Share

THE  UNWANTED WIFE IN THE PAST (1800)
THE UNWANTED WIFE IN THE PAST (1800)
Author: APPAH

PROLOGO (ALL CHAPTERS ARE UNEDITED)

Nanginginig ang aking mga kamay, dama ko ang panlalamig dahil sa kaba at takot, hindi mawari kung anong kapalaran ang siyang nag hihintay sa akin.

I should have chose to run away and hide from them.

I should at least fight for my freedom and live with my own will.

I should have disobey him from the very beginning at hindi na pinaabot sa puntong ito.

Bumaon ang aking mahahabang kuko sa aking palad kasabay ng maliliit na pag patak ng aking dugo sa suot kong trahe de boda hinayaan kong mag mantsya ang pulang likido not minding If my blood will stain the million dollar gown that my father spent for this wedding.

Napabaling ako sa labas ng bintana, madilim at malakas na ang ulan habang lulan ako ng sasakyan pa puntang simbahan upang maipag isang dibdib sa lalakeng hindi ko nakilala.

Ni wala sa hinuha ng aking panaginip na gaganapin ang aking kasal sa ganitong sitwasyon at klase ng panahon. Maging ang kalikasan ay tila tutol sa kasalang ito at nakikiramay sa pag sisilakbo ng aking puso.

Alas quatro pa lamang ngunit tila alas siete na ng gabi dahil sa sobrang kapal ng hamog at itim ng ulap.

Napabuntong hininga akong muli.

"I was never informed that there will be a typhoon today." I said while looking to the view outside, hindi sumagot ang aming family driver.

Ilang dekada na ba ito naninilbihan sa aming pamilya? Ngunit ganoon pa man ay nahihiwagaan pa rin ako kay Manong Manuel.

"Manong paki dahan-dahan na lamang at mag ingat po, madulas ang daanan." Muli wala akong nakuhang sagot kay Manong Manuel na aking kinabuntong hininga.

Mas bumuhos ang ulan kasabay ng pag guhit ng tila ugat na kidlat sa kalangitan. Tila ba galit ito sa mundo na malayang nakapag wawala.

I wish I could be the storm and thunder. Both these natural phenomena can easily express their nature.

Wala na, hindi na namin makita ang dadaanan.

Oh great!

Just great.

"MiLady..." Huminto ang sasakyan at sa unang pag kakataon mula noong biyahe at kinausap siya ng kanilang driver.

"Gusto niyo po bang hindi sumipot sa kasal?" Namilog ang kanyang mga mata, weirdo talaga itong matandang ito, at bakit ito nag sasalita sa ganyang bagay?

"P-ardon?" Medyo kinapos siya ng hininga tila nakalimutan niya ang kasalukuyang sitwasyon.

"Manong." Napatawa siya ng pilit kasabay muli ng pag guhit ng kidlat.

"Sabi ko gusto niyo po bang hindi matuloy ang inyong kasal?" Sa pangalawang pag kakataon ay tumingin na ito sa kanya.

Seryoso ang ekspresyon nito habang matiim na nakatitig sa kanya.

Sa kabila ng masungit na panahon ay siya namang pag rinig niya ng sunod sunod na katok sa bintana ng kotse.

Naputol ang titigan nila ng kanilang family driver at binuksan nito ang bintana ng driver's sit.

Nguso ng baril ang sumalubong dito dahilan upang siya ay kabahan at matakot sa kung ano ang possibleng mangyari.

Tumingin ang matanda sa kanya sa rare mirror tila nangungusap sa kaya.

"Andiyan ba ang babaeng Dela Fuerte?" Isa pang boses ang nag tanong.

Dela Fuerte.

Ang ankang kinabibilangan niya.

A family name that she despise.

Ano ang kailangan ng mga ito sa kanya?

"Baba." Tuluyang binalot ng takot ang kanyang buong pagkatao, kasabay ng kayang pag baba suot ang traje de boda ay siyang pag yakap sa kanya ng lamig ng panohon at luha ng ulan.

Isa nanamang pag guhit ng kidlat at pag sabog ng tunog nito kasunod ng pag aninag niya sa mga mukha ng mga taong humarang sa kanila.

"What do you want from me? Who hired you?" May tinig ng takot ang kanyang boses ngunit pilit niyang pinatatatag.

"I can pay all of you, double, even triple, just...just name your price!" Nag agusan ang kanyang masaganang luha, buti nalamang ay umuulan.

Nagtawanan ang mga lalakeng halang ang kaluluwa sa kanya.

Hinanap ng mga mata niya ang kanilang family driver ngunit hindi niya ito makita.

"Paano ba yan? Ang iyong mismong mapapangasawa ang nag utos sa amin na iligpit ka." Tila siya nabingi at hindi makapaniwala.

Alfaro.

The Alfaro hired a criminal to kill her!

Those motherfucker! katulad ko rin ay ayaw niya na maikasal.

He should talk to me, he should at least ask me nicely.

Hindi pa niya nakita sa personal ang lalake, not even in picture, this marriage is all about family business and greed of power, she is just a tool a fucking tool to fulfill their selfish endeavour.

"Sorry miss trabaho lang." Tumutok ang nguso ng baril sa kanya.

Dito nalamang ba siya dadalhin ng hangarin ng kanyang mga Familia.

All her life she follow all her family will, lahat kanyang ginawa upang maging karapatdapat sa kanyang pamilya ngunit ang tanging naging silbi niya lamang ay tila isang bagay na pwedeng ipamigay kahit anong oras upang madagdagan ang kanilang kapangyarihan.

"Siguro'y ganti at kabayaran na lamang namin ito sa pagiging sakim at ganid ng iyong pamilya, tang ina, nag papakasasa kayo sa yaman habang nag hihirap ang mga mamamayan sa bayan natin." Gusto niyang mag makaawa ngunit nasa harapan niya ang patunay na desidido ang mga ito na siya ay paslangin.

Tanging kanyang magagawa ay maagap na tanggapin ang kanyang kamatayan at isumpa ang Alfaro na siyang nag plano at utak ng kanyang nalalabing kamatayan.

"Wala ka ng tatakbuhan, its either you die in my gun or die by falling in the cliff." Saan ba sa dalawa ang dapat kong piliin, dalawang hakbang na lamang ay sa bangin na ang bagsak niya.

Muling humakbang papalapit ang lalake sa kanya ng siyang kanyang pag atras.

"Wag ganyan pare, ebidensiya yan, Ipasok niyo na lang sa kotse at ihulog sa bangin, palabasin niyong aksidente." Matapos mag salita ng lalake ay pinasok siya ng mga ito sa driver sit, pilit siyang nag pumiglas ngunit malakas ang tatlong mga lalake hanggang pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.

Pinilit niyang lumabas ngunit huli na ang tangin nadama na lamang niya ay ang pag ragasa ng sasakyan pababa at mga sakit ng mga bagay at impact na tumatama sa kanya.

Nanlallabo ang kanyang paningin kasabay ng pag agos ng masaganang likodo sa kanyang puting damit pangkasal.

I wanted to live

I wanted to live more, I will do anything just let me live...

Napa iyak ako, kung ito ang aking kamatayan nanunumpa ako.

Isinusumpa ko!

Isunusumpa ko kayong lahat!

Naghuhumiyaw ang aking puso.

Pilit siyang lumabas sa kotse at gumapang sa malapit sa puno, kumapit siya ng mahigpit kasabay ng pagsabog ng kotse.

Sa papasukong diwa at paningin.

Naaninag niya ang pigura ng kanilang family driver.

May hawak itong watch necklace at pinalambitin nito sa kamay habang nakalapit sa kanyang nanlalabong paningin.

Tila siya hinihigop nito, tumigil ang ulan at parang, parang nag bago ang kanyang paligid.

@Appah

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status