author-banner
Yoongdy
Yoongdy
Author

Nobela ni Yoongdy

The Alpha's Heat

The Alpha's Heat

Ako si Sapphire, isa akong taong lobo. Isa ang lahi namin sa maraming nilalang na sinasabing produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao. Siya si Night, ang anak ng alpha ng aming tribo. Matagal ko na siyang kilala ngunit kamakailan lang nang muli kaming nag-usap. Sa hindi malaman na dahilan ay masungit at malamig siya sa akin. Siya ang dati kong malapit na kaibigan, pinaglayo kami ng isang aksidente. Malungkot man ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin, namuhay naman ako ng normal sa kabila nito. Pero sa paglipas ng mga taon ay muli kaming pinagsama sa isang proyekto para sa kinabukasan ng aming tribo. Ang mas malala pa rito ay kailangan namin na tumira sa iisang bubong. Paano ko kaya malalagpasan ang matinding pagsubok na ito sa buhay ko? May pag-asa pa kaya na maibalik ang dati naming pagkakaibigan? O baka may iba pa kaming madiskubre sa isa’t isa na maaaring magsilbing mitsa ng mas malaking pagbabago sa matagal nang sira naming relasyon.
Basahin
Chapter: Night's Estrus
SAPPHIREUgh. Ang sakit ng katawan ko. Nagising ako na nasa loob na ako ng silid ko, at para bang walang nangyaring aksidente kagabi. Oo, masakit ang katawan ko. Pero wala na ang estrus ko. Wala na ang init sa katawan ko, pati na rin ang tenga at buntot ko. At lalong-lalo nang hindi natuloy ang pagtubo ng mga balahibo ko.Hindi ako naging taong lobo. Anong nangyayari sa katawan ko? Anong klaseng estrus ang bigla-bigla na lang dumarating tapos agad din namang nawawala?Nangangamba ako ng lubos sa maaaring nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan sa tanang buhay ko. Dito pa talaga nangyari sa syudad ng mga tao kung saan malayo ako sa mga magulang ko at sa babaylan ng aming tribo.Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ang kapaligiran ko sa mga pagbabagong ito.Kailangan kong makausap si Night tungkol dito. Kailangan naming pag-usapan ang mga kakaibang pangyayari na ito at pagdesisyonan kung sasabihin ba namin agad sa alpha o pag-oobserbahan pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil ito n
Huling Na-update: 2022-12-27
Chapter: To the Rescue
SAPPHIREMahigit kumulang isang oras ang lumipas matapos ang maikling bangayan namin ni Night ay lumabas ulit ako ng silid ko para magluto. Ginisang gulay lang naman ang niluto ko. Mabilis lang, hindi inabot ng isang oras ang pagluluto ko.At, ooh! Kagaya ng iniisip ko. Hindi hamak na mas gusto kong nababalot ng masarap na ulam ang bahay na ito kaysa sa nakakahilong amoy ng pheromones ng sinumang malib*g na mortal.Sobra-sobra para sa isang tao ang niluto kong hapunan. Dahil kahit masakit sa ulo si Night, may respeto pa rin naman ako sa iba. Isa pa, pinagkatiwala siya ng mga magulang niya sa akin. Baka ako pa ang masisi kung mamatay siya sa gutom dito sa syudad.Nang matapos ako sa paghahanda ng lamesa ay tumungo na ako sa sala para ayain si Night kumain. Kaso wala siya rito.Asan na naman kaya ang lalaking ‘yun? Lumabas na naman kaya siya? Sumilip ako sa pintuan at baka wala ang tsinelas o sapatos niya. Pero, andito naman lahat.“Hoy, Night!” tawag ko sa kanya.Nasa banyo kaya itong
Huling Na-update: 2022-11-05
Chapter: Night's Guests
SAPPHIRE Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa baha
Huling Na-update: 2022-11-01
Chapter: Sapphire's Estrus
SAPPHIRE Lumalalim na ang gabi. Patungo na rin sa r***k ng kalangitan ang bilog na buwan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng natutulog kong diwang lobo. Hindi ako masanay-sanay sa pakiramdam ng pagsisimula ng estrus ko. Alam kong hindi mabilang na ang mga buwan na nagkaroon ako nito ngunit sa bawat buwan ay tila ba pabago-bago ang sintomas ng estrus ko. At nitong mga nakaraang buwan ay tila ba mas umiinit ang katawan ko. Higit sa lahat, napansin ko rin ang mas matinding side effects nito noong dumating kami sa siyudad ng mga tao. Marahil dahil sa nasa bagong lugar kami kaya ganito na lang kung umarte ang pheromones ko. Ewan ko lang kay Night. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa mga pagbabago sa katawan niya. Isa pa, hindi na kami ganoon kalapit para kamustahin ko ang kalagayan ng katawan niya tuwing estrus. Mga bandang alas diyes ng gabi ay nagsimula nang uminit ang katawan ko. Oo. Kakainom ko lang kanina ng suppressant kaya medyo kampante ako na agad na kakalma ang anumang
Huling Na-update: 2022-10-29
Chapter: Night's Mission Strategy
SAPPHIRE Sabado nga pala bukas. Kaya naman pala nagmamadali na umalis ‘yung kasama ko kanina. Ewan ko ba, sa tuwing sabado kasi ay halos walang palya siyang nasa labas. Maliban sa unang linggo na dumating kami rito. Maayos naman siyang umuuwi pagkatapos ng bawat klase namin tuwing biyernes. Ngunit simula noong ikalawang linggo hanggang ngayon ay parati na siyang lumalabas mag-isa. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang sadya ni Night sa mga paglabas niya. Dahil sa totoo lang ay ngayon ko lang din siya natanong. Ngunit may pakiramdam ako na may hindi pa siya sinasabi sa akin. * * * Habang nasa daan si Night ay napapaisip siya sa tanong sa kanya ni Sapphire kanina. Hindi ba pwedeng intindihin na muna ng dalaga ang sarili niya kaysa makiusyoso sa mga ginagawa ni Night? Lalo na at naaamoy na ng binata ang papalapit nitong pangangandi. Maihahalintulad sa buwanan na pagdurugo ng mga babaeng tao ang pangangandi ng mga babaeng taong lobo. Patapos na ang kanya, kaya tiyak ay susunod na si Sa
Huling Na-update: 2022-10-23
Chapter: Daily Life with Night
SAPPHIRE “Oo, ano ‘yun Bettina?” kalmado kong tanong sa kanya nang malapit na ako sa pinto ng silid namin. Tila ba biglang nawala ang angas ng mukha ni Bettina kanina noong tinawag niya ako. Bigla siyang umamo habang dahan-dahan na pinakita ang kanang kamay niyang nakatago sa likod niya. “Uhm, this,” aniya habang inaaabot ang maliit na kulay rosas na plastik. May laman itong bilugan na tinapay, hindi ko man ilapit ang ilong ko ay amoy na amoy ko pa rin ang tamis nito. “Ano ‘yan?”Pamilyar sa akin ang amoy nito ngunit hindi ko ata magawang ibulalas ang pangalan o tawag dito. “Pagkain ba ‘yan?” dagdag ko ulit na tanong. “It’s cookies, duh?” pagtataray na naman niya. Ano ba ang problema ng babaeng ‘to at paiba-iba ata siya ng timpla sa tuwing kausap ako? Pero… cookies pala ang tawag dito? “Kung ganun… nakakain ba ‘yan?” tanong ko na naman.Kasing bango nito ang tinapay sa tindahan na katabi ng tinitirhan namin na gusali ni Night. Hinablot ni Bettina ang pagkain bago ako tinaliku
Huling Na-update: 2022-10-13
Maaari mong magustuhan
The Last Vampire Chronicles TAGALOG
The Last Vampire Chronicles TAGALOG
Other · Babz07aziole
18.6K views
Into The Dark
Into The Dark
Other · Totoy
12.9K views
My Pet Wolf
My Pet Wolf
Other · Elixr Victoria
12.5K views
His Hunter Luna
His Hunter Luna
Other · pinkfantaxxy
11.5K views
Loved and Chained
Loved and Chained
Other · SGirl
11.5K views
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status