SAPPHIRE
“Ano!? Hindi pwede!” bulalas ko nang marinig ang desisyon ng pinuno.
Nangyari na nga ang nangyari. Sa araw na iyon ay si Night ang may suot ng parehong puting purselas. Agad akong umapela sa pinuno para baguhin ang desisyon nila ngunit nabigo lang ako.
“Pasensya na Sapphire, ikaw lang ang naaangkop na kasama ni Night,” pangangatwiran nito.
“Paanong ako lang?”
“Ikaw lang ang may sapat na lakas para maging kapares ni Night. Alam ko na hindi pa niya nararating ang hustong lakas para maging ganap na tagapagmana ko pero hindi maitatanggi na sa lahat ng mga batang lobo, pagdating sa lakas pangalaw— halos pantay lang kayo.”
Kung minamalas naman talaga ako, oh. Ginawa pang basehan sa pagpili ng pares ang mga kakayahan namin.
“Itinalaga kami na maging mga estudyante, tama ba, Ama?” Biglang binuka ni Night ang bibig niya.
Kung tama ako ng naaalala ay iyon ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Night noong araw na iyon.
“Oo. Dahil kayo ang pinakamalakas na pares kaya itinalaga namin kayo sa posisyon na ito. Araw-araw kayong papasok sa eskwelahan at makikipag-salamuha sa mga tao. May tiwala kami na magagawa niyo ito ng maayos.”
“Kahit sino ay ayos lang para sa akin. Wala akong pakialam kung sinuman ang ipares mo sa akin, Ama. Kumpyansa ako na magagawa ko ang misyon ko.”
Malinaw pa sa akin ang mukha na suot ni Ethan noong sinabi niya ang mga katagang iyon. Kita ko sa gilid ang matigas niyang ugat sa panga at ang magkasalubong niyang mga kilay.
Seryoso siya.
I know Night. That must have hurt his pride listening to his own father’s opinion of him. Maski pa na sinubukan nito na bawiin ang opinyon niya, narinig na ito ni Night.“Wala kang pakialam?” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya kailangan ko pa siyang tanungin ulit. “Seryoso ka ba?”
Tila matigas na kahoy na humarap si Night sa akin at sinabi na, “Sa tingin ko ay isa itong magandang pagkakataon para patunayan sa lahat kung sino ang nararapat na maging alpha.”
Tama na naman ako ng hinala.
Dahil kasi sa mga kumakalat na usap-usapan ay inakala siguro ni Night na totoong interesado ang pamilya namin na agawin ang posisyon sa kanya. Kaya naman ay tatlong beses ang ikinasama ng ugali niya sa tuwing kausap ako.“Naririnig mo ba ang sarili m—”
“Ayaw mo ba?”
“Ano?”
“O baka naman natatakot ka lang sa akin? Takot ka na mapatunayan na mas marami akong alam sa mga tao at tanging ang taglay mo lang na lakas ang mayroon ka laban sa akin. Takot kang malaman na mas magaling pa rin ako sa’yo.”
Hindi lang naging masama ang relasyon namin ni Night, para bang nagkaroon na rin ng kompetisyon sa pagitan naming dalawa dahil sa palakas nang palakas kong katawan. Pero gaya nga ng sinabi niya kulang ang lakas, kailangan ko rin maging matalino para mapagtagumpayan ang proyektong ito. And for some reason, hearing him saying that I am all strength and no brain hurt my pride.
“Takot? Hindi ako natatakot—Sige! Pumapayag na ako! Kapares ko na si Night.”
Sa sobrang inis ko kay Night sa mga sandaling iyon ay hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang desisyon nila. Mabilis kong tinapon ang natitira kong pasensya at tinanggap siya bilang kapares ko.
Sa katunayan ay hihingi pa sana ako ng konsiderasyon, dahil ayaw kong gawin itong kompetisyon lalo na at wala naman talaga akong interes sa pagiging alpha. Ngunit nakakagalit marinig na lakas lang ng katawan ang kakayahan na mayroon ako.
“Talaga?” gulat na tanong ng pinuno.
“O-Opo. Payag na po ako.”
Wala na rin akong magagawa kung buo na ang desisyon ng matatandang lobo.“Magaling. Nais kong puntahan niyo ang babaylan bukas at kunin ang kapsul para sa buwanang pangangandi.”
At ganun na nga. Mabilis na dumaan ang isang linggong paghahanda para sa proyekto. Pagdating namin sa siyudad ng mga tao ay agad naming ginamit ang pagkakakilanlan na matagal na naming ineensayo na maging.
Ako si Sapphire Cruz, wala namang nagbago sa totoo kong pangalan, ang naiba lang ay nagmula ako sa pamilya ng mga negosyante sa isang malayong probinsya. Habang si Night naman, o Night Dela Monte ay ang anak ng gobernador ng probinsya namin. Hindi ito masyadong nalalayo sa tunay na antas ng buhay niya sa tribo.
Unti-unti na kaming nasasanay sa buhay ng mga tao… at least ako, paunti-unti. Pero mukhang iba ata ang kaso pagdating kay Night. Aakalaing lumaki siya kasama ang mga tao sa paraan ng pakikisalamuha niya sa mga ito.
“Teka. Teka nga muna, Night!” Hinabol ko siya bago pa niya ako iwanan sa koridor.
Huminto naman siya bago nakasimangot na lumingon sa akin.
“What is it?” suplado niyang tanong.Aba. Kita mo itong lalaking ito. Kinakausap ng maayos tapos bigla na lang magagalit? Ganito na lang ba talaga siya kadismayado na naistorbo ko sila?
“Ito,” ani ko sabay abot ng kamay ko.
“Ano ‘yan?” aniya sabay kunot ng dalawa niyang kilay.
“Suppressant. Sa palagay ko ay kailangan mo ‘yan para mabawas-bawasan naman ‘yang init mo sa katawan,” saway ko sa kanya.
Saglit siyang natulala kaya agad ko nang hinablot ang kamay niya at sapilitan na inilagay sa palad niya ang kapsula. At saka ako nagmadaling naglakad palabas ng koridor.
Akin sana ‘yun. Pero base sa nakita ko kanina ay mukhang mas kailangan pa niya ang gamot na iyon. Mukhang mas mahaba ang pangangandi niya ngayong buwan.
Pangangandi, o estrus sa Ingles, ang tawag sa buwanan na pagiging aktibo sa sekswal na pangangailangan ng mga taong lobo. Natural lang ito, pero minsan ay napaka-maselan. Lalo na sa mga batang lobo gaya namin, kung saan likas din na mataas ang s*x drive at nasa punto pa lang ng paghahanap ng kapares sa buhay o mate. Hindi namin ito kayang kontrolin, lalo na sa harap ng nakatadhana na maging mate namin. Maliban na lang kung iinumin namin ang gamot na nagmula pa sa mahiwagang kapangyarihan ng mga babaylan. Ito ay biyaya sa kanila ng kalikasan.
Kapsul lang naman ang tawag namin dito sa bundok, pero mukhang may termino rin ito sa Ingles. Suppressant ang tawag nila rito. At ‘yun nga ang binigay ko kay Night kanina para naman kumalma ang laman niya.
Habang nasa silid aklatan ako ng unibersidad noong isang linggo ay nadiskubre ko ang mga termino na ito. Estrus at mate. Nagulat ako nang nadiskubre ito sa libro na tumatalakay tungkol sa mga hayop. Tunay na namumukod tangi ang lahi namin sa mga tao.
Siyempre, hindi pwede na magpahuli ako kay Night pagdating sa pangangalap ng impormasyon. Isa pa marami rin akong natutunang salitang Ingles. May mga pagkakataon nga na nag-Iingles na ako sa isipan ko.
Siguro sadyang nagpapakitang-gilas lang si Night para gamitin ito sa pang-araw-araw niyang pakikipag-usap sa iba.
“Hey, Sapphire!” tawag sa akin ni Bettina nung malapit na ako sa silid namin.
Don’t tell me inabangan niya ako sa pinto?Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon?Isa siya sa mga kaklase kong habol nang habol kay Night. I bet she has also slept with Night to act this clingy to him.
Hay, naku. Ilang babae na ba ang nakuha niya simula noong dumating kami sa siyudad na ito?
SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku
SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa
SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang
SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha
SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong
SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n
SAPPHIRE “Aaah! Pumasok si Night! Pumasok si Night! Papunta na siya rito! Quick! Girls!” Ah. Eto na naman tayo sa mga tili ng mga babae naming kaklase. “Woah. Sinong may sabi na absent ngayon ang Prince ng classroom na ito?” biro ni Joseph. “Wala naman. He does whatever he pleases,” tugon ko. Hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko imbes ay hinablot ko ang notebook ni Joseph para bilisan ang pagsusulat ko. “Night, good morning.” “Good morning, Night. Kumusta ang tulog mo?” “Night, ba’t ka wala kahapon?” “Pati noong mga nakaraang araw din, Night. Ang lungkot tuloy ng klase.” Pero kahit anong gawin ko na pag-focus sa pagsusulat ay rinig na rinig ko pa rin ang tili ng mga kaklase ko. Lalo na nang pumasok na si Night ng silid. Wala na akong takas lalo na at nasa gilid ko lang siya nakaupo. Ano ba naman ‘tong mga ‘to.Para silang teenager kung humabol kay Night. Sa pagkakatanda ko, dapat matagal na silang tapos sa yugtong ‘to ng buhay nila. Nasa kolehiyo na sila. “E-Excuse
SAPPHIRE Malinaw pa sa akin ang nararamdaman kong kaba noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa panay na pagkabog ng dibdib ko. Kasabay nito ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. Hindi ako makapaniwala na dumating na ang araw na pinakahihintay ko… pinakahihintay naming dalawa ng dati kong malapit na kaibigan. Matagal ko nang pilit na nilalayo ang isipan ko sa kanya. Ngunit sa mga panahon na gaya nito, gaya ng pagdiriwang ng pagtungtong sa hustong gulang ng kabataan ng tribo namin… imposibleng hindi ko siya maalala. May sapat pa akong oras para maghanda kaya hindi na ako nagmadali. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nakaupo na lang ako magdamag. Tumayo ako at inabot ang kabinet ko. Pagbukas ko pa lang dito ay agad ko nang nakita ang puting blusa na hinanda ni Nanay para sa akin. Ito ang blusa na suot niya noong sumapit ang ika labinlimang kaarawan niya. Espesyal para sa aming mga taong lobo ang taon na ito dahil madalas ay dito nagsisimula ang pangangandi namin. Isa itong maha