SAPPHIRE
Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko.
Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.
Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.
“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.
Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa bahay? Sana naman ay magdala siya ng maayos na ulam galing sa mga babaeng nanlilibre sa kanya ng hapunan. Panay instant noodles at canned goods na lang kasi ang kinakain ko noong nasa bahay lang ako. At kahapon lang ay agad naubos ang pinamili kong gulay noong isang araw lang. Kailangan kong bumawi sa mga araw na nasa bahay lang ako.
Naku! Kung ako makahanap ng malawak na gubat dito, titiyakin ko na makakapanghuli ako ng maliliit na hayop.
Hindi na gaanong presko ang gulay sa pamilihan na ito. Siguro dahil iilan lang silang nagtitinda at nasa sentro pa ng siyudad ang lokasyon nila. May malaking palengke naman kaso malayo pa, at tuwing Linggo lang ako nakakapunta.
Hays. Mas mabuti talaga sana kung marunong mamili ang kasama ko, at nauutusan ko siya. Gusto kong makisama siya sa akin kahit sa mga gawaing bahay man lang. Kaya lang pati pakikupag-usap sa kanya ay nahihirapan pa nga ako, ano kaya ang utusan siya? Ang hirap niya hagilapin.
“Salamat, po.”
“Sige, hija. Sa susunod na balik mo ay darating ang preskong repolyo namin.”
“Sige, po.”
Nginitian ko ang ale habang palabas ng maliit na pamilihan.Ginto na ang kulay ng kalangitan nang dumating ako sa tapat ng gusali. Ang dami pa kasi naming ginawa ni Joseph para sa paparating na cultural festival ng paaralan namin. Masaya rin ako sa dami ng mga bagong kaalaman na nakuha ko tungkol sa mga tao habang tumutulong sa paghahanda.
Papalapit pa lang ako sa pinto ng unit namin ni Night ay may naamoy na akong bakas ng artipisyal na pabango ng mga mortal. Matamis ito na maihahambing sa rosas, ngunit may bahid din ng kemikal – mapait at matapang – madalas ko itong naaamoy sa mga artipisyal na likido na gawa ng mga tao.
Bakit naman kaya may ganitong amoy sa loob ng unit namin?
Ah! Hindi kaya ay kay Night ito galing?
Saang lugar na naman ba kasi siya nagpupunta para dumikit sa kanya ang ganito ka tapang na pabango?Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa entrada ang tatlong pares ng sapatos. Dalawa rito ay hindi ko alam kung kanino. Rubber shoes ang isang pares at kulay itim na may mahabang takong naman ang isa.
Lumiko muna ako sa kusina bago dumiretso ng sala, para ilagay ang mga pinamili ko. Hindi ko pa man nakikita ang dalawang estranghero ay rinig ko na ang boses nila.
“Aw, thanks for being considerate.”
“Choose whichever you want.”
“I like this! I like the minty taste when I suck.”
“Ooh… You want spice.”
“Uh-huh.”
Tsk. Imbes na pagkain ang dalhin ni Night, ay nagdala pa talaga siya ng sakit ng ulo.
Base sa boses ng mga ito ay mukhang hindi sila nagmula sa paaralan namin. Mas mature kung tawagin ang boses ng mga ito.“Hindi ba’t sinabi ko na sa labas mo gawin ang traba… ho… mo— Night, sino sila?”
Hindi pa rito nagtatapos ang sakit ng ulo na dala ni Night. Dahil hindi ko kinaya ang datingan ng pares ng mga mortal na dala niya.
Nakasuot ng napakababang damit ang babae, halos lumuwa na ang dibdib nito. Idagdag pa ang masikip niyang pambaba na kung tawagin nila ay leggings. Kulay itim ito ngunit sa sikip at nipis ay nagmukha na niya itong balat. Habang wala namang mali sa suot ng kasama niyang lalaki. T-shirt at shorts, ang problema lang ay kung saan nakapatong ang mga kamay niya.
“Mm… Is this your roommate, Night? You didn't say your roommate is a woman.” tanong ng lalaki.
Sinundan naman ito ng hiyaw ng babae nang pisilin ng lalaki ang dibdib niya.
“Ahn! Haa… You're so naughty… Mmngh…”
Hinawakan ng babae ang pisngi ng lalaki saka sila naghalikan na para bang walang wala ako sa harap nila.
“Uhm, hindi ba’t parang ma— I mean, Night… Uh, you seem lost. I think you got the wrong place.”
Pinanlakihan ko ng mata si Night, umaasa ako na maintindihan niya na nais kong paalisin niya ang dalawang mortal sa pamamahay namin.
Subalit hindi man lang nag-aksaya ng ngiti si Night, imbes ay sinabi niya pa na, “Yeah, she's right. You've been squeezing her b**bs for a while now. Don't you think it's time to do the act and get the right place– or area?”
Napasinghap ako sa pamimilosopo ng kasama ko.
“Excuse me? I meant ‘went to… you went to the wrong place!’ Hindi ba dapat ay nasa isang hotel kayo? Hindi rito!”“We're supposed to. But we learned about you so, we're here to see you,” ani ng babae.
“Ngayon na nakita niyo na ako, pwede na kayong umalis!” Buong lakas kong tinuro ang pintuan namin. Ang sarap nilang kaladkarin palabas, sadyang ayaw ko lang makasakit ng mortal.
Isa pa, anong gusto nila akong makita? Malamang ay palusot lang nila ito. Gumagawa lang sila ng dahilan. Akala ba nila na gusto ko silang makita na naglalampungan sa upuan ko?
Matapos ang galit na galit kong pagpapaalis sa dalawang estranghero ay wala pa rin sa kanila ang tumayo. Imbes ay si Night ang lumapit sa akin.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” anas ko. “Sa palagay ko ay hindi na lang ito tungkol sa pangangalap ng impormasyon, Night. Sinasadya mo ba ‘to para inisin ako?”
“It is for information gathering. Apparently, humans have the best control of their lust than any other creatures. I want to observe that behavior.”
“Diyos mio naman, Night! Kung ganun, bakit mo sila dinala rito? Naaamoy ko ang pheromones nila. Napakatapang!”
Mas matapang pa sa pabango ng babae. At palala nang palala ang amoy ng pheromones ng dalawang mortal na unti-unti nalululong sa sarap.
“This plac—”
“Oh! I was so focused on Patricia that I forgot to properly look at your roommate.”
Lumapit sa akin ang lalaki. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.“Hey, Patricia! Isn't she your type?”
Type?
“Hm? Let me see closely. Let me see closely.”
Nagmamadaling inayos nung Patricia ang damit niyang konti na lang ay mahuhubad na saka siya lumapit din sa akin.“You're right. She's indeed so beautiful and charismatic.”
Tila ba sinusubukan akong akitin ng babaeng mortal gamit ang mapupungay niyang mga mata. Pero… bakit ako?
“Aah… gay ba siya?”Natigilan ang dalawa. Mukhang hindi nila inaasahan ang tanong ko. Ako nga rin, eh. Hindi ko inaasahan na maimutawi ang nasa isipan ko.
Kumawala ang malakas na pagtawa ng babae tapos sinabi na, “I like her. Hahaha!”
Humakbang pa ng isang beses ang babae. Masyadong kakaiba ang awrahan nito sa malapitan. hindi ako komportable, kaya napahakbang din ako ng paatras. Balak ko sanang lumayo pa pero mabilis niyang inangat ang kamay niya.
Naku naman, oh! Ang tapang-tapang pa rin ng pheromones ng babaeng ‘to. Ayaw kong dumampi sa balat ko ang mabahong amoy niya.
Iiwas pa sana ako ulit nang mistulang kidlat na umeksena ang kamay ni Night. Sa bilis nito ay huli na nang maramdaman ko ang sakit sa dibdib ko. Para bang nahulog ako na nakatindig sa lakas ng pagkakatulak ni Night sa akin.
“Nig—”
“That's it.”
Hm? Ano naman kaya ang problema ng lalaking ito sa akin?
“I had enough.”
“A-Ano?”
“Go home.”
Go home? Saan niya ba ako balak papatulo… gin.
Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang natigilan nang napagtanto ko na hindi ako ang kinakausap ni Night. Hindi siya sa akin nakatingin.“Bro, what? I thought you wanted a threesome?”
“You're too noisy. I'm no longer interested.”
“Wait! Night!”
“Seriously, man? Are you having s*x alone with your roommate?”
“No. She's incapable of such things. I only want you to go home.”
“The heck!? You're a damn assh*le!”
“W-Why is he s-so strong!?”
Hindi ko na sila sinundan pa. Sunod-sunod ko na lang narinig ang kaluskos ng mga paa nila at ang walang kalaban-laban nilang mga reklamo habang sabay silang hinahatak ni Night palabas ng unit namin.
“Ha,” buntong-hininga ni Night sa pagbalik niya, “you made so much fuss that I had to make them leave.”
“A-Ano!? Kasalanan ko pa ngayon?”
“Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. I only wanted to observe. Manonood at mag-aanalisa lang naman ako.”
Manonood at mag-aanalisa? Talaga ba? Dahil iba ata ang nakikita ko kanina. Nakakasigurado ako na sa gagawin ng dalawang mortal, sa lakas at tapang ng pheromones nila, imposible na hanggang panonood lang ang magagawa ni Night.
“At ano naman ang panonoorin mo?”
Bakit hindi na lang niya panoorin ang sarili niya na ninikapaglandian sa mga babaeng tao? Ba’t pa siya lalayo at maghahanap ng iba?
Diyos, mio. Hindi ko inaasahan na may ganitong hilig pala si Night. Ang tagal na nga naming hindi nag-uusap.
“I happen to know a few things about the human male-female physical relationship. It's pretty similar to ours.” Huminto si Night bago tumitig sa mga mata ko. Ngumisi siya sabay sabi ng, “Oh. Since you drove away my fun, why don't you entertain me now?”
Papalapit nang papalapit sa akin si Night. Nakangisi siya habang tinititigan ako ng malalim. Like a wolf who's ready to devour his prey.
Hindi naman ako natinag sa kabila ng pang-iirita niya. I am still physically stronger than him. Nasa tapat ko na siya at sentimetro na lang ang layo niya sa akin. Ang sarap niya lang gantihan sa ginawa niyang panunulak sa akin kanina.
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” ani ko sabay tulak sa kanya. “Subukan mo lang at hindi ka na makakabangon pa bu…kas…”
Teka.
“Ano? Tapusin mo ang sasabihin mo,” hamon niya.
“B-Basta! Huwag mo nang uulitin ‘yun! Nagkalat tuloy ang amoy ng kalandian sa sala natin!” sigaw ko bago nag-walk out at pumasok sa kwarto ko.
Nang nasa loob na ako ay agad kong hinubad ang matapang kong maskara. Napatitig ako sa kamay kong pinantulak ko kay Night kanina.
Oo. Tulak. Natitiyak akong nilakasan ko ang tulak ko sa kanya. I was really trying to make him fall. Pero imbes na malakas na pwersa ay nagmistulang itong sapak.
Nanghihina ba ako? At saka, kanina. Napaatras ako sa ginawa ni Night kanina. Napakalakas ng pag-sapak niya muntik na akong matumba.
Ang lakas naman ata ni Night? O baka ako lang itong mahina?
Hm. Hindi rin naman ito imposible lalo na at katatapos lang ng estrus ko apat na araw na ang nakali…pas.
Pero, oo nga, apat na araw na ang lumipas… Hindi ba dapat ay nasa mabuting kondisyon na ang katawan ko?
Nakakabahala isipin.
SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong
SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n
SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse
SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha
SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag
SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku
SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa
SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang