Share

KABANATA 1

"Unang Panahon"

"Sa panahong pinagkaloob bukal ba ito sa puso at loob?"

Ako ay naalimpungatan ngunit mabigat pa rin ang aking mga mata, tila ako hinihila ng antok ngunit ang aking diwa ay pilit kumakawala at nais akong gisingin sa maagap na pag tulog.

"Senorita...?" May naaninag akong imahe ng babae, puti ang kanyang buhok, pilit ko siyang mas inaaninag ngunit mas nadadaig ako ng panghihina at antok.

"Maagap niyo siyang bihisan, bilis!Ang Doñia ay paririto na anumang sandali!" I can't process what she's talking. Gusto ko na lamang mag pahinga at mahimbing.

"Seniorita Valentina..." May na aamoy akong pabango habang may nag pupunas ng malamig na bagay sa aking mukha.

"Gising na ba siya Tiya Consuela?" Isa nanamang hindi pamilyar na boses ang aking narinig.

"Mukhang naalimpungatan na ang Seniorita." Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata bumungad sa kanya ang bubong ng kama na may desenyong bulaklak.

Buhay siya.

Nabuhay siya matapos ang masalimuot na pangyayaring iyon sa kanyang buhay.

Ngunit nasaan siya?

Sino ang mga taong tumulong sa kanya.

Napahilot siya s sintido ng kumirot iyon.

"Seniorita Valentina."Napabaling siya sa babaeng kanina pa niya naririnig ang tinig.

"Po...?" Naniniguro niyang saad, sino si Valentina?

"Mabuti at ayos ka lamang Hija, saan ka ba nanggaling at anong nangyari?" Duon mas luminaw sa kanyang ala ala ang nangyari sa kanya. At ang salarin ay ang walang hiyang Alfaro.

Nag tuluan ang kanyang mga luha tila bumalik sa kanya ang kaba at takot.

Ka muntik na siyang mamatay, kamuntik nang mabalewala ang mga pangarap niya na nais pa niyang makamit.

Sisiguraduhin niyang makakarating ito sa kanyang Papá. Ang pagtatangka ng mga Alfaro sa kanyang buhay ay nararapat lamang na walang kapatawaran.

Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan, tinignan at sinuri niya ang mga kamay kakaunti lamang ang galos na kanyang natamo.

"Dumating na po si Doñia Emelda tiya Consuela." Napasinghap ang matanda at naging malikot ang mga mata nito bagay na kanyang kinailang.

"Senorita ang iyong Mamá..." Nag aalaa ang himig nito.

Mamá?

Ngunit sumakabilang buhay na ang kanyang ina at hindi Valentina ang kanyang pangalan.

What on earth is happening?

Nag simula siyang tubuan muli ng kakaibang kaba, parang may nag sasabi sa kanyang pakiramdam na may mali at dapat niya itong ikabahala.

Sino ang mga taong ito?!

Why they are acting weird and strange?

Akma siyang mag sasalita upang simulang mag tanong nang pabalyang bumukas ang pinto at linuwa nito ang babaeng may mahabang itim na kasuotan habang may malaki itong abaniko sa kamay.

Puno ng galit at matatalim na tingin ang pinukol nito sa akin, waring hindi masukat ang pagkasuklam nito.

Panganib.

Yun agad ang kanyang nadama habang minamasdan niya ang babaeng patungo sa kanya.

"Layas." Isang salita lamang nito ay nag si alisan na ang mga tao sa silid hanggang kami na lamang dalawa ang naiwan.

Dahan dahan siyang bumangon upang umupo mula sa pagkakahiga at harapin niya ag estranghera na may galit yata sa kanya.

"Tumayo ka Valentina. Hindi mo alam kung gaano kalaking eskadalo ang ginawa mo! Tunay ka ngang bastarda gaya ng iyong ina ikaw ay puta." Pinilit niyang tumayo ngunit isang malakas na sampal ang ginawad nito sa kanya bagay na hindi niya napag handaan at tila kinayanig ng kanyang buong sistema, nag init ang kanyang mga mata, bumuhos ang kanyang luha sa hindi mapangalang sakit.

Never in her life that she taste a slap not even a single bite of mosquito.

This woman doesn't have any rights to slap her. How dare she?! The woman must be insane, ni hindi niya ito kilala, and for the record her mother is not a whore! This Bitch!

"Nakarating na sa iyong asawa ang pakikipag kita mo sa lalakeng Indio. Stupida! Isa kang malaking kahihiyan sa Familia maging sa ating mga kababaihan! Mag karoon ka manlang sana ng delecadeza!"

Umawang ang kanyang labi.

Ano ang pinag sasabi ng babaeng ito?

For Pete's sake she is not even married at mas lalong wala siyang kalaguyo.

"Sinverguenza! (shameless)" Hinila nitong ang kanyang buhok at pilit tinayo kaya walang pag dadalawang isip niya itong tinulak dahilan upang mapasalampak ito sa kahoy na sahig.

"Sino ka ba?! And who give you rights to hurt me! I don't even know you! Aalis na ako! You're crazy!" Gulat ito sa aking giniwa, mabilis akong tumakbo upang lumabas sa silid, bago pa ako nito muling saktan.

Sapo ang aking pisngi habang nag hahanap ng pag laabasan ay patuloy akong nag lakad sa malawak na bahay.

I saw a stair case, as my instinct telling me to step down as I heard the woman's voice from the room ay mas binilisan ko ang pag takbo. Maraming nanlalaki ang mga matang naka tingin sa akin ang iba ay tila gusto akong pigilan.

Tuluyan akong nakalabas sa malaking bahay ngunit sinalubong ako ng sariwang hangin at mga ingay ng kabayo.

Napaatras ako at napasapo sa aking noo.

"Nasaan ako?"

Tila umiikot ang aking paligid pilit kong lininga ang mga nasa paligid ko na siyang pinag hahanapan ko ng kasagutan.

Mansyon na tila hinugot sa makalumang panahon, ang mga tao na maihahalintulad sa civilization ng mga sina unang Pilipino.

Pinilit kong humakbang, I tried to compose myself, All I have to do is to calm myself. Marahil napadpad ako sa lugar na makaluma ang sibilisasyon at hindi pa fully develop na area.

"Seniorita Valentina." Napatingin ako sa Matandang Consuelo.

"Gusto ko nang umuwi, please..." Nahihiwagaan ako sa lugar na ito, hindi ako dito nabibilang.

"Nakita mo ang kagaspangan ng ugali ng iyong anak Armando! Itinulak niya ako, siya'y pinapangaralan ko lamang ngunit sadyang nanalaytay sa kanyang dugo ang pagiging bastarda." Tinakpan ko ang aking mga tenga, para akong nalalason sa boses ng babaeng ito, at isa pa, hindi Armando ang pangalan ni Papa.

"Valentina." Goodness! Stop calling me that snake name!

"I am not Valentina, ako si Elijah and I am not your daughter, You are not my parents! Uuwi na ako! This place is crazy!" Naputol na ang litid ng aking pasensya.

"Nakita mo na? Maging ang kanyang pananalita ay hindi ko maunawaan at natuto na siyang pag taasan ka ng boses! Hindi porque isa na siyang Alfaro ay sa tingin niya ay mas nakatataas na siya sa atin." I am so speechless binalot ng takot ang aking buong sistema. Unti unti akong napaatras habang umiiling.

Alfaro?

Ano nanaman ang kinalaman ng mga Alfaro dito.

Isa akong Dela Fuerte.

"Valentina Hija..." Umagos ng tila walang hanggan ang aking luha.

"Sino kayo? Hindi ko kayo kilala? Nasaan ako? At ano ang kinalaman ng mga Alfaro dito!" Katulad ko ay maging sila ay naguguluhan din.

"Ano ba ang nangyayari sayo?! Kung palabas mo lamang ito sa iyong pag babalat kayo ay mainam na itigil mo na lamang Valentina. Utang na loob wag mo na bigyan ng sama ng loob ang iyong Papá."Napailing siya, mukha pa ba siyang nag bibiro sa lagay na ito.

"Let me out of here! I can pay you, just let me go." Ngayon hindi na maipinta ang kanyang mukha, dahil hindi man siya manalamin alam niyang para na siyang nasisiraan ng bait.

"Valentina! Namumuro ka na!" Another voice boomed in the whole place.

Sino ba si Valentina?!

"Hindi ako si Valentina! Ako si Elijah, hindi ako ang inyong anak! Sino po ba kayo!" Natahimik ang silang lahat kaya mabilis kong pinunasan ang aking luha.

"Marahil ay may kinalaman dito ang naganap na aksidente Doñia, natagpuan na duguan at walang malay ang Senorita malapit sa ilog ilang araw na ang nakakaraan." Siya naman ngayon ang hindi makapag salita. Sa bangin siya nahulog, hindi sa ilog.

Wala sa sarili akong tumakbo sa labas ng tarangkahan, pakiramdam ko mababaliw na ako.

Ano ba ang mga pinag sasabi nila?!

Isa akong bastarda.

Anak sa labas.

May kalaguyo.

May asawang Alfaro.

At higit sa lahat ang nag pakilalang magulang ko.

What the fuck!

Bumuhos ang ulan kasabay ng pag lamat ng kidlat sa langit.

Pamilyar ang ganitong pakiramdam at simoy, tila ako ibinabalik sa panahong kamuntik na akong mamatay.

"Milady..."Unti unti akong napabaling sa nag salita. Tumigil ang mgapatak ng ulan maging ang guhit ng kidlat at ingay sa paligid. Maging ang puno ay tumigil sa sayaw.

"Mang Manuel..." Walang mababakas na ekspresyon sa aming family driver.

"Nasaan po tayo...Umuwi na po tayo..." Umiling lamang ito.

Linabas nito ang orasan at tinapat ito sa aking mukha.

"Naka uwi ka na Hija..." No...

"Nasaan po ako?" Bahagya itong ngumiti.

"Ikaw ay nasa panahon kung saan ipinagkaloob sayo ng bathala." Tila muling umikot ang aking mundo.

"Naway maitama mo ang pagkakamali..." Yun lamang ang aking narunig bago muli gumalaw ang mga bagay sa aking paligid.

Kasabay ng aking pag kabawi ay siyang pag yakap ng dalawang braso sa aking bewang.

"Mamá..." As I look to a child with his mestizo skin, possessing a magnificent blue eyes.

Tumambol ng sobrang bilis ang aking puso.

"Mamá gracias a dios estas despierta." (Mama thank God you're awake)- Umawang ang aking labi.

"Hindi mo ako Ina..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status