SAPPHIRE
Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan.
Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala.
May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya.
Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong mahalagang yugto ng pagpaparami ng aming lahi.
Ito rin ang suot ko noong nag-labing lima ako. Habang sa araw na ito, sa edad na bente, ay nasa hustong gulang na ako. Ang ibig sabihin lamang nito ay maaari na akong bumukod sa pamilya ko.
“Sapphire?”
Napalingon ako nang marinig ko si Nanay.
“Nay,” sambit ko.Nakita ko si Nanay na nakasilip sa gilid ng pintuan.“Magbihis ka na,” pagpapaalala niya habang malambing na nakangiti.
“Opo. Magbibihis na po.”
“Matagal pa naman bago magsimula ang seremonya pero nakita ko na kasi sila Night na dumaan. Nakapustora at handang-handa na kaya bilisan mo na lang din, ha.”
“S-Sige po.”
Halata ko noong araw na iyon na nasasabik din si Nanay.
Agad na rin naman siyang umalis matapos niya akong paalalahanan.Tunay na sinubukan ko na makalimutan ang malapit kong kaibigan. Pero dahil sa sinabi ni Nanay, hindi niya lang pinaalala sa akin ang pagbibihis pati rin ang pangako namin ni Night sa isa’t isa.
Higit labinlimang taon na rin ang lumipas noong sabay kaming nangako. Napaka-bata at inosente pa namin. Hindi pa arogante at malamig ang pakikitungo ni Night sa akin noon.
Madalas kami sa paborito naming bahagi ng kabundukan. Sa hilagang bahagi ay may matayog na punong nakatindig, sa tayog nito ay tanaw pati ang maliwanag na gusali ng siyudad ng mga tao.
Ilang daang taon na rin nakabukod sa lipunan ng mga tao ang mga taong lobo na kagaya namin. Dahil na rin sa hindi kaaya-ayang nakaraan namin sa lahi nila.
“Ang ganda talaga!” Ito ang madalas naming bulalas sa tuwing pinapanood ang abalang siyudad. Tanaw pati ang liwanag ng mga sasakyan nilang nakahilera sa kalsada.
Halos gabi-gabi kaming tumatakas para lang makita ang magandang tanawin na ito. Lalo na sa buwan ng Disyembre. Nagdiriwang kasi ang mga tao ng pasko, isang selebrasyon kung saan nagkakabit sila ng mas maraming pailaw kaya naman mas nagiging maliwanag ang siyudad nila.
Isang araw, sa kalagitnaan ng tahimik namin na panonood ni Night ay bigla na lang siyang may binanggit.
“Sapphire, narinig ko ang usapan nila Ama.”
“Hm? Anong usapan na naman ba ‘yan? Hindi ba’t sinabi na sa’yo ng nanay mo na huwag kang makisali sa usapan ng matatanda?”
Naalala ko pa kung paano kinabahan si Night noong binanggit ko ang pangaral ng nanay niya sa kanya. Pero agad din naman siyang nagpatuloy sa pagbabahagi sa narinig niyang usapan.
“Narinig ko lang naman ang plano ni Ama. Sabi niya nais niya raw na mamuhay ng mapayapa kasama ang mga tao kaya naman may sisimulan siyang proyekto. Nais niyang bigyan tayo ng kalayaang pumili tulad ng ginawa nila ni Ina.”
Anak ng pinakamalakas na lobo si Night. Anak siya ng alpha ng aming tribo. Sa madaling salita si Night ang tagapagmana ng kanyang pwesto… subalit sa pagkaka-alala ko ay mahina ang pangangatawan ni Night noong bata pa kami. Maraming nagsasabi na hindi siya karapat-dapat na maging alpha.
Ewan ko nga lang ngayon. Hindi ko pa natatanong sa kanya ang tungkol sa kalusugan niya. Lalo na at mukhang maayos naman ang pangangatawan niya matapos ng nasaksihan ko kanina.
Sa parehong gabi din na iyon kami nangako sa isa’t isa.
“Kung totoo nga ‘yan, sana magkasama pa rin tayo sa mga panahon na ‘yan.”“Oo naman. Sigurado ako na isa ka sa mapipili ni Ama at kapag nasa siyudad na tayo, sabay ulit tayong manood ng mga sumasabog na ilaw sa langit.”
“Pangako?”
“Pangako.”
Woah. Napaka-inosente pa naming dalawa noon. Tapos… ano na ang nangyari ngayon? Malamang wala na ring silbi ang pangako naming iyon. Isa na lang ‘yung munting alaala.
“Sapphire?”
Bumilis ang pagkilos ko nang muli kong marinig ang boses ni Nanay. Nagmamadali akong humarap sa salamin para siguraduhin na maayos ang buhok ko.
“Opo. Tapos na po!” sigaw ko saka binuksan na ang pinto.
Hindi lang naman ang pangako na iyon ang alaala na mayroon ako kasama si Night, marami pa. Sa katunayan, isa sa mga tumatak sa akin ay ang araw na nagsimulang lumamig ang pakikipagtungo niya sa akin.
Ginto ang kalangitan noong araw na iyon. Katatapos lang ng pagdiriwang namin sa kaarawan ni Night. As usual, tumakas ulit kami.
Oo kami na ang matigas ang ulo. Ngunit ika-labing dalawang taong kaarawan iyon ni Night, at nais namin na tapusin ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsalubong sa mga maliwanag na ilaw ng syudad.
Ngunit may hindi magandang nangyari – isang aksidente. Hindi ko na gaanong maalala ang sunod na mga pangyayari, maliban sa namumulang mukha ni Night at ang tanawin ng dumidilim na kalangitan. Idagdag pa ang nakakatakot na pakiramdam ng nahuhulog.
Kinabukasan napag-alaman ko na lang na nawalan ng balanse sa itaas ng puno si Night sanhi para mahulog kaming dalawa. Nagtamo ako ng matinding pinsala sa ulo na nagdulot ng panandaliang pagkalimot. At nang bumalik lahat ng alaala ko, una kong binisita si Night na nauna nang nakalabas sa pagamutan. Kaya lang noong muli kaming nagkita ay ibang Night na ang nadatnan ko.
Ayaw na niyang tumingin sa mga mata ko sa tuwing nag-uusap kami. Para bang palagi siyang pagod at hindi interesado sa mga sinasabi ko.
Ewan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Basta-basta na lang siyang nagbago. Siguro may kinalaman dito ang aksidente. Pero kung ganun, madali rin naman namin itong mareresulba kung pinag-usapan lang namin ito. Hanggang sa lumipas ang mga taon, hindi pa rin naibalik ang dati naming pagkakaibigan.
Kaya naman eto na kami ngayon. Nasa tamang edad na at parehong naatasan na pag-aralan ang mga tao. Nangyari ang lahat ng ito na hindi ako kinakausap ng matino ni Night. Hanggang sa napuno na rin ako. Matagal nang patay sa akin ang mabait at inosente na si Night, ang naiwan na lang ay ang arogante na anak ng alpha ng tribo namin.
Sampung taon namin na pinag-aralan ang mundo ng mga tao para lang makapag-halubilo kami sa kanila na walang anumang problema. Natuto kaming gumamit ng mga modernong kasangkapan kagaya ng cellphone at laptop. Nag-aral din kami ng iba’t ibang salita at diyalekto. Lahat ng ito para lang maging matagumpay ang plano ng tatay ni Night para sa hinaharap ng kabataan ng tribo namin.
Higit na mas mahiwaga ang kabundukan namin kaysa sa siyudad ng mga tao kaya sobra-sobra ang biyaya na aming natatanggap. Ang proyektong ito ay hindi para iligtas ang buhay namin, para ito sa kalayaan ng kabataan na pumili ng sarili nilang hinaharap. Sa paglipas ng panahon hindi maaari na manatili na lang kami sa kabundukan.
Sa mga mata ng hindi karapat-dapat ay isa lamang ordinaryong kagubatan ang nasa kabundukan namin. Ngunit para sa mga pinagpala at may magandang intensyon, ay isa itong mahiwagang kabundukan. Kaibigan namin ang kalikasan, kaya naman pinahintulutan kami na gumamit ng kapangyarihan nito.
Isa kami sa maraming nilalang na sinasabing gawa-gawa lang ng malikot na isipan ng mga tao. Ngunit walang mabubuong kwento kung walang naging saksi. Nangyari ito ilang libong taon na ang nakaraan, matapos ang isang malaking hindi pagkakaunawaan ay napagpasyahan ng aming mga ninuno na manatili na lang sa kabundukan para patuloy na magtago sa proteksyon ng aming kagubatan.
“... Ngunit hindi ako papayag na mananatiling limitado ang lugar na ating maaaring tapakan! Kaya naman ipagdasal natin ang tagumpay ng proyekto ng ating kabataan… Para sa mas maliwanag at mas mapangahas na hinaharap ng ating tribo!”
Tumatak sa isipan ko ang mga katagang ito ni Ginoong Roan, ang alpha ng aming tribo.
Tunay nga na maliwanag at mapangahas ang kinabukasan na pinapangarap ng aming pinuno. Lalo na at siya mismo ay umibig sa ibang nilalang. Isang kalahating tao at kalahating kambing ang nanay ni Night. Faun sila kung tawagin ng mga tao. Mga nilalang din sila ng kagubatan, at nagtataglay ng kakaibang talino.
Simbolo ng tunay na pag-ibig ang alpha at ang kanyang asawa. Isa si Ginoong Roan sa ilang taong lobo na nangahas makipag-siping sa ibang nilalang. May ilan na umalis ng tribo para lang ipaglaban ang pag-ibig nila. Ngunit iba na ngayon, dahil ang mismong alpha na ang may kagustuhan ng pagbabagong ito. Dumaan siya sa butas ng karayom makuha lang ang pahintulot ng matatandang babaylan ng aming tribo.
Marami ang nagdiwang nang marinig ang tungkol dito. Siguro nga ay masyado nang masikip ang kabundukan para sa malaki naming tribo.
“Ah! Mahal na Diyosa ng kalikasan! Tunay na maganda ang iyong biyaya!” Ito ang naalala kong papuri ni Nanay nang dumating kami sa pagdarausan ng seremonya.
Maliwanag pa ang kalangitan ngunit madilim na ang loob ng sagradong latian. Puno ito ng matayog na puno at makapal na dahon. Tanaw din sa magkabilang gilid ang kulay puti at rosas na bulaklak ng lotus. May mga alitaptap din sa buong paligid na nagsisilbing ilaw.
“Para silang mga ilaw sa siyudad.”
“Napakaganda,” rinig kong bulong ni Tatay.
Napangiti na lang ako habang inaabot ang kamay ng mga magulang ko.
Hindi lang basbas ng inang kalikasan ang sadya ng sampung batang lobo. Sa araw na iyon ay nakilala ko ang magiging kapares ko sa proyekto ng aming tribo sa syudad ng mga tao.
Dahil may oras pa ay wala muna sa mga pamilya ang umupo sa pwesto nila, syempre ganun din kami. Kaliwa’t kanan ang pagbati nina Nanay at Tatay sa mga kaibigan nila at mga anak nito. Hindi rin naman ako makatakas lalo na at masikip ang kapit ni Nanay sa mga braso ko.
“Kumusta Ruby?” bati ni Aling Sunny kay Nanay. Si Aling Sunny ang kilalang manggagamot sa tribo namin. Siya ang tagagawa ng mga kapsul na pampakalma ng pangangandi. Anak din siya ng isa sa apat na babaylan kaya pinagkakatiwalaan siya ng pamilya namin pagdating sa mahika’t medisina.
“Maayos naman, Sunny. Naku! Ang laki at ang ganda-ganda ni Rose.”
“Ah, salamat naman, Ruby. May katigasan nga lang ang ulo. Si Sapphire din. Hindi lang siya lumalakas sa bawat taon na nagdaan, gumaganda rin siya lalo.”
“Tunay nga na nahati ng pantay ang minana niyang katangian mula sa inyong mag-asawa, Ruby.” Dagdag naman ni Manong Kirby.
Ah. Hindi ko kayang pakinggan ang mga papuri nila. Nagbolahan pa talaga ang mga ito.
Pasimple kong inalis sa braso ni Nanay ang kamay ko. Hindi rin naman niya ito napansin dahil tuluyan na siyang nalibang sa pakikipagkwentuhan.
“Rose. Rose.”
“Maglakad-lakad muna tayo?”
Pareho kami ng nasa isip ni Rose kaya tumango ako saka inabot ang kamay niya. Sabay kaming tahimik na naglakad palayo sa mga magulang namin na nalibang na sa usapan nila.“… sa totoo lang tunay ang sinabi ni Mama tungkol sa iyo, Sapphire.”
Bigla itong binanggit ni Rose sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.“Tunay ang alin?”
“Tungkol sa lakas mo. Hindi ka pa man nakakalapit ng husto kanina, pero ramdam ko na agad ang lakas mo. Tunay nga na lumalakas ka sa bawat pagdaan ng taon, Sapphire.”
“Talaga? Pasensya na, hindi ko pa kasi binibisita ang santuwaryo simula noong nag-labing siyam na taon gulang ako.”
“Hay naku, Sapphire. Gusto mo bang samahan kita pagkatapos nito?”
“Oo naman.”
Nakangiti na binalot ni Rose ang braso ko bago kami nagpatuloy muli sa paglalakad. Habang nag-uusap pa ang mga magulang namin ay minabuti na muna namin na maghanap ng upuan. Nakahanda na ang hilera ng malalaking bato para sa mga upuan namin.
Si Rose na ang pinapili ko, wala namang problema sa akin kung saan ako uupo. Maliban na lang kung malapit dito ang partikular na persona.
Pero para bang nanunukso ang panahon noong araw na iyon, dahil iniisip ko pa lang ay biglang dumating ang taong tinutukoy ko sa tapat namin ni Rose.
“Oh. Magandang umaga, Night!” masiglang bati ni Rose.
At tulad ng inaasahan ay wala siyang nakuhang tugon mula rito. Walang emosyon niya kaming sinipat mula ulo hanggang paa bago tumalikod at nagpatuloy lang ulit sa paglalakad.
“Sungit.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung ayaw niyang batiin si Rose, edi sana hindi na lang din siya huminto.Sa mga sandaling iyon ay napagtanto ko na tama ako ng hinala. Hindi na nga interesado sa pangako namin si Night. Tuluyan nang nabaon sa limot ang pangako na iyon.
“Hayaan mo na siya, Rose,” sabi ko sabay hila kay Rose para umupo.
“Hm? Hindi pa rin kayo nagbabati?” tanong ni Rose, na hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya ng lantaran.
“Nagbabati? Bakit? Kailan ba kami nag-away?”
“Uh… Uhm… Hindi pa nga.” Hindi na dinugtungan ni Rose ang sasabihin niya, at agad na iniba ang paksa ng usapan namin. “Oo nga pala. Alam mo ba na nasasabik na akong malaman kung sino ang makakasama ko,” batid niya.
Kung nasasabik siya ay kinakabahan naman ako. Kinakabahan ako sa mga papuri na ibibigay sa akin, lalo na sa inaasahan ng iba sa akin bilang anak ng tatay ko.
Isang beta si Tatay. Kung lakas ang pagbabasehan ay pangalawa siya sa alpha. Marami akong naririnig na usap-usapan na maaaring si Tatay ang susunod na alpha kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Ginoong Roan. At bilang anak niya, namana ko rin ang taglay niyang lakas.
Alam ko na ang malalakas na mga babae ay hindi karaniwang kinikilala sa lipunan ng mga tao. Ngunit walang diskriminasyon sa tribo namin. Kaya naman madalas akong pagsabihan ni Tatay.
“Malakas pa si Roan, ganoon din ako. Hindi man tiyak kung kailan, pero maaaring darating ang panahon na magkakaroon ng unang babaeng alpha ang tribo natin.”
Hindi ko alam ang isasagot sa tuwing binabanggit ito ni Tatay.
Ako? Isang alpha? Hindi ko yata kaya.Magkaiba ang pagkakaroon ng pisikal na lakas sa pagiging pinuno ng malaking tribo. Isa pa, para kay Night ang tadhana na ito. Hindi man bumalik sa dati ang pagkakaibigan namin ngunit nirerespeto ko naman ang damdamin niya.Siya lang ang tanging magiging tagapagmana ng pwesto, hindi ako.“Oh. Mukhang magsisimula na, Sapphire.” Kinalabit ako ni Rose sanhi para dumako ang tingin ko sa harap.
“Dito ba kami?” tanong naman ni Nanay na kakatapos lang ata makipag-usap kina Aling Sunny.
Tumango ako bilang sagot habang tanaw ko naman sa harap si Night kasama ang mga magulang niya.
“Magsisimula na ang seremonya!” anunsyo ng tagapagsalita ng pagdiriwang.
Binalot ng maalingawngaw na tunog ang loob ng latian habang hinahampas ng tagapagsalita ang gintong gong bilang tanda ng pagsisimula ng seremonya.
Simple lang naman ang mga nangyari sa seremonya. Pagdarasal sa diyosa ng kalikasan at pagligo sa mahiwagang ilog ng buhay. Ngunit sa kabila nito ay hindi ako mapakali.
Mas sumama pa ang pakiramdam ko pagsapit ng hapon. Isa-isa kaming pinapunta sa tahanan ng alpha. Naroroon kasi ang silid para sa sampung mga kabataan. Suot ko na ang kulay puti kong pulseras. Ang sabi kasi ay ito ang magiging palatandaan namin ng makakasama ko.
Dapat pala naniwala na ako sa kutob ko. Kung alam ko lang ay dapat sinubukan ko nang kausapin si Tatay tungkol sa magiging kasama ko sa misyon. Baka sana ibang tao ang kasama ko ngayon sa proyekto.
Pagpasok na pagpasok ko sa silid ay una kong nakita ang puting pulseras ng kapares ko tapos sunod kong tiningnan ang mukha niya…
SAPPHIRE “Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno. Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako. “Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito. “Paanong ako lang?” “Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.” Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin. “Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya. Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon. “Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalag
SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku
SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa
SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang
SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha
SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong
SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n
SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse