Share

KABANATA 3

"Unang-Panahon"

"Sa panahong pinagkaloob bukal ba ito sa puso at loob?"

"Sa kabila nang hindi pag sang ayon duon ba'y paroroon?"

"Sa pag silay sa nakaraan kasagutan ba'y ipagkakaloob?"

Maaga akong nagising, kailan kong makapag isip, I could not just stand and let all the incoming chaos happened in this game.

Unang una possibleng nandito lamang si Valentina, I can't just act like her lalo na't maaring nag tatago lamang ito.

Baka bigla na lamang sumulpot ang totoong Valentina diba?

Pangalawa sino ang kanyang kalaguyo kung may katotohanan ang mga paratang sa kanya.

That woman! Pinapasakit niya ang ulo ko.

Mainam kong ninamnam ang organic na tsa'a habang naka dungaw sa bintana at malayang tinatanaw ang papasikat na araw sa magandang hacienda ng Hernandez.

Mararahang katok ang aking narinig bago bumukas ang pinto ng silid ni Valentina.

"Senorita ang manggagamot ay naririto na." Tumaas ang aking kilay, talagang iniisip ng matandang iyon na may sira na ako sa utak.

"Sige, Papuntahin mo siya sa kinaroroonan ni Mamá Emelda." Yun lamang ang aking sinabi ngunit nakatayo parin ang babaeng katulong na nanlalaki ang mga mata.

"Bakit? Hindi mo ba ako narinig?"

"Hindi po sa gaoon Seniorita, ngayon niyo lamang tinawag na Mama ang Donya dahil mahigpit niyang pinag babawal na tawagin niyo siya sa ganyang salita." ah I get it, that witch loathed Valentina, bukod sa anak ito sa labas ng Don ay marahil may iba pang dahilan.

"Ganoon ba?" Balewala kong saad.

"Ngunit Seniorita, hindi po si Donya Emelda ang mag papasuri kundi kayo po, hinala po namin na nawala ang inyong alaala dahil sa naganap at dinanas niyong aksidente." Nag kibit balikat ako ngunit nakatayo pa rin ang babae na kinataas ng aking kilay.

C'mon Elijah its too early to ruin your day.

"May kailangan ka pa ba?" Umiling ang babae at marahang umupo sa aking kama.

Ow wait, kinilatis ko ito, she look comfortable in my present even the way how she sit in the bed mukhang close sila ni Valentina.

"You know what, sa pamamahay na ito isa lang naman talaga ang may sira sa ulo." I laughed reminiscing about what happened yesterday, kulang na nga lang ay patayin ako ni Emelda.

"Alam ko naman na masama pa rin ang iyong loob sa pagkawala ng bata sa iyong sinapupunan lalo na't hindi pa ito alam ni Don Sigma Senorita, ngunit sana ay mag patingin ka pa rin sa doktor dahil para ito sa iyong ikabubuti." Unti unting naalis ang aking ngiti, tila ako na blanko sa kanyang rebelasyon. W-hat?! this is another revelation about Valentina's life, ano pa ang kailangan kong malaman.

She suffered miscarriage?

At anong hindi alam ni Sigma?

Siguradong malaking gulo ito.

Biglang sumikip ang aking dibdib, pilit kong pinapakiramdaman ang aking sarili.

Halo halong emosyon na tila ay naramdaman ko na noon.

"What...? Anong sabi mo?" Hindi ko namalayan ang luha na lumandas sa aking pisngi. Bakit ba ako umiiyak?

I shouldn't care, I shouldn't feel affected ngunit bakit ba ako nakakaramdam ng ganito.

Suminghap ang babae at naawang tumingin sa akin.

"Seniorita? Maging ang pagkamatay ng iyong anak ay iyong nakalimutan?" Gulat na gulat ito at tumayo.

Habang nagpa lakad lakad sa silid.

"Malaking gulo ito...Paano mo maipag tatanggol ang iyong sarili sa mapang mata na lipunan at mga paratang sa iyong, kung nalimot mo ang lahat?" Maging ito ay parang maiiyak.

Ako naman ay napasabunot sa aking buhok dahil nadagdagan nanaman ang sakit ng aking ulo.

"Ako naalala mo ba ako?" Desperada itong tumingin sa akin habang niyu-yugyog ang aking balikat.

Umiling ako.

Umiling ako sa dalawang dahilan.

Una dahil hindi ko talaga siya kilala dahil hindi ako si Valentina.

Pangalawa hindi ko talaga alam ang pangalan niya.

"Ako si Katrina ang iyong pinsan, lihim mo akong pinasok dito bilang iyong kasambahay natatandaan mo ba?" Para na itong maiiyak.

"Hindi ko natatandaan!" Napataas na ang aking boses dahil sa frustration at nakakahawa ang kanyang kaba.

This damn whole life is a fucking mess. From her family, her marriage with Alfaro, and now the miscarriage incident.

"Seniorita, kailangan mong mag patingin sa manggagamot, upang malapatan ka ng lunas, hindi ito maaring magtagal dahil noong gabing ikaw ay maaksidente nabanggit mo na may gustong pumatay sayo, kailangan mong maalala ang lahat para na rin sa hustisya ng ng Tiya Ciela ang iyong tunay na Ina." Tuluyan ng na blanko ang aking isip kaya matalim kong tinignan ang babae, napapaatras akong tumayo dahilan upang makabig ko ang vase sa gilid at nag likha ito ng ingay.

"Seniorita..."

"Alis!" Nag titimpi kong saad, habang umiiyak.

"Ngunit-"

"I said get out!" Dumagundong ang aking sigaw sa buong silid kaya mabilis tumalikod si Katrina ngunit siya ring pag bukas ng pinto at bumungad si Tiya Consuela.

"Ano ang nangyayari dito, Naku, may mga bisita ang Donya Emelda sa baba Seniorita."

"Umalis kayo sa aking silid, gustong kong mapag isa, at pauwiin niyo na ang doktor-"

"Ano ang kaguluhang ito? Mula sa labas ay dinig ko ang iyong sigaw Valentina!" Matalim ang titig ng Donya sa amin at halatang ubos na ang pag titimpi nito.

"Estupida! Bastarda! Sino ang nag bigay sayo ng karapatang mag eskandalo sa pamamahay ko? " Lumapit ito ng dahandahan at bago pa ako makahuma ay malakas na sampal na ang natanggap ko kay Emelda.

Nag init ang aking mukha sa lakas ng kanyang sampal.

Suminghap ang mga katulong at ng tumingin ang Donya sa mga ito ay para itong mga daga na umalis at nag tago, tanging dalawa na lamang kami ang naiwan.

"Wala kang karapatang saktan ako!" Dahil sa halo halong emosyon at pagka bigla ay malakas ko itong naitulak na kanyang kina d***g at kina upo sa kama.

"Lapastangan ka anong karapatan mong sakatan ang Mamá?" Maging si Cristina ay pumasok na rin sa aking silid at inalalayan ang kanyang Ina, habang matalim na nakatingin sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at akmang lalabas ng may humila sa aking buhok hanggang namalayan ko na lamang na pinag tutulungan na ako ng dalawa.

Mga mura at masasakit na salita ang mamuntawi sa apat na sulok ng kwarto, hanggang may lumapit sa akin na bata at nag mamakaawa na tumigil sila sa pananakit sa akin.

"Mamá, tama na po..." Mas umagos ang aking luha noong pilit akong yinakap ng maliit na katawan ni Joaquin para protektahan sa mga taong nanakit sa akin.

Noong makita ko na kinaladkad ito ni Cristina hila ang kwelyo nito ay hindi na ako naka pag timpi at malakas siyang sinipa sa kanyang puson dahilan upang siya ay mamutla, tila nakulong ang kanyang boses at unti unting dumausdos sa sahig na kinatigil ng Donya dahil sa kalagayan ng kanyang anak.

Umusbong ang aking galit, tila may nag sasabi sa akin na walang pwedeng manakit sa batang ito, na hindi dapat siya masaktan.

"Saktan niyo na ako wag lamang ang aking anak! Kayo na ang nag sabi na Mataas na tao ang aking asawa, sa tingin niyo, pag nakarating sa kanya ang ginawa niyong pananakit sa kanyang unico hijo ay mapapatawad niya kayo?!" Pinunasan ko ang tumulong dugo sa aking noo habang yakap si Joaquin.

I shouldn't dragged him into this mess.

Masyado pa siyang bata at musmos para maranasan at masaksihan ang ganitong bagay.

Ngunit tumawa lamang ang Donya habang nang uuyam na tumingin sa kanya.

"Paano mo magagawa iyon? Sa tingin mo papaniwalaan ka niya? kung ikaw mismo ang siya palaging nanakit sa iyong anak! Kaya hindi na ako mag tataka kung sindya mong patayin ang bata sa iyong sinapupunan o bunga ito ng iyong pag tataksil kaya pinili mong patayi-"

"Emelda!" Duon humahangos na dumating ang Don at matalim na tinignan kaming lahat.

Napako ang mga mata nito sa nag durugo kong noo at punit na kwelyo ni Joaquin.

"De puta!" Sinampal nito si Doñia Emelda na tila hindi nakahuma at gulat sa ginawa ng asawa.

"Pinalagpas ko ang lahat ng panghahamak mo sa aking anak, ikaw ang alam kong mag tatangol kay Valentina ngunit ikaw pa mismo ang mas mag sasadlak sa kanya. Hindi na kayo nahiya, maraming mga panauhin sa ibaba." Naiiling ang Don at ano mang oras ay tutulo na ang luha nito na kinasikip ng aking puso.

"Papá..." Halos sabay naming bigkas ni Cristina. Hindi pa rin makahuma ang Doñia at nauna pang tumulo ang luha nito kaysa sa Don.

Tila nahimasmasan si Don Armando sa kanyang nagwa sa asawa at naging mailap ang mga mata nito.

"Mawalang galang..." Naputol lamang ang aming pagpapakiramdaman ng pumasok ang lalakeng naka kulay puting americano, inalis nito ang brown na sombrero at bumati.

Umawang ang aking labi dahil sa taong dumating na siyang pamilyar, mula sa tinidig nito at ang kanyang walang emosyon na titig

"Mang Manuel..." mahina kong bulong habang napapahigpit ang yakap ko kay Joaquin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status