Share

KABANATA 2

"Unang-Panahon"

"Sa panahong pinagkaloob bukal ba ito sa puso at loob?"

"Sa kabila nang hindi pag sang ayon duon ba'y paroroon?"

What could be the possible reason why I am here in this timeline?

Ang mga bagay na kinakatakutan at inaayawan ko sa aking panahon ay ngayon ay nakaatang na sa aking balikat.

Una, ang mabilang sa may diktador na pamilya gaya ni Papá at aking mga harmano.

Pangalawa, ang mag karoon ng anak, dahil ni hinuha sa aking panaginip ay hindi ko ginustong mag kaanak, hindi ko alam mag paka ina dahil kailan man hindi ko naranasan ang mag karoon ng Ina. Kaya noon pa man ay pinangako ko sa aking sarili na hindi ako mag kakaanak dahil ayaw ko ng responsibilidad at higit na hindi ko gugustuhing matulad siya sa akin napuno ng diktador na pamilya para sa pera, kalayawan at kapangyarihan.

Pangatlo, ay ang mag karoon ng asawa, kung may pag kakataon lamang na ako ay tumutol noon sa kasal ng pagitan ng mga Alfaro ay mainam ko iyong ginawa.

Pangapat, ako daw ay may kalaguyo, the hell! ang isiping iyon ay nagbigay kilabot ay disgusto sa akin.

Ganoon pa man hindi ko maiwasang maglaro ang mga tanong sa aking isipan.

Sino si Valentina?

Ano ang papel ko sa kanyang buhay at ano ang ugnayan naming dalawa?

Mula sa pagkakahiga sa kama ay pinasya kong pumunta sa malaking salamin.

Minasdan ko ang aking kabuoan.

Ako parin ito, this is my body, this is my vessel, mukha ko ito, pag aari ko ito.

Tinignan ko ang pulang balat sa aking dibdib at dalawa kong nunal sa batok, napahinga ako ng maluwag dahil nanduon pa rin ang mga palatandaan na ako si Elijah.

Ibig sabihin hindi ito gaya ng mga nababasa ko sa libro na tanging kaluluwa lamang ang nakakapag lakbay sa oras at panahon.

Kunganoon nasaan si Valentina?

Bumaling ako sa kanan at nakita ko ang litrato ni Valentina. Para kaming pinag biyak na bunga, sobra nga kaming magkamukha.

Ngunit ako ay ako, siya ay may mahabang buhok at ako ay kulot, mas maamo ang kanyang mukha kaysa sa akin.

Nakangiti ito sa painting, hindi mababakasan na gagawa ng masama.

Dumako ang aking paningin sa baba ng pinta.

Valentina Hernandez Alfaro

"Seniorita nakahanda na po ang hapag para sa hapunan." Napabaling ako kay Tiya Consuela.

Napayuko ako sa hiya at nilaro ang aking mga daliri, pano ba ako hihingi ng awad sa kanya?

"Mag bihis ka na hija, alam mo naman ang iyong mama masyadong istrikta pagdating sa kasuotan at kalinisan sa hapag, lumaki kana, naku! nag asawa at nag kaanak kana ngunit hindi ka parin nag babago, palagi mong sinasadyang bigyan ng sakit ng ulo ang iyong Mama." Umiiling ang matanda at ito na ang nag bukas ng kanyang tukador at kinuha ang isang kulay puti na baro't saya? Simpleng puti lamang ito ngunit may disenyo itong mamahaling mga bato.

"Hallah, ikay maligo at gumayak." Sumunod na lamang ako sa kanyang sinabi.

Ngunit bago ako pumasok sa paliguan ay may isa akong tanong.

"Tiya Consuela ano pong petsa at taon ngayon?" Alam kong hindi ko ito panahon ngunit sana ay hindi naman daang taon ang agwat sa taon na kinabibilangan ko.

"Marso Ika-28 ng 1826 hija." Tumalikod na ako tinago ang aking pagka putla at pagka bahala.

Nagtuluan ang aking mga luha, How on earth I could go back in my timeline?!

Kailangan kong makausap si Manong Manuel. I can't just stay here, I can't be here! Kasalanan ito ng hayop na Alfaro na nag utos na ako ay patayin.

Kung hindi dahil sa kaya wala sana ako sa sitwasyong ito.

Kanina pa ako dito sa gitna ng hagdan, bakit hindi na lamang kasi ako nag pahatid ng pag kain, at isa pa may liwanag pa, bakit ang aga nila kumain? Dinner ba ito o meryenda?

"mamá." Natuod ako sa aking kinatatayuan.

Unti unti akong humarap at pilit na ngumiti sa anak ni Valentina, sobrang gwapo pa rin nito at makatunaw puso ang kaya g ngiti.

kaya ang aking pilit na ngiti ay unti unting naging tunay dahil sa sobrang cuteness nito, hay mukhang isa ito sa mag kakalat ng lahi sa buong pilipinas, after all this kid is an Alfaro.

"Hi little boy." Mas lumawak pa ang nanlaki ang mga mata ng bata.

"Hindi kita maunawan Mama, ganun pa man ipag paunanhin mo po ang aking hindi pag bati, Magandang gabi po." Ow yeah right....May araw pa anak.

Whut Anak?

"Ay hehe, magandang gabi din-" Ano ba ang pangalan ng batang ito?

"ehem, magandang gabi din hijo." Pilit akong ngumiti, hindi pinahalata ang hindi pag alam sa kanyang pagalan.

Mukhang kailangan ko si Tiya Consuela upang pag tanungan nang sa ganoon ay hindi ako mag mukhang adik sa harap nila.

"Halika na at kumain." Hinila ko ang kamay ng bata at napatigil din agad, nasaan ba ang dinning area?

"Bata, este hijo nasaan ang hapag-kainan?" Napasabunot ako sa aking buhok na naka pusod kaya bigla ko itong nagulo. Suddenly I feel frustrated daig ko pa ang naha'hot sit.

Mukhang kailangan kong mag sorry kay tiya Consuela sobrang effort pa naman ng matanda sa pag pusod sa aking buhok.

Saksi ako sa pag buntong hininga ng anak ni Valentina tila nahihiwagaan sa aking kinikilos kaya siguro pinili na lamang nito mag lakad papunta sa hapag kainan na hindi umiimik.

Malayo pa lamang ay samyo ko na ang mababangong pagkain.

"Buenos dias a la!" Sana all magalang baby boy.

"Magandang gabi din Joaquin, pinahanda ko ang lahat ng iyong paborito, halika apo..." Joaquin pala ang pangalan niya at base sa aking nakikita ay paborito ni Don Armando to ang apo.

Maliban sa mga magulang ni Valentina ay may babae at lalake pa sa hapag na hindi pamilyar sa akin.

Ang isa ay tahimik lamang habang ang babae ay harap harapan akong inikutan ng mata.

Umupo na lamang ako sa tabi ng bata, at pilit na pumikit noong nag simula nang umusal ng dasal ang maysa demonyong madrasta ni Valentina.

"Mabuti naman at lumabas ka na sa iyong silid Valentina, bueno, bukas na bukas ay magtutungo dito ang manggagamot na siyang susuri sa iyo Valentina nawa'y hindi mo na adagdagan ang kahihiyang dulot mo sa Pamilyang ito-" Nabitin sa era ang kayang kutsara sa sinabi ng matandang Donya.

"Emelda-" Pigil ni Don Armando ngunit hindi ito nag paawat at parang mas nainis pa nang siya ay sawayin.

"Bakit Armando? kakampihan mo nanaman ang iyong anak, kung totoo ngang may naburang alaala si Valentina mainam lamang na alam niya ang eskandalong kanyang ginawa o marahil ay nasisiraan na ng ulo ang bastardang iyan, hindi na siya nahiya, anak ng Governador ang kanyang Asawa ngunit nangahas siyang makiapid sa ibang lalake." Napasinghap ako, this freak! I thought people in this era are very respectful infront of meal but why this woman has an audacity to act like this?! She's lossing my appetite.

"Kung ako sana ang ipinakasal niyo kay Don Sigma, marahil ay walang gulong naganap gaya nito at walang langaw na patuloy tumutungtong sa kalabaw-"

"Tama na! Emelda! Cristina! Ni hindi manlang kayo gumalang sa Gracia at nakuha niyo pang pag usapan at talakayin ang ganyang bagay sa harapan mismo ng hapagkainan, lalong lalo na sa harap ng aking Apo!" Everything turns into silence, nag punas ang Don ng table napkin at tumayo ito na madilim ang aura.

Maging ang anak ni Valentina ay walang emosyon na tila bingi sa mga paratang ng kanyang Ina.

"Mamá."

"Isa ka pa Damian, bakit dito mo kasi iniuwi ang babaeng iyan ng natagpuan niyo siya sa Ilog, sa pagkakaalam ko siya ay may sariling pamamahay, may mga bisita akong dadating bukas at ayokong makita nila ang bastardang iyan ni maging ang kanyang anino, naiintindihan niyo ba? Kaya mainam na pauwiin niyo na siya sa Hacienda de Alfaro" Nag walk out si Emelda kasabay ang anak nitong babae.

Muling tumigil ang matanda

"Matapos ang pagsusuri sa Iyo ni Dr. Felestine gusto kong lisanin mo ang pamamahay na ito, at ayusin ang gulong iyong sinimulan Valentina."

Hindi ko napigilang umirap ngunit ang likod na lamang nito na nag lalakad paalis ang aking natanaw.

Napaiwas ako ng tingin kay Don Armando, Masyadong maraming nangyayari at impormasyon, hindi ko iyon mapag dugtong dugtong.

Matapos ang mainit na usapan namin sa hapag kainan ay pinili ko na lamang lumabas upang magpa hangin.

Natanaw ko ang Don na papalapit kaya nginitian ko na lamang ito ng tipid hanggang ito ay tumabi sa upuang kahoy.

"Kamusta po si Joaquin?" Tanging tanong ko at tumingin sa malayo.

Para itong may gusto sabihin sa akin ngunit nag aalinlangan.

"Valentina, nakatanggap ako ng liham na darating ang iyong asawa sa unang linggo ng abril." Muli ay para akong tinakasan ng dugo sa sinabi ng Don.

Labis labis na kaba ang aking nadarama.

Asawa?

"Sana naman gampanan mo ng maayos ang iyong responsibilidad bilang asawa ni Sigma lalo na't minsanan lamang umuwi ang iyong kabiyak at sigurado akong alam niya na ang masamang balita." Maagap akong napa inom ng tubig.

Masamang balita?

Anong balita? Na may kalaguyo si Valentina? The hell I care, pag uwi na pag uwi ng lalakeng iyon ipag tatapat ko kaagad na hindi ako ang malandi niyang asawa.

Just eww...

Iisipin ko pa lamang na magiging asawa ko ang asawa ni Valentina ay kinikilabutan na ako lalo na't isa itong Alfaro.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status