,” sambit ko.
“Aah… Okay.” Tumango-tango si Joseph na para bang naiintindihan niya ang kasinungalingan ko.
“Ikaw? Kumusta ka naman noong nasa senior high ka pa?”
“Ayos lang.”
“Ayos lang?”
“Uh-huh. Closeted gay pa kasi ako noon kaya medyo masikip sa pakiramdam. Pero ngayon na malaya na ako, you know what I mean.” Kumindat siya bago nagpatuloy ulit sa pagsasalita, “Gumagala na rin ako kasama ang mga new friends ko.”
“Gay din sila?”
“Oo.”
“Kumusta naman sa pakiramdam?”
“Masaya. Malaya. Ganun. May birthday celebration nga pala si Chelsea next week. Sama ka?”
“Chelsea?”
Sino naman itong si Chelsea? Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan na ‘yan.“Ah, I mean si Charles. The half-European guy sa kabilang klase.”
“Oh.”
“Yeah. He’s called Chelsea at night.”
Ngumiti na lang ako tapos ay tumango.
Napaka-interesado ng kaalaman na nakuha ko ngayon.Parang noong nakaraang buwan ko lang natutunan ang termino na gay. Pagtungtong na pagtungtong ko sa silid aralan na ito ay una akong kinausap ni Joseph. Isa siya sa mga kabilang sa tinatawag na minority ng lipunan ng mga tao. Marami akong natutunan tungkol sa sekswalidad niya. Tapos hindi ko na namalayan na naging malapit ko na pala siyang kaibigan. Madaldal din siya at maraming nalalaman kaya marami akong natutunan mula sa kanya.
“Uhm. Kumusta kayo ng boyfriend mo?” tanong ko.
“We’re doing great! Anniversary namin bukas kaya mag-dedate kami,” masaya niyang tugon sa akin.
Lalaki rin ang kasintahan ni Joseph na taga ibang eskwelahan. Hindi ako sigurado pero may tinatawag silang LGBTQ dito at ang lawak ng terminong ito. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa naiintindihan ang bawat sekswalidad na tinutukoy dito.
Habang nag-uusap kami ay hindi pa rin tapos si Night sa fans niya. Nakapalibot pa rin ang mga ito sa kanya at panay ang pagtatanong ng walang kwentang mga bagay.
“Anong paborito mong kulay, Night?”
“How about dinner? What’s your favorite meal for dinner, Night?”
“Night, are you free tomorrow?”
“I wanna go shopping after class, will you come with me, Night?”
Oo. Isang malaking OO. Halatang desperada silang lahat sa atensyon ni Night.
“Sapphire!”
Napahinto ako sa pagsusulat dahil sa gitna ng walang katapusan na Night ay bigla ko na lang narinig ang pangalan ko.“Yes?” nakangiti kong sagot.
“Hinahanap ka ni Mrs. Dela Cruz.”
“Oh. Sure. Sige, papunta na.”
Nagmadali akong tumayo at iniwan sa lamesa ang sinusulat ko.Agad din naman na tumabi ang mga babaeng humaharang-harang sa daan ko.“Gosh. Look at that girl. She really has the aura of a wolf.”
“Wolf? You mean, intimidating?”
Hays. Hindi nila alam na malinaw kong naririnig ang mga bulong-bulongan nila tungkol sa akin.
Sa sandaling nakalabas na ako ng silid namin ay sa akin naman tumungo ang atensyon ng mga estudyanteng nasa daan.
Paano ko ba ito ipapaliwanag, hindi ko gaanong naiintindihan pero mukhang kakaiba ang paningin ng mga tao sa mga kagaya namin ni Night.
“Miss Sapphire!”
“Hi, Sapphire.”
“Good morning, Sapphire!”
Kaliwa’t kanan ang pagbati sa akin ng mga estudyanteng kilala ko lang sa mukha. Nakasama ko sila dati sa isang freshmen welcome party pero marami sa kanila ang hindi ko alam ang pangalan.
Hindi lang din si Night ang sikat sa unibersidad na ito, ganun din ako. Gaya ng narinig ko kanina ay maraming nasasabi na malakas daw ang appeal ko at may pagka-intimidating. Kaya naman ‘di gaya kay Night ay walang basta-bastang lumalapit sa akin, medyo mahirap daw akong kausapin. Kasi naman, sinasadya ko talaga na maging nakakatakot dahil ayaw kong matulad kay Night na halos buong araw na lang kung sundan ng mga babae. He can also do the same, but I guess he likes attention.
Ah. I must have slipped our little secret.
Oo. Night and I are not ordinary humans. We are werewolves.For humans, we have a very attractive aura that draws them to us. Siguro dahil na rin pareho kaming nagmula sa kilalang mga pamilya ng mga taong lobo kaya ganito na lang umasta ang mga tao sa amin.Ito ang sekreto na pareho naming tinatago.
Hindi kami nandito para lang makisalamuha sa kanila. Nandito kami para sa isang importanteng misyon.“Ma’am. Hinahanap niyo po raw ako?”
“Oh. Yes, Sapphire. Could you please give this to the clinic?”
“Sure, ma’am,” sabi ko tapos inabot ang kumpol ng papel.
Habang nasa daan ay masusi kong tinitigan ang mga nakasulat sa papel. Isa itong mental health check up ng mga estudyante ni Ma’am Dela Cruz.
Napaka-sensitibo naman talaga ng mga tao. Parang noong isang buwan lang ay nagkaroon din ng physical check up sa mga bagong estudyante. Wala namang naging problema sa amin ni Night dahil kawangis ng isang ordinaryong tao ang pangangatawan namin kapag nasa ganitong anyo kami.
“Nasaan nga ulit ‘yung clinic?”
Ah. Oo nga pala. Maswerte ako at malapit lang sa silid namin ang clinic. Pwede na akong dumiretso pagkatapos itong ihatid doon.Paliko na ako sa unang koridor, nang malayo pa lang ay may naririnig na akong ungol.
“Ahn! Haa… Hngh!”
Anak ng— Minsan talaga ay pinagdarasal ko na magkaroon ng switch itong tenga naming mga taong lobo. Malinaw sa pandinig ko na hindi isang ordinaryong pag-ungol ang naririnig ko ngayon. At palakas ito nang palakas habang palapit ako sa pinto ng clinic.
Naku naman talaga, oh. Hindi ba pwedeng sa ibang lugar nila ‘yan gawin?
Hindi ko na kailangan pang makita sila para malaman kung ano ang nangyayari.“Haa… Night! Ah… Ahh…Give it to me… Please!” tila nagsusumamo na hiling ng babae.
Tingnan mo itong si Night! Umalis lang ako saglit tapos ito na agad ang pinagkaabalahan niya?
Hindi pa ba tapos ang estrus niya? Anong araw ba ngayon? Akala ko ba ay umabsent siya ng apat na araw dahil may estrus siya. Eh, bakit parang hindi pa ata siya tapos?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tumambad sa pagpasok ko ang makalat na lamesa at ang dalawang taong nakapatong rito. Hindi lang din pala ang lamesa ang hindi maayos ang sitwasyon. Dahil nang humakbang ako papasok sa silid ay naaninag ko ang magulong buhok at damit ng nurse ng clinic.
“Ahem!” Pang-iistorbo ko sa kanila.
Malamang ay narinig na ni Night ang pagdating ko dahil hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko. Mukhang sadyang ayaw niya lang ata talagang mahinto ang ginagawa nila.Kabaligtaran naman ang reaksyon ng nurse dahil agad siyang bumitaw kay Night nang marinig ako, at nagmamadaling ibinalik ang hubad na niyang pang-itaas. Patay malisya naman na lumayo si Night sa kanya at walang kibo akong tinitigan. Maingat din akong humakbang patungo sa lamesa para ilapag ang mga papel.
“Uhm… Pinapabigay po ni Ma’am Dela Cruz.”
Naninigas pa rin na nakatayo sa gilid ang nurse. Nihindi man lang niya tinanong kung para saan ang mga papel na dala ko.“Sige po,” sabi ko.
Nakakailang! Pero nilunok ko na lang ito at agad nang umalis ng opisina.Teka. Bakit ako itong naiilang? Eh, hindi naman ako ang nagkamali. Sila itong may ginagawang kababalaghan sa loob ng clinic.
Hindi pa man ako nakakalayo sa pinto ay narinig ko na itong bumukas kaya lumingon ako, at iniluwa nito si Night na may manipis na ngiti sa labi.
Agad ko siyang kinompronta.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”“Uhm, nangongolekta ng impormasyon?”
“Nangongolekta? Saan doon? Paano?”
“You know Sapphire there are many ways to collect information other than befriending a few humans.”
Biglang uminit ang ulo ko sa narinig ko.
Isa pa, kailan pa siya naging matatas sa salitang Ingles?Nakakapagsalita naman ako pero naging mas kuhang-kuha na niya iyong nakakainis na lalaki sa teleserye na pinapanood ko sa TV.“Anong many ways? Many ways as in pagtatal*k?” gatong ko.
Nakangiting nagkibit-balikat si Night bago ako nilampasan.
Ugh! Nakakainis. Simula noong unang pangangandi niya dito sa syudad ay halos naging parte na sa araw-araw niyang gawain ang pakikipagtal*k sa mga babaeng tao. Walang linggo na hindi ko siya nahuhuling nakikipag-lampungan sa mga ito.
At ang mas malala pa ay nasa iisang bubong lang kami nakatira.
Paano ito nangyari? Sinisisi ko ang alpha ng tribo namin, pati na rin ang lakas na taglay ko.Bago ang lahat ng ito ay nangyari ang pagdiriwang ng pagtungtong namin sa hustong edad. Kasabay noon ay ang hindi man permanente ngunit malaking pagbabago sa buhay ko.
SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha
SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag
SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku
SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa
SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang
SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha
SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong
SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n