Home / Werewolf / The Alpha's Heat / Sapphire's Estrus

Share

Sapphire's Estrus

SAPPHIRE 

Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo.

Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. 

Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko.

Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus.

Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. 

Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang sintomas na mararamdaman ng katawan ko. 

Ngunit noong malapit nang mag-alas onse ay bigla akong may naramdaman na pagpitik sa dibdib ko. Kasabay nito ay ang mabilis nitong pagkabog at pagkahilo ko. 

Sigurado ako na wala akong sakit. Matibay ang kalusugan naming mga taong lobo kaya imposible na may sakit ako sa puso.

“Mukhang kailangan ko nang magtago.” Dahil kung gusto kong pakalmahin ang sarili ko dapat ay magtago ako mula sa liwanag ng buwan. Pinapalala lamang nito ang tinatawag na animal instincts namin. At hindi kaaya-aya ang magiging karanasan namin kapag hinayaan namin ito.

Ilang minuto na lang at mag-aalas dose na. Medyo naging kampante na ako dahil kumalma na ang dibdib ko. Ito na nga ang sinasabi kong epekto ng suppressant. Ito naman kasi talaga ang trabaho nito.

Matutulog na ako. Sa wakas ay maipapahinga ko na rin ang pagod ko nang mga mata…

Subalit ito ang inaakala ko. Hindi ko alam kung anong eksaktong oras ito naganap ngunit napabalikwas ako ng bangon. At sa hindi malaman na dahilan ay biglang uminit muli ang buo kong katawan.

Walang bintana ang mga silid namin rito sa bahay kaya imposible na makapasok ang sinag ng buwan. Nakasara na rin ang pinto.

“A-Aah!” Tila ba may nanghihila sa mga biyas ko. Sa sobrang lakas ng pwersa ay pakiramdam ko mahahati ako sa dalawa.

“AAAH!” Sigaw ko ulit nang makaramdam ako ng sakit sa likuran ko. Nagmistulang pinagkaisahan ng lubos ang buo kong katawan.

Nakakabaliw ang sakit. Kasabay ng malakas na paghila ay ang matinding pakiramdam ng may tumutusok sa balat ko.

At sa isang iglap ay nawala ng parang bula ang pakiramdam na ito.

Ano na naman bang klaseng sintomas ito?

Sana lang ay nandito si Nanay para masagot ang mga katanungan ko. 

“Haa… Haa… Haa…” Ang mahaba kong paghinga nang makaramdam ng ginhawa.

Subalit hindi nagtagal ang kaginhawaan na ito. Nakaramdam ako ng biglaang pagkiliti sa ibabang bahagi ng katawan ko, sa mismong pagitan ng mga binti ko.

Mas mabuti nang makiliti kaysa ang masaktan, pero paano kung nasa hindi inaasahang parte ng katawan ako nakakaramdam ng kiliti?

“Ah! Hmm…” Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang paglabas ng boses ko.

Hindi rin nagtagal ay lumitaw na ang buntot at ang mga tenga ko. Napansin ko na lang ang mga ito nang biglang mas lumakas ang pandinig ko at nang maramdaman ko ang paggalaw ng mabalahibo kong buntot sa may bandang baywang.

“Ah! P-Perwisyo naman ‘to, oh.” Bulalas ko nang maramdaman ko na naman ang init ng katawan ko. 

Horny. Ito ang salitang Ingles ng pakiramdam ko ngayon. Paulit-ulit ko itong naririnig kay Joseph, at isang araw ay sa wakas ipinaliwanag na niya sa akin kung ano ang ibig sabihin nito.

Ramdam ko ang pag-usbong ng nakakakiliting pakiramdam sa pagitan ng mga paa ko.

“Haa… Haa… Haa…”

Natutuyo ang lalamunan ko.

Gusto ko ng kayakap. Gusto ko ng… Ahh… Ito na nga ba ang sinasabi ko. 

Nasa punto na ako na nais ko nang gawin ang bagay na nakakapawi ng uhaw ng laman ko. Oo. Naghahanap ang katawan ko ng kapares. Ito ang pinaka delikadong yugto ng estrus.  Hindi lang ito nagdudulot ng mapusok na katawan, kung hindi pati na rin ang pagkawala ng kontrol ko rito. And so far, ito ang pinakamahirap kong estrus dahil ngayon lang ako nakaramdam ng labis na kapusukan.

Natumba ako ilang minuto pagkatapos lumabas ang buntot at tenga ko. Buong akala ko ay mag-aanyong lobo ako subalit nagkakamali ako nang makita ko sa salamin ng kabinet ko ang sarili kong repleksyon. 

“Augh…” reklamo ko. Ito ang ikatlo kong anyo. Tanging ang mga malalakas na lobo lang kagaya ng alpha ang may kakayahan na magpalit sa anyong ito.

Hindi lang pala buntot at tenga ang mayroon ako ngayon. Kung hindi pati rin ang mukha, kamay at paa nito, maliban na lang sa pangangatawan ko na nagmistulang mabalahibong tao.

Werewolf ang tawag ng mga mortal sa anyo namin na ito. Malamang dahil literal na kalahating tao at kalahating lobo ang katawan namin. Si Joseph ang nagturo sa akin ng salitang iyan. Ngunit mas mainam sana kung tinuruan niya rin ako kung paano pawiin ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko ngayon.

“Ngh!” Pagtitimpi ko sa boses ko. Gusto kong hawakan ang sarili ko. Gusto kong ibsan ang libog ko. Kaya lang ay alam ko na hindi magiging sapat ang maninipis kong daliri para mangyari ito.

Mahaba pa ang gabi. May apat na oras pa akong palilipasin. Habang nasa isipan ko ito ay gumapang ako sa ilalim ng kama. Inabot ko ang kahon na pinaglalagyan ko ng mga gamit na binigay ni Nanay sa akin. Ito raw ang sikreto niya kaya natagalan siyang mag-asawa at nahubog niya ng husto ang lakas ng katawan niya. 

Uhm… I heard Joseph calling this a vibrator but in our tribe it's called kawangis. At hindi rin ito nag-vivibrate, mas lalo na at hindi ito pinapagalaw ng kuryente. Gawa ito sa batang sanga ng kawayan. Pinapagalaw ito ng mahika na siyang dahilan para magbago ang hugis, haba, at anyo nito.

I never take a thing thicker than three fingers so I always made it transform into tiny strings.

“Aah! A-ah! Haa… k-konti na lan—ah! Ah! Ahn! Ngh…” 

At kung paano ako nito napapa-ginhawa ay wala akong ideya. Dahil sa sandaling malabasan ako at maibigay na nito ang kailangan ko ay nawawalan na ako ng malay…

- - -

Hindi ako sigurado, pero mukhang tanghali na ata nang nagising ako. Pero sa kabila nito ay wala pa ring pagbabago sa anyo ko. I am still in a half human and half wolf form. At nasa delikadong yugto pa rin ako ng estrus.

Magdamag lang akong nasa loob ng silid. Dalawang buong araw.

Oo. Nag-aksaya ako ng dalawang araw sa loob ng silid ko.

Ito lang naman ang paraan na mayroon ako para maiwasan ang hindi dapat mangyari.

Maaari akong makapanakit ng inosente kung lalabas ako sa ganitong kondisyon. Isa pa, hindi rin nila ako pwedeng makita sa ganitong anyo. Kaya naman may automatic na lock ang mga silid namin ni Night. Nabubuksan lamang ito matapos ang apatnapu't walong oras. Ito ang makabagong teknolohiya na siniguradong ikabit ng mga nakatatandang taong lobo para sa amin.

Ilang oras ang lumipas ay nawala na ang mabalahibo kong katawan, ganun din ang buntot at tenga ko. Nagising na lang ako sa lamig nang bumalik ako sa anyong tao na hubo’t hubad.

Ah~ sa wakas at makakahiga na ako ng maayos sa kama ko. Nadadagdagan kasi ang sukat ng buong katawan ko sa tuwing nasa anyong taong lobo ako. Dahilan para hindi ako kumasya sa kama ko.

Anong araw na ba ngayon?

Inabot ko ang cellphone ko sa lamesa para tingnan ang petsa.

Oo nga pala. Lunes na.

Ang bilis tumakbo ng oras sa tuwing nasa estrus ako. Ilang araw na lang at makakabalik na ako sa misyon ko. Pero sa ngayon, uunahin ko muna ang pagbabalik sa mahimbing na pagtulog. Nakakapagod din ang magdamag na pakikipaglaban sa tukso.

Pipikit na sana ako nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

Nagmamadali kong binalot ang sarili ko ng kumot bago abutin ulit ang cellphone ko para sagutin ang tawag ni Joseph.

“Hm? Ano ‘yun?” kabado kong sagot na para bang nasa harapan ko lang siya.

“Sapphire? Ayos ka lang? May sakit ka raw, totoo ba?”

Nagising ang diwa ko nang marinig ang boses ng kaibigan ko.

Naku! Akala ko ay namalikmata lang ako nang makita ko ang pangalan niya sa cellphone ko. 

Baka ano pa ang masabi ko.

Inayos ko ang sarili ko, at umupo sa kama. Sinigurado ko muna na nasa tuwid ang pag-iisip ko bago sumagot.

Saglit akong tumikhim at sumagot ng, “Sakit? Ayos lang naman ako… uh, sorry kung absent ako ngayon. Dinatnan kasi ako. Masakit pa ang puson ko.”

Well, monthly estrus is pretty similar to a human woman’s menstrual cycle. Kaya naman madalas din na ito ang palusot ko.

“Dinatnan ka pala?”

Kinabahan ako sa narinig ko. Mistulan kasing hindi naniniwala si Joseph sa sinabi kong rason. 

“H-Ha?”

“I thought you had a fever? ‘Yan kasi ang sabi ni Night. To be honest, everyone was surprised that he knew about you. Maski ako. Sabi ko na nga ba, troll lang ang sinabi niya. How will he know that you are sick, you are not even friends?”

Hay, naku! Si Night talaga. Napaka-pala desisyon.

“Uhm, well… Yes? May sakit nga talaga ako. We lived in the same neighborhood, remember? Nagkita kami kahapon– may sakit ako kahapon nung nagkita kami. Pero hindi naman malala. Baka nasabi niya lang ‘yun dahil ganun– uhm, nakita niya akong nasa— may sakit.”

“Aah, okay. So, ngayon minalas ka at dinatnan ka naman?”

“O-Oo. ‘Yun nga. Minalas ako. Hahaha.”

“Sige. Magpahinga ka na, girl. Ako na bahala sa mga naiwan mo ritong responsibilities.”

“Sure! Thanks.”

Diyos, mio!

Hindi kaya ako nagtunog sinungaling dahil sa pabago-bago kong dahilan?

Ayos na rin na tumawag si Joseph. At least hindi na ako mag-aalala pa sa kung ano ang sasabihin ko sa mga magtatanong sa akin sa pagbalik ko sa eskwelahan.

Ahh… Sa ngayon ay mas mabuti kung itulog ko na lang muna ang nalalabing oras bago magbukas ng kusa ang pinto ng silid ko.

Kaso kung kailan ko pa ito sinabi sa sarili ko ay muli na naman itong naudlot sa pangalawang pagkakataon. Tumunog na kasi ang alarm ng pinto na nagsasabi na bukas na ito.

Diyos, mio! Nakaramdam tuloy ako ng gutom.

Kaya ko naman na hindi kumain pero matapos ang dalawang buong araw na pagpipigil ng libog ko ay nakakaramdam din ako ng gutom.

Nag-inat na muna ako ng katawan bago tuluyang bumaba ng kama.

Mukhang kakailanganin ko na rin na tumakbo sa kagubatan, kailangan ko nang mag-ensayo ulit. Isa pa, namimiss ko na rin ang manghuli ng maliliit na hayop sa gubat. Iba pa rin talaga ang preskong karne.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay sumingaw na mula sa ibabang butas ng pinto ang preskong hangin mula sa labas. Nababalot kasi ng pheromones ko ang kwarto ko kaya naman tinatakpan din pati ang butas ng pinto. Delikado at baka may makaamoy pa rito, tao man o taong lobo kagaya ko. Kakaiba ang nagagawa ng pheromones ng lobong nasa estrus niya. Nang-aakit ito kahit hindi sadya ng may-ari.

Halimbawa na lang nito ay si Night. Mabilis niyang naaakit ang mga taong babae dahil sa amoy ng pheromones niya. Ginamit pa nga niya ang pheromones niya mula sa huli niyang estrus sa babaeng nars ng eskwelahan namin. Madali lang mang-akit ng tao, lalo na at higit na mas mahina ang depensa ng mga ito. Pero syempre ay wala silang malay tungkol dito. At medyo naiiba lang ang kaso ni Night, dahil sa palagay ko ay sinasadya niyang gamitin ito sa mga babaeng tao para makakalap ng impormasyon. 

Hay, bahala na siya sa kung paano siya mangalap ng impormasyon. Basta ba’t hindi ako ma-perwisyo.

Sa kasalukuyan ay kailangan ko munang kumain.

Kaso ang tanong ngayon, “May naiwan pa kayang pagkain sa ref?

As I was opening the door, hindi lang ang preskong hangin sa sala ang sumalubong sa akin, pati na rin ang kaluskos ng nahulog na plastik na cellophane na nakasabit sa busol ng pinto.

“Ano naman kaya ito?”

Nang silipin ko ay may laman itong baunan na sa pagkakaalam ko ay galing sa kainan sa katabing gusali. At isang pakete ng tableta ng suppressant para sa estrus namin na sapat na para isang buwan.

“Oh. Buti naman at naalala pa ni Night na nandito ako.”

Napatitig din ako sa bintana ng sala.

Balot na balot na ng kadiliman ang kalangitan.

Ah. Kaya naman pala kumakagat na sa balat ang lamig dahil mataas na ang liwanag ng unang buwan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status