SAPPHIRE
“Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin.
Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya.
“Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito.
“Ano ‘yan?”
Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito.“Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong.
“It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya.
Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako?
Pero… cookies pala ang tawag dito?
“Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night.Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinalikuran.
“Okay… I guess I will have to do it myse—”“Ah, teka lang naman,” pagpigil ko kay Bettina.
Hindi kasi ako sigurado sa kung anong bagay itong inabot niya. Gusto ko lang naman malaman kung ano talaga ito.Nagbuntong-hininga si Bettina bago muling tumitig sa akin, pero matapos nito ay kailangan niya muna akong irapan. Ewan ko ba, hindi ba siya napapagod sa pagtataray niya?
“Are you insulting me, Sapphire? I know I am not a good baker but at least tell me that my cookies look like cookies.”
Naku, mukhang nagalit ko ata siya.
Eh, hindi ko rin naman kasi talaga alam kung anong itsura ng cookies. Ang dami kasing bagong klase ng pagkain na mayroon ang mga tao. Malay ko ba kung alin ang alin.“Uh, mukha naman talaga siyang c-cookies.”
Siguro? Akala ko ba ‘yung biskwit na may palaman ang cookies.“You’re lying.” Taas kilay niyang sambit.
“I’m not! Pangako.”
Pinanliitan niya ako ng mata bago muling nagsalita.
“Okay. I don’t really care about your thoughts anyway as long as Night like these.” Tumikhim si Bettina, inayos niya ang sarili niya sabay utos sa akin na, “Ibigay mo ito kay Night. I baked that with my sister. Tell him that’s from me and don’t forget to give him the letter.”Inilahad ko ang kamay ko, pinatong naman niya ang cookies na may nakasabit palang maliit na papel sa kulay pula nitong laso.
“Uh, bakit hindi na lang ikaw ang magbigay nito sa kanya?”
Bakit hindi na lang siya nakipag-gitgitan sa mga babae kanina nung dumating si Night?“I do want to do that but he seems to hate me now. He doesn’t want to talk to me… for a while. I don’t want him to hate me more so you better give that to him as a peace offering.”
Peace offering?
Ano na naman ba ang ibig sabihin ng mga katagang iyan?Gusto ko sana na itanong ito pero baka mas mairita lang si Bettina, kaya naman tumango na lang ako.
“Sige. Walang problema,” ani ko sa kanya bago siya iniwan sa pintuan.
Ganito naman talaga palagi. Laging sa akin lumalapit ang mga kaklase naming hindi makalapit kay Night. Siguro dahil nakikita nila na hindi ako kabilang sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Hindi naman sa nagmamayabang pero iba ang dating ko kumpara sa mga babaeng tao. Pero madalas ay nilalapit pa nila kay Joseph ang mga utos nila bago makarating sa akin. Tanging si Bettina lang ay may sapat na katarayan para personal akong kausapin. Hindi rin naman pwede na si Joseph o iba ang utusan nila dahil baka nga raw agawin pa nito si Night sa kanila.
Siguro dahil mas madalas nila kaming nakikita na nag-aaway ni Night kaysa magkasundo. Bilang lang siguro ang mga pagkakataon na maayos kaming nag-uusap. Sabi pa nga ng iba hindi raw ako threat sa pagmamahal nila kay Night.
“You bought food on the way back?” agad na tanong ni Joseph nang makita akong palapit sa upuan ko.
Tiningnan ko naman ang hawak kong pagkain.
“Hindi naman akin ‘to.”“Kanino ‘yan. OMG!” Suminghap si Joseph sabay takip ng bibig niya. “Did someone confess to you?”
“Confess? Hindi, no. Walang ganun. Inutusan lang ako na ibigay ‘to kay Night.”
“Ah. Really?” Dismayado niyang ani. “I thought someone finally swallowed their pride and fear and told you their feelings.”
“Huh? Ano na naman ba ang pinagsasabi mo?”
“Nothing, nothing. So, anong sadya sa’yo ni Ma'am?”
“Wala inutusan niya lang ako na magdala ng mga papel sa clinic. Natagalan lang ako kasi si Ni— ah, huwag na nga.” Muntik pang madulas ang dila ko. “‘Yun lang.” Agad ko nang tinapos ang pagkukuwento ko.
“Uh-huh. You must have seen Night there. He was called by the nurse right after you left. The girls were so worried after hearing that.”
Ha! Kung alam lang nila kung ano ang ginagawa ng Night nila sa clinic tiyak na mawawala ang pag-aalala nila sa lalaking ‘yun.
Ah. Kaya naman pala nandoon siya. Tumango na lang ako at umasta na hindi interesado sa balita ni Joseph. Hindi ko naman kailangan na intindihin ang bawat balita na naririnig ko tungkol kay Night. Lalo na at pati sa bahay ay siya ulit ang nakikita ko.
Dapat sana ay ibibigay ko kay Night ang cookies ni Bettina bago mag-uwian. Pero dahil sa abala ko at hindi ko rin siya mahagilap ay nakalimutan ko na ang tungkol dito hanggang sa nakauwi na lang ako.
Wala nga palang may alam na sa iisang bubong kami naninirahan ni Night. Niisang beses, simula nung dumating kami rito, ay hindi kami sabay na umuwi ng lalaking ‘yun. Para bang nakasanayan na namin ito. Kaya naman ay para lang din kaming ordinaryong magkaklase kapag nasa paaralan kaming dalawa. Ang sala at kusina na lang ata ang pinagsasaluhan namin na espasyo sa bahay.
Katatapos ko lang maghapunan nang tumunog ang high-tech na lock ng pinto namin. Sunod itong bumukas at lumitaw si Night na suot pa rin ang uniporme niya.
Saan naman kaya siya galing at madilim na siyang umuwi?
Hanggang isipan ko na lang ang katanungan kong ito dahil ayaw kong magsimula na naman ng gulo. Wala akong balak na ibulalas ito.
“Ah, Night,” ani ko.
Oo, alam kong kakasabi ko lang na hindi ko siya kakausapin pero kailangan ko pa ring gawin ang pangako ko kay Bettina.
Huminto sa paglalakad si Night bago lumingon sa akin.
“Ito nga pala. Pinaabot sa’kin ni Bettina. Para raw ‘yan sa’yo. Ang sabi niya, gawa niya raw ‘yan at ng kapa—”
“Itapon mo na ‘yan.”
“Ha?”
“Itapon mo na ‘yan. Hindi ako mahilig sa cookies. Tsk. Hindi pa ba nadala ang babaeng ‘yun?” bulong niya habang papasok sa kanyang silid.
Kita sa kunot niyang noo na naiinis siya. Ano ba kasi ang ginawa ni Bettina sa kanya? Ah— pero kung iisipin ng mabuti ay tila naging natural na lang kay Night ang maging bugnutin. Hindi na pala siya ang Night na kilala ko noon.
Maybe asking about his problem is the right thing to do. Kasi mukhang hindi naman si Bettina ang may problema. Kaso ayaw kong sumakit ang ulo dahil sa kanya kaya hahayaan ko na lang siya.
“Hmm. Ba’t ko pa ba ‘yan poproblemahin?” Napatitig ako sa pagkain. Sayang naman kung ayaw ni Night nito. Wala pa naman akong kinaing panghimagas kanina.
“Kung ayaw niya, edi akin na lang.”
Problema ba ‘yan?Maingat kong tinanggal ang laso na nakatali pa ng napakaganda. Tinanggal ko na rin ang mensahe na para raw kay Night. Siguro ay ito na lang ang ibibigay ko sa kanya.
Unang beses kong makakain ng cookies na walang palaman kaya kanina ko pa pinag-iisipan na humingi kay Night. Kung sinuswerte nga naman talaga ako, ayaw niya rito. Sasayanging ko pa ba ang pagkakataon?
Nakatakas ang matamis na aroma ng tsokolate at banilya nang buksan ko ang balot nito. Amoy pa lang ay mukhang masarap na!
Sabik kong sinubo ang cookies. Pero hindi ko pa man ito nangunguya ng lubos ay agad akong napahinto.
Tama ba ‘to? Dapat bang maalat ang pagkain na ito?
“Teka… Bleergh!”
Hindi na ako nagdalawang-isip na iluwa ito nang may manguya akong malaki at tila buo pang asin.“Kaya naman pala hindi na siya pinapansin ni Night. Whoo! Ang alat.”
Labag man sa loob ko ang magtapon ng pagkain pero kinakailangan ko itong gawin. Wala naman kasing gustong kumain sa cookies na ito. Hindi ko maintindihan ang lasa. Oo, mabango siya at may disenteng itsura pero dahil sa dami ata ng mala-kristal na asin na nilagay ay hindi na ito nalusaw ng maayos.Tsk. Mas maigi siguro kung matulog na ako.
Alas nuwebe na pala ng gabi. Hindi ko gaanong naramdaman ang paglalim ng gabi dahil sa tinapos kong gawin sa eskwlahan, isa pa ay nasa labas pa kanina si Night.Kailangan ko na rin uminom ng kapsul ko. Dalawang beses sa isang araw namin ito iniinom, o kaya naman sa tuwing nakakaramdam na kami ng init sa katawan. Lalo na sa mga panahon na malakas ang pwersa ng buwan.
Dahil unang linggo ito ng pangalawang buwan namin kasama ang mga tao ay konti na lang din ang natitirang kapsul sa lalagyan ko.
Ah, binigay ko nga pala kay Night ang isa kong reserba kanina. Uminom na muna ako ng isa bago ko siya kinatok sa silid niya.“Night! Ipagpaumanhin mo ang pang-iistorbo ko ngunit pinapaalala ko lang sa’yo ang kapsul na binigay ko sa’yo kanin–”
Kachack.
Biglang pumitik ang pinto ng silid ni Night. Lumabas siyang suot ang bagong pares ng damit. Isang kulay asul na jacket at kulay abo na panloob na shirt, at pantalon na gutay-gutay sa tuhod ang suot niya.“OMG. Night, ayos ka lang ba?”
“Ano?”
“Sabi ko, ayos ka lang ba? Ba’t hindi mo naman sinabi na wala ka ng pambaba? Edi, sana natahi ko ‘yan at naay—”
“Excuse me? Hindi mo ata alam kung ano ang sinasabi mo? This is what’s trending in human society.” Mayabang niyang sambit.
Trend?
Paano naman ‘yan naging trend kung butas ang suot niyang pantalon?“K-Kakaiba ata ang taste ng mga tao? Mukhang nais nila ang nalalamigan.” Pagpipigil ko ng tawa.
Sinamaan ako ng tingin ni Night.
Ayaw niya na iniinsulto ko ang kakaiba niyang pananamit. Bigo akong itago ang tawa ko.“That attitude is the reason you gathered less information than mine last month. You’re too close minded for this mission.”
“Ano?”
“I said, you are a close minded person.” Tahimik na tumawa si Night bago sinabi ulit na, “Don’t tell me you don’t know what’s a close minded person?”
“Teka. Teka. Ano ba ang problema mo at nantatadtad ka na naman ng mga bagong termino? Excuse me, mister, alam ko kung ano ang sinasabi mo.”
Ang yabang-yabang. Pwede naman niyang sabihin sa akin na huwag siyang tawanan. Kailangan pa ba niya talagang mang-away?
“Hay. Sige na, akin na ‘yung suppressant ko. Sa susunod na araw pa ang bagong batch.” Agad ko nang tinapos ang argumento namin. Inilahad ko na lang ang kamay ko sa kanya para kunin ang sadya ko. Mahirap na at nararamdaman kong umiinit na ng konti ang katawan ko nitong mga nakaraang araw.
Nakasimangot man ay bumalik pa rin si Night sa silid niya para kumuha ng kapsul.
“There. Leave me alone,” pagmamaldito niya na naman.Edi, leave me alone.
Problema ba ‘yan? May sarili naman akong kwarto rito.Papasok na sana ako ng silid ko nang mapansin siyang nagsusuot ng sapatos.
“Teka, saan ka pupunta? Gabi na, ah.”“Hays. Didn’t I tell you to leave me alone?”
“Well, I’m sorry, mister. Regardless of that, I am still your partner, so I still have to know what you are upto.” Paliwanag ko. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya, tiyak na madadamay ako.
“You don’t have to overreact. I'll be out doing my job.” Sagot niya bago ako binagsakan ng pinto sa paglabas niya.
Job… Ibig sabihin ba nun ay mangngangalap siya ng impormasyon at kaalaman sa mga tao? Eh, anong oras na, ah.
SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa
SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang
SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha
SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong
SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n
SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse
SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha
SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag